Pagbasa at Pagsusuri Filipino 11 Q4 Week2 Mod2 MELC2 Crizzle Aducal Edited Editha Mabanag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Pagbuo ng Pansamantalang
Balangkas

MELC: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaiksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirical, atbp.)
(F11PT – IVcd – 89)

Inihanda ni:

CRIZZLE B. ADUCAL
Guro I
Banna National High School
Filipino – Ikalabing-Isang Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Crizzle B. Aducal
Editor: Catherine T. Antonio
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagasuri sa Wika: Maricon P. Agpoon
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Gracey O. Santiago

Inilimbag sa Pilipinas ng

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
11
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Pagbuo ng Pansamantalang
Balangkas
(Week 2)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Handa ka na ba para sa ating


aralin?
Ang modyul na ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kaisipan mo
tungkol sa pagbuo ng pansamantalang balangkas. Lalong magkakaroon ng
direksyon ang iyong gawain sapagkat bubuo ka ngayon ng pansamantalang
balangkas.
Ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin mo sapagkat
hindi pa ito pinal. Habang dumarami kasi ang nababasa mong sanggunian ay
nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman mo kaya’t maaaring may mabago pa sa
iyong balangkas. Bagama’t hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang
balangkas sa pagbibigay ng direksyon sa iyo.

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. MELC: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng


pananaiksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas
teoretikal, datos empirical, atbp.) (F11PT – IVcd – 89)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin!


Subukin

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA


Panuto: Gamit ang Bubble Map, magtala ng mga salitang mayroong kaugnayan sa
salitang Balangkas.

BALANGKAS

Mga Tala para sa Guro

Ang mga Gawain sa modyul na ito ay kinalailangan nang


masinsinang pang-unawa para masagutan mo ito nang
maayos at tama.
Aralin Pagbuo ng Pansamantalang
1 Balangkas

Balikan

Gawain 2: Panuto: Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinapahayag sa


sumusunod na pahayag at M kung hindi.

1. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang


pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang
Pilipino.
2. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng
mahusay na introduksiyon at katawan subalit hindi na mahalaga ang kongklusyon.
3. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang
mambabasa ng isusulat.
4. Bukod sa mga dakilang layunin ng panananliksik, maraming
kapakinabangan ang mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas.
5. Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.

Tuklasin

Alam Mo Ba?

Ang arkitekto ay bumubuo muna ng plano o blueprint bago simulan ang


konstruksiyon ng isang bahay o gusali. Nakatutulong ito nang Malaki upang sa una
pa lang ay may gabay na siya sa disenyo, itsura, sukat, at maging kulay ng gusaling
itatayo. Kung ang arkitekto ay may plano o blueprint, ang manunulat naman ay may
balangkas. Nakatutulong sa manunulat ang balangkas upang maging maayos o
organisado ang kanyang isusulat mula simula hanggang wakas.
Mababasa sa ibaba ang ilan pa sa mga kahalagahan ng pagbuo muna ng
balangkas bago simulan ang pagsulat.
Higit na nabibigyang-diin ang paksa – Ang paksa ang pinakasentro ng
sulatin kaya naman makatutulong ang pagbuo ng balangkas upang tiyak na
ang lahat ng impormasyong isasama sa sulatin ay sesentro o tutugon sa
paksa.
Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat – Dahil nakaplano na ang bawat
bahagi ng sulatin ay magiging madali para sa manunulat ang magpokus sa
bawat bahagi ng kanyang balangkas.
Nakatutukoy ng ahihinang argumento – Sa pagbabalangkas ay nahahati-
hati ang malalaking ideya. Ang bawat malaking ideya ay nilalagyan pa ng
sumusuportang detalye upang maging matibay na argumento. Sa pagbuo ng
balangkas, agad natutukoy ng manunulat kung alin-aling argumento ang
mahihina dahil halos wala siyang mailagay na detalyeng susuporta rito.
Nakatutulong maiwasan ang writer’s block – Mahirap magsimulang
magsulat kung isang malinis na papel o cursor na kumikindat-kindat sa
malinis na monitor lang ang kaharap para sa isang malaking proyektong
tulad ng sulating pananaliksik. Makatutulong nang Malaki ang balangkas
upang magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan ang
kanyang mga isusulat.

Pansamantalang Balangkas
Ang isang balangkas ay nagsisilbing larawan ng mga pangunahing ideya at
mahahalagang bahagi ng sulatin at kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga
bahaging ito.Gumagawa ng tentatibong balangkas upang maiayos ang mga ideyang
nakuha mula sa mga sanggunian. Mapapadali ang pagsusulat sapagkat nagsisilbing
gabay ang balangkas sa direksiyong patutunguhan ng sulatin.
Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang i-konsidera
ang pagiging maayos ng daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na
ang binuo mong matibay na pahayag ng tesis. Dito ihahanay ang iba pang bahagi o
nilalaman ng iyong balangkas.

Kahalagahan sa Pagbuo ng Tentatibong Balangkas


Bakit kailangang bumuo ng isang tentatibong balangkas?
Nagsisilbing gabay ito sa proseso ng pagsulat.
Nakatutulong ito sa paghahanay ng mga ideya sa loob sa lohikal na ayos.
Nagpapakita ito ng ugnayan ng mga ideya sa loon ng sulatin.
Nakabubuo ng maayos na pangkalahatang pananaw ng sulatin.
Natutukoy ang hangganan ng bawat ideyang nakapaloob sa bawat pangkat.

Paano bumuo ng isang balangkas?


Balikan ang tesis na pahayag upang magabayan ang mananaliksik o
manunulat sa mahalgang impormasyon na kailangan lamang tutukan.
Tukuyin ang inaasahang babasa at gagamit ng resulta ngpananaliksik. Hindi
na kailangang isali ang mga kaisipan o ideya na hindi naman ganap na
mauunawaan ng babasa o makapagdudulot lamang ng kalituhan.
Talakayin nang husto ang paksa ng saliksik. Magpokus sa ideya o paksang
may kinalaman sa nais mong bigyang diin.
Pag-isipang Mabuti ang paksang sinasaliksik. Ilista ang lahat ng ideya na nais
ilakip sa iyong sulatin
Organisahin at pangkatin ang mga ideyang magkakaugnay.
Ayusin at ihanay ang mga materyal mula sa pangkalahatan patungo sa mga
abstraktong konsepto patungo sa konkretong ideya.
Lagyan ng pangunahin at pantulong na kaisipan.

Mga Uri ng Balangkas


Balangkas na Papaksa – Ang mga ideya ay nakahanay sa pamamagitan
lamang ng susing salita o paksa.
Balangkas na Pangungusap – Ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay
nasusulat sa pangungusap.
Balangkas na Talata – Ang balangkas na ipinahahayag sa pamamagitan ng
talataan.

Anyo ng Balangkas
Balangkas na gumagamit ng Titik o Bilang
Gumagamit ito ng panandang numerong Romano para sa pinakamataas na
antas na balangkas, malalaking titik bilang pananda sa susunod na natas,
numerong Arabic para sa ikatlong antas, at maliliit na titik sa ikaapat na
antas

I. Unang pangunahing Ideya


A. Unang suportang ideya ng I
B. Ikalawang suportang ideya ng I
1. Unang suportang ideya ng B
a. Unang suportang ideya ng B.1
b. Ikalawang suportang ideya ng B.1
c. Ikatlong suportang ideya ng B.1
C. Ikatlong suportang ideya ng I
II. Ikalawang Pangunahing Ideya

Balangkas na Decimal
Gumagamit ito ng numerong Arabic bilang pananda sa iba’t ibang antas ng
balangkas.

1. Unang pangunahing Ideya


1.1. Unang suportang ideya ng 1
1.2. Ikalawang suportang ideya ng 1
1.2.1 Unang suportang ideya ng 1.2
1.2.1.1 Unang suportang ideya ng 1.2.1
1.2.1.2 Ikalawang suportang ideya ng 1.2.1
1.2.1.3 Ikatlong suportang ideya ng 1.2.1
1.3. Ikatlong suportang ideya ng I
2. Ikalawang Pangunahing Ideya
Halimbawa ng anyo ng balangkas na gumagamit ng titik o bilang

Ngayon ay alam kong handa ka ng sagutin at gawin ang mga gawain. Simulan
mo na!
Suriin

Gawain 3: Panuto: Basahin ang teksto at bumuo ng balangkas. Pumili sa anyo ng


balangkas kung ano ang gagamitin.
Pagyamanin

Gawain 4: Panuto: Paghambingin ang mga uri ng balangkas at mga katangian nito
gamit ang table sa ibaba.

Uri ng Balangkas Katangian


1.

2.

3.

Isaisip

Gawain 5: Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba.

Paano mo magagamit ang pagbabalangkas sa pagbuo ng isang organisadong


pananaliksik? Magbigay ng limang paraan.

1.

2.

3.

4.

5.
Isagawa

Gawain 6: Panuto: Ayusin sa pabalangkas na paraan ang klastering na ito.


Tayahin

Gawain 7: Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng iyong
kasagutan at isulat ang letra sa iyong papel.

1. Ano ang balangkas?


a. Ito ay nagsisilbing abstrak ng iyong pananaliksik
b. Listahan ng mga paghahanguan na impormasyon na gagamitin sa
pananaliksik
c. Ito ay nagsisilbing larawan ng mga pangunahing ideya tungkol sa paksa
d. Ito ay magsisilbing konklusiyon ng iyong pananaliksik
2. Alin sa mga sumusunod ang uri ng balangkas kung saan may pagkasunod-
sunod ng mga ideya na nakasulat sa pangungusap?
a. Balangkas na Pangungusap c. Balangkas na Talata
b. Balangkas na Papaksa d. Balangkas na Titik
3. Anong anyo ng balangkas ang gumagamit ng numerong Arabic bilang
pananda sa iba’t ibang antas ng balangkas.
a. Balangkas na Decimal c. Balangkas na Talata
b. Balangkas na Papaksa d. Balangkas na Titik
4. Alin sa mga sumusunod na kahalagahan ng pagbuo ng balangkas ang
tumutukoy sa paghahati-hati ng malalaking ideya na kung saan ang bawat
malaking ideya ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye upang maging
matibay ang argumento?
a. Higit na nabibigyang-diin ang paksa
b. Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
c. Nakatutukoy ng amqahihinang argumento
d. Nakatutulong maiwasan ang writer’s block
5. Anong uri ng balangkas kung saan ang ideya ay nakahanay sa pamamagitan
lamang ng susing salita o paksa?
a. Balangkas na Pangungusap c. Balangkas na Talata
b. Balangkas na Papaksa d. Balangkas na Titik
Karagdagang Gawain

Gawain 8: Panuto: Bumuo ng balangkas na sulating magpapakilala sa iyong sarili.


Maaaring hatiin ang balangkas na ito sa introduksyon, katawan, at kongklusiyon.
Ano ang ilalaman mo sa bawat bahagi? Punan ang mga linya.

Pamagat

Introduksiyon:
I.
II.

Katawan:
I.
A.
B.
II.
A.
B.
III.
A.
B.

Konklusyion:
I.
II.

Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang nabuo mong balangkas sa iyong


pagsulat? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Magaling! Natapos mo nang maayos ang mga gawain. Binabati kita.


Susi sa Pagwawasto

Subukin Paunang Pagtataya


Gawain 1 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)
Balikan
Gawain 2
1. T
2. M
3. M
4. T
5. T
Suriin
Gawain 3 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)
Pagyamanin
Gawain 4 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)
Isaisip
Gawain 5 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)
Isagawa
Gawain 6 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)
Tayahin
Gawain 7
1. c
2. a
3. a
4. c
5. b
Karagdagang Gawain
Gawain 8 (Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang maaaring magkakaiba-iba)

RUBRIK
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA PAGBUO NG
BALANGKAS
MGA KRAYTERYA Iskor
Nilalaman 20
Organisasyon o Ayos ng 10
pagkakasulat
Kalinawan, Kaisahan, Kaugnayan, 10
Bisa
Wastong gamit ng mga salita 10
Kabuoan 50
SANGGUNIAN
*Alma M. Dayag et. al. 2019. Pinagyamang Pluma:Pagbas at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Pubishing House Inc.
*https://youtube.com/watch?v=tnBDiFUnB1M&feature=share

*https://www.slideshare.net/mobile/AlbertineDeJuanJr/lesson-exemplar-sa-
filipino-11

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like