Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

3

Science
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Tao: Katangian na
Ipinasa mula sa mga
Magulang hanggang sa mga
Supling
Science–Ikatlong Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan– Modyul 5: Tao: Katangian na Ipinasa mula sa mga
Magulang hanggang sa mga Supling
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.)na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales.Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang ano mang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Development Team of the Module
Writers: Verna C. Pedregosa Rose F. Ogabang
Rey Joy G. Dardo Roland G. Jamio
Editors: Alpha V. Cervo
Reviewers: Blessy Mae M. Cabayao, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Ralph Vincent B. Feller
Layout Artist: Welmer M. Leysa
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director/
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L.Estacio PhD,CESO VI- Assistant Schools Division Superintendent- Officer-In-Charge
Jasmin P. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Lalaine S. J. Manuntag, Ph.D- Chief Education Supervisor, CID
Nelida A. Castillo, Education Program Supervisor, LRMDS
Marichu Jean Dela Cruz, Ph.D.-EPS Science

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.p
3
Science
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Tao: Katangian na Ipinasa mula sa
mga Magulang hanggang sa mga
Supling
Paunang Salita!

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Science 3 Self-Learning Module
para sa araling Makikilala ang mga nakikitang katangian na ipinasa mula sa mga
magulang hanggang sa mga supling.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang guro ng
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng Kto12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang maka-uugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit panghikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Science 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa kung paano makikilala ang mga nakikitang katangian na ipinasa
mula sa mga magulang hanggang sa mga supling.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan:

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito,makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang mai-ugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa ma


patnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang ma proseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


saiyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iii
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Talaan ng mga sanggunian ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain


at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa mga nakikitang


katangian na ipinasa mula sa mga Magulang hanggang sa mga
supling. Ang aralin sa modyul na ito ay binuo gamit ang aktuwal
na mga gawain na naglalayong mapadali ang pagkatuto
habang nililinang ang kaalaman ng mag-aaral, binubuo ang
kasanayan sa proseso, at mapahusay ang performance.
Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang ikaw ay:
Nakakapuna ng Kapansin-pansin na mga Katangian ng mga
Magulang na naipasa sa Kanilang mga Supling.

Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang batang nasa kaliwang bahagi ng larawan ay si Vincent.


kanino niya nakuha ang kanyang tangkad?

a. tatay at tatay
b. nanay
c. tatay
d. wala

2.
Tatay Lola Lito

Anong talento ang nakuha ni Lito sa kanyang Lola?


a. pagluto b. pagsayaw c. pag-awit d. pananahi
1
3.
Tatay Nanay Anak

Ang bilugan na mata ng bata ay namana sa kanyang_______.


a. Nanay b. Tatay c. Lolo d. Wala

4.
Nanay Tatay Anak

Anong pisikal na katangian ang naipasa ng nanay sa kanyang


anak?
a. matuwid na buhok b. kulot na buhok
c. maitim na buhok d. maalon na buhok

5.

Anong kulay ng balat ang naisalin ng ama sa kanyang panganay


na anak?
a. maputi b.kayumanggi c. madilaw d. maitim

2
Aralin Tao: Katangian na Ipinasa
1 mula sa mga Magulang
hanggang sa mga Supling

Ang malusog na magulang ay malamang na magkaroon


ng malulusog na mga anak. Ang isang ina na nagkasakit bago
ang sanggol ipinanganak ay maaaring maipasa ang sakit sa
hindi pa isinilang na sanggol. Ipinapakita nito na ang
pagmamana (heredity) ay isa sa mga sanhi ng hindi magandang
kalusugan.
Pagmamana (heredity) ay nangangahulugang pagpasa ng
isang tiyak na katangian (characteristics) mula sa mga magulang
patungo sa kanyang mga anak.

Balikan

Panuto: Suriin ang mga larawan. Lagyan ng tsek ( ) kung ang


bagay ay may buhay at ekis ( )kung walang buhay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

Mga Tala para sa Guro


Sa araling ito, ating bigyan ng tamang panahon ang mga
mag-aaral na makapag-isip, makapagtala at makapagsubok ng
kanilang kakayahan upang maisabuhay ang kanilang natutunan.

3
Tuklasin

Kumuha ng larawan ng iyong pamilya at pagmasdan kung


anong katangian ang naipamana sa iyo. Sa sagutang papel
Isulat sa tapat ng iyong kapamilya ang katangiang namana
mo sa kanila.
Miyembro Kulay ng Espesyal na
Ilong Mata Tindig
ng pamilya Balat Talento
Tatay
Nanay
Lolo
Lola

Suriin

Ang mga katangian ng mga magulang ay


ipinapasa sa kanilang mga anak. Ito ay tinatawag na
pagmamana o heredity.
Ang pagmamana (heredity) ay tumutukoy sa pagpasa ng
mga kadahilanan ng genetiko mula samga magulang hanggang
sa supling mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod pang
henerasyon
Ang genes ay bahagi ng isang DNA na nagdadala ng
impormasyon para sa tiyak na katangian ng isang tao.
Ang DNA o Deoxyribonucleic Acid ay mahabang Molekyul
na naglalaman ng iyong natatanging genetic code. Katulad
isang libro ng resipe na hinahawakan nito ang mga tagubilin mula
sa paggawa ng lahat ng mga protina sa ating mga katawan.
4
Ang mga genes ay makakaimpluwensya sa iyong paglaki at
pag-unlad. Maaari kang lumaki at tumangkad, maaari kang
magkaroon ng mga katangian ng iyong mga magulang.
Naiimpluwensyahan ng mga gene ang lakas ng iyong
katawan at iyong katalinuhan.

Pagyamanin

Ang Pamilya Lozada


Si Mang Kanor ang haligi ng tahanan na isang sikat na
manunulat. Siya ay may payat na pangangatawan at tuwid na
buhok.
Si Marieta naman ay ang ilaw ng tahanan na isang guro at
may kulot na buhok na may angking talento sa pag-awit at
pagsasayaw.
Sila ay may tatlong anak na sina Ana na may kulot na buhok
at magaling na manunulat at sumayaw. Ang pangalawang anak
na si Bitoy ay payat at magaling na manunulat sa paaralan. Si
Pam naman ang bunso na may mapupulang pisngi at matangos
na ilong na nakuha niya sa kanyang Lola Mila.

Gawain A
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kanino ni Pam namana ang mapupulang pisngi?
a. Mang Kanor b. Bitoy c. Lola Mila d. Marieta
2. Anong talento ang namana ni Bitoy kay Mang Kanor?
a. pagsulat b. pag-awit c. pagluto d. pagsayaw
3. Anong uri ng buhok ang naipasa ni Marieta kay Ana?
a. makapal b. kulot c. manipis d. tuwid
4. Ang pagsasayaw ay nakuha ni Ana kay ________.
a. Lola Mila b. Marieta c. Bitoy d. Pam
5. Ang pagiging payat ni Bitoy ay naisalin sa kanya ni ________.
a. Mang Kanor b. Lola Mila c. Marieta d. Ana
5
Isaisip

May mga katangiang pisikal na namamana sa ating mga


magulang sa kapanganakan.
Ang ilang katangiang pisikal ay ibinahagi sa loob ng isang
pamilya o sa loob ng parehong etniko( kulay ng mata, uri ng
buhok, kulay ng balat, hugis ng ilong, mata at bibig.)

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ang


pangungusap ay Totoo at HT kung ang pangungusap naman ay
Hindi Totoo.

__________ 1. Kung ang isang magulang ay matangkad at ang isa


ay pandak, ang mga bata ay maaaring matangkad o
pandak.
__________ 2. Ang isang bata ay maaaring lumaki at umunlad
tulad ng kanilang mga magulang.
__________3. Lahat ng mga bata ay kamukha ng kanyang mga
magulang.
__________4. Ang isang bata ay maaaring kamukha ng kanyang
lolo.
__________5. Namana natin ang iba’t ibang mga ugali at hitsura
mula sa ating mga magulang.

6
Isagawa

Panuto: Pag-aralan ng mabuti ang larawan ng Pamilya Zaragosa.


Hanapin sa larawan ang tamang sagot at isulat sa kuwaderno.

________1. Kanino namana ni Vincent ang kulay ng kanyang


balat?
________ 2. Anong pisikal na anyo ni Dave ang namana sa
kanyang ama?
________ 3. Sino sa dalawang bata ang nakakuha ng
makapal na buhok ni Nanay?
________ 4. Si Nanay ay may malatsinitang mata, sino sa
dalawang bata ang nakakuha nito?
________ 5. Si Vincent ay may malapad na noo, kanino niya
ito nakuha?

7
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik


ng tamang sagot sa sagutang papel.

1.

Nanay Tatay Anak


Anong pisikal na katangian ang naipasa ng nanay sa
kanyang anak?
a.maalon na buhok b. kulot na buhok
c. maitim na buhok d. matuwid na buhok

2. Ang batang nasa gitna ay si Tony.


Kanino niya nakuha ang kanyang
tangkad.
a. tatay b. nanay
c. tatay at nanay d. wala

3.

Lola Nanay Anak


Anong talento ang nakuha ni Abner sa kanyang lola?
a. pagluluto b. pag-awit c. pananahi d.pagsayaw

8
4.

Kanino nagmana ng kulay ng balat ang mga supling?


a. tatay b. nanay c. lolo d. lola

5.

Tatay Nanay Anak

Ang bilugin na mata ay namana ng anak sa kanyang __________.


a. tatay at nanay b. tatay c. nanay d. wala

Karagdagang Gawain

Sa loob ng kahon, isulat ang mga katangian na namana mo


sa iyong nanay at tatay.

Tatay Nanay

9
10
BALIKAN TAYAHIN ISAGAWA
1. 1. B 1. Nanay
2. A 2. Kulay ng balat
2.
3. D 3. Dave
3.
4. A 4. Dave
4.
5. C 5. Tatay
5.
6.
ISAISIP PAGYAMANIN SURIIN
1. T 1. C
2. T 2. A 1-5 Answers may vary
3. HT 3. B
4. T 4. B
5. T 5. A
TUKLASIN SUBUKIN
1. C
1-5 Answers may vary 2. B
3. A
4. B
5. D
Answer Key
Sanggunian

Balagtas, M. et. al., 1999. Growing with Science and Health 3.


Quezon City, Philippines: Rex Printing Company, Inc., pp. 50-52.

Sacatropes, A. et.al., 2015. Scienec 3 Teacher’s Guide. Pasig City,


Philippines: Bloomers Inc., pp. 106-108.

Sacatropes, A. et.al., 2015. Science 3 Kagamitan ng mag-aaral.


Pasig City, Philippines: bloomers Inc., pp. 96-97

11
.

PAHATID-LIHAM:
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like