Science 3 Quarter 2 Module 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

3

Science
Ikalawang Markahan– Modyul 2:
Iba’t Ibang Uri ng Tirahan ng
mga Hayop at mga Bahagi
ng Katawan ng Hayop
Agham – 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Iba’t Ibang Uri ng Tirahan ng mga Hayop at
Unang Edisyon, 2020 mga Bahagi ng Katawan ng Hayop
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writers:
Rizel B. Natividad Eufresina A. Juanitez Sheila C. Intepido
Ma. Paz L. Mayuga Mary Ann G. Dimson Irene Joy A. Lamentac
Emma V. Reymunde Eunice F. Parame Jay-Ann M. Dohino
Katherin Jane A. Calibang Donna C. Castulo Mylen D. Laud
Froilan Mark C. Sollidarios Cyrill D. Montibon Olive Chris S. Carros
Editor: Alpha V. Cerbo
Reviewer: Blessy Mae M. Cabayao, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Tracy Joy D. Palmares
Layout Artist: Welmer M. Leysa
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Atty. Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI- OIC- Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, Science and ADM
Lalaine SJ. Manuntag, PhD – Chief, CID
Nelida S. Castillo, PhD - EPS, LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz – EPS, Science

Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Science
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang Uri ng Tirahan ng mga
Hayop at mga Bahagi ng Katawan
ng Hayop
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham 3 ng Self- Learning Module (SLM)


Modyul para sa araling Iba’t Ibang Uri ng Tahanan Ng Mga Hayop at mga Bahagi
ng Katawan ng Hayop.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham 3 ng Self Learning Module (SLM) ukol sa

Iba’t ibang Uri ng Tirahan Ng Mga Hayop at mga Bahagi ng Katawan ng Hayop

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

This module has the following parts and corresponding icons:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Magandang araw sa inyo aming mag-aaral!


Ang modyul na ito ay isinulat upang makilala mo ang mga
hayop na makikita sa iyong kapaligiran, kanilang tirahan at ang
kanilang mga kakaibang katangian. Tulong ng iba’t ibang gawain
ay mas maiintidihan ang katangian ng mga hayop at magkaroon
ng pagpapahalaga sa kanila.

Ang modyul na ito ay nahahati sa limang aralin. Ito ay ang


sumusunod:

 Aralin 1 – Iba’t ibang Uri ng Tirahan Ng Mga Hayop at Ang


Mga Hayop sa Ating Komunidad
 Aralin 2 – Ang Hayop na Nakatira sa Lupa
 Aralin 3- Ang Mga Hayop na Nakatira sa Lupa, Tubig,
at Punongkahoy
 Aralin 4 – Mga Panlabas na Bahagi ng Katawan ng mga
Hayop
 Aralin 5 – Mga Panlabas na Bahagi ng Katawan ng mga
Hayop at Gamit Nito

Mahalagang Pamantayan Pangnilalaman:


Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Nailalarawan ang mga hayop at ang kanilang tinitirhan.


(S3LT-IIc-d-3)

2. Nakikilala ang mga bahagi ng katawan ng hayop. (S3LT-IIc-


d- 4)

1
Subukin

Bago natin simulan ang ating aralin, sagutan ang mga


sumusunod na pangungusap ayon sa inyong nalalaman.

1. Alin sa mga sumusunod na hayop ang karaniwang makikita


sa ating komunidad?
A. tigre B. usa C. manok D. oso

2. Alin sa mga sumusunod na hayop ang nakatira sa lupa?


A. ibon B. aso C. isda D. pusit

3. Alin sa mga sumusunod na hayop ang may kakayahang


tumira sa tubig at lupa?
A. pagong B. aso C. lobo D. dolpin

4. Bakit may hasang ang mga isda?


A. ito ay nakatutulong sa mga isda upang makalangoy ng
maayos
B. ito ay nakatutulong upang magandang tingnan ang mga
isda
C. ito ay nakatutulong upang ang mga isda ay makahinga
sa tubig
5. Paano nakatutulong ang balahibo ng mga aso at pusa sa
kanila?
A. upang maprotektahan at pananggalang sa tag-init at
tag-lamig na panahon
B. upang maganda silang tingnan
C. upang maging kaakit akit sila sa ibang mga hayop

2
Aralin Iba’t ibang Uri ng Tirahan ng
1 mga Hayop at ang mga
Hayop sa ating Komunidad
Maraming uri ng hayop ang makikita sa ating paligid.
Nakakasama natin sila araw-araw. Mayroong malalaki at malilit.
Marami sa kanila ang makikita sa ating mga komunidad ngunit
marami din sa kanila ang maiilap. Katulad ng mga tao, ang mga
hayop ay may mga pangangailangan. Isa sa mga ito ang
tirahan. Sa araling ito, makikilala ang iba’t ibang uri ng mga
tirahan ng mga hayop at ang mga karaniwang hayop na makikita
sa ating komunidad.

Balikan

Tingnan ang larawan at kilalanin ang mga bahagi nito.


Isulat sa patlang ang iyong sagot.

____________1. 3.

____________2. 4.____________

Mga Tala para sa Guro


Sa araling ito, ating bigyan ng tamang panahon ang mga
mag-aaral na makapag-isip, makapagtala at makapagsubok ng
kanilang kakayahan upang maisabuhay ang kanilang natutunan.

3
Tuklasin

Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga pangalan ng


hayop.
1. asup - ___________________ 4. makno - __________________
2. makgnib- ________________ 5. alkawab - ________________
3. kaba - ________________

Suriin

Ang bawat hayop ay may kanya-kanyang tirahan tulad ng


pusa, kambing, baka, manok at kalabaw. Dito sila nabubuhay at
kumukuha ng pagkain. Nakakatulong ang mga tirahang ito upang
mapanatili silang ligtas laban sa mga bagay, hayop o taong
maaaring magdulot sa kanila ng kapahamakan.
Magkakaiba ang mga tirahan ng mga hayop. Maaaring sila
ay nakatira sa lupa, tubig, o punongkahoy. May mga hayop ding
may kakayahang tumira sa lupa at tubig.

Uri ng mga Tirahan ng mga Hayop

Lupa Tubig Punongkahoy Lupa at Tubig

Ating iisa-isahin ang mga ito. Ngunit sa ngayon ating kilalanin


ang mga nakatira sa lupa.
Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay nahahati sa dalawa:
may mga nakatira sa ating komunidad at may mga nakatira
naman sa kagubatan

A. Ang mga hayop na nakatira sa ating komunidad ay maaring


makita sa ating tahanan o sa mga o bukirin. Ang mga hayop na
ito ay maaring ating mga alaga at katuwang natin sa mga

4
mabibigat na gawain. Nagbibigay din sila ng atin ng mga
pangangailangan tulad ng pagkain.
Ang mga halimbawa ng mga ito ay ang mga sumsunod:

aso pusa manok

aso

kambing kalabaw baka

kalabaw
kabayo gansa pato

Pagyamanin

Gawain 1: Lagyan ng tsek () sa patlang kung ang hayop ay


makikita sa ating komunidad at ekis (X)naman kung hindi.
___________1. tigre ___________ 4. elepante
___________2. kabayo ____________5. baboy ramo
___________3. pato

5
Isaisip

Ano anong mga hayop ang makikita ninyo sa inyong


komunidad? Bakit may kanya-kanya silang tirahan?
Saan-saang lugar nakatira ang mga hayop sa ating
komunidad?

Isagawa

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.


Tukuyin at isulat kung anong hayop ang inilalarawan.
______________1. Ako ay nagbabantay ng inyong bahay.
Sino ako?
______________2. Tumutulong ako sa mga magsasaka sa
pagbubungkal ng lupa. Sino ako?
______________3. Nanghuhuli ako ng daga sa loob ng bahay.
Sino ako?
______________4. Nagbibigay ako ng itlog na iyong paboritong
gawing ulam sa almusal. Sino ako?
______________5. Nagbibigay ako ng gatas para iyong buto ay
tumibay at ikaw ay lumakas. Sino ako?

6
Aralin
Ang Mga Hayop na Nakatira
2 sa Lupa

Sa mundong ito, may nakalaang lugar sa bawat nilalang.


Ang mga hayop ay makikita natin sa ibat ibang lugar kung saan
saan sila nakatira. Sa aralin 1, ating nalaman ang mga uri ng
tirahan ng mga hayop at ang iba’t ibang hayop na nakatira sa
ating mga komunidad.
Sa aralin namang ito, ating tutuklasin ang iba’t ibang uri ng
mga hayop na nakatira sa kagubatan.

Balikan

Kilalanin ang hayop na nasa larawan at lagyan ng tsek (/)


ang kahon nito kung ito ay karaniwang makikita sa ating
komunidad.

7
Tuklasin

Tingnan ang larawan. Alamin kung anong uri ng tirahan ito.


Iguhit sa loob ng kahon ang dalawang hayop na maaring
makitang nakatira dito.

Suriin

Maliban sa ating komunidad, may mga hayop ding nakatira


sa lupa na makikita sa mga kagubatan. Kadalasan ang mga
hayop na ito ay maiilap kumpara sa mga hayop na makikita sa
ating komunidad.

8
Ito ang halimbawa ng mga hayop na makikita sa kagubatan.

unggoy bayawak usa

mamag (tarsier) ahas

Pagyamanin

Gawain 1: Suriing mabuti ang puzzle. Bilugan ang limang


pangalan ng hayop na nakatira sa lupa.
c a h a s m g B
e l m n l n r A
u n g g o y a K
w u b r b w g A
y c a s o d a y

Gawain 2: Isulat ang mga hayop na inyong nabilugan sa


Gawain 1 sa hanay kung saan sila nakatira.
MGA HAYOP NA NAKATIRA SA LUPA
Nakatira sa komunidad Nakatira sa kagubatan

9
Isaisip

Ano-ano ang dalawang tinitirhan ng mga hayop na makikita


sa lupa? Ano-anong mga hayop ang nakatira sa kagubatan?

Isagawa

Gawain 1: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang hayop ay


nakatira sa kagubatan at ekis (X) naman kung hindi.

___________1. usa ___________ 4. bayawak


___________2. manok ___________ 5. bibe
___________3. unggoy

Karagdagang Gawain

Iguhit ang iyong paboritong hayop na nakatira sa lupa at ang


tinitirhan nito.

10
Aralin Ang mga Hayop na Nakatira sa

3 Tubig, Lupa at Tubig at


Punongkahoy
Maliban sa lupa, mayroon pang ibang tirahan ang mga
hayop. Ito ang tubig at punongkahoy. May mga hayop din na
may kakayahang tumira sa parehong tubig at lupa. Sa mga
nakaraang aralin, ating nakilala ang mga hayop na nakatira sa
lupa. Sa araling ito, ating kikilalanin ang mga hayop na nakatira
sa tubig, punongkahoy at mga hayop na may kakayahang
tumira sa tubig at lupa.

Balikan

Lagyan ng kahon ang mga pangalan ng mga hayop na hindi


nakatira sa lupa.

kalapati isda baka

ibon kambing

Tuklasin

Iguhit sa katapat na kahon ang lugar na tinitirhan ng mga


sumusunod na hayop.
1. balyena 2. maya

11
Suriin

Maraming hayop din ang makikita nating nakatira sa tubig,


punongkahoy at may mga hayop naman na may kakayahang
tumira sa lupa at tubig.
Ang tubig ay isa ring tirahan ng mga hayop. Ang mga anyong-
tubig na mga ito ay maaaring sapa, ilog, dagat o karagatan. Ang
mga halimbawa ng mga hayop na ito ay:

hito
bangus tilapya

alimango pusit hipon

May mga hayop din na may kakayahang tumira sa tubig at


lupa. Ito ay mga:

buwaya pagong
palaka

12
Mga hayop na nakatira sa punongkahoy. Karaniwang ang
mga hayop na ito ay may pakpak at lumilipad. Ang mga
halimbawa ng mga ito ay:

agila maya kwago

Pagyamanin

Gawain 1: Tukuyin kung saan nakatira ang mga sumusunod na


hayop. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik
nito sa patlang. Maaring ulitin ang mga titik sa iyong pagsagot.

A. tubig B. punongkahoy C. tubig at lupa

_________1. maya _________4. dikya


_________2. agila _________5. tilapya
_________3. pawikan

Gawain 2: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap sa


pamamagitan ng paglalagay ng tamang tirahan ng mga
nabanggit na hayop.
1. Ang palaka ay nakatira sa ____________________________.
2. Ang uwak ay nakatira sa ______________________________.
3. Ang dolpin ay nakatira sa ____________________________.
4. Ang bangus ay nakatira sa ___________________________.
5. Ang agila ay nakatira sa _____________________________.

13
Isaisip

Maliban sa lupa, ano ano ang ibang tirahan ng mga hayop?

Isagawa

Pangkatin ang mga hayop ayon sa kanilang tirahan. Isulat


ito sa kahong kinabibilangan.

pusit kalapati pagong kuwago tilapya

TIRAHAN

TUBIG LUPA AT TUBIG PUNONGKAHOY

14
Aralin Mga Panlabas na Bahagi ng
4 Katawan ng mga Hayop

May iba’t ibang klase ng hayop sa ating paligid. Ang bawat


hayop ay may iba’t ibang bahagi ng katawan na ginagamit
upang sila ay mabuhay.
Sa aralin na ito, ang bawat isa ay inaasahang nakikilala ang
mga panlabas na bahagi ng katawan ng mga hayop.

Balikan

Ang mga hayop ay may iba’t ibang tirahan. Kilalanin ang


mga hayop kung saan sila nakatira. Isulat ang pangalan ng mga
hayop sa angkop na talahanayan sa ibaba.

pagong hipon kalabaw dikya aso


palaka manok buwaya isda

Mga hayop na Mga hayop na Mga hayop na nakatira


nakatira sa lupa nakatira sa tubig sa lupa at tubig
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

15
Tuklasin

Mga bata tara maglaro tayo. Kilalanin kung anong


bahagi ng katawan ng hayop ang nabilugan at
ulo buntot isulat ito sa ibaba ng larawan

Suriin

Halos lahat ng mga hayop ay pare pareho ang mga


pangunahing panlabas na bahagi ng katawan tulad ng ulo,
katawan at paa. Maliban na nalang kung magkaiba sila ng tirahan
(habitat).

buntot
A. Aso
ulo

paa katawan

katawan
palikpik
B. Isda ulo

hasang buntot

16
pakpak
katawan
C. Ibon tuka

buntot
ulo
paa

Pagyamanin

Ngayon ating alamin ang inyong natutunan sa ating aralin.


Isulat ang mga bahagi ng katawan ng hayop.

paa ulo katawan buntot sungay

Isaisip
Ang mga hayop ay may iba’t ibang panlabas na bahagi ng
katawan:
1. Ano ano ang tatlong pangunahing panlabas na bahagi ng
katawan ng hayop?
2. Maliban dito, ano pa ang iba pang bahagi ng katawan
nito?

17
Isagawa

Kilalanin ang mga bahagi ng katawan ng hayop sa loob ng


kahon. Pag-ugnayin ang larawan sa pangalan nito.

1. ulo

2. sungay

3. pakpak

4. buntot

5. paa

18
Mga Panlabas na Bahagi ng
Aralin
Katawan ng mga Hayop at Gamit
5
Nito

Sa modyul na ito, ang bawat isa ay inaasahang natutukoy


ang mga panlabas na bahagi ng katawan ng mga hayop at
gamit nito.

Balikan

Sa inyong nagkaraang aralin, napag-aralan ninyo ang mga


panlabas na bahagi ng katawan ng mga hayop.
Ngayon kilalanin ang larawan sa loob ng kahon. Bilugan ang
tamang sagot.

1. Paa Palikpik Buntot

2. Pakpak Buntot Tuka

3. Larawan ng Palikpik Katawan Pakpak


pakpak ng ibon

4. Larawan ng Katawan Pakpak Tuka


katawan ahas

5. Buntot Paa Palikpik

19
Tuklasin

Ang mga hayop na ito ay makikita natin sa paligid. Tuklasin


kung paano ginagamit ng mga hayop na ito ang kani – kanilang
panlabas na bahagi ng katawan. Piliin ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Paggapang Paglakad/Pagtakbo Paglipad


Paglangoy Paglundag/Pagtalon Pagkuha ng pagkain

Hayop Bahagi ng Katawan Gamit Nito


1. Manok Tuka
2. Isda Palikpik, buntot
3. Kalabaw Apat na paa
4. Maya Pakpak

5. Ahas/Uod
Katawan

Suriin

Ang mga panlabas na bahagi ng katawan ng mga hayop


ay may malaking tulong sa kanila upang sila ay mabuhay at
maging kapaki – pakinabang sa atin.
Palikpik at buntot. Ito ay gamit ng mga isda sa
paglangoy upang makahanap ng pagkain at
makapunta sa ligtas na lugar.
20
Paa. Ito ay gamit ng mga hayop kagaya ng
kalabaw, aso, kambing, kabayo, baka, pusa at iba
pang hayop na may apat na paa sa paglakad,
pagtakbo, pagtalon at maging sa pagtulong sa atin
sa bukirin o sa oras ng pangangailangan.
Pakpak. Ito ay gamit ng mga ibon at iba pang mga
hayop na lumilipad upang makahanap ng pagkain
at ligtas na lugar.
Katawan. Ito ay gamit ng mga hayop na
gumagapang katulad ng ahas, uod at iba pang
hayop.
Tuka. Ito ay gamit ng mga hayop tulad ng manok,
ibon, bibe, gansa at pabo sa pagkain.

Pagyamanin

Ngayon natin subukanang iyong kakayahan saaraling ito.


Gawain: Punan ang patlang ng angkop na salita.
1. Ako ay isang ibon.
Ako ay may pakpak.
Gamit ko ito sa __________________________.
2. Ako ay isang ahas.
Larawan ng
Ahas
Ako ay may katawan.
Gamit ko ito sa __________________________.
3. Ako ay isang baka.
Larawan ng
Baka Ako ay may mga paa.
Gamit ko ito sa __________________________.

21
4. Ako ay isang isda.
Ako ay may palikpik at buntot.
Larawan ng Isda Gamit ko ito sa __________________________.
5. Ako ay isang agila.
Ako ay may tuka.
Larawan ng Agila Gamit ko ito sa __________________________.

Isaisip

Upang lalo pa nating mapalawak ang iyong kaalaman,


sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Mahalaga ba ang mga gamit ng panlabas na bahagi ng
katawan ng mga hayop?
2. Paano ito makakatulong sa kanilang pang araw – araw na
pamumuhay?

Isagawa

Subukin natin ang inyong kaalaman tungkol sa mga panlabas


na bahagi ng mga hayop sa pamamagitan ng ng bugtung–
bugtungan. Simulan na natin!
1. Ako ay isang ibon. Ako ay may pakpak gamit ko sa ___________.
2. Ako ay isang kabayo. Ako ay may apat na paa gamit ko sa
________________.
3. Ako ay isang isda. Ako ay may palikpik at buntot gamit ko sa
________________.

22
4. Ako ay isang uod. Ako ay may katawan na ginagamit sa
_________________.
5. Ako ay isang bibe. Ako may tuka gamit ko sa _______________.

Karagdagang Gawain

1. Isulat sa loob ng kahon ang mga hayop na makikita sa


paligid ayon sa gamit ng kani-kanilang panlabas na
bahagi ng katawan.
Lumakad/
Lumalangoy Lumilipad Gumagapang Tumutuka
Tumatakbo

23
24
Subukin
Aralin 2 Aralin 3 Aralin 4
1. C
2. B
3. A Tuklasin
Balikan Balikan 1. ulo
4. C Ang mga sumusunod Ang mga hayop may
5. A 2. palikpik
ang may mga tsek (/) kahon: kalapati, isda,
Aralin 1 3. katawan
ibon
Tuklasin  kambing, manok at
1. pusa pusa Tuklasin Pagyamanin
2. kambing 1. guhit ng 1. paa
3. baka Pagyamanin tubig/dagat 2. ulo
4. manok 2. guhit ng 3. katawan
Gawain 1 punongkahoy 4. buntot
5. kalabaw Ang mga nasa loob ng
Pagyamanin 5. sungay
bilog. Pagyamanin 6. pakpak
Gawain 1:
- - aso, unggoy, ahas, Gawain 1
1. X
lobo at baka 1. B Isagawa
2. 
- 2. B
3.  1. pakpak
- Gawain 2 3. C
4. X 2. sungay
- Komunidad 4. A
5. X 3. buntot
- - aso, baboy 5. A
Gawain 2: 4. paa
- Kagubatan Gawain 2
Mga Maaring sagot: 5. ulo
- - unggoy, lobo, ahas 1. lupa at tubig
kabayo, kambing,
- 2. punongkahoy
baka, pato, manok,
- Isagawa 3. tubig
baboy
- 1. / 4. tubig
Isagawa
- 2. X 5. punongkahoy
1. aso
- 3. /
2. kalabaw
- 4. / Isagawa
3. pusa
- 5. X TUBIG- pusit, tilapya
4. manok/ bibe/ pato
- LUPA AT TUBIG-
5. kambing o baka
pagong
PUNONGKAHOY-
kwago, kalapati
Isagawa Pagyamanin Aralin 5
1. Paglipad 1. Paglipad Tuklasin
2. Paglakad 2. Paggapang 1. Pagkuha ng
3. Paglangoy 3. Paglakad pagkain
4. Paggapang 4. Paglangoy 2. Paglangoy
5. Pagkuha ng 3. Paglakad/pagtakb
5. Pagtuka
pagkain o
4. Paglipad
5. Paggapang
Pagwawasto
Susi ng
Sanggunian
Coronel, Carmelita C., and Norma M. Abracia, Ed.D. 2000. Science and Health 3
Textbook for Grade 3. Sta. Mesa Heights, Quezon City: SD Publication, Inc.
BEAM 3,UNIT 2, Distance learning module, DLP 19

25
PAHATID-LIHAM:
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like