Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

MATERYAL

PAMPROMOSYON
Materyal Pampromosyon

ay tumutukoy sa mga materyales o kasangkapan


na ginagamit sa mga promo ng produkto at
espesyal na serbisyo.
Ang promosyon o promo naman ay isang
espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng
negosyo.
KATANGIAN
KAATANGIAN

1.Tiyak at direkta ang pagbibigay ng impormasyon.


2.Mapangumbinsi sa tulong ng disenyo, tugon sa
pangangailangan at katanungan.
3.Naglalaman ng mapangumbensing salita para maging
interesado ang mambabasa subalit makatotohanan.
4.May kontak at logo upang matawagan at makipag-
ugnayan.
5.May paunang tanong para makuha ng interes ng
mambabasa at may sagot sa mga tanong
LAYUNIN
LAYUNIN

1.Magpabatid ng mga espesyal na serbisyo at mababang


presyo sa itinakdang panahon.
2.Mag-alok ng magandang oportunidad kaugnay sa
produkto at serbisyo gaya ng pagbaba ng presyo,
pagbibigay ng mga diskwento, na hindi makukuha ng
mamimili sa karaniwang panahon.
3.Mangumbensi sa mga bagong suki o tagapagtangkilik ng
isang produkto at serbisyo.
LAYUNIN

4.Magpakilala sa imahe o brand ng isang kompanya.


5.Mag-ugnay sa mamimili at ng kompanya.
6.Makabuo ng magandang relasyon sa mga dati ng
suki.
ANYO O URI NG
MATERYAL
PAMPROMOSYON
Anyo o Uri ng Materyal Pampromosyon
Flyers
 Ang flyers ay isang medyo murang
paraan ng advertising at inilaan para
sa pamamahagi ng masa. Ang mga ito
ay ginawa sa isang solong papel at
may posibilidad na ipaalam o
itaguyod ang mas tiyak na
impormasyon tulad ng pagbebenta,
espesyal na pag-promote o bagong
serbisyo / produkto.
Anyo o Uri ng Materyal Pampromosyon
Mga poster
 Ang mga poster ay magandang
dinisenyo ng mga piraso na nagpo-
promote ng isang tukoy na produkto,
serbisyo o kaganapan. Maaari silang
mag-iba malaki sa laki, hugis at
estilo; na nagbibigay ng mas
maraming o kaunting impormasyong
nais.
Anyo o Uri ng Materyal Pampromosyon
Mga polyeto (brochure)
 Ang mga polyeto ay ginagamit
upang ipakilala ang mga produkto o
serbisyo ng isang kompanya sa
kanilang target na madla at mga
potensyal na customer. Maaari silang
idisenyo upang magkasya sa isang
nakatiklop na sheet o bilang isang
maliit na buklet.
Anyo o Uri ng Materyal Pampromosyon
Leaflets/ booklet/ pamphlet
 Ito ay isang uri ng promo
materyals na mas komprehensibo at
malawak ang nilalaman nito kaysa
flyers. Karaniwang nabubuo ito mula
sa mga nagsisimulang magnegosyo o
maaaring sa isang kompanyang
nagbibigay ng pangkamalayan sa
itinampok na adbokasiya o
kaganapan.
Iba pang materyals na nagbibigay ng promo o
promosyon.

 Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at


imahen ng kompanya habang iniaakma ang mga gawain
sa target market.
 Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin.
Magsagawa ng testing sa partikular na mga materyal
hanggang maging matagumpay sa materyal na
pinakatanggap ng mga konsyumer at pinakamalapit ang
representasyon sa kompanya.
Iba pang materyals na nagbibigay ng promo o
promosyon.

 Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng


promosyong isinasagawa. Ang tema ay nagsisilbing
inspirasyon sa pagbuo ng mga ilalapat na salita at disenyo
sa material na pampromosyon.
 Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga
mamimili ang produkto o serbisyong iniaalok. Isaalang-
alang ang kanilang mga nais at ang kanilang mga
pangangailangan.
Iba pang materyals na nagbibigay ng promo o
promosyon.

 Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa


mga pasulat na patalastas. Nilalayuan ng kostumer ang
mga nag-aalok ng serbisyo nang may eksaherasyon at
hindi beripikadong nilalaman. Ilarawan lamang kung ano
ang kayang gawin ng produkto.
 Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propesyonal
kaugnay sa gagawing materyal pampromosyon.
Makatutulong ang pagiging bukas sa konstruktibong
kritisismo upang mapaunlad ang paglikha ng mabisang
promosyonal na material.

You might also like