Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Alamat ng

Pilipinas
Noong unang
panahon ay wala pang
tinatawag na bansang
Pilipinas. Mayroon
lamang maliliit na mga
pulo. Noong hindi pa
rin ito bahagi ng
mundo ay may
nakatira ditong isang
higante.
Ang kweba nya ay
nasa kalagitnaan ng
Dagat Pasipiko.
Kasama niyang
naninirahan ang
kanyang tatlong anak
na babae na sina
Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw
kinakailangang umalis
ng amang higante
upang mangaso sa
kabilang pulo.
Kailangang maiwan
ang tatlong
magkakapatid kaya
pinag sabihan niya
ang tatlo.
“Huwag kayong
lumabas ng ating
kweba,” ang bilin ng
ama. “Dyan lamang
kayo sa loob dahil
may mga panganib sa
labas. Hintayin ninyo
ako sa loob ng
kweba.”
Nang makaalis na ang
amang higante,
naglinis ng kweba ang
magkakapatid. Inayos
nila itong mabuti para
masiyahan ang
kanilang ama.
Subalit hindi nila
katulong sa paggawa
si Minda. Hindi ito
masunurin sa ama.
Lumabas pala si
Minda at namasyal sa
may dagat. Hindi man
lamang nagsabi sa
mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda
na naglalaro ng mga
along nanggagaling sa
dagat. Namasyal sya
at hindi nya napansin
na malayo na pala sya
sa tabi ng dagat.
Habang sya ay
naglalakad, isang
napakalaking alon na
masasabing
dambuhala ang
lumamon kay Minda.
Nagsisigaw sya
habang tinatangay ng
malaking alon sa gitna
dagat.
“Tulungan ninyo ako!”
sigaw ni Minda.
Narinig nina Lus at
Bisaya ang sigaw ni
Minda. Abot ang sigaw
sa loob ng kweba
kaya tumigil sa
paggawa ang dalawa.
“Si Minda humihingi
ng tulong!” sabi ni Lus
na nanlalaki ang mga
mata sa pagkagulat.
“Oo nga! Halika na!”
yaya ni Bisaya. “Bakit
kaya?”
Mabilis silang tumakbo
sa may dagat. Tingin
dito, tingin doon.
Nakita nila sisinghap-
singhap sa tubig ang
kapatid.
“Hayon sa malayo!”
sigaw sabay turo ni
Lus.
“Hindi marunong
lumangoy si Minda
ah!” sabi ni Bisaya at
tumakbo na naman
ang dalawa. Sabay
iyak ni Lus.
Mabilis nilang nilusong
si Minda, malalim pala
doon. Inabot nila ang
kamay nila sa kapatid.
Pati sila ay nadala ng
dambuhalang alon.
Kawag, sipa, taas ng
kamay, iyak sigaw at
walang tigil na kawag.
Sa kasamaang palad
ang tatlong dalagang
higante ay hindi na
nakaahon.
Nang dumating ang
amang higante
nagtataka siya bakit
walang sumalubong
sa kanya. Dati-rati ay
nakasigaw na sa tuwa
ang tatlo nyang anak
kung dumating sya.
Wala ang tatlo sa
kweba, ni isa ay wala
roon.
“Saan kaya nagtungo
ang tatlo kong anak?”
Tanong nya sa sarili.
“Saan kayo Lus,
Minda, Bisaya!”
Walang sumasagot,
hinanap niya sila sa
paligid ngunit wala sila
roon. Pinuntahan niya
ang ilang malapit na
pulo, ni anino ay wala.
“Baka may pumuntang
tao at dinala silang
pilit,” sabi ng higante
sa sarili.
Biglang umalon ulit at
dumagundong,
napalingon ang ama
at naisip niya na baka
nalunod ang tatlo.
Dumako pa sya sa
malayo at hindi
nagkamali ang
higante.
Nakita niya ang labi ng
ilang pirasong damit
na nakasabit sa bato.
Para tuloy niyang
nakita ang tatlong
kamay na nakataas at
humihingi ng saklolo.
Naalala niya bigla na
hindi niya pinayagang
lumabas ang mga ito.
Tumalon sa dagat ang
higante. Sa isip
lamang pala niya ang
larawan ng tatlong
kamay na nakataas,
nawalan siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa?
Wala na” himutok ng
ama. Nawalan na siya
ng ganang kumain.
Tumayo, umupo,
tumingin sa malayo.
Isa-isang hinagod ng
tingin ang bawat
munting bato at kahoy
sa malayo. At sa
pagod at hapis
napahilig sa isang
bato at tuluyang
natulog. Mahabang
pagkatulog ang
nagawa ng kawawang
higante.
Nang magising ang
higante, kinusot niya
ang kanyang mga
mata. May nakita
siyang wala doon dati.
Tumayo bigla at
tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing
ang tatlong pulong ito?
Sila kaya ang tatlong
ito?” Tanong sa sarili,
lalong lungkot ang
naramdaman ng
amang ulila.
“Ang tatlong pulong
ito! Sina Lus, Minda at
Bisaya ito!” ang sabi
niyang malakas.
At buhat noon tinawag
na Luson, Bisaya at
Mindanaw ang tatlong
pulo. Dito nagmula
ang bansang Pilipinas.
Nasa gawing timog ng
Asya. Bahagi ito ng
Pilipinas sa
katimugang bahagi ng
Asya.
Aral
 Ang pagiging
matigas ang ulo ay
nagdudulot ng
kapahamakan sa
tao. Pagkaminsan
pa nga ay
kapahamakan din
ang dulot nito sa
iba.
 Ang pagsunod sa
magulang ay hindi
isang parusa.
Bagkus ito ay
nagpapakita ng
paggalang natin sa
knila.
 Sumunod sa utos
ng magulang upang
makaiwas sa
kapahamakan.
Ipinasa ni : Kenrehv Kal-El Qaizer De Guzman
Grade- VI
Ipinasa kay: Teacher Ma. Victoria B. Requiero

You might also like