Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3

Daily Lesson Paaralan Marigondon Sur ES Baitang Ikatlo


Log Guro Leonilyn I. Gal Asignatura Aral. panlipunan
(Pang-araw-araw na Petsa at Pebrero 17,2020 Markahan Ikaapat
Pagtuturo)
Oras
Linggo Week 6 Day 2
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ang pang-unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at
bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga
pinuno at iba pang naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at
kaunlaran ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
B.Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…
nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing
panlalawigan tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon
C. MgaKasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang iba’t ibang aspeto ng ekonomiya (pangangailangan,
produksyon, kalakal, insprastraktura, atbp.) sa pamamagitan ng isang
graphic organizer AP3EAP-IVd-8
*Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pakikipagkalakalan upang
matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa lalawigan.
II.NILALAMAN Pakikipagkalakalan Upang Matugunan ang Pangangailangan
III. KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Araling Panlipunan 3, pp 204-207

2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Araling Panlipuna 3, pp 408-416


aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Knowledge Channel video clip ( Mga pangangailanga ng Tao)
portal ng Learning Resource
B.Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan, krayola, Manila paper, worksheets
IV.PAMAMARAAN
Gawain ng guro Inaasahang tugon
ng mga bata
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Ano-ano ang mga bagay na makatutulong
pagsisimula ng aralin sa atin upang mapadami ang produksiyon
ng ating produkto?
Ano naman ang maaaring dahilan ng
paghina ng ani?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo,
bigyan ng tig-iisang Worksheet na may
parehong gawain ang bawat pangkat.

Gawain 1
1. Gumuhit ng isang bahay gamit ang itim
na krayola.
2. Gumuhit ng ulap gamit ang puting
krayola.
3. Gumuhit ng damo sa paligid ng bahay
gamit ang berdeng krayola
4. Gumuhit ng bulaklak sa mga damo gamit
ang pulang krayola.
5. Gumuhit ng mga bata gamit ang brown
na krayola.
Itanong:
1. Madali ba ninyong nagawa ang gawain?
2. Saan kayo nahirapan sa takdang gawain?
3. Bakit hindi ninyo nabuo ang inyong
iginuhit?
4. May kakulangan ba? Ano ang inyong
ginawa?
5. May sumubra ba? Ano ang ginawa ninto
sa mga sumubrang krayola?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Paglalahad.
bagong aralin “Ang mga kalakal sa mga lalawigan ay kagaya
ng pangyayari sa ating gawain. Minsa may mga
kalakal na gaya ng mga sumusubrang krayola.
May mga kalakal din na kagaya ng mga
krayolang kulang-kulang. Kapag ang kalakal ay
sumusubra, minsan ay hindi na ito pinapansin.
Ngunit, kapag angkalakal ay kulang na kulang,
minsan kailangan pa nating makiusap sa iba
upang makuha natin ito. Bakit nga ba mahal
ang ibang kalakal at minsan namay mura ito?”

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Basahin ang usapan sa ibaba.


paglalahad ng bagong kasanayan
Aling Siony: Aling Winnie, pagbilhan mo nga ako
ng isang dosenang itlog.

Aling Winnie: Ikaw pala Aling Siony, ito oh, 250


ang isang dosena.

Aling Siony: Naku! Bakit biglang tumaas ang


presyo?

Aling Winnie: Naku mare, pasensiya na.


kakaunti ang itlog ngayon. Nang dahil sa bird
flu, naapektuhan ang mga manok sa bukid.
Hindi mo ba napanood ko sa TV, binalita nga
yun kanina. Maraming namamatay na manok.

Aling Siony: Sige Aling Winnie, anim na piraso


na lang ang bibilhin ko. Bibili pa kase ako ng
gulay at bigas.

Aling Winnie: Sakto mare, mura ang gulay


ngayon dahil subra subra ang gulay. Panahon
ngayon ng anihan ng talong, kamatis, kalabasa
at okra.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain:
paglalahad ng bagong kasanayan “Basahin at ubnawain ang mga ang mga
sitwasyon na nakalahad. Pagkatapos sagutan
ang mga tanong kasunod nito.”

Pangkat 1
Labis na naapektuhan ang lalawigan ng
Romblon sa pagdaan ng bagyong Tisoy at
Ursula. Karamihan sa mga puno ng Niyog ay
natumba kung di naman ay naglaglagan ang
mga bunga nito. Kaya siguradong liliit ang
mapipitas at kokoprahin ng mga magsasaka.

1. Ano ang nagging epekto ng bagyong tisoy at


Ursula sa lalawigan ng Romblon?
2. Paano ito makakaapekto sa kabuhayan ng
mga mamayan?
3. Sa iyong palagay tataas kaya ang presyo ng
kopra o bababa? Bakit?
4. Dahil kukonti ang mapipitas na niyog, ano
ang maaaring gawin ng mga tao?

Pangkat 2
Ilan sa pinagkukunan ng ikinabubuhay
ng mga taga San Andres ay ang pagtatanim ng
saging. Subalit sa pagdaan ng bagyong Tisoy at
Ursula, labis itong naapektuhan. Nagtumbahan
ang mga puno. Pinaniniwalaan na aabutin pa ng
isang taon bago bumalik ang sigla ng
agrikulturang ito.
1. Ano ang nangyari sa agrikultura ng sagingan?
2. Ano ang mangyayari sa produksiyon, lalaki
ba o liliit? Bakit?
3. Sa palagay mo ano ang mangyayari sa presyo
ng saging sa ating bayan?
3. Ano ang maaaring gawin ng mga mamayan
upang matugunan ang kakulangan sa saging?

Pangkat 3

Tuwang-tuwa ang mga magsasaka dahil sa


patubig o irigasyon na ipinatayo ng pamahalaan
sa ating lalawigan. Lumaki ang kanilang ani
mula ng ipinatayo ito.
1. Ano ang dahilan ng paglaki ng produksyon o
ani ng mga magsasaka?
2. Sa iyong palagay, sasapat ba o susubra sa
ating pangangailangan ng bigas?
3. Maamumura kaya ang presyo ng bigas sa
atin? Bakit?
4. Ano ang maaaring gawin kunglabis na sa
pangangailangan ang naaning produkto?

Pangkat 4
Kilala ang mga taga Mari-Norte at Mari-Sur sa
magandang kalidad ng walis tambo. Ngayon,
bigkis bigkis na luway ang inani nila at labis nila
itong ikinatuwa.
1. Bakit labis na natuwa ang mga taga Mari-
Norte at Mari-Sur?
2. Ano ang magiging epekto nito sa kalakalan sa
bayan?
3. Kung ang walis tambo na kanilang magagawa
ay lalabis sa pangangailangan ng ating bayan,
ano ang maari nilang gawin?
4. Sa iyong palagay uunlad kaya ang kanilang
kabuhayan? Bakit?

F. Paglinang sa Kabihasaan Think-Pair-Share


Sitwasyon:
Labis na naapektuhan ng bagyong Ursula ang
Bulalacao sa Oriental Mindoro. Nasira ang mga
panananim na sibuyas at bawang ng mga
magsasaka.
Ano an magiging epekto nito sa kabuhayan ng
kanilang lalawigan maging sa ating rehiyon?
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Pagpapahalaga.
araw na buhay -Magpakita ng Video( Mga Pangangailang Ng
Tao, KChannel)
- Pagkatapos ng panonood, Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa Video?
Aling pangangailangan ang dapat nating
unahin? (Pagkain kaysa sa laruan)
Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Ang bawat lalawigan ay may mga
pangangailangan na kailangang matugunan.
Natutugunan nila ang kanilang
pangangailangan mula sa kanilang likas na
yaman at pag-aangkat mula sa ibang lalawigan.
Sa pagtugon ng kanilang
pangangailangan, karaniwang marami ang
kalakal sa pamilihan o kaya’y kumukonti ang
suplay nito. Kapag marami ang kalakal, asahang
mura ang bilihin sa pamilihan. Ngunit kapag,
kakaunti , asahang mahal ang bilihin sa
pamilihan.
I.Pagtataya ng Aralin Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat
ang inyong sagot sa papel.
1.Alin dito ang nagpapakita na konti lamang
ang mga gulay sa palengke?
a. mataas ang presyo nito sa palengke
b. mababa ang presyo nito sa palengke
c. walang pagkakaiba ang presyo
2. Bumagyo sa lalawigan at hindi madaanan
ang ilang mga tulay . Alin dito ang maaaring
mangyari sa mga presyo ng isda sa palengke?
a. tataas ang presyo
b. bababa ang presyo
c. mananatili ang presyo
3. kapag ang bilang ng produkto ay hindi
kulang upang matugunan ang pangangailangan
ng mga tao, sinasabing mayroong___________
a. kalabisan sa kalakal o produkto
b. kakulangan sa kalakal o produkto
c. magkapantay na bilang ng kalakal
4. Kapa gang bilang ng kalakal ay sobra sa
pangangailangan ng mga tao, sinasabing
mayroong ____________
a. kalabisan o sobra sa kalakal o produkto
b. kakulangan sa kalakal o produkto
c. magkapantay na bilang ng kalakal
5. Alin ang pinakamahusay na gawin sa mga
kalakal o produkto na labis na sa
pangangailangan ng inyong pamayanan?
a. Hayaang mabulok para gawing pataba sa
mga halaman.
b. Imbakin o itago upang ilaan sa panahon ng
pangangailangan.
c. Dalhin at ibenta sa mga lalawigan na may
kakulangan sa pangangailangan.

J. Karagdagang gawain para sa takdang- Ano kaya ang maaaring mangyari sa sitwasyong
aralin at remediation ito.

Nagpatayo ng maraming tindahan sa ating


barangay. Hindi masyadong marami ang
nakatira dito. Karamihan sa mga paninda ay
hindi nauubos.
V.MGA TALA
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
VI. PAGNINILAY
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
___ Group collaboration ___ Games
___ Solving Puzzles/Jigsaw ___ Answering preliminary activities/exercises
___ Carousel ___ Diads
___ Think-Pair-Share (TPS) ___ Rereading of Paragraphs/ Poems/Stories
___ Differentiated Instruction ___ Role Playing/Drama
___ Discovery Method ___ Lecture Method

Why?
___ Complete IMs ___ Availability of Materials
___ Pupils’ eagerness to learn ___ Group member’s Cooperation in doing their tasks
G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
__ Bullying among pupils __ Pupils’ behavior/attitude
__ Colorful IMs __ Unavailable Technology Equipment (AVR/LCD)
__ Science/ Computer/ Internet Lab __ Additional Clerical works

Planned Innovations:
__ Localized Videos __ Making big books from views of the locality
__ Recycling of plastics to be used as Instructional Materials local poetical composition
H. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
The lesson has successfully delivered due to:
___ pupils’ eagerness to learn ___ complete/varied IMs
___ uncomplicated lesson ___ worksheets
___ varied activity sheets Strategies used that work well: ___ Group collaboration
___ Games ___ Solving Puzzles/Jigsaw
___ Answering preliminary activities/exercises ___ Carousel
___ Diads ___ Think-Pair-Share (TPS)
___ Rereading of Paragraphs/Poems/Stories ___ Differentiated Instruction
___ Role Playing/Drama ___ Discovery Method
___ Lecture Method

You might also like