Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 4

SI KABESANG TALES

A. MGA TAUHAN
Kabesang Tales - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupa

Sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Siya ay anak ni Tandang Selo.

Huli – Anak na dalaga ni Kabesang Tales na kasintahan ni Basilio.

Tandang Selo - Siya ang matandang ama ni Kabesang Tales at tumulong kay Basilio
noong siya’y bata pa.

Lucia - Anak ni Kabesang Tales na namatay dahil sa malaria.

Tano - Anak ni Kabesang Tales na natirang buhay pagkatapos ng trahedya.

Basilio - Ang kasintahan ni Juli.

Mga Prayle - Sila ang mga taong nag-angkin ng lupang pag-aari ni Kabesang Tales at
nagpataas ng buwis.

Mga Tulisan - Sila ang mga taong nakidnap kay Kabesang Tales dahil sa kanyang
yaman.

Hermana Penchang - Sa kanya namasukan si Juli bilang katulong sa kanyang bahay.

B. TALASALITAAN
Kabesa de Barangay – Pinuno ng isang barangay o komunidad.

Malaria – Isang malubhang sakit na karaniwang nanggagaling sa kagat ng lamok.

Tubuhan – Lugar kung saan tinatanim at inaalagaan ang mga tubo.

Buwis – Ang halagang ibinabayad sa gobyerno para sa pagpapaunlad ng mga proyekto


nito.

Pantubos – Ang halagang ibinabayad bilang kapalit sa kalayaan ng isang taong


nakidnap.

Nobyo – Kasintahan o minamahal.

Abogado – Isang propesyunal na may karapatang magrepresenta sa korte.


C. BUOD

Matanda na si Tandang Selo, ang tumulong kay Basilio noong siya ay bata pa.
Ang kanyang anak na si Kabesang Tales ay naging Kabesa de Barangay na may
tatlong anak na sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay sina Lucia at ang asawa ni Tales
dahil sa malaria, kaya sina Tano at Juli na lamang ang natira sa kanila.

Dahil sa sipag at tiyaga, yumaman sina Kabesang Tales. Nakipagsosyo siya sa mga
namumuhunan sa bukid at nagsimula ng tubuhan sa isang lupa sa gubat. Nang
malaman niyang walang may-ari ang lupa, ipinagpatuloy niya ang kanyang negosyo.
Balak din niyang pag-aralin si Juli sa kolehiyo upang makasabay siya kay Basilio, ang
kasintahan nito.

Subalit nang umunlad ang bukid, inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si
Kabesang Tales. Tinaasan pa ng mga pari ang buwis hanggang sa hindi na kaya ni
Tales. Nakipag-asunto siya sa mga prayle at ipinaglaban ang kanyang karapatan sa
korte, ngunit natalo siya dahil sa impluwensya ng mga prayle sa gobyerno.

Nang hindi na makabayad ng buwis, ipinagpatuloy ni Kabesang Tales ang paglaban sa


pamamagitan ng pagbabantay sa kanyang lupa. Dinala niya ang kanyang baril, itak, at
sa huli, palakol, na kinumpiska ng mga prayle. Sa bandang huli, dinakip siya ng mga
tulisan dahil may pera siya at nagbayad ng abogado para sa kaso niya. Hiningan siya
ng 500 na pantubos.

Para mabayaran ang pantubos, ibinenta ni Juli ang kanyang alahas maliban sa regalo
ng kanyang nobyo. Nang kulangin ang pera, nagtrabaho si Juli bilang katulong sa
bahay ni Hermana Penchang. Dahil dito, hindi na siya nakapag-aral.

D. MGA KAISIPAN

 Sa kabanatang ito mababasa ang naging buhay ng matandang inagawan ng


pagmamay - ari ng lupa ng mga prayle. Ang lupang pilit na ipinaglalaban sa mga
prayle ni kabesang Tales ay minana pa niya sa kanyang amang si tandang Selo.
Ito ang tangi nilang ikinabubuhay ng kanyang anak na si Huli. Kaya naman lahat
ng paraan upang maipagtanggol niya ang kanyang ari - arian ay kanyang
gagawin hanggang sa siya ay binuwisan ng malaki at hindi na makabayad.
Bunga nito, napilitan siyang makipaglaban sa mga prayle. Masakit isipin na
kailangan pagdaanan ng isang simpleng magsasaka ang ganitong klaseng
panggigipit. Sila na nagtatanim ng ating pangunahing pagkain.
 Napilitan si Kabesang Tales na sumama sa mga tulisan na siya ring bumihag sa
kanya. Napilitan ang kanyang anak na si Huli na ibenta ang kanyang mga hiyas
upang siya ay matubos ngunit sa kasamaang palad hindi iyon naging sapat kaya
naman kailangan niyang mangutang upang matubos ang kanyang ama kapalit
ng pagpasok niya bilang alila ni Hermana Penchang sa mismong araw ng
kapaskuhan. Nang gabing iyon, nagkaroon si Huli ng masamang panaginip
tungkol sa kanyang ama. Bagay na labis na bumabagabag sa kanya sapagkat
hindi niya maiwasang mag isp na baka may masama na nangyari dito. Ang
kawalan ng ama ay magdudulot ng labis na paghihirap sa anak na si Huli.

You might also like