Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PART 4: ANG PAGTUNGO AT HAMONG KINAHARAP NI DON JUAN SA REYNO DE LOS CRISTALES

(793-1285)
Buod:

Sa muling paglalakbay ni Don Juan sa kabundukan ay nakasalubong niya ang Ibong Adarna at pinayuhan
siyang magtungo sa Reyno de Los Cristales upang makita ang tatlong prinsesa na sina Prinsesa Juana, Isabela at
Maria Blanca na ang huli ay kanyang higit na iibigin.
Sinimulan ni Don Juan ang paghahanap sa Reyno de Los Cristales na sa kanyang paglalakbay ay
tinulungan siya ng isang matanda. Itinuro sa kanya ng matanda ang bundok kung saan naroon ang isang
Ermitanyo. Dala-dala ang kapirasong baro mula sa matandang sugatan, nalaman agad ng Ermitanyo ang hiling
ni Don Juan.Mula sa kanyang kaharian, tinipon niya ang mga hayop ngunit maging ang Olikornyo, hari ng mga
hayop ay hindi alam ang sinasabing kaharian.
Nagpatuloy si Don Juan sa paglalakbay sa utos na rin ng Ermitanyo, inihatid ng Olikorno ang prinsipe sa
isa pang Ermitanyo mula sa ikapitong bundok. Nabatid ng Ermitanyo ang pakay ni Don Juan, kayat ipinatawag
nito ang mga alagang ibon sa buong kabundukan. Huling dumating ang Agila sapagkat ayon dito, kagagaling
lamang niya sa nasabing kaharian at dito nga siya nakapag-agahan. Sa mga tagubilin ng Ermitanyo sa Agila ay
matagumpay nilang narating ang Reyno de Los Cristales.
Mula sa kaharian, ibinaba ng Agila si Don Juan sa banyo ng mga prinsesa na kung saan naliligo ang
magkakapatid sa ganap na alas kwatro ng madaling araw. Samantalang si Haring Salermo, ang hari ng Reyno de
Los Cristales ay nagigising naman ng ala-singko ng madaling araw. Bago umalis ang Agila ay pinagbilinan si Don
Juan na magkubli sa halamanan upang hindi mamalayan ni Pinsesa Maria Blanca.
Dumating ang tatlong prinsesa na nasa anyong kalapating busilak ang kaputian. Nabighani si Don Juan
nang tumambad sa kanyang paningin ang kagandahan ni Prinsesa Maria Blanca.Habang siya ay naliligo ay itinago
ng prinsipe ang damit ng prinsesa kaya nang ito’y umahon, gayon na lamang ang galit nito. Subalit nang dahil sa
taos-pusong paghingi ng tawad ni Don Juan ay humupa ang galit ng prinsesa.
Sa oras ding iyon ay nagkapalagayang loob ang dalawa nagsimulang magbigay si Donya Maria Blanca ng
mga habilin kay Don Juan tungkol sa kanyang amang hari na may taglay na karunungang itim (mahika negra),na
kung aanyayahang umakyat sa palasyo ,siya ay huwag aakyat bagkus ay tumalima sa anumang ipagagawa
nito.Naghiwalay ang dalawa at si Don Juan ay nakipagkita at nagpakilala sa hari.
Tulad ng bilin ng prinsesa ay tumanggi si Don Juan sa alok ng hari na umakyat sa palasyo kaya’t dito na
ibinigay ng Haring Salermo ang kanyang utos.Unang kahilingan,binigyan si Don Juan ng trigo na itatanim mula
sa bundok na kanyang papatagin na kailangan sa araw ding iyon ay mamunga at maani na gagawing tinapay
upang maging almusal niya.Matapos maibigay ang unang pagsubok ay naghiwalay ang dalawa at kinabukasan
na lamang muling magkikita.Samantalang lihim na magtatagpo sina Don Juan at Donya Maria Blanca upang
isagawa ang utos ng Hari sapagkat taglay rin ng prinsesa ang kapangyarihang mahika blanca na siyang tutupad
sa lahat.Sinundan pa ito ng ikalawang pagsubok,nang pakawalan ng hari ang alaga nitong 12 negrito sa malawak
na karagatan at muling ibabalik sa loob ng prasko na walang labis walang kulang. Muli itong natupad kaya
humanga nang labis ang hari at nasundan pa ito. Mula sa ikatlong utos nais ng hari na makalanghap ng sariwang
hangin kaya’t pinausog niya ang bundok upang maitapat sa bintana ng kanyang silid.
Labis na pagmamahal ang ipinakita ni Donya Maria Blanca kay Don Juan dahil isa-isa niyang isinasagawa
ang utos kahit ito’y paglaban sa kapangyarihan ng ama. Hanggang ibigay ang ikaapat na utos at ito ay pagtatayo
ng kastilyo sa gitna ng karagatan. Ngunit sa sobrang aliw ng hari habang naglalakad ay nahulog ang kanyang
singsing sa karagatan ng di niya namamalayan. Sa simula ay nasisiyahan sa dagundong ng mga simboryo mula
sa kastilyo ngunit naging dahilan din ito na di siya makatulog kaya ipinabuwag kay Don Juan ang kastilyo bilang
ikalimang utos at ipinabalik na muli ang bundok sa tapat ng kanyang bintana. Naalala ng hari ang nahulog na
singsing kayat bilang kapalit ng kanyang buhay, kailangang maibalik ito.
Sa tulong ni Donya Maria Blanca, naging isang maliliit na isda siya subalit sa unang pagsubok ay bigo sila
sapagkat nakatulog si Don Juan sa paghihintay. Sa ikalawang pagkakataon sinubukan muli ni Donya Maria ang
pagsisid at nagtagumpay sila ngunit sa pagtadtad ni Don Juan kay Maria Blanca ay nahulog ang putol na daliri
nito sa dagat. Di man lubos ang kasiyahan ni Haring Salermo dahil sa husay at hanga sa pagtupad sa lahat ng
utos, ibinigay pa rin niya ang huling utos kay Don Juan at ito ay ang paamuin ang mailap na alagang kabayo na
dili iba kundi siya rin.
Sa wakas ay natapos na ang paghihirap ni Don Juan. Bilang gantimpala ay pinapili ni Haring Salermo si
Don Juan sa isa sa kanyang 3 anak na nasa loob lamang ng silid at ang mapipili ay kanyang pakakasalan.
Tagumpay na napili ng prinsipe si Donya Maria Blanca dahil sa kanyang putol na daliri. Ngunit di lubos na masaya
ang prinsesa sapagkat alam niyang may lihim na hakbang ang kanyang ama kayat niyaya niya si Don Juan na
magtanan.

You might also like