Reflections

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Repleksyon sa Assessment

Sa pagbuo ng rubric para sa portfolio, natutunan ko ang kahalagahan ng pagiging malinaw at organisado sa pag-evaluate ng mga gawain
ng mga mag-aaral. Sa unang yugto, kinailangan kong tiyakin na ang mga layunin at mga kategorya ng pagganap ay malinaw at naaangkop sa
mga layunin ng portfolio. Pinag-aralan ko ang mga pangunahing aspeto ng portfolio tulad ng pagkamalikhain, paggamit ng teknolohiya,
repliksyon, pagiging orihinal, at organisasyon. Noong una ko nga na ginawa ay hindi maintindihan dahil mali-mali ang criteria na ginamit at
hindi ito tugma sa rubric para sa portfolio. Kaya sinimulan ko ulit at nagpaturo sa nakakaalam.

Sa paggawa ko nito maraming emosyon ang aking nadama roon na ang pagkagalit, pagkabagot, at pagkalito pero sabi nga nila “Natural
lang ang pagkakamili sa una” dahil doon sa pagkakamali nakita kong saan ako nagkulang at ano pa ang dapat kong baguhin, Nagbigay diin sa
akin ng pagkakataon na mag-repasa ulit ng mga kaalaman at kasanayan na kailangan para sa pag-evaluate ng mga gawain. Binigyan ako ng
pagkakataon na mag-isip nang malalim at mag-refleksyon sa kung paano ko maaring masukat ang pagkamalikhain, paggamit ng teknolohiya,
repliksyon, pagiging orihinal, at organisasyon sa isang portfolio.

Napagtanto ko na isa lamang ito sa mga pagsubok na aking tatahaking sa propesyon na aking kinuha bilang isang guro. Ang aking naging
karanasan sa paggawa ng rubric para sa portfolio ay malaki ang magagampanan bilang isang guro sa pagdating ng tamang panahon. Ito ay
makakatulong sa pagbibigay ng tama at pantay na pagbigay ng grado sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang portfolio.

Sa pangkalahatan, ang proseso ng paggawa ng rubric ay nagbigay sa akin ng mas malawak na pang-unawa sa kung paano ko maaring
suriin at ilarawan ang mga kasanayang kinakailangan para sa isang epektibong portfolio. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtuturo at
pagpapaunlad ng mga mag-aaral, at ako'y nagagalak na nagkaroon ako ng pagkakataon na makibahagi sa prosesong ito.

Genn Rod V. Pranciliso

You might also like