Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10
Kuwarter 4 Bilang 2

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________


Baitang/Seksiyon : ______________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Bahagi ng pag-aaral sa nilalaman ng nobelang El Filibusterismo
ay ang pagtukoy sa papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda.
Matutuklasan natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga
tauhan sa pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari,pagtukoy sa
mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy sa wakas.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
- Pagtunton sa mga pangyayari
- Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- Pagtukoy sa tagpuan
- Pagtukoy sa wakas
(F10BB-lVb-c-87))

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!

Direksyon: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo


ang diwa ng pangungusap. Piliin ang wastong salita sa loob ng kahon.

Laket Tano gulok


Kapitan Heneral Tiani

1
_______________1. Ipinag-utos ng _________ ang pagsamsam ng baril sa
hinalang ito ay gagamitin ni Kabesang Tales para sa pagpatay.

_______________2. Ang ipinalit sa baril na nasamsam ay ___________ habang


nagbabantay ng bukid.

______________3. Payag si Huli na ipagbili ang lahat ng kanyang mga alahas


huwag lamang ang ___________.

______________4. Ang tahanan ni Kabesang Tales ay matatagpuan sa Baryo


Sagpang sa bayan ng ___________.

_____________5. “Kung ako’y matalo ay hindi ko na kailangan ng anak.” Ang


anak na tinutukoy ay si ___________.

PAG-ARALAN MO!
Basahin at unawain ang buod ng Kabanata 6 ng El Filibusterismo - Si
Basilio.
Ang nobelang ito ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating
pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y
Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at
hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahon ng Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaanim na
kabanata.
Kabanata 6 – Si Basilio
Buod

Nang tumunog ang mga batingaw ng simbahan nang Noche Buena si


Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan kaya’t paaninaw
siyang tumungo sa libingan ni Sisa, ang kanyang ina. Ipinagdasal niya ang
kaluluwa ng kanyang ina nang may 13 taon na ang nakakaraan.

Namatay ang kanyang ina at may dumating na lalaking sugatan.


Pinahakot siya ng kahoy at ipinasusunog ang bangkay ng sugatang lalaki.
Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Pagkatapos, binigyan si Basilio ng salapi at inutusang lisanin na ang pook na
iyon.

Tinalunton niya ang kagubatan. Narating ang Maynila na maysakit at


sira-sira ang maruming damit.Nais niyang pasagasa sa mga karuwahe dahil
sa hirap at gutom at kasawiang mga naranasan.

Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si


Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral sa San Juan de
Letran.

2
Unang taon sa kanyang pag-aaral sa Latin, si Basilio ay madalas
pagtawanan sapagkat marumi, walang kaayusan ang pananamit at
nakabakya lamang. Hindi siya pansin ng Dominakong pari. Sa loob ng walong
buwan walang pag-uusap na naganap maliban lamang kung siya ay
tatawagin ng guro at sasagutin niya ng “adsum” o narito po. Ganon pa man
sinaulo niya ang buong leksyon.

Naipasa ni Basilio ang pasalitang pagsusulit sa pamamagitan ng


pagsagot sa kaisa-isang tanong nang tulad ng isang makina na hindi tumitigil
at humihinga.

Bumuti-buti ang kapalaran ni Basilio nang siya ay nasa ikatlong taon ng


kanyang pag-aaral. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay
Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio
ang tanong na walang kagatol-gatol. Mula noon ay di na tinanong si Basilio.

Sa ikaapat na taon ni Basilio, isa sa mga naging propesor niya sa klase


ay kilalang-kilala at naiibigan ng lahat. Isang araw sa kanyang pamamasyal
na kasama ang ilang kolehiyala, nakipagtalo siya sa ilang kadete na
humantong sa hamuna, sable laban sa baston.Nangalap ang propesor ng mga
mag-aaral na kasali sa labanan at nangakong bibigyan ang mag-aaral ng
mataas na marka. Nanalo si Basilio sa ginawang labanan.Mula noon ay
nakilala na siya at kinatuwaan. Dahil sa kanyang pagsisikap at pagtitiyaga
sa pag-aaral nagtamo siya ng gradong sobresaliente at mga medalya nang
taong iyon.

Samantala, namumuhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang


magmongha si Maria Clara. Hinikayat niya na lumipat ng paaralan si Basilio
sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio at nagtapos siya sa
pagkabatsilyer at galak na galak ang kanyang propesor at buong
pagmamalaking iniharap sa mga inanyayahang Dominiko na sumusuri sa
pamantayan ng paaralan.

Pinili ni Basilio ang medisina dahil sa kanyang hilig.Nais sana ni


Kapitan Tiyago na maging abogado siya ngunit sa Pilipinas ay hindi sapat ang
kaalaman sa mga batas para magkaroon ng kliyente. Sa huli ay
nagpahinuhod din si Kapitan Tiyago na sundin ang hiling ni Basilio sapagkat
matagal na siyang naghahanap ng lason para sa tari ng kanyang manok na
sasabungin. Makukuha raw ito sa Intsik na maysakit na sipilis.

Pinagbuti ni Basilio ang pag-aaral ng medisina. Nang nasa ikatlong taon


na siya gumanda ang kanyang pamumuhay sapagkat nagsisimula na siyang
makapanggamot. Kumikita na siya nang kaunti at nakapag-impok pa.Nasa
huling buwan na siya ng medisina. Babalik siya sa San Diego at pakakasal
na sila ni Huli.

3
B. PAGSANAYAN MO!
Pagsasanay 1: Pag-unawa sa binasa
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. Laging bumabalik sa isipan ni Basilio ang mga pangyayari sa kanyang
_________.
a. Ama b. ina c. kapatid d. kasintahan
________2. Ang mga pangyayari ay naganap _________ taon na ang nakalipas.
a. 13 b. 15 c. 10 d. 15
________3. Namasukan bilang __________ si Basilio upang makapag-aral.
a. Mistiko b. guro c.doktor d. katulong
________4. Si Kapitan Tiago ay namimighati dahil si Maria Clara ay pumasok sa
____________.
a. Beateryo b. hospital c. paaralan d. mall
________5. Si Basilio ay unang nag-aral sa _________.
a. Unibersidad ng Santo Tomas c. San Juan de Letran
b. Ateneo de Muncipal d. Unibersidad ng Pilipinas

Pagsasanay 2: Pagsunod-sunod ng pangyayari


Panuto; Basahing mabuti ang mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1
hanggang 5 upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa buhay ni Basilio.
_________ Minaliit si Basilio ng mga taong kanyang nakasalamuha sa paaralan
dahil sa aba niyang kalagayan at kakaiba niyang bihis at anyo.
_________Naging aliping walang bayad ni Kapitan Tiyago si Basilio kapalit
ang libreng pagpapaaral sa kanya.
_________Inilipat siya ni Kapitan Tiago sa Ateneo kung saan siya naging
matagumpay sa kanyang pag-aaral.
_________Lumuwas ng Maynila si Basilio at halos magpasagasa sa hirap ng
naranasan.
_________Tinulungang maghukay para sa libingan ng ina at binigyan si Basilio
pera ng isang lalaki sa kagubatan.

4
C. TANDAAN MO!

Walang imposible sa taong nagsisikap at nagtitiyaga


para maabot ang pangarap katulad ni Basilio hindi naging
hadlang ang kabiguan at kahirapan sa buhay upang di niya
makamit ang minimithi niya tagumpay.

IV. PAGTATAYA
Gamit ang ladder organizer ay ilapat ang mga papel na ginampanan
ng mga tauhan sa akda. Ilapat ang mga ito upang ilarawan ang buhay
ni Basilio at mahulaan sa huli ang mangyayari sa kanyang buhay.

___________________________________________
___________________________________________
Wakas

_________Si Basilio sa Ateneo,


___________________________________________
___________________________________________
Gitna

___________________________________________________
__
Si Basilio sa Maynila, gutom, pinagtatawanan kalaban
ang________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Una

________________Si Basilio sa kagubatan, kalaban ang lipunan nang sila ay


maparatangan at bunga ng ang kasawian ng kanyang
buhay_________________________________________________________
______________________________________________________________
________________

5
V. SUSI SA PAGWAWASTO
Balik-aral Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1.Kapitan Heneral 1. a 4
2. Gulok 2. a 3
3. Laket 3. d 5
4. Tiani 4. a 2
5. Tano 5. b 1

Pagtataya
Subhetibo ang sagot

VI. SANGGUNIAN

Emily V. Marasigan et.al, Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2 (Kto12)


Karapatang pag-aari ng Phoenix Publishing House, Inc. p27 Quezon Ave.,
Quezon City, Kasapi: Philippine Educational Publishers Association,
pahina 173-193

Estrella E. de Vera et.al, Obra Maestra El Filibusterismo (Bagong Edisyon)


Published & Distributed by: Rex Book Store, 856 Nicanor Reyes, Sr.St.
1977 C.M. Recto Avenue Manila, Philippines, pahina 59-70

Elvira Dela Cruz et.al El Filibusterismo Jose Rizal, Karapatang Pag-aari ng


Vicarish Publication and Trading, Inc. 1946-A,F.Torres St. corner Diamante
Ext., Sata Ana, Manila, pahina 43-48

Inihanda ni:

MARICEL N. FORMALES, Guro


La Purisima National High School
Nabua West District

Tiniyak ang kalidad ni:

JAYCEL P. LAURENTE, MT 1
Nabua National High School
Nabua East District

You might also like