Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
Baao, Camarines Sur

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 7
NAME: ____________________________________________ GRADE&SECTION: ________________
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.
__________1. Ang dalawang bansang nagsimula ng kolonisasyon sa Asya ay ang __________.
A. Britanya at Pransya C. Rusya at Alemanya
B. Espanya at Portugal D. Italya at Gresya

__________2. Lahat ay mga salik na naging dahilan ng pagsiklab ng tunggalian ng mga bansa,
maliban sa isa.
A. Pagkabuo ng nasyonalismo C. Pag-unlad ng kapitalismo at imperyalismo
B. Paghahangad ng yaman at kapangyarihan D. Pagkakautang na hindi nabayaran

__________3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong politikal sa


Silangan at Timog-Silangang Asya sa pagdating ng mga mananakop nito.
A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C.Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa.

__________4. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin, ang sumusunod ay salik sa


paghahangad ng kolonya, maliban sa _____________________.
A. merkantilismo B. industriyalisasyon C. kapitalismo D. white man’s burden

__________5. Kilusan na nagbunsod upang wakasan ang kolonyalismo sa Asya bunga ng


katapatan at pagmamahal sa bansa.
A. Aktibismo B. Merkantilismo C. Nasyonalismo D. Sosyalismo

__________6. Ang mga bansa sa Timog-silangang Asya ay naging kolonya ng mga kanluranin,
maliban sa __
A. Indonesia B. Singapore C. Malaysia D. Thailand

__________7. Umusbong ang nasyonalismo sa Indonesia ng magsimulang humingi ang mga Indones
ng pagbabago sa di-makatarungang pamamahala ng mga Olandes. Ginamit ng mga Indones na
panlaban sa mga Olandes ang _____________________.
A. Mga demostrasyon sa kalye C. Pagtatatag ng iba’t ibang partidong politikal
B. Edukasyon ng mga mamamayan D. Konsepto ng pagkakapantay-pantay

__________8. Anong kasunduan ang dapat mayroon ang dalawang bansa upang habulin at
pagbayarin ang isang dayuhang nakagawa ng kasalanan sa teritoryo nito.
A. Resident System C. Kasunduang Tianjin
B. Kasunduang Extra-territoriality D. Kasunduang Nanking

__________9. Alin sa mga bansang ito ang naniniwala na mas mainam na manakop ng karatig-
bansa kaysa yumuko sa kapangyarihang kolonyal?
A. India B. China C. Japan D. Malaysia

_________10. Ano ang isinasaad ng open door policy ng China at United States?
A.Pagiging bukas ng China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
A. Pagkokontrol ng China sa kaniyang ekonomiya.
B. Pagpapatibay ng kalakalang panlabas ng dalawang bansa.
C. Paghihingi ng mga donasyon mula sa dalawang bansa.
_________11. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at
imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog-silangang Asya
noong ika-16 hanggang 19 na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa.
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano.

_________12. Sa anong pamamaraan ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang nasyonalismo?


A. Nagtatag ng kilusang propaganda at katipunan.
B. Nagpatibay ng kalakalan sa mga dayuhan.
C. Nakipaglaban sa pamamagitan ng dahas.
D. Nakipagkasunduan sa mga mananakop.

_________13. Napaunlad ng Japan ang kaniyang ekonomiya, napatingkad ang kaniyang kultura,
pagpapahalaga at pamahalaan dahil sa pagsara ng kaniyang daungan mula sa mga . Aling bansa
ang may katulad ng ganitong pangyayari?
A. Tsina B. Thailand C. Taiwan D. North Korea

_________14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng pagiging nasyonalistiko ng


mga Tsino?
A. Maraming Tsino mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay ang lumahok sa rebolusyon noong
1911.
B. Sinang-ayunan ng mga Tsino ang pagbaba sa puwesto ni Dr. Sun-Yat-Sen bilang pangulo ng
bansa.
C. Nahati ang mga Tsino sa dalawang pangkat na may magkasalungat na ideolohiya.
D. Patuloy na nangalap ng salapi si Dr. Sun-Yat-Sen upang suportahan ang planong
pabagsakin ang mga Manchu.

__________15. Ang komunismo ay kaisipang nagmula kay Karl Marx. Lumaganap at yumabong ito
sa bansang Tsina dahil sa impluwensya ni Mao Zedong. Maraming Tsino ang tumanggap sa
komunismo dahil ito ay _____________________________.
A. Nangakong magbibigay ng kaginhawaan sa buhay ng mga mamamayan.
B. Naging daan sa pagkakaisang pambansa.
C. Naging gabay sa pamumuhay ng mga Tsino.
D. Isinulong ni Chou En Lai

__________16. Napatunayan natin na hindi lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-silangang


Asya ay nasakop ng mga kanluranin. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nakatulong ng
lubos upang mapanatili ng bansang Thailand at South Korea ang kanilang kalayaan?
A. Malakas ang kanilang pwersang military.
B. Mahusay at matatag na pamumuno.
C. Maunlad na ekonomiya.
D. Malawak na pakikipag-ugnayan.

__________17. Thomasites ang tawag sa mga unang gurong Amerikano. Paano ginamit ng mga
Amerikano ang edukasyon upang masakop ang Pilipinas?
A. Itinatag ang pamahalaang militar.
B. Napalakas ang kanilang impluwensiya sa kulturang Pilipino sa pagpapatayo ng mga
paaralan.
C. Itinatag ang pamahalaang Commonwealth at sinanay ang mga Pilipino sa pamamahala.
D. Nagpatupad ng mga batas na pumigil sa nasyonalismong Pilipino.

__________18. Paano nabago ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Silangan at Timog-silangang


Asya dahil sa kolonyalismo at imperyalismo?
A. Nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga kanluranin.
B. Naging mahilig ang mga Asyano sa mga produktong kanluranin.
C. Naipakilala ang mga pagpapahalaga at gawaing kanluranin sa mga Asyano.
D. Naging bahagi ng kaunlaran ng mga Asyano ang pagdating ng mga kanluranin.

__________19. Alin sa sumusunod ang naging tugon ng mga Asyano sa neokolonyalismo?


A. Kawalan ng tiwala sa mga karatig-bansa.
B. Pagpapahalaga sa impluwensyang dayuhan.
C. Kinilala ang kapangyarihan ng mayayamang bansa.
D. Pagtatag ng samahang Asyano.

__________20. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya.


Alin sa sumusunod ang isa sa mga pamamaraang ginamit sa Timog-silangang Asya tulad ng
Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa upang lumaya?
A. Pagsunod at paghihintay C. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti
B. Pagtutol at pakikipagtulungan D. Pananahimik at pagwawalang bahala

__________21. Ang sumusunod ay sanhi ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa


isa.
A. Ang pagkakapaslang kay Archduke Francio Ferdinand, ang tagapagmana ng trono ng Austria.
B. Ang paglusob ni Adolf Hitler sa Poland.
B. Ang pagkakahati ng daigdig sa 2 uri ng ideolohiya.
C. Ang pag-aalyansa ng mga bansang Europeo.

__________22. Ang mga Pilipino ang kauna-unahang nag-alsa at lumaya mula sa mga mananakop
na naging batayan ng iba pang mga Asyano na hangad din ang paglaya. Bilang Pilipino, ano
ang saloobin mo tungkol dito?
A. Nasiyahan dahil lumaya ang bansa.
B. Nagpasalamat sa mga bayani na naging bahagi upang makalaya ang bansa.
C. Maipagbunyi ang kalayaang natamo sa kapwa Asyano.
D. Maipagmalaki na naging bahagi ka ng paglaya ng iba pang bansa sa Asya.

__________23. Laganap sa kasalukuyan sa bansang Asyano ang mga pelikula, laro, babasahin
at musikang dayuhan na nagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa rehiyon. Ano ang
ipinapahiwatig nito?
A. Suportado ng mga dayuhan ang mga Asyano.
B. Mainam ang mga produkto na galing sa ibang bansa.
C. Kontrolado ng dayuhan ang sariling kultura at produkto. Megawati Sukarnoputri Chandrika
Kumaratunga Aung San Suu Kyi Corazon Aquino
D. Mahilig sa pag-aangkat ng mga produktong dayuhan ang mga Asyano.

__________24. Ang implikasyon ng mataas na literacy rate ng isang bansa ay nagpapakita ng


_____
A. Suportang pang-edukasyon sa mga mamamayan mula sa pamahalaan.
B. Matatag na istrukturang pang-edukasyon ng bansa.
C. Magagaling na kawani sa pamunuang pang-edukasyon.
D. Kompletong pasilidad ng departamento ng edukasyon.

__________25. Iba-iba ang pamamaraan ng pananakop ng mga Europeo. May gumamit ng


karahasan, pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan na ang layunin ay mapasailalim sa
kapangyarihang politikal at ekonomiya ang mahihinang bansa. Alin sa sumusunod ang epekto
nito sa mga bansang Asyano?
A. Paglawak ng kapangyarihan ng bansa.
B. Pagsamantala sa likas na yaman ng bansa.
C. Pag-unlad ng kalakalan ng mga bansa.
D. Pagyakap sa kulturang kanluranin.

_____________26. Ano ang naging epekto ng imperyalismong kanluranin sa pamumuhay ng mga


Asyano?
A. Dumami ang mga Asyanong nagtatrabaho at umunlad.
B. Naging taga-sunod ang mga Asyano sa kanluranin.
C. Natutong magpalawak ng teritoryo ang mga Asyano.
D. Nagkaroon ng ugnayan ang mga bansang Asyano sa kanluranin, sa kalakalan at
industriyalisasyon.

_____________27. Ano ang tunay na dahilan na panghihimasok ng France sa Vietnam ?


A. Magkaroon ng mga bagong sakop na lupain.
B. Makapagbukas ng isang tanggapang komersiyal sa bansa.
C. Makapagpalaganap ng Kristiyanismo.
D. Makapagtatag ng mga pamayanan.
_____________28. Ang sumusunod ay epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya, maliban
sa
A. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
B. Nagkaroon ng lahing mestizo dahil sa pag-aasawa ng mga kanluranin at katutubo.
C. Umunlad ang kabuhayan ng mga Asyano.
D. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sarili.

_____________29. Karaniwang makikita sa pamilyang Asyano ang respeto na ipinamalas sa


pamamagitan ng pagyuko kapag nagdaraan at paghalik sa kamay. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. Pagiging malapit sa isa’t isa. B. Pagpapahalaga sa nakatatanda.
D. Pangangalaga sa mga nakatatanda. D. Responsibilidad ng bawat miyembro ng
pamilya.
_____________30. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na hamon sa katatagan ng nakararaming
pamilya sa ngayon?
A. Live-in at Diborsyo B. Ipinagbabawal na gamot
B. Urbanisasyon at modernisasyon D. Mabilis na paglaki ng populasyon

_____________31. Mataas ang pagpapahalaga ng Hapon sa edukasyon. Ang mga magulang na


Hapones ay naniniwala na ang mabuting kinabukasan at mataas na kinalalagyan sa lipunan ng
kabataan ay nakasalalay sa tagumpay ng pag-aaral. Ano ang mabubuo nating hinuha sa
edukasyon sa Hapon?
A. Umagapay sa kaunlaran ng mga kanluranin. B. Mabigat ang mga kurikulum na pinag-aralan.
C. Ang pagsunod sa magulang ay tagumpay sa edukasyon. D. Ang tagumpay sa edukasyon ay
tagumpay sa buhay.
_____________32. Naniniwala ang simbahang Katoliko sa karapatan ng mga batang nasa
sinapupunan, na ang kasal ay dapat igalang, ang pakikiapid ay isang kasalanan. Ano ang
mahihinuha tungkol dito?
A. Nagpapa-angat ng edukasyon C. Nagtuturo ng moralidad
B. Sagabal sa modernisasyon D. Nagpapahintulot ng aborsiyon

_____________33. Bilang mga Pilipino, paano mo maipagmamalaki sa daigdig ang mga


kontribusyong Asyano?
A.Ipakilala sa iba C. Ipalaganap sa daigdig
B. Itago at ingatan D. Pagyamanin at panatilihin

_____________34. Ilan sa mga isyung kinakaharap ng Asya sa kasalukuyan ay ang mga isyung
panlipunan, ekonomiko, militar, politikal at kultural. Ang mga isyung ito ay maaaring
maging krisis o magkaroon ng hindi magandang epekto sa daigdig kung hindi matatanggap ng
mabuti. Ano ang maaaring gawin upang ang mga isyung ito ay di magkaroon ng masamang
epekto? A. Magsagawa ng mga pananaliksik sa mga isyung kinakaharap.
B.Maghanap ng mga solusyon sa mga suliranin.
C. Harapin ang isyu ng walang pag-aalinlangan.
D. Pag-aralan ang mga isyung ito.

_____________35. Itinuturing ng ilan na isang anyo ng neokolonyalismo ang tulong


pinansiyal, militar at impluwensiyang kultural na hatid ng mga bansang kanluranin sa mga
bansa sa Asya. Ano ang mabisang gawin ng mga Asyano upang mapangalagaan nila ang kanilang
kapakanan?
A. Putulin ang ugnayan sa mga bansang ito at simulant ang pagiging nakapagsasarili sa
aspektong pinansiyal, militar at kultural.
B. Pumili ng mga bansang makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa aspektong
pinansiyal, militar at kultural.
C. Pag-aralan at suriin ang epekto ng mga kasunduang umiiral at bubuoin pa lamang kaugnay
sa aspektong pinansiyal, militar at kultural.
D. Lumahok sa iba pang samahang panrehiyon at pandaigdig para sa higit na tulong
pinansiyal, militar at kultural.

_______________36. Paano naiimpluwensiyahan ng relihiyon ang pananaw ng buong daigdig sa


usaping pampolitika ng Pilipinas?
A. Pinagbuklod ng relihiyon ang mga Pilipino sa isang mapayapang rebolusyon.
B. Hinangaan ang mga Pilipino sa pagharap sa mga suliraning panrelihiyon at pampolitika.
C. Naging pangunahing kritiko ang simbahan sa mga isyung pampolitikal.
D. Namulat ang buong daigdig sa kahalagahan ng demokrasya.

_______________37. Ano ang naging papel ni Manny Pacquiao sa pag-angat ng karangalan ng


mga Asyano?
A. Naipakita niya ang galing ng mga Asyano sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula.
B. Napatunayan niya na puwedeng pagsabayin ang palakasan at politika.
C. Kauna-unahang boksingero sa buong mundo na nakakuha ng walong dibisyong kampeyonato.
D. Naipamalas ang kaniyang kahusayan sa pag-awit.

_______________38. Sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, tanging Brunei Darussalam na


lamang ang natatanging bansa na nasa ilalim ng Islamic Sultanate simula pa nang 1984. Sa
ilalim nito, ang sultan ng Brunei ay may lubos na kapangyarihan na gumawa, magpatupad at
magpatibay ng batas. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Malaki ang responsibilidad ng sultan sa kanyang nasasakupan.
B. Kahanga-hanga ang sultan ng Brunei
C. Ang lahat ng uri ng pamamahala ay nakasalalay sa sultan .
D. Ang sultan ay hindi pinipili bagkus ay hinihirang ng dating sultan.

_______________39. Sumikat ang pangalan ni Aung San Suu Kyi sa daigdig dahil siya ang
kauna- unahang taga-Myanmar na tumanggap ng premyong Nobel para sa kapayapaan noong 1991.
Bakit itinuturing na buhay na bayani si Aung San Suu Kyi sa kaniyang bansa?
A. Nanguna si Aung San Suu Kyi sa laban sa pamunuang militar sa Burma.
B. Anak kasi si Aung Suu Kyi ng martir na heneral na si Aung San.
C. Si Aung San Suu Kyi kasi ang pinuno ng mga rebelde sa Burma.
D. Pinanindigan kasi ni Aung San Suu Kyi ang pagbabalik ng Myanmar sa demokrasya.

_______________40. Ang pagsibol ng katagang “House-band”, na kung saan ang lalaki ang
naiiwan sa tahanan samantalang ang kaniyang asawang lalaki ay nagtatrabaho sa ibang bansa
ay patunay na nangingibabaw ang kababaihan sa larangan ng paggawa. Bakit ito nangyayari?
A. Mas pinagkakatiwalaan ng mga employer ang mga kababaihan.
B. Mas magaling ang mga kababaihan sa mga gawaing kamay.
C. Maraming hanapbuhay ang nangangailangan ng babaeng manggagawa.
D. Karamihan ng mga hanapbuhay ay mga gawaing pantahanan.

_______________41. Ang pagdiriwang at pagbibigay ng regalo ay makikita sa lahat ng uri ng


relihiyon, ano ang pinapatunayan nito?
A. Mahalaga ang pagbibigay para mapalapit sa Diyos.
B. Ang kasiyahan ay nakikita sa pagbibigay ng regalo.
C. Ang tao ay likas na mahilig sa kasiyahan.
D. Ang tao ay nabuhay para namnamin ang kasiyahan ng buhay.

____________42. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng mga babaeng Asyano sa pagbuo ng
matatag na pamahalaan?
A. Sila ang nagpasimula ng mga programang pangkababaihan.
B. Sila ang nagbigay-daan sa kapangyarihan ng kababaihan na mamuno ng bansa.
C. Sila ang nagpalaganap ng kabutihang-loob sa pamahalaan.
D. Sila ang naglunsad ng makabagong kaisipang panlipunan.

_______________43. Ang sigalot sa Spratly Islands sa pagitan ng mga bansang China, Taiwan,
Vietnam, Malaysia, Brunei at Pilipinas ay usaping teritoryal. Kung ikaw ang pangulo ng
bansa, paano mo ito ipaglalaban?
A. Maghain ng isang apila sa International Court of Justice para sa agarang pagdedesisyon
ng usapin.
B. Magsagawa ng isang agresibong pamamaraan laban sa ibang bansang uma-angkin ng
teritoryo. C. Pumirma sa mga kasunduang politikal.
C. Ipagsawalang-bahala para hindi madamay sa gulo.

_______________44. Isa sa mga bansang Asyano na hindi nasakop ng mga kanluranin ay ang
Thailand. Paano pinanatili ng liderato ng bansang nabaggit ang kanilang kasarinlan?
A. Isinantabi ng mga hari ang sariling interes at pinairal ang para sa nasasakupan.
B. Organisado ang istilo ng pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan.
C. Istratehiko ang lokasyon ng bansa kung kaya’t malayong marating ito ng mananakop.
D. Idinaan sa diplomasya ng mga hari ang pakikipag-ugnayan sa mga mananakop.
_______________45. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting
pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga
OFW bunsod ng mga di magandang karanasan sa kanilang tinamo tulad ng pang-aabuso,
pagmamaltrato at iba pa. Kung ikaw ang Sec. of DFA, ano ang iyong imumungkahing mabisang
gawin ng pamahalaan ukol dito?
A. Himukin na bumalik sa mga bansang pinagtatrabahoan.
B. Wakasan ng Pilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
C. Himukin ang mga karatig-bansa na magpa-iral ng “economic embargo”.
D. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW.

_______________46. Higit na pinagyabong ang kasaysayan ng mga Asyano dahil sa mga tanyag
na kontribusyon nito sa daigdig sa larangan ng huminidades, panitikan at palakasan. Bilang
isa sa mga mamamayang Asyano, paano mo pahahalagahan ang mga kontribusyong ito?
A. Ipagmamalaki ang mga natamong karangalan.
B. Magsusumikap na makapag-ambag ng sariling tagumpay.
C. Iingatan ang mga pamanang kontribusyon ng mga ninunong Asyano.
D. Magtataguyod ng mga programang susuporta sa pagpapaunlad sa larangang nabanggit.

_______________47. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga


Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto
ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
A. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
B. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
C. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa
kanilang sariling hangarin.
D. Maraming atletang Asyano ang hinangad ng ibang mga bansa na makuha nila.

_______________48. Isang matinding hamon na kinakaharap ng mga bansang Asyano ay ang


mabilis na paglaki ng populasyon. Paano mo itataguyod ang programa ng pamahalaan upang
mapigilan ang mabilis na paglaki ng populasyon?
A. Maging mulat sa mga epekto ng malaking populasyon.
B. Maging kabahagi ng mga adbokasiya ng programang pampopulasyon.
C. Dumalo sa mga pagpupulong na may kinalaman sa programang pampopulasyon.
D. Makapagbahagi ng gawain sa iyong pamayanan na makatutulong upang mapigil ang mabilis na
paglaki ng populasyon.

_______________49. Sa harap ng maraming balakid at pagsubok sa karapatan ng mga


kababaihan, natamo pa rin ng mga ito ang pagkilala sa larangang politikal, ekonomiko,
pangkalusugan at panlipunan. Kailan mo masasabing hindi nakararanas ng mga karapatang ito
ang mga kababaihan?
A. Si Corazon C. Aquino ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas.
B. Si Maria ay nakakuha ng benepisyo sa panganganak sa pinagtatrabahoan.
C. Si Luisa ay naging pulis samantalang si Loida ay naging inhinyero.
D. Si Juana ay hindi ipinatala bilang miyembro ng Social Security System ng amo niya.

_______________50. Mahalaga ang pagpapanatili ng mga gawi at asal ng mga Asyano tulad ng
paggalang sa matatanda, pagpapahalaga sa interes ng nakararami at pagtulong sa kapwa. Ano
ang nais ipahiwatig ng talata?
A. Ang mga Asyano ay may kahanga-hangang kultura.
B. Makikilala ang mga Asyano sa kanilang pag-uugali.
C. Ang mga Asyano ay may sariling pagkakakilanlan.
D. Pinanatili ng mga Asyano ang kanilang kultura

“Learning never exhausts the mind.” – Leonardo da Vinci

Prepared by:

MARICRIS P. BOSLON LIEZELITO M. TIMADO


Teacher I Teacher III
Noted by:

PASTOR S. BUSTILLA JR.


HT-III Araling Panlipunan Dept.

You might also like