Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Doce Pares sa Kaharian ng Francia

Noong unang panahon, nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Patriyarka
Aaron, ang mga taga-roon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga morong taga-
Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Emperador Carlo Magno ng Francia.
Humingi siya ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo Magno, pinaghanda niya ang
kanyang mga kawal at ang mga matatapang na Pares at sila'y naglakbay patungong Herusalem.

Ang mga nagsisipaglakbay ay naligaw. Tatlong buwan sa paglalakbay nang malaman ito ni Carlo
Magno. Kaya nagsidalangin sila sa Diyos upang ituro sa kanila ang landas. Maraming mga ibon
ang naglabasan at nag-awitan. Sa pamamagitan ng mga awit ay nalaman nila na pinasusunod sila
kaya't natunton nila ang landas patungong Herusalem.

Nang sila'y dumating sa Herusalem ay nalaman nilang ang bayan ay nasalakay ng mga moro.
Pininsala ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Ang mga taong bayan ay pinagpapatay
at si Aaron kasama ang mga nalabing kawal ay piniit.

Gayon na lamang ang pagkahambal ni Carlo Magno. Nagpadala siya ng mga kawal sa Zaragosa
at ipinasabi sa pinuno ng mga moro na palayain si Aaron pati ang mga kawal nito, isauli ang
kanilang mga ninakaw at sila'y magpabinyag. Kung hindi ay dirigmain sila ng mga kawal
Kristiano. Nagkaroon ng madugong labanan sapagkat hindi sumusunod ang mga moro sa mga
utos ni Carlo Magno. Nagtagumpay si Carlo Magno at muling nabalik sa kapangyarihan si
Aaron. Inihandog ni Aaron kay Carlo Magno ang korona ni Kristo bilang pagtanaw ng utang ng
loob.

Nanumbalik ang katahimikan ng Herusalem at tatlong taong hindi sila ginambala ng mga
kaaway. Isang araw ay nabalitaan na naman ni Carlo Magno na muling sinalakay ang Herusalem
sa pamumuno ni Fierabras, isang morong kilabot sa digmaan. Ang hukbo nito ay naminsala sa
mga templo, pinatay ang Papa at tinangay ang mga elikya sa Turkiya.

Hindi matahimik si Emperador Carlo Magno mula nang makarating sa kanya ang balita. Gayon
na lamang ang kanyang pagdaramdam. Kaya't noon din ay iniutos niyang salakayin ang Roma
sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga moro. Nag-alala ang mga pares na baka
hindi na nila maabutan si Fierabras at masayang lamang ang kanilang pagod, sa gayon ay
nagpadala na lamang sila ng embahador. Napili si Gui ng Borgonya. Ang presidente ng Roma
ang nakausap nito kaya't ipinagpaliban muna ang unawaan sapagkat wala si Fierabras. Nang
papaalis na si Gui ay nasalubong niya sa daan ang magandang anak ni Balan na si Floripes. Sa
pagtatama ng kanilang tingin ay sumibol sa kanilang puso ang pag-ibig.

Nagalit si Carlo Magno nang bumalik sa Francia si Gui. Siya'y pinabalik na may kasamang
tatlumpung libong kawal. Bago sila pumasok sa Roma ay nagpasabi si Gui na kung hindi
lilisanin ng mga moro ang Roma at isasauli ang kanilang mga ninakaw ay didigmain sila ng
hukbong taga-Francia. Tinanggihan ng mga Moro ang nais mangyari ni Gui kaya't ang mga
kawal niya'y sumalakay. Namangha si Gui nang makita na ang namumuno sa pangkat ng mga
kaaway ay si Floripes. Hindi na ipinagpatuloy ni Gui ang pagsalakay. Gayon na lamang ang galit
ni Carlo Magno nang malaman ang nangyari.

Si Roldan ang pinili niyang mamuno sa mga pares na lulusob sa Roma. Nang mabalitaan naman
ito ni Balan ay inutusan niyan ang kanyang kapatid na si Corsubel na pumaroon sa Roma at
magdala ng limang libong sundalo. Sinunod nito ang kapatid at naabutan nila roon ang siyam na
pares. Ang unang lumaban kay Corsubel ay si Ricatte. Napatay siya nito. Sa matinding galit ng
mga moro ay nagsilusob ngunit wala silang nagawa sa mga pares. Nalipol ang mga moro ngunit
si Olivares ay nagtamo ng maraming sugat. Ang presidente ng Roma ay humingi ng tulong kay
Balan na agad namang nagpadala ng sanlibong kawal. Papasok na sana ang mga pares sa Roma
ngunit tumutol si Roldan dahil sa pangambang mabigo sila sa matinding pagkahapo. Ngunit
nagalit ang emperador sa kanilang pagbabalik, sinabi nito na ang mga matatandang pares ay
hindi umaalis sa labanan hanggang hindi lubos ang tagumpay. Naisumpa ng emperador na hindi
titigil hangga't hindi nalilipol ang mga moro. Ang lahat ng mga pares ay pinaghanda niya. Ang
Doce Pares na pinangungunahan ng kanyang pamangking si Roldan ay binubuo nina Olivares,
konde sa Gones, Ricarte, duke ng Normandia, Guarin na tubo sa Lorena, Gute na taga Bordolois,
Hoel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya, Guadabois at iba pa.
Nang mabalitaan ni Fierabras ang tungkol sa kanyang amaing si Corsubel ay nag- alab ang
kanyang galit at sumumpang ipaghihiganti ito. Nang mapag-alaman nitong sina Carlo Magno ay
nasa Mormiyonda, kaagad siyang nagtungo doon at hinamon siya ni Carlo na makipagtuos sa
mga pares.
Ang kanyang pamangkin ang inatasan niyang lumaban ngunit tumutol ito at sinabing bakit hindi
ang matatandang pares na ipinagmamalaki ng kanyang amain ang ilaban. Gayon na lamang ang
poot ng emperador sa pangungutyang ito ni Roldan kaya't dinampot niya ang unang tinamaan ng
kanyang paningin at ibinato kay Roldan. Kung hindi naawat ay maaaring bumangga sa
kamatayan ang nangyari.
Humanda si Oliveros na humarap sa naghahamong moro nang malamang walang humaharap
dito. Sa paghahamok ng dalawa ay tumanggap ng malaking sugat si Oliveros. Waring
nakatitityak na ng tagumpay na sinabi ni Ficrabras na tatalikdan niya ang pagka- moro at
pabibinyag kapag tinalo siya ng sugatang si Oliveros.

Taos-pusong nanalangin sina Carlo Magno, Roldan at Regnes, na ama ni Oliveros. Sa tulong ng
kanilang panalangin ay tinalo ni Oliveros si Fierabras at ang mga moro naman ay nagsilabas sa
kanilang pinagtataguan at nakipaglaban nang makitang natalo ang kanilang pinuno. Maagap na
nagapi ng mga pares ang mga ito, ang ilang nangatira ay tumakas sa takot. Limang pares ang
nawala na di malaman kung napatay o nabihag ng kalaban. Sa utos ng emperador ay hinalughog
ang bunton ng mga patay ngunit hindi nakitaang lima. Sa halip ay ang sugatang si Fierabras ang
natagpuan. Kanilang dinala ito, ginamot ang sugat at pinabinyagan nang gumaling.

You might also like