Professional Documents
Culture Documents
Column
Column
“Patuloy pa rin ba nating panghahawakan ang sinasabi nilang walang kakayahan ang
Pilipinas na magkaloob ng hustisya?” Iyan ay matapos ang malakas na paninidigan ni
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat magkaroon muna ang International
Criminal Court (ICC) ng ‘approval’ mula sa mga ahensya ng gobyerno bago ang
pagpapatupad ng mga aktibidad sa Pilipinas----partikular ang balak nitong pag-imbestiga
sa ‘kampanya laban sa droga’ ni dating Pangulong Duterte. Nasakop na tayo noon ng
333 taon ng mga Espanyol, idagdag mo pa ang 48 taon sa mga Amerikano, at tatlo sa
mga Hapon, hahayaan na lang ba nating mapasabi tayong muli ng “the history repeats
itself? Kasi, parang ganon na rin kung sakali.
Kung patuloy nating binibigyan ng kapangyarihan ang mga dayuhan sa ating teritoryo,
matatawag pa ba tayong isang bansang soberano?
Naalala ko tuloy ang pelikula noong 2015 na “Heneral Luna” na pinagbibidahan ni John
Arcilla na kung saa’y pinapili ang kanyang mga kasamahan kung ‘bayan ba o sarili?’ At
kung itatanong ulit ‘yan ngayon, marahil ang magiging opsyon na ay ‘soberanya ba o
hustisya?’ Kung mapapansin kasi natin, kung hahayaan lamang ng ating bansa na
manghimasok ang ICC, ipinapakita nating duwag at wala tayong kalayaan sa sarili naman
nating bayan.
Kapag pinahintulutan natin ang ICC na makialam sa mga usapin sa loob ng bansa, hindi
lamang ito magiging isang usapin ng ICC. Ang kapangyarihan at integridad ng ating lokal
na sistema ng hustisya ay maaaring masadlak sa alanganin. Ang mga desisyon ng ICC ay
maaaring magdulot ng pagdududa sa kapasidad at kredibilidad ng ating ‘judicial branch’.
Sa ganitong paraan, ang pagpapahintulot sa ICC na makialam ay maaaring magbunga ng
pagbaba ng tiwala ng mamamayan sa kanilang sariling sistema ng hustisya.
Para lamang ‘yan ‘yung Tita mong nangingialam sa relationship status mo ngayon. Kahit
na mayroong intensyon na magbigay lamang ng opinion, maaari lamang itong maging sanhi
pa ng gulo at hindi pagkakaunawaan dahil sa pangingialam sa “family matters” ng iba.
Isa pa, dapat mayroon tayong “freedom to make decisions without worrying about being
questioned too much!”
Ano bang mas matimbang sa iyo? Ang mga namatay na drug users o ang mga inosenteng
nabiktima ng mga drug users? Maraming oposisyon ang nagdaang ‘war on drugs’ kaya’t
mapapansin nating ginagamit nila ang third party na ito para sa sarili nilang agenda. ‘Di
ba? Bakit mayroon pang papasok na ICC kung noon pa nama’y laganap na ang isyu ng
droga sa ating bansa. Kwestyonable namang ngayon lang sila gagalaw. Manghihimasok pa
sa soberanyang mayroon ang iba.
Maraming nagsasabing “kung inosente talaga kayo, bakit kayo natatakot?” Isa lang ang
sagot d’yan, mas mahalaga pa rin ‘yung walang bansang magiging dominante sa kung
paano natin mapunan ang mga isyu ng Pilipinas. Baka lahat na lang ng galaw, may “say”
sila.