Fil 2 Q3 Melc 11

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

2

Edited with the trial version of


Foxit Advanced PDF Editor
To remove this notice, visit:
www.foxitsoftware.com/shopping

Filipino
Activity Sheet sa Filipino 2
Quarter 3 – MELC 11
Paglalarawan ng mga Bagay, Tao,
Pangyayari at Lugar

SANGAY NG NEGROS OCCIDENTAL


Filipino 2

Learning Activity Sheet

Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Sangay ng Negros Occidental

Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na


“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain
kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng
Eduklasyon, Sangay ng Negros Occidental.

Mga Bumuo ng Filipino 2 Learning Activity Sheet

Manunulat: Joy M. Burgos


Editor: Rebecca T. Nene
Tagasuri: Rea P. De la Peña
Tagapayo: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI
Tagapamanihala
Juliet P. Alavaren, Ph.D.
EPS-Filipino
Learning Activity Sheet (LAS) Bilang 11
Pangalan:_________________________________________________
Baitang at Seksiyon:__________________Petsa: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 2


Paglalarawan ng mga Bagay,Tao,Pangyayari at Lugar

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari at lugar.
( F2WG-IIce-d-4)

II. Panimula
Ang kapaligiran natin ay may maraming magagandang tanawin;
mapa-tao, bagay, pangyayari, at lugar.
Ang lahat ng ito ay mapapa-wow tayo at makakomento sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang naglalarawan. Sa tulong
nito makapahayag tayo ng ating mga saloobin sa mga bagay na ating
makikita sa ating kapaligiran.

III. Sanggunian:
Ang Batang Pinoy 2, ph 326 – 329
F2WG-IIce-d-4
IV. Mga Gawain:

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang kuwento.

Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang pasyalan sa


Pilipinas. Ito ay nasa Lungsod ng Maynila. Dito matatagpuan ang
bantayog ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Ito ay nasa
tabing-dagat kung saan makikita ang maganda at makulay na paglubog
ng sikat ng araw.
Maraming tao ang namamasyal dito upang magpiknik.
Nakalalanghap dito ng sariwang hangin dahil sa maraming halaman at
malalagong punong kahoy na nakatanim sa buong parke.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa kuwentong binasa.

1. Sino ang ating pambansang bayani?


_______________________________________________________
2. Saan makikita ang Rizal Park o Luneta Park?
_______________________________________________________
3. Bakit dinarayo ang Rizal Park?
______________________________________________________

4. Ano ang makikita sa tabing –dagat?


_______________________________________________________

5. Bakit sariwang hangin ang malalanghap sa buong parke?


_________________________________________________________

6. Ano-ano ang mga salitang nabanggit sa kuwento na naglalarawan sa


Rizal Park o Luneta?
_________________________________________________________
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga salitang naglalarawan sa kuwento.
maganda sariwang hangin
makulay malagong puno
maraming tao maraming halaman

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang salitang naglalarawan sa pangungusap.

1. Masarap ang pizza pie nila Aling Joy.


_______________________________________________________

2. Ang bahay ay matibay kaya hindi nawasak ng bagyo.


_______________________________________________________

3. Masaya at maraming handa sa kaarawan ni Lola Cynthia.


_______________________________________________________

4. Ang layo ng bahay namin sa kanila.


_______________________________________________________

5. Mapagmahal ang Lolo Cardo namin.


_______________________________________________________
Pagsasanay 3
Panuto: Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na
salitang naglalarawan sa pangungusap.

1. Ang yelo ay(maganda, malamig).

2. ( Matarik,Matamis) ang bundok na inakyat namin.

3. ( Masaya,Magaspang) kaming dumalo sa pista nila Jinky.

4. Si Lapu-Lapu ay (mabilis,matapang) na bayani.

5. Ang (tahimik,sarap) ng ikalawang baitang na ito.

Pagsasanay 4

Panuto: Salungguhitan ang angkop na salitang naglalarawan sa


pangungusap.

1. Maanghang ang kinaing pancit canton Rylee.

2. Nakakatakot ang pandemya na sakit na Covid19.

3. Kay gandang pagmasdan ang malawak at lutian na palayan ni Mang


Joe.

4. Malinis ang paligid ng plasa ng bayang ito.

5. Masunurin ang anak ni Aling Maria.

IV. Tandaan:

Ang salitang naglalarawan ay tinatawag na pang-uri. Ito ay ginagamit


natin sa paglalarawan sa ngalan ng tao, bagay, pangyayari at lugar.

VI. Repleksiyon
Ano ang natutuhan mo ngayon?

Ang natutuhan ko ngayon ay


_________________________________________________________

_________________________________________________________
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang iyong hamon sa araw
na ito. Umaasa akong isa na namang kasanayan ang iyong natutuhan
ngayon.
Susi sa Pagwasto

5. masunurin
4. malinis 5 . mapagmahal
luntian 4. layo
3. malawak at maraming handa
2. nakakatakot 3. masaya at
1. maanghang 2 .matibay
.1. masarap
Pagsasanay 4
Pagsasanay 2

5. tahimik Gawain 2
4. matapang
3. masaya 1. Dr. Jose Rizal
2. matarik 2. Lungsod ng Maynila
1. malamig 3. Dahil ito ay isang magandang pasyalan
4. makikita ang maganda at makulay na
Pagsasanay 3 paglubog ng sikat ng araw
5. dahil maraming halaman at malalagong
punong kahoy ng nakatanim sa buong parke

You might also like