kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente. LATITUDE - tumutukoy sa mga pahalang na linya na kumakatawan sa distansya ng anumang punto, hilaga o timog ng ekwador, ang direksyon nito ay silangan sa kanluran. LONGITUDE - nagpapahiwatig ng mga vertical na linya na nagpapahiwatig ng distansya ng anumang punto, silangan o kanluran ng punong meridian, ang direksyon nito ay nasa hilaga sa timog. PUNONG MERIDYANO (prime meridian) - ang pinakagitnang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo. Ito ang meridyano sa longhitud na binibigyang kahulugan bilang 0°, kaya't kilala rin bilang Sero Meridyano. EKWADOR (EQUATOR) - isang kathang-isip na linya na gumuguhit sa palibot ng isang planeta sa layong kalahati sa pagitan ng mga polo ng mundo Hinahati ng ekwador ang planeta sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero. TROPIC OF CANCER - ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5 degree hilaga ng equator. TROPIC OF CAPRICORN - ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere na diriktang sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5 degree timog ng equator. Kabilugang Arktiko - isa sa mga bilog ng latitud sa mundo. Nakapalibot ito sa artiko na kung saan ay nasa hilaga ng ating globo. Kabilugang Antartiko - isa sa mga bilog ng latitud sa mundo. Nakapalibot ito sa artiko na kung saan ay nasa timog ng ating globo.