Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CABAONG, DONNA MAE C.

FIL 045 - 01

MAIKLING KWENTO
PAGSUSURI

I. Uri ng Kwento: Kwentong Sikolohiko


II. Pamagat: “TUBIG SA BUSLO” ni Mateo Cruz Cornelio
Ito ay isang lalake na nagpapanggap na mayaman.
III. Nilalaman:
A. Tauhan:
• Miguel Santos - isang karaniwang sumasahod ng apatnapong peso sa isang
buwan, nagpapanggap na mayaman.
• Anita Robles - isang maganda at mapanghalin na babae. Anak ng isang
mayaman.
• Tiago - kaibigan ni Miguel na isang tsuper.
• Mr. Santos - ama ni Anita.
• Tatang - ama ni Miguel.

B. Tagpuan:
• sa isang sayawan
• Sa Escolta
• Sa Lyric
• Sa Plasa Goiti
• Sa Boulevard

C. Galaw ng pangyayari o banghay:


• Pangunahing Pangyayari - Sa isang sayawan ay may nakadaupang palad si
Miguel na isang maganda at mapanghaling dalaga. Tinawag ni Miguel ang
isang dalaga na Miss Robles at pinangangadlakan niya na bihira lang sa
kanilang lalawigan ang hindi nakakakilala sa pangalan niya dahil sila ay ubod
ng yaman kanilang lalawigan.

• Pasidhi o Pataas na Pangyayari - Isang gabi ay naghihintay si Miguel sa


labas ng pinapasukang trabaho ni Anita at ng matanaw niyang papalabas na
si Anita ay sinalubong niya ito at tinanong kung saan siya pupunta at sinagot
naman siya ni Anita na diyan lamang sa Lyric. Tinanong ni Miguel kung
pwede ba niyang ihatid ang dalaga sa kanilang bahay ngunit tumanggi ang
dalaga dahil magagalit ang kaniyang ama kapag may kasama siyang lalake
sa daan. Sa isang hapon ay tinawagan ni Miguel ang dalaga at nagkausap,
nabanggit ni Anita na paglabas niya sa trabaho ay magliwaliw sila sa tabing
dagat at sumang-ayon naman si Miguel. Labis ang galak ng puso ni Miguel
dahil niyaya siya ng dalaga na lumabas kasama siya.

• Karurukan o Kasukdulan - Nagkaproblema sa Miguel dahil nais ni Anita na


ang dadalhin niyang kotse ay ang berlina ngunit hindi alam ni Miguel kung
saan siya makakakuha ng gayoong sasakyan. Nag-isip-isip kung saan
mayroong ganyang sasakyan. Naisip niya ang kaniyang kaibigan na si Tiago
at humingi siya ng tulong nito.

• Kakalasan o Pababang Aksyon - Nagawan ng paraan ni Miguel ang


kaniyang problema ngunit hindi niya alam na ang nagmamay-ari pala ng
kotse ay sa papa ni Anita. Muntik ng mapaurong ang dalaga sa pagbaba ni
Miguel sa kotse dahil ang kotse na ginamit ay sa kaniyang papa. Tahimik
lamang si Anita, hindi nagpapahalata na sa kanila ang kotse at kakilala niya
ang tsuper bagkus ay sinalubong niya ito ng mayroong ngiti. Iniimpit ni Anita
ang kanyang tawa at hindi siya marahil makapagpigil ay mabubulalas siya ng
halakhak dahil sa mga kayabangan na naririnig niya ka Miguel.

• Wakas - Pinapabayaan lamang ni Anita si Miguel sa kaniyang mga


kasinungalingan dahil alam niya kung ano ang totoo. Napansin ni Anita na
nanginginig ang kamay ni Tiago at hinihintay niya na malingat si Miguel upang
mabulungan ito at hindi na mabahala o kabahan.

IV. Taglay na Bisa:


• Bisang Kaisipan - Sa wakas ng kwento sinasaad na kahit anong tago mo sa
katotohanan o anong kasinungalingan ang mga pinagsasabi/pinapakita ay
malalabas at malalabas rin ang katotohanan.

V. Kamalayang Panlipunan - Hindi na bago sa atin ang mga ganitong


pangyayari sa ating lipunan, marami ang mga mapagpanggap upang linlangin
ang kapwa tao.

VI. Teorya:
• Teoryang Realismo - Ang kwento ni Miguel at Anita ay makatotohanan dahil
sa pakikipagtungo nila sa isa’t isa ngunit hindi lahat ng pinapakita ni Miguel ay
makakatotohanan.

You might also like