Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksyon:_________________

Asignatura: Filipino 8 Guro: ___________________________________Iskor:_____________

Aralin : Unang Markahan, Linggo 2, LAS 2


Paksa : Eupemistikong Pahayag
Layunin : Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining
na pahayag.
Sanggunian : LM Filipino 8, MELC (F8PT-Ia-c-19)
Manunulat : Ferboy C. Balbino

Eupemistikong Pahayag

Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salitang sadyang pampalubag-loob o
pampalumay upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin. Kadalasan, ito ay pumapalit sa mga
matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita.

Halimbawa ng mga eupemistikong pahayag tungkol sa pagkamatay:


▪ sumakabilang-buhay
▪ pantay na ang mga paa
▪ kinuha ng diyos
▪ yumao
▪ pumanaw

Ang apat na salita ay nagpapahayag lamang ng iisang kahulugang nais ipahiwatig at pinatutungkulan
nila ng mga salitang nakahilig sa itaas.
Heto pa ang ibang mga halimbawa:
● kasambahay - katulong mapili - maarte o pihikan
● may amoy - mabaho ibaon sa hukay- kalimutan na
● butas ang bulsa - wala ng pera halang ang bituka -masamang tao
● mabilis/makati ang kamay – magnanakaw
● malikot ang isip - masyadong maraming imahinasyon
● balat sibuyas - pikon, sensitibo, madaling mapaiyak
Ang mga salitang ito ay ginagamit din upang mapagaan ang mga masakit na realidad ng buhay para
hindi lubos na masaktan ang isang tao.

Gawain: Bigyang kahulugan ang mga eupemistikong pahayag sa iyong sagutang papel.

1. Mahaba ang kamay -


2. Paghihigpit ng pisi -
3. Gulong ng palad -
4. Nagbibilang ng poste -
5. Malikot ang kamay -
6. Namamangka sa dalawang ilog -
7. Taingang kawali -

You might also like