Professional Documents
Culture Documents
2 Qap 9
2 Qap 9
Department of Education
REGION 02 – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
300600-SGT. PROSPERO G. BELLO HIGH SCHOOL – MAIN
NAPALIONG, JONES, ISABELA
ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
IKALAWANG YUNIT
I. Panuto: Basahing mabuti at piliin ang pinakatamang sagot sa bawat aytem. Isulat ang titik na iyong napili sa espasyo na
inilaan sa bawat bilang.
_______1. Ang produktong A at B ay magkaugnay na produkto. Ang gastusin para sa salik ng produksiyon para sa produktong
B ay tumaas. Ano ang mangyayari sa supply ng produktong B?
a. lilipat pakanan ang kurba ng suplay sa produktong A
b. lilipat pakaliwa ang kurba ng suplay sa produktong B
c. lilipat pakaliwa ang kurba ng suplay sa produktong A
d. lilipat pakanan ang kurba ng suplay sa produktong B
_______2. Ipagpalagay na lumipat ang supply curve pakanan subalit walang pagbabago sa demand curve, anong pagbabago
ang maaaring magaganap sa pamilihan?
a. bababa ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
b. tataas ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
c. bababa ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
d. tataas ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
_______3. Anong pagbabago ang maaaring magaganap sa pamilihan kapag nagkaroon ng paglipat sa demand curve pakaliwa
subalit walang pagbabago sa supply curve?
a. bababa ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
b. tataas ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
c. tataas ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
d. bababa ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
_______4. Alin ang magaganap kapag bumaba ang supply at hindi nagbago ang demand?
a. bababa ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
b. tataas ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
c. tataas ang ekwilibriyong presyo at bababa ang ekwilibriyong dami
d. bababa ang ekwilibriyong presyo at tataas ang ekwilibriyong dami
_______5. Paano kapag magkasabay na lumipat pakanan ang kurba ng demand at ,kurba ng suplay?
a. Walang pagbabago sa ekwilibriyong presyo
b. Walang pagbabago sa ekwilibriyong dami
c. Tataas ang ekwilibriyong presyo
d. Bababa ang ekwilibriyong dami
_______6. Sa estrukturang ito hawak ng isang kamay lamang ang paggalaw sa presyo sa pamilihan.
a. Monopolyo b. Oligopolyo c. Monopsonyo d. Ganap na Kompetisyon
_______7. Katangian ng isang istrukturang ito na siya ang taga konsumo sa produkto at serbisyo ng maraming prodyuser.
a. Oligopolyo b. Monopsonyo c. Monopolyo d. Monopolistikong Kompetisyon
_______8. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong istruktura ng pamilihan nabibilang ang mga larawang nasa itaas?
a. Monopolyo b. Oligopolyo c. ganap na kompetisyon d.monopolistikong kompetisyon
_______9. Base sa umiiral na kalakaran na monopolyo ng tubig at kuryente, nababatid mo bang nagkaroon ng kalayaan ang
mamimili sa pagbili ng produkto?
a. oo dahil ang tubig at kuryente ay mga produktong walang kapalit
b. oo dahil ang tubig at kuryente ay mga produktong sadyang kailangan
c. hindi dahil napilitan lamang ang mamimili sa kadahilanang iisa lang ang nagtinda sa naturang produkto at wala na siyang
mapagpilian
d. hindi dahil mahal ang gastusin sa paglikha ng mga produktong ito
_______10.Kabahagi sa buhay ng tao ang pamilihan sa araw-araw na gawain, dito niya binili ang kailanganing produkto mahal
o mura man wala siyang mapagpilian dahil sa mga estrukturang umiiral sa pamilihan, bilang mag-aaral paano mo maipapakita
na ikaw ay may pagpapahalaga sa paggamit ng mga produkto?
a. gawin ang tamang paraan sa paggamit ng produkto at isa-alang alang ang kaligtasan sa kalusugan at kapaligiran
b. gawin ang proseso sa paggamit ng produkto ayon sa nakaugalian
c. gawin ang mabuting paggamit ng produkto at pagkatapos itapon kahit saan-saan
d. gagawa ng mga produktong patok sa pamilihan
_______11. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto?
a. Price ceiling b. Floor Prices c. Market Clearing price d. Price support
_______12. Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o
mabawasan ang kita.
a. Price Ceiling b. Price Support c. Price floor d. Market Price
_______13. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang konsuyumer at nagbibili o prodyuser
upang magkaroon ng palitan.
a. DOLE b. Pamilihan c. Subsidy d. Surplus
_______14. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
a. Market b. Shortage c. Price Freeze d. Pamahalaan
_______15. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto
sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa.
a. Price Freeze b. Price ceiling c. Price floor d. price stabilization
LAGDA NG MAGULANG___________________________
PANGALAN NG MAGULANG________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 02 – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
300600-SGT. PROSPERO G. BELLO HIGH SCHOOL – MAIN
NAPALIONG, JONES, ISABELA
Answer Key
1. B
2. A
3. A
4. C
5. A
6. A
7. B
8. C
9. C
10. A
11. A
12. B
13. B
14. D
15. A