Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Mohandas Gandhi

•Isang Guro
•Idealista
•Praktikal na tao
•Mahatma –
“dakilang kaluluwa”
o “dakilang nilalang”
•Ipinanganak noong
Oktubre 2, 1869 sa
Porbandar, India.
•Ang kanyang ama ay si
Karamchand Gandhi.
•Ang kanyang ina ay si
Putlibai.
•“Ahimsa” o di karahasan
at pagiging tapat.
•Ikinasal noong
labintatlong
taong gulang pa
lamang.
•Ikinasal kay
Kasturbal
Mahatma Gandhi
ni Amado V. Hernandez
Ang paglilider mo’y namumukod-
tangi
pulos halimbawa’t walang talumpati;
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik na may ibang uri.
Wala kayong armas na gamit sa
laban
kundi boykoteo ng dayong kalakal;
kung wala nang damo’y lilipad ang
balang,
kung wala nang ginto’y lalayas ang
dayuhan!
Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,
unang tumutupad sa sinasalita;
naghubad ng telang sa Londres
nilikha,
naghabi ng kanya at nagbuhay-
dukha.
Walang automobil, walang sula’t hiyas,
wala kang palasyo’t salaping
inimbak,
walang katungkulang ang sahog ay
limpak
pagka-makabaya’y sakripisyong
lahat.
Namulat ang India… daling
iwinaksi
ang diwang alipin…
nais magsarili…
Ang Britanya’y tila di
makatanggi…
tiyak na lalaya ang bayang may
Gandhi!
Mapalad ang India’t may
Mahatma…
Ikaw, Pilipinas, saan ka
pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang
sinasamba
at ang katutubo’y kuskusan ng
paa!
Awit, Elehiya, at
iba pang Tulang
Pandamdamin
Tulang Liriko
Sa uri ito ng tula ay itinatampok ng
makata ang kanyang sariling
damdamin at maging ang kanyang
pagbubulay-bulay. Pinakakilala sa
uring ito ng tula ang awit at elehiya.
Awit
- Ang awit (dalitsuyo) ay may
paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal, pagmamalasakit,
at pamimighati ng isang
mangingibig.
Halimbawa:
Kay Selya ni Francisco Baltazar
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Halimbawa:
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
Elehiya
Ang elehiya (dalitlumbay) ito ay
isang tula ng pananangis, lalo na
sa pag-alaala sa isang yumao;
ikalawa, ang himig nito ay
matimpi at mapagmuni-muni.
Halimbawa:
Isang Punong Kahoy
ni Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Halimbawa:
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking
libingan...
Pastoral
Ang pastoral (dalitbukid) na
ang tunay na layunin ay
maglarawan ng tunay na
buhay sa bukid.
Halimbawa:
Bahay Kubo
ni Victor Fernandez
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari sari
Sinkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Halimbawa:
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos,
mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
Oda
Ang oda (dalitpuri) na sa
makabagong panulaan ay isang uri
ng tulang liriko na may kaisipan at
estilong higit na dakila at
marangal.
Halimbawa:
Manggawa
ni Jose Corazon de Jesus
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong
santinakpan
Halimbawa:
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang
katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong
ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak
ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay
gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Dalit
Ang dalit (dalitsamba) naman ay isang
maikling awit na pumupuri sa Diyos.
Ito ay isang maikling tulang liriko na
nilikhang may aliw-iw ng awit subalit
hindi ito kinakanta.
Soneto
- Ang soneto (dalitwari) ay tulang may labing -
apat na taludtod. Karaniwang ang unang
walong taludtod ay nagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa isang
malubhang suliranin o sa pagtataka sa
malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Halimbawa:
Buhay at Kamatayan
Ni Jose Villa Panganiban
ang tao'y iniaanak, nabubuhay, namamatay. . .
sa dalawang unang likha ng Bathalang mapagkapal,
di na mabilang ang angkang naging bansa't bayang
di mapigil sa pagdaming bula-bulang katauhan.
Halimbawa:
ang mga hiblang-hininga'y mayroon ding kaduluhan
at napakamalagutin sa gutom, sakit, patayan.
bawat ianak sa mundo'y silangang nanganganluran.
bakit? bakit? ang tao ba'y binuhay upang mamatay?
sa bulag, ang sagot dito'y may hilakbot na pangmalay;
sa dilat, ang tugon dito'y may liwanag na Dalisay
Halimbawa:
sa talaagham ng Bathala ay buhay na walang-
hangganang
bigay na gantimpala sa ganap na kamatayan;
sa pagmamahal Bathala ng lihim
ng katotohanan

You might also like