Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ra

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito
Aralin Pagpapahalaga sa Sarili
7

Ano ang target ko?

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:
1. Maihambing ang sariling kwento o karanasan sa buhay sa
kwento o karanasan ng kamag-aral bilang miyembro ng
pamilya.

Ano pa ang hinihintay mo, halina at sumagot ka na. Gagabayan


ka ng iyong magulang/tagapag-alaga sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Ano ako magaling?


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ________ ng bata ay may mga kwento o karanasan sa buhay.
A. ilan B. lahat C. marami
2 . Masayang magkuwento ng sariling karanasan bilang miyembro
ng pamilya sa harap ng kamag-aral.
A. Siguro po B. Opo C. Hindi po
3. Si Stanley ay laging tumutulong sa mga gawaing bahay. Ito rin
ang ginagawa ng kanyang kuya nang pareho ang kanilang
edad. Anong kaugalian ang taglay ng magkapatid?
A. Maawain B. Masinop C. Masipag
4. Nakangiting nakikinig si Joana sa kanyang kamag-aral habang
nagkukwento ito ng mga karanasan niya. Naranasan din kasi
niya ang sinasabi ng kanyang kamag-aral. Ano ang maaring
nararamdaman ni Joana habang nakikinig?
A. Masaya B. Naiinis C. Nalulungkot
5. Si Kyla ay limang taong gulang. Si Princess ay limang taong
gulang din. Sila ay sabay na pumapasok sa paaralan. Ano ang
magkatulad na karasanan ang nararanasan nila?
3|Page
A. Mag-aral B. Maglaro C. Mamasyal

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Lagyan ng bilang ang bawat larawan upang makita


ang wastong pagkakasunud-sunod. (1- 5)

` _______________ ______________ ________________ _______________ ______________

Ano ang gagawin ko?

Ano ang nakikita sa larawan? Saan kaya sila pupunta? Ano ang
iyong karanasang di malilimutan noong ikaw ay kinder?
Magkakatulad ba ang karanasan ng bawat bata?

Ano ang kahulugan?

Panuto: Bago natin simulan ang aralin.Basahin ang maikling kuwento.

Siya si Ana. Unang araw ng pagpasok niya sa


paaralan. Gumising siya nang maaga.
Naghanda siya sa pagpasok . Inihatid siya ng
kanyang ina sa silid– aralan. Nag-iiyak na si Ana
nang iwan ng kanyang ina sa kanyang upuan.

4|Page
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang inyong
sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Anong baitang na si Ana?
3. Sino ang naghatid kay Ana sa paaralan?
4. Katulad ka rin ba ni Ana na umiiyak kapag hinatid ng
iyong nanay sa paaralan?
5. Kung ikaw ang kaklase ni Ana ano ang iyong sasabihin
para tumigil siya sa pag-iyak?

Ano pa ang gagawin ko?

A.Panuto. Lagyan ng puso ang mga pahayag na


pareho dapat ninyong ginagawa ng iyong kapatid sa
loob ng iyong tahanan at bilog sa hindi dapat. Isulat
ang inyong sagot sa patlang.
_______1. Naglilinis ng bahay
_______2. Nagtutupi ng damit
_______3. Nagkakalat ng laruan
_______4. Nagdidilig ng halaman
_______5. Nagsisigawan sa bahay
B.Panuto. Basahin ang mga sumusunod at alamin ang
pagkakaiba ng bawat bata.Sagutin ang tanong sa ibaba at
ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ako si Bito. Noong ako Ako si Lara. Noong ako ay
ay isang taong gulang isang taong gulang pa
pa lamang lamang ay nakakagapang
nakakalakad na ako. pa lamang ako.

1. Ilang taon natutong maglakad si Bito?


2. Ilang taong gulang natutong gumapang si Lara?
3. Sino sa dalawang bata ang mabilis natutong maglakad?
4. Magkaparehas ba ang pagbabagong naganap sa kanila?
5. Sino sa dalawang bata ang may katulad ng naranasan mo?

5|Page
C. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga bilang na nagpapakita
ng mga karanasang naranasan mo at ng nakararami sa iyong
kamag-aral at ekis ( X ) sa hindi.
1. Paglakad nang mag-isa ng 8 buwang gulang pa lamang.
2. Kakayahang maglakad, tumakbo at maglaro sa edad na 3.
3. Pagbabasa noong tatlong taong gulang na.
4. Kakayahang kumain mag-isa noong 5 na taong gulang na.
5. Pagpasok sa paaralan sa edad na lima.

Ano ang natamo ko?

Habang ang bata ay lumalaki, may mga karanasan o kwentong


nararanasan na maaaring katulad ng sa ibang mga bata. Ang mga
kwento o karanasang ito ay maaaring makatulong upang umunlad
ang sarili.

Ano ang kaya kong gawin?

Gumuhit ng larawan ng nais mong maranasan kasama ang


iyong pamilya. Kulayan ang iyong ginawa. Gawin ito sa long
bondpaper

Kumusta na ang target ko?

Basahin ang mga sumusunod at isulat ang letra ng tamang


sagot.
1. Si Charlie ang tagabili ng pangangailangan sa kanilang
bahay. Noong ang ate niya ay katulad ng kanyang edad,
siya din ang gumagawa nito. Ano ang pagkakatulad ni
Charlie at ng ate niya? Ang kanilang ________
A. inaayawang gawain B. kayang gawin C. libangan
2. Kinukuwento ng nanay ni Mika na noong anim na taong
gulang siya ay marunong na siyang magdilig ng halaman.
Ito ay ginagawa ni Mika ngayon. Anong gawain ang
kayang gawin ni Mika na ginagawa ng nanay niya noon?
6|Page
A. Magdilig ng halamanan B. Maglaba ng damit
C. Magtanim ng halaman
3. Dapat bang ikahiya ang pagkukuwento ng iyong karanasan
gaya ng paggawa ng mga gawain sa bahay sa harap ng iyong
kamag-aral?
A. Hindi po B. Tama po C. Opo
4. Habang nagkukuwento si Calvin ng kanyang pagtulong sa
kanyang pamilya ay naiisip din ni Jose ang kanyang
pagtulong sa kanyang pamilya. Ano ang pagkakatulad ni
Calvin at Jose ?
A. Pag-aaral sa bahay
B. Paglalaro sa bahay
C. Pagtulong sa gawaing bahay
5. Ang bawat bata ay may kwento o karanasan sa buhay.
Maaaring ito ay katulad ng kwento o karanasan ng iba pang
mga bata.
A. Hindi po B. Mali po C. Tama po

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Panuto. Gumupit ng larawan ng iyong karanasan ngayon na


naranasan din ng iyong mga kapatid, kaibigan o pinsan noong
kasing edad mo sila. Ilagay sa long bond paper.
B. Panuto. Panoorin ang video at gawin ang pagsasanay dito.
https://www.youtube.com/watch?v=B1YqysiWXe4

SANGGUNIAN
Google.com
▪ https://www.google.com/search?q=baby+boy+walking+with+toy+clip
https://www.google.com/search?q=crying+clipart&tbm=isch&ved=2a
hUKEwiq8-uNqcnqAhX9xosBHYZ5DfEQ2-
▪ Most Essential Learning Competencies Matrix page 25
▪ Miranda, Noel P, Ocampo, Odilan B, Araling Panlipunan 1 (Kagamitan
ng Mag-aaral )Vibal Publishing, 2012 Edition, page 41

7|Page
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: PAULA LUZ M. MAUR
Content Evaluators: JEANILYN L. PASQUIN
ALICIA C. CALCES
RUTH R. AQUINO
Language Evaluator: RUTH R. AQUINO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JEANILYN L. PASQUIN
ALICIA C. CALCES
Lay-out Artist : CRISELLE G. FERRERAS
RIZA MAGABILEN

Content Validator: CAROL C. JINAHON


Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros


Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Telefax: (02) 8533-1458; (02) 8514-7970

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com

8|Page

You might also like