Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA- CALABARZON
Division of San Pedro
District III ISKOR
ADELINA I COMPLEX ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022-2023
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:_________________________________ Petsa:________________________
Pangkat: __________________________________ Guro: ________________________

PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Kompletuhin ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa teksto.Piliin
ang titik ng tamang sagot.

MGCQ, muling ipinatupad!

Ipinatupad ng IATF (Inter-Agency Task Force) ang MGCQ o Modified General Community Quarantine sa maraming lugar
sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19. Muling ipinagbawal ang paglabas ng mga bata
mula edad 14 pababa at matatanda na edad 65 pataas dahil sila ang madaling mahawahan ng sakit. Ibinalik din ang pagkakaroon
ng curfew mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng umaga upang malimitahan ang paglabas ng mga tao. Kinontrol din
ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa mga probinsya upang mapigilan ang pagkalat ng virus dito. Mahigpit ding ipinatupad
ang pagsunod sa mga health protocols para makaiwas sa lumalaganap na sakit.

Modified General Community


Quarantine
Sanhi Bunga

Ipinatupad ng IATF ang MGCQ sa maraming lugar 3.


sa Pilipinas
1. madali silang mahawahan ng sakit

Ibinalik din ang curfew mula alas-diyes ng gabi


hanggang alas-singko ng umaga 4.

Kinontrol din ang pagpasok at paglabas ng mga tao


sa mga probinsya mapigilan ang pagkalat ng virus dito

2. makaiwas sa lumalaganap na sakit

A. malimitahan ang paglabas ng mga tao


B. patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19
C. Mahigpit ding ipinatupad ang pagsunod sa mga health protocols
D. Muling ipinagbawal ang paglabas ng mga bata mula edad 14 pababa at matatanda na edad 65 pataas.

PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang pangungusap na nagmula
sa balita. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Lantay B. Tambalan C. Hugnayan

TVcycle, Bagong Ehersisyo para sa mga Bata

Washington – Inilunsad kamakailan ng isang ospital sa New York ang TVcycle upang matulungan ang matatabang
bata na makapagpapayat sa pamamagitan ng ehersisyo. Isang bisikleta ang TVcycle na nakakonekta sa telebisyon at kailangang
ipidal muna ng mga bata ang bisikletang ito upang makapanood ng kanilang mga paboritong programa. Ayon sa pag-aaral ng St.
Luke’s Roosevelt Hospital, ang labis na panonood ng telebisyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaba ng mga bata
dahil ninanakaw nito ang panahong ginugugol sana para sa paglalaro. Ang TVcycle ay isang alternatibo sa pormal na
ehersisyong kailangan ng mga bata. Malaki ang maitutulong nito upang lumakas at sumigla ang kanilang katawan.

______5. Inilunsad kamakailan ng isang ospital sa New York ang TVcycle upang matulungan ang matatabang bata na
makapagpapayat.

______6. Isang bisikleta ang TVcycle na nakakonekta sa telebisyon at kailangang ipidal muna ng mga bata ang bisikletang ito
upang makapanood ng kanilang mga paboritong programa.

______7. Ayon sa pag-aaral ng St. Luke’s Roosevelt Hospital, ang labis na panonood ng telebisyon ay isa sa mga pangunahing
dahilan ng pagtaba ng mga bata.
______8. Ang TVcycle ay isang alternatibo sa pormal na ehersisyong kailangan ng mga bata.

PANUTO: Basahin ang debate ng dalawang bata tungkol sa pagpapatuloy ng tradisyong pagdaraos ng pista. Tingnan
ang pangungusap na may bilang at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit, isulat ang letra ng tamang
sagot.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos

“Sang-ayon ka ba na dapat ba o hindi na dapat ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista sa panahong ng pandemya?”

ANA: Oo, naman dapat lang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng pista. ______(9.) Ang pista ay araw ng pasasalamat sa poong
Maykapal na hindi dapat pinalalagpas.

JOSE: Anong dapat ipagpatuloy? Dapat munang ipagpaliban ang pagdiriwang, sapagkat tayo ay humaharap sa pandemya.
Laganap ang hawaan ng virus.

ANA: Hindi! Dapat patuloy pa ring idaos ang kapistahan sapagkat ito ay nagbibigay ng pag-asa sa bawat tao na lahat ng
problema ay may katapusan.

JOSE:Kung ipagpapatuloy niyo ang prusisyon sa pagdiriwang ng kapistahan, tiyak ay dadagdag kayo sa bilang ng mga positibo
sa Covid 19.

ANA: Titiyakin kong susunod ako sa health protocol ant social distancing. _____(10.)Gusto mo bang sumama?

PANUTO: Basahin ang mga bawat bilang. Tukuyin ang nais sabihin ng may akda sa pamamagitan ng pagpili ng angkop
na letra.

11. Kahit kailan, kahit saan marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Kahit ang mga
nasa loob nang tumatakbong sasakyan, itinatapon sa labas ng bintana ang kanilang basura. Nagpapakilala nang kawalan ng
disiplina at kamangmangan sa epektong dulot ng basura sa kapaligiran.

A. Nakakahiya ang maging isang Pilipino.


B. Marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura.
C. Kawalan ng kaalaman sa magiging dulot ng kamangmangan.
D. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ay may masamang dulot sa kapaligiran

12. Napakaraming kapakinabangang nakukuha sa ating kagubatan. Pinagmumulan ito ng matabang lupa at pumipigil sa pagbaha.
Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop.

A. Maganda ang ating kagubatan.


B. Maraming kapakinabangan sa ating mga kagubatan.
C. Magtulungan sa pangangalaga sa kagubatan. Sundin ang mga batas.
D. Nararapat gumawa nang hakbang ang pamahalaan sa pangangalaga ng kagubatan.

13. Kung noon ay nangunguna ang mga estudyanyeng Pinoy sa katalinuhan laban sa mga katabing bansa sa Asia, ngayon ay
hindi na. Sa mga paligsahan ay nangangamote o mas tamang sabihin na “ nangangalabasa “ na sila. May problema kung gayon
sa sistema ng edukasyon kaya napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pinoy. At nararapat lamang na ang problemang ito ay
gawing prayoridad ng manunungkulang presidente ng Pilipinas sa May 2022 elections. Kung hindi mapapabuti o mabibigyan ng
sapat na atensiyon ang Education Sector, tiyak lalo pang mangangalabasa ang mga estudyante.

A. Napag-iiwanan na ang mga estudyanteng Pinoy.


B. Nangangalabasa nang talaga ang mga estudyanteng Pinoy.

C. Noon ay nagunguna sa katalinuhan ang mga estudyanteng Pinoy.


D. Nararapat bigyan pansin ng antas nang kalidad ng edukasyon sa bansa.
PANUTO:Basahing mabuti ang kasunod na mga sitwasyon at piliin mo ang iyong sariling solusyon sa isang suliraning
ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

14. Napakalakas ng ulan at nagliliparan ang bubong ng mga bahay dahil sa Bagyong Yolanda.
A. Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.
B. Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.
C. Hintaying humupa ang ulan at malakas na hangin bago lumikas.
D. Pumunta sa pinakamalapit na evacuation center pagkarinig ng balitang may darating na malakas na bagyo.

15. Maraming kabataan sa inyong lugar ang natututong manigarilyo.


A. Hayaan lamang sila.
B. Gayahin ang kabataang naninigarilyo.
C. Iwasan ang mga batang naninigarilyo at huwag pansinin.
D. Pagsabihan ang kabataang itigil ang paninigarilyo dahil nakasasama ito sa kalusugan.
PANUTO:Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pahayag at ekis
(x) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

____ 16. Ang dokumentaryong pampelikula ay mas mahaba kaysa sa dokumentaryong pantelebisyon.
____ 17. Mas malaki ang nagagastos sa paggawa ng dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa dokumentaryong pampelikula

PANUTO:Punan ng angkop na pangungusap ang sumusunod na usapan upang mabuo ito. Piliin ang titik ng tamang sagot na
nasa loob ng kahon.
(Magka-chat sa messenger ang magkakaibigan.) A. Dumating sila noong Martes ngunit hindi nila
kasama ang tatay niya.
Ana: Nakita n’yo na ba si Beth?
Ruth: Oo. (18)_______________________________________________
B. Magpiknik tayo sa bukid para maging masaya
Alexa: Nakausap mo ba siya?
Ruth: Oo. ang bakasyon ni Beth.
Alexa: Kailan pa ba sila bumalik sa Pilipinas?
Liza: (19) __________________________________________________ C. Nakita ko siya kahapon habang nagwawalis
Ana: Eh, hanggang kailan daw sila rito? ako sa aming bakuran.
Ruth: (20)__________________________________________________
Alexa: Ah, ganun ba? Sana minsan magkita-kita tayo. D. Dito raw muna sila sa Pilipinas habang wala
Ana: Oo nga. pang silang pasok sa paaralan
Liza: Tama!

PANUTO:Basahin at unawain ang teksto. Ibigay ang buod sa pamamagitan ng pagkompleto ng nawawalang salita upang
mabuo ang kaisipan o pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

EMILIO AGUINALDO
Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang ama ay naging
gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang record sa pag-aaral. Natuto siya ngalpabeto sa bahay. Nagtapos
siya ng elementarya sa paaralang bayan ng Kawit. Nagtapos siya ng sekundarya sa San Juan de Letran. Huminto siya sa pag-aaral
sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng kanyang ina upang maging cabeza de
barangay. Naging negosyante siya. Namili siya ng tela at mga yaring produkto, ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay,
baboy at manok.

Hindi nakita sa kabataang ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Walang kakaiba
sa kanyang record. (21)__________. Sa paaralang bayan ng Kawit siya nagtapos ng elementarya. (22) ____________. Tumigil
siya sa pag-aaral noong kolehiyo. (23)___________.Naging cabeza de barangay siya sa tulong ng kanyang ina at nagging
negosyante din siya.

A. Namili ng tela at mga yaring produkto.


B. Sa bahay siya natutong mag- alpabeto
C. Umiwas maglingkod sa sandatahang lakas.
D. Sa San Juan de Letran nakapagtapos ng sekundarya.
PANUTO: Mula sa tekstong “EMILIO AGUINALDO”, sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

24. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas?


A. Emilio Aguinaldo B. Manuel L. Quezon C.Joseph Estrada D. Ramon Magsaysay

25. Saan siya natutong magalpabeto?


A. sa paaralan B. sa bahay C. sa nanay niya D. sa mga guro

26. Ano ang iniwasan niya ng huminto siya sa pag-aaral?


A. umiwas sa pamilya C.umiwas siya na maglingkod
B. umiwas mga kaibigan D.umiwas sa pamahalaan
PANUTO: Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

27. Ano ang sasabihin mo kung hindi mo napakinggang mabuti ang sinasabi ng iyong kinakapanayam?
A. Magandang araw po!
B. Salamat po sa pagpapaunlak sa akin!
C. Mayroon pa po ba kayong ibang pahayag?
D. Ipagpaumanhin po ninyo, maaari bang ulitin ninyo ang inyong sinabi?

28. Ano ang sasabihin mo kung nais mo pang humingi ng dagdag impormasyon tungkol sa paksa mula sa iyong kinakapanayam?
A. Magandang araw po!
B. Salamat po sa pagpapaunlak sa akin!
C. Mayroon pa po ba kayong ibang pahayag?
D. Ipagpaumanhin po ninyo, maaari bang ulitin ninyo ang inyong sinabi?

29. Kilatisin ang produktong nasa larawan. Piliin ang angkop na pangungusap na maaaring gamitin sa pagkilatis.

A. Naku ayoko niyan!


B. Bangus ang ulam naming kanina.
C. Sariwa ba ang bangus na binebenta?
D. Pakibilhan ako ng isang kilong bangus sa palengke.
30. Kilatisin ang produktong nasa larawan. Piliin ang angkop na pangungusap na maaaring gamitin sa pagkilatis.

A. Kailan ang expiration ng Alaska Milk?


B. Paborito kong inumin ang Alaska Milk!
C. Binigyan ako ng aking kapatid ng Alaska Milk.
D. Ihalo natin sa sopas ang Alaska Milk upang lalong sumarap.

PANUTO: Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang komposisyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. tuldukan B. sakit C. disgrasya D. pandemya E. Protocol

Maging Ligtas Saanman!

Ang wastong paggamit ng bisikleta ay makasisiguro ng iyong kaligtasan. Mag-doble ingat para makaiwas sa
31___________. Laging mag-ingat at maging ligtas sa pagbiyahe. Ugaliing sundin ang 32. ____________ para
makaiwas sa COVID -19 at para di tayo makahawa sa iba. Ito ang 33. __________ na kinkaharap ng buong mundo. Alalahanin
natin ang mga kababayan nating kabilang sa vulnerable groups tulad ng matatanda, ang mga maysakit at mga may maselang
pagbubuntis. Sa pagsunod nang tama sa mga nakakataas sa pamahalaan 34. __________ na natin ang krisis na ito.

PANUTO: Pagmasdan at pag-aralan ang mapa at grap. Piliin ang ang titik ng angkop na tanong para dito.

35.
36 A. Bakit nasa gitna ang bahay?
B. Saan nagtungo si Ana matapos umalis sa paaralan?
C. Anong establisyamento ang matatagpuan sa kanluran ng sasakyan ng dyip?
D. Saang direksyon matatagpuan ang ospital kung ikaw ay manggaling sa bahay .

A. Tungkol saan ang grap?


B. Sino-sino ang bumuo ng grap?
37 C. Saan ginagamit ang mga grap?
38 D. Anong bahagi ng grap ang may pinakamalaking bahagdan?

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.

39. Si John Leirson ay nais maghanap ng trabaho. Anong bahagi ng pahayagan ang kanyang titingnan?
A. Lifestyle B. Libangan C. Anunsiyo D. Isports

40. Si Mang Jonathan ay mahilig manood ng larong basketball, nagkataong may pinuntahan siya kung kaya hindi niya napanood
ang championship game ng kanyang paboritong koponan. Saan niya pwedeng malaman ang resulta ng laro.?
A. Libangan B. Balitang Panlalawigan C. Pangmukhang Balita D. Isports

41. Tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, nais mo ring malaman ang kaso sa ibang bansa. Anong bahagi ng pahayagan ang
iyong babasahin?
A. Pangmukhang Pahina B. Balitang Panlalawigan C. Balitang Pandaigdig D. Pangulong Tudling

42. Kinahiligan ni John Roy ang pagsasagot ng crossword puzzle sa diyaryo. Saang bahagi ng pahayagan niya ito makikita?
A. Isport B. Lifestyle C. Anunsiyo D. Libangan

43. Alin sa mga balita sa ibaba ang matatagpuan sa pangmukhang balita?


A. Pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa buong bansa.
B. Pagdeklara na ang Cavite ang kasali sa MECQ.
C. Pagdaraos ng Communuty Pantry sa inyong barangay.
D. Pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 sa karatig barangay.

44. Anong bahagi ng pahayagan ang naglalahad ng pinaka tampok na balita?


A. Pangmukhang Pahina B. Balitang Panlalawigan C. Balitang Pandaigdig D. Pangulong Tudling

45. Saang bahagi ng pahayagan nasusulat ang opinyon ng mga manunulat?


A. Pangmukhang Pahina B. Balitang Panlalawigan C. Balitang Pandaigdig D. Pangulong Tudling

46. Naglalaman ng mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan pagkain.


A. Lifestyle B. Libangan C. Anunsiyo D. Isports
PANUTO: Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

47. Ano ang tawag isang organisasyon o isang tao na naghahatid ng mga programa o impormasyon sa radyo o sa telebisyon.
A. radyo B. iskrip C. broadcaster D. tagapakinig

48. Ito ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga diyalogong binabasa ng tagapagbalita. Mahalaga ito sa
pagbabalita upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa mga tagapakinig ang balita. Ano ito?
A. radyo B. iskrip C. broadcaster D. tagapakinig

49. Sa pagpili ng aklat na babasahin, kaninong interes ang dapat isaalang-alang?


A. nauuso
B. kagustuhan ng tatay
C. kagustuhan ng titser
D. sariling interes ng mambabasa

50. Nais malaman ni Juan ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandadigdig. Anong aklat ang kanyang babasahin?
A. Pilosopiya B. Kasaysasan C. Matematika D. Agham at Siyensya

Binabati ko kayo!

You might also like