Professional Documents
Culture Documents
Filipino 3RD QTR
Filipino 3RD QTR
Filipino 3RD QTR
MAHATMA GANDHI
Isinulat ni: Amado V. Hernandez
Alam mo ba?
Mohandas Gandhi
● Isang dakilang guro, isang idealista, at praktikal na tao.
● Higit na kilala sa pangalang "Mahatma" na hango sa wikang Sanskrit - Dakilang
Kaluluwa o Dakilang Nilalang.
● Pinilit niyang isabuhay, upang iturong ang mga kaisipang ito ay maaring gawin at
mapagtagumpayan.
● Binigyang-diin niya ang pagmamahal sa sandaigdigan at paggamit ng mapayapang
paraan ng paglutas ng mga suliraning pambansa at pandaigdig.
● Ipinanganak noong Oktubre 2, 1869 sa Porbandar, India.
● Karamchand Gandhi: ama, Putlibai: ina;mapagmahal
● Itinuro sa kaniyang ina ang malaking kahalagahan ng pagdidisiplina sa sarili, ng
"ahimsa" o karahasan, at ng pagiging tapat.
● Nagsumikap na sundin ang landas ng katotohanan kahut noong siyay bata pa.
● Noong bumisita ang Education Inspector sa kanilang paaralan at nang napanain ng
kanyang gurong mali ang pagkabaybay niya sa salitang "kettle" tilay sinenyasan siyang
kumopya sa katabi ngunit hindi niya ito ginawa.
● Londres: lungsod na matatagpuan sa United Kingdom na kilalang lugar sa
magagandang damit at mamahaling moda.
LAMAN NG KUWENTO:
● Hari: mayabang na ama ng may pitong anak, pinakamamahal niya ang
pinakabata/bunso.Pinalayas ang ikapitong anak.
● Hiling ng prinsesa: isang kabayong may montura(saddle).
● Hiling ng binata: isang barong angkop sa isang katulong ng maharlika.
● Lai Pari o Pulang Diwata: anak ng Hari ng mga Diwata, napa asawa sa genie na may ari
ng palasyong narating ng binata na walang ka tao-tao.
● Rubi: isang batong-hiyas na kulay rosas hanggang dugong pula.
● Genie: asawa ng Pulang diwata.
● Ang lalaking tumutugtog ng plawta na naging kaibigan ng itinakwil na prinsesa
● Tabla: ginagamit kapag naalis ang ulo ng Diwata.
PANG-URI
- salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan at panghalip.
1. Lantay
- isa o payak na pangngalan o panghalip.
Hal.: Ipinaglalaban na ng kababaihan ng modernong panahon ang kanilang karapatan.
2. Pahambing
- pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
2.1. Magkatulad
- ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Hal.: Sa kasalukuyan, ang kababaihan at kalalakihan ay magkasing husay na sa iba’t
ibang larangan.
2.2. Di-magkatulad
- pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.
(1) Palamang
- positibong katangian
- lalo,higit,di hamak,mas
Hal.: Di hamak na matiyaga ang mga babae sa gawaing bahay kaysa mga lalaki.
(2) Pasahol
- negatibong katangian
- di gaano, di gasino, at di masyado
Hal.: Ang mga kababaihan naman ay di masyadong mahilig sa mga maaksiyong pelikula.
3. Pasukdol
- pinakadulong digri ng kaantasan ang pasukdol, maaring positibo o negatibo.
- sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng __.
Hal.: Pinakamabisang paraan upang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan ay ang
magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang karapatan.
PANANDANG PANDISKURSO
- Nakakatulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag.
- Ang pananda ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Halimbawa ng Panandang Pandiskurso:
1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang
huli
- Nang sumunod na araw
- Sa dakong huli
- Pagkatapos
2. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso
(1) Pagbabagong-tulad
- Kung tutuosin
- Sa ganang akin
- Sa ibang salita
- Kung iisipin
(2) Pagtitiyak
- Kagaya ng
- Tulad ng
(3) Paghahalimbawa
- Halimbawa
- Isang magandang halimbawa ay
- Sa pamamagitan ng
(4) Paglalahat
- Sa madaling sabi
- Bilang paglalahat
- Bilang pagtatapos
(5) Pagbibigay-pokus
- Pansinin na
- Bigyang-pansin ang
- Tungkol sa
(6) Pagkakasunod-sunod na pangyayari
- Ang sumunod
- Ang katapusan
- Una
3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may akda
- Kung ako ang tatanungin
- Sa aking palagay
- Bagaman
- Sa tingin ko
- Kaya lamang