Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1-31

Ang isang araw ay bitin kung ating susumahin

Bawat ngiti sa ating buhay kay sarap isipin

Kaya bawat araw at buwan na dadating ay wag sayangin

dahil laging may pagkakataong satin ay dadating.

Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan

Senyales na pagpatak ng ulan

Parang pag ibig na hindi mo mapigilan

Tumampisaw ka kahit alam mong ika’y masasaktan.

Isang araw ang lumipas

At ibang araw naman ang ipaparanas

Na tila ba ay isang wakas

Ang kahapon ay masalimuot na bakas.

Isang araw na tag ulan at isang gabing malamig

Dagunot nito’y parang kaysarap sa pandinig

Bawat patak ay piyesa ng himig

At ika’y sumasayaw sa ligaya ng tubig.

Bawat araw at buwan ay limulisan

Lahat tayo ay may talento at kahusayan

Kaya sa darating na bukas ito’y paghusayan

At baka bukas ikaw na ang syang lilisan .


Ang bawat darating na bukas ay atin pahalagahan

Pagsikat ng araw at puno ng kagandahan

Animo’y tulad ng mga buwan at bituin sa gabi

Na walang sawa mong pinagmamasdan.

Kaya sa lahat ng pagkakataon tayo ay matuto sa buhay

At sa darating na bukang liwayway

Kaya ating taglayin sa bawat maghapon na dadating

Aralin natin palaging maging mabuti at matulungin.

You might also like