Filipino q4 w6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

May 6-7, 2024

FILIPINO II
Kwarter 4 Linggo 6

I. Layunin:

Makapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto, talata at kuwento.

II. Paksa : Pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto,talata, at kuwento

Sanggunian: MELC
Kagamitan: tsart/tarp papel. TV, Laptop, larawan
Integrasyon:
Across Curriculum:

III. A. Pamamaraan:
1. Pagbabasa ng mga salita sa plaskard
2. Balik- aral:

Balik- aralan kung ano ang teksto, talata at kwento.

Teksto- ay mga hanay ng magkakaugnay ng salita upangmabuo ang isang ideya o kahulugan nito.
Sa
pagbabasa ng teksto ay nakabubuo tayo ng diwa o kaisipan.

Talata- ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap upang mabuo ang isang
ideya ng isang paksa.

Kuwento - ay maaaring maikli o mahaba na nagsasalaysayng isang pangyayari o naganap sa tunay


na
buhay ng isang tao. Karaniwan sa isang kuwento ay may mga tauhan at pangunahing
tauhan.

B. Palalahad

1.Paglalahad ng kuwentong “Ang Aking Nanay”


2. Pag aalis ng balakid

Maaruga-
Masustansyang pagkain-

3. Pagbabasa ng kuwento “ “Ang Aking Nanay”

Ang Aking Nanay

Ang aking nanay ay isang maaarugang ina. Masipag at mabait siya. Lagi niya akong pinagluto ng masasarap at
masusustansiyang pagkain. Tinuturuan din niya ako sa aking mga aralin, Mahal na mahal ko ang aking nanay.

Mga tanong:

1. Ano ang pamagat sa kuwento?


2. Sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano ang masasabi ninyo sa kanyang nanay?
4. Sino ang pinag-uusapan sa kuwento?
5. Bakit “Ang Aking Nanay” ang papamgat sa kwento?

C. Pangkatang Gawain:

Pangkat 1
Basahin ang kuwento at Ibigay ang angkop na pamagat sa kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. ______________________

Si Toble ay isang pusa. Siya ay isang Siamese cat. Bakit Toble ang pangalan niya? Pinangalanan
namin siyang Toble dahil kulay tsokolate ang balahibo niya. Ang Toble ay pinaiksing Toblerone na isang brand ng
tsokolate. Siya ay isang malambing na pusa. Nakakapagpasaya siya sa buong pamilya dahil sa kanyang
nakatutuwang paglalaro at kakulitan. Siya ay lagi naming kayakap sa pagtulog.

Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?

A. Ang Siamese Cat


B. Si Toble
C. Ang Pusa
D. Si Toble Kakulay ng tsokolate

Pangkat 2. ---------------------------------------------------

Masayang gumising si Ella. Ito kasi ang araw ng kaniyang pagtatapos sa elementarya. Inihanda
niya ang kaniyang isusuot na puting bestida at toga para sa kanyang pagtatapos.

Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?

A. Si Ella at ng Kaniyang Handa


B. Ang Araw ng Pagtatapos ni Ella
C, Si Ella ay Masaya
D. Ang pagtatapos sa Elementarya ni Ella

Pangkat 3.

___________________________________

Ang Sampaguita ay kabilang sa pinkamagandang bulaklak sa ating bansa. Ito ay ating pambanasang
Bulaklak. Ito rin ay maganda , mabango at kulay puti.

A. Ang Sampaguita
B. Pambansang Bulaklak
C. Ang Mabangong Bulaklak
D. Ang Pinkamabangong Bulaklak
Pangkat 4

___________________________________
Ang kalabaw ay ang pambansang hayop ng Pilipinas. Ito ang simbolo ng lakas, kahusayan,
pagtitiyaga, at higit sa lahat, kasipagan.

A. Ang Pambanasang Hayop


B. Ang Kalabaw
C. Simbolo ng Plipinas
D. Ang Masipag na Kalabaw

D. Pagsasanay

Basahin at ibigay ang angkop na pamagat sa kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_______________________________

1. Kambal sina Faith at Hope. Magkamukhang – magkamukha sila. Mahilig silang kumain ng sorbets.
Pareho
rin silang masipag mag-aral.

A. Ang mga Bata


B. Ang Paborito nila
C. Ang kambal na sina Faith at Hope
D. Si Faith at Hope

--------------------------------------------------------

2. Ang buwan ang satellite ng mundo. Humihiram ito ng liwanag sa araw. Umiikot ito sa mundo. Sa
isang
ikot nito ay nabubuo ang isang buwan.

A. Ang Pag-ikot ng Mundo


B. Ang Satellite ng Mundo
C. Ang Liwanag ng Araw
D. Ang Mundo

________________________________

3. Gina ang pangalan na ibinigay ko sa aking manika. Ito ay may mahabang buhok. Dilaw ang damit
nito at
ang sapatos. Talagang maganda ang aking manika.

A. Si Gina
B. Ang Manika Ko
C. Ang Damit na Dilaw
D. Ang damit at Sapatos

E. Paglalapat

Basahin at ibigay ang angkop na pamagat sa kuwento. Isulat sa papel ang titik lamang.

__________________________

1. Isang masustansiyang inumin ang gatas. Sagana ito sa calcium na nagpapatibay ng


ngipin at mga buto. Mayaman din ito sa protina na mahalaga upanglumaking malusog ang
isang
bata.
A. Ang Masustansiyang Inumin
B. Ang Calcium ng Katawan
C. Ang Gatas
D. Mayaman sa Protina ang Gatas

____________________________

2. Magdalena ang pangalan ng ate ko. Matalino at masipag siya. Mabait at magalang sa
aming mga magulang.

A. Ang Aking Ate Magdalena


B. Ang Mabait na Ate
C. Ang Katangian ni Ate
D. Si Ate

____________________________

3. Ang Kangkong ay isang madahong gulay. Kulay berde ang dahon nito. Nabubuhay ito
sa
tubig o sa basang lupa.

A. Ang Madahong Gulay


B. Ang Kangkong
C. Ang Kulay Berde
D. Ang Masustansiyang Kangkong

V1. Takdang Aralin:

Ibigay ang angkop na pamagat .

____________________________

Isang mapagmahal at mahusay na guro si Ginang Mayla Cruz. Itinuturing niyang parang tunay na
anak ang kanyang mga mag-aaral. Matiyaga niyang itinuturo ang mga mahihirap na aralin . Siya ang pinkamahal
kong guro. .

DAY 3 ( MAY 8, 2024)

Basahin ang kuwento at Ibigay ang angkop na pamagat sa kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.
2.

3. 4.

DAY 4 (MAY 9, 2024)

Piliin ang titik na angkop na pamagat sa mga larawan.

1. 2.

A. Ang mga Masustansiyang mga Gulay A. Ang Malambing na Pusa


B. Ang mga Prutas B. Ang Madungis na Pusa
C. Masusutansiyang Pagkain C. Ang Itim na Pusa
D. Ang Masarap na Gulay D. Ang Pilyong Pusa
3. 4.

A. Ang Batang Marungis A. Ang Batang Nagbabasa


B. Ang Batang Namamalimos B. Ang Bata
C. Ang Batang nasa Kalye C. Ang Batang Masipag Mag-aral
D. Ang Batang Kalye D. Ang Batang Matalino

A. Ang mga Batang Masaya


B. Ang mga Batang Natutulog
C. Larong Pinoy
D. Ang mga Batang Nakatira sa Bundok

You might also like