LP Arpan q4 Week 6 Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

QUARTER 4, LINGGO 6

I.Layunin:

Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa


mga layunin ng sariling komunidad

II.Paksang Aralin

Natatalakay ang mga paglilingkod o serbisyo ng mga kasapi ng komunidad


AP2PKK-IVa-L5-6

Materyales: larawan ng mga taong nagbibigay serbisyo, activity sheets, laptop


Sanggunian:

ARPAN MELC’S 2

Integrasyon: E.s.P @ Filipino

III.Pamamaraan:

A.Paghahanda:

Awit: [Leron - Leron - Sinta ]

B.Paglalahad:

Mga Paglilingkod o Serbisyo ng mga Kasapi ng Komunidad Mahalaga


ang serbisyong ibinibigay ng mga kasapi ng komunidad. Dito nakasalalay ang
kaunlaran at kaayusan ng pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Sila ang mga

Mga Kasapi ng Komunidad na Nagbibigay ng Serbisyo

Karpintero

Pangunahing gawain

ng mga karpintero ang

pagtatayo ng mga bahay

at iba pang mga gusali.

Kinukumpuni rin nila ang

mga sirang muwebles.


Bumbero

Ang pagsagip ng mga

bahay at gusali sa sunog.

Buhay ang puhunan ng

mga bumbero. Peligroso

ang ganitong gawain.

Padre/Imam

Nagtuturo sa mga taong

mapalapit sa Diyos at pinapaalala

ang mga aral ng panginoon.

Barangay Kapitan

Obligasyon kong ayusin ang problema

ng barangay. Gumagawa din ako ng paraan

para umasenso ang isang barangay.

C.Pagtalakay:

1. Sino – sino ang mga nabanggit na mga taong nagbibigay serbisyo?

2. Sino ang nagkukumpuni ng mga sirang gamit? Naglalapit sa atin sa

Panginoon? Nag – aayus ng problema ng isang barangay? Sumasagip

ng bahay at buhay kapag may sunog?


3. Mahalaga ba sila sa komunidad? Paano sila nakakatulong sa pamayanan?

4. Dapat ba nating silang pahalagahan? Bakit?

D. Paglalahat:

Ang mga karpintero, bumbero, pari/imam at barangay kapitan ang ilan lang sa mga taong
nagbibigay ng serbisyo upang mapanatili ang kaayusan

at kaunlaran ng mga mamamayan sa isang komunidad.

E. Pagsagawa:

Panuto: Gawin ang mga sumusunod.

1. Pumili ng isa sa mga larawan.

2. Tukuyin at isulat sa loob ng hugis kahon

kung anong serbisyo ang ipinapakita sa larawan.

3. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagsulat

ng maikling pangungusap ukol sa napiling

paglilingkod o serbisyo ng mga kasapi ng komunidad.

4. Isulat ang maikling pangungusap sa loob ng puso.


IV. Pagtataya:

Panuto: Kompletuhin ang concept map. Talakayin

ang mga paglilingkod o serbisyo ng mga kasapi ng

komunidad.

Mga Paglilingkod o Serbisyo

Karpintero Bumbero Pari / Imam Barangay Kapitan


* Gumagawa ng paraan para umasenso ang isang barangay.

* Pinapaalala ang mga aral ng panginoon.

* Ang sumasagip ng mga bahay at gusali sa sunog.

* Nagtatayo ng mga bahay at iba pang mga gusali.

VI.Takdang - Aralin:

Gumuhit o gumupit ng mga taong nagbibigay serbisyo gusto ninyong


tularan paglaki mo. Idikit ito sa iyong kwaderno at isulat ang iyong dahilan kung bakit
mo ito napili.

Pagtataya: [Day 3-4]

Panuto: Iguhit sa patlang ang / (tsek) kapag

tama ang sitwasyong sinasabi tungkol sa serbisyo

at X naman kung mali. Gawin ito sa sagutang papel.

______ 1.Pangunahing gawain ng mga Kapitan Barangay ang pagpanatili ng kaayusan


at kapayapaan ng barangay.

________ 2. Sa tulong ng mga bumbero, naiiwasan ang pagkalat ng mga

sakit na dulot ng maruming paligid.

_______ 3. Gumagawa ng bahay ang isang karpintero at nagkukumpuni ng sirang


muwebles

________4. Tinuturuan tayo ng pari na mapalapit ang diyos.

________5. Pinangangalagaan ng mga pulis


ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan.

You might also like