Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad mula sa usapan.

Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang nangyari sa isang family
reunion. Kilalanin kung ito ba ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.

Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdudulot sa akin ng
kaligayahan.
Jean: Uy, si Lola, emote ne emote…
Lito: Hayaan mon a nga siya Jean, moment niya ito eh.
Tita Lee: o, sige, kakaiin na tayo. Pakitawag si Manang para tumulong sa paghahanda ng mesa.
Dino: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming foods.
Kris: Oh, so dami. Sira na naman my diet here.
Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa pagahahanda.
Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para makilala kayong lahat. Siya ang
Afam ko.
Tito Mando: Kelan naman gaganapin ang pag-iisang dibdib?
Lola: Basta laging tandaan mga apo, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na
maaring iluwa kapag napaso.
Deana: Tama. Sa pag-ibig dapat forda forever ang mga fersons.

You might also like