Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Raquiza, Ma. Hyrah Dhayne L.

11 - Velasquez

"Pag-asa sa Bawat Paglubog: Laban Tungo sa Liwanag"

Sa normal na indibidwal na
may stable na trabaho kukulangin ang isang daan sa kanya. Ngunit sa iba ito ay higit higit pa.

Totoo ang kasabihang "hindi namumunga ang pera sa puno"


dahil kinakailangan itong paghirapan, kung minsan kailangan ng dobleng kayod. Kahirapan ay
parte ng ating lipunan, kabilang sila sa mababang antas ng lipunan. Isa itong dahilan kung bakit
ang ilang kabataan ay napipilitang magtrabaho at pabayaan ang pag-aaral.
Kung ang iba ay may pagpipilian ang iba ay wala. Ang
mga batang ito ay maagang namumulat sa reyalidad at walang mapagpipilian kundi
magtrabaho ng maaga maging ito man ay nararapat sa kanilang edad o hindi. Hindi nila ito
kagustuhan ngunit wala silang magagawa.

Ang bawat naibentang piraso ay


kaginhawaan, dahil sa kaisipang "May makakain tayo ngayong gabi." Bawat indibidwal ay pilit
na nilalabanan ang kahirapan dahil sa kagustuhang mabuhay araw-araw.
Sa huli, sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng
kahirapan, patuloy pa rin ang laban ng bawat Pilipino para sa mas magandang kinabukasan. Sa
bawat araw na nagdaraan, ang bawat hirap at pagod ay nagiging patunay ng tapang at
determinasyon ng bawat indibidwal na harapin ang hamon ng buhay. Sa bandang huli, sa kabila
ng mga paghihirap, may pag-asa pa ring bumangon, magtagumpay, at makamit ang mga
pangarap.

"Sa bawat paglubog ng araw, may pag-asa pa ring sumiklab sa dilim."

You might also like