Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Paaralan: SISAY NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 8-MAHOGANY

GRADES 1 to 12 Guro: LYCA MIA A. CUANAN Asignatura FILIPINO


DAILY LESSON LOG Linggo: (February 16, 2024) (11:00-12:00 N.U.) Markahan IKATLO

I- LAYUNIN
A. Pamantayang Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
Pangnilalaman mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
B. Pamantayan sa Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
Pagganap
c. Kasanayan sa
Pagkatuto Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa.
(Isulat ang Code
ng
bawat
Kasanayan)
II- NILALAMAN PANITIKAN: MAIKLING KUWENTONG-DAGLI
“ANG PAGHIHINTAY” ni Hernan B. Estaloza
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Filipino 8; Hanguang Elektroniko
Gabay ng Guro Filipino 8; Ikatlong Markahan, Ikatlong lingo, Modyul 2,pahina 11-13
2. Mga Pahina sa Filipino 8; Hanguang Elektroniko
Kagamitang Filipino 8; Ikatlong Markahan, Ikatlong lingo, Modyul 2,pahina 11-13
Pang mag-aaral
3. Mga Pahina sa Filipino 8; Hanguang Elektroniko
Teksbuk Filipino 8; Ikatlong Markahan, Ikatlong lingo, Modyul 2,pahina 11-13
4. Mga Karagdagang ADM
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Tablet, Television, Powerpoint Presentation/ Hanguang Elektroniko
Kagamitang
Panturo
III- PAMAMARAAN
a. Balik-aral sa Pagsisimula ng Bagong Aralin:
nakaraang aralin/ a. Panalangin
pagsisimula ng  Tatawag ng mag-aaral na mangulo sa panalangin.  Magsitayo ang lahat para sa
bagong aralin/ b. Pagbati panalangin. Lahat ay yuyuko
pagganyak  Magandang umaga sa inyo, mag-aaral! habang nananalangin.
c. Pagtsek ng Atendans  Magandang umaga po Teacher
 Tatanungin ang beadle kung sino ang lumiban sa klase. Lyca!
d. Panuntunan sa Klase
* Bago tayo magsimula, mayroon lamang akong mga paalala.
 Wala po siguro Teacher!
* Itaas ang kamay kung nais magsalita
* Maupo ng maayos at iwasan ang labas-masok sa silid-aralan
* Magbigay galang sa kaklase at guro  Opo Teacher!
* Maging alerto sa mga gawain
* Iwasan ang sabayang pagsagot
* Hintayin ang sariling pagkakataon
* Nagkakaintindihan ba tayo?  Ito po ay patungkol sa Maikling
kuwento.
Balik-Aral
* Ano ang paksang ating tinalakay kahapon? (Unistructural)

b. Paghahabi sa Sabay-sabay na babasahin ng mga mag-aaral ang mga layunin sa nasabing pagtatagpo:  Lahat ay magbabasa ng
layunin ng aralin a. Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa konteksto layunin na makikita sa pisara.
ng pangungusap.;
b. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa; at
c. Naiuugnay ang mahahalagang kaugaliang nakapaloob sa maikling kuwento sa mga pangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan.

c. Pag-uugnay ng mga Magpapakita ang guro ng mga larawan at itatanong sa klase kung ano-ano ang mga simbolo nito. Inaasahang sagot:
halimbawa sa 1. Puso= Pag-ibig
bagong-aralin 2. Bulaklak = ibinibigay sa
1. 2. minamahal
3. Singsing- sinusuot sa kasal;
3. 4. ginagamit sa
pagpapahiwatig ng
pagmamahal
 Ano- ano ang mga simbolo ng makikita sa larawan? (Multistructural) 4. Amang inihatid ang anak sa
altar
 Magbibigay rin ng “input” ang guro.
Karagdagang impormasyon:
Alam niyo ba na ang puso ay isang mahalagang organ sa tao? Isa itong kalamnan na nagbobomba ng dugo
sa lahat ng bahagi ng ating katawan. Ang dugong ibinobomba ng ating puso ay nagbibigay sa ating katawan
ng oxygen at nutrients na kailangan nito para guman. Ang ating puso ay halos kasinlaki ng nakakuyom na
kamao at tumitimbang sa pagitan ng 300 at 450 g. (Nakaangkla sa Science- how the different structures of the
circulatory and respiratory systems work together to transport oxygen -rich blood and nutrients to the different parts of the body.
Explain how the respiratory and circulatory systems work together to Week 1-2 S9LT-la-b-26 .
d. Pagtalakay ng * Istratehiya: Salita Ko, SEARCH MO!
bagong Konsepto at * Bago iyan, may mga salita akong inihanda na maaring maging balakid sa inyong pagkatuto. Hahayaan na  Sabay-sabay na bababasahin
paglalahad ng ang mag-aaral na magsulat sa pisara sa kanilang napiling salita. (Unistructural) ang mga salitang maaring
bagong kasanayan maging balakid sa pagkatuto.
#1
*Paglinang ng Talasalitaan
Bibigyan ng pagkakataon
A. Pagpapalawak ng Talasalitaan
ang mga mag-aaral na
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang tamang kasingkahulugan ng salitang ang tamang sagot.
sumagot sa paglinang ng
talasalitaan. (Depende sino
1. Labing tatlong taon pa lamang ako nang umusbong (sumibol,natanaw) sa mura kong puso ang ang sasagot)
pagmamahal sa kanya.  Inaasahang bunga:
2. Natatandaan ko pa ang wika ni Kenneth nang lisanin ( iniwan, nanatili) ng pamilya nila ang lugar 1. Umusbong- Sumibol
namin. 2. Lisanin- Iniwan
3. “Oo..iyon lamang ang aking nasambit (nabigkas, narinig) dahil walang tigil ang aking pag-iyak. 3. Nasambit -Nabigkas
4. Labis ang aking pagdadalamhati (lungkot, nagalak) sa aking narinig na balita. 4. Pagdadalamhati- Lungkot
5. Inaalalayan (pinabaunan, sinamahan) ako ng aking ama patungong altar. 5. Inaalalayan - Sinamahan
e. Pagtalakay ng Tanong ko, Opinyon mo!
bagong konsepto at *Magtatanong ang guro sa loob ng klase.  Ang sagot ay nakadepende sa
paglalahad ng Tanong: ideya ng mag-aaral.
bagong kasanayan
1. Sino ba rito ang nakaranas na ng magkaroon ng kasintahan? (Unistructural)
#2
2. Ano-anong mga damdamin ang iyong nararamdaman kung ikaw’y umibig? (Multistructural)
3. Paano ba malalaman na siya na ang nagpapatibok ng iyong puso? Patunayan. (Relational)
 Magbibigay input ang guro.
 Naiintindihan na po. Wala na
 Alam kong sabik na kayong malaman ang ating paksang tatalakayin kung kaya’t hindi na ako po kaming tanong.
magpatumpik-tumpik pa.

f. Paglinang ng o Mula sa na buong pamagat ng bawat mag-aaral, tatalakayin ng guro ang maikling kuwentong dagli
Kabihasaan (Tungkol na pinamagatang “ANG PAGHIHINTAY ni Hernan B. Estaloza. .(Pabuod na Pamamaraan/Inductive
sa Formative Method).
Assessment) o Bago iyan, basahin niyo muna ng sabay-sabay ang mga gabay na katanungan at pagkatapos
bibigyan ko kayo ng ilang minuto para mapanood ang ating paksa. Makinig at intindihin ang daloy
ng kuwento.

ANG PAGHIHINTAY
ni Hernan B. Estaloza

Labing tatlong taon pa lamang ako nang umusbong sa mura kong puso ang pagmamahal sa kanya.
“Hintayin mo ang pagbabalik ko, Bela.” Natatandaan ko pa ang wika ni Kenneth nang lisanin ng pamilya
nila ang lugar namin labinglimang taon na ang nakalilipas. Papunta sila ng Amerika noon. Matapos
makapag-asawa ng Amerikano si Auntie Mona, ang Mama ni Kenneth, ay niyaya na raw sila ng bagong
asawa nito na doon manirahan.
Walang tigil sa pag-agos ng luha ko habang yakap-yakap niya ako. “Oo…oo…”Iyon lang ang nasambit ko
dahil sa lubos na kalungkutang nadarama. Ewan ko kung bakit ganoon na lamang ang sakit na nadarama
ko sa paglisan niya. Kung tutuusin, magkaibigan lang naman kami. Pero sa mga murang puso namin, alam
ko… pareho lang ang isinisigaw…
“Masaya ako para sa iyo anak”… Para akong nagising mula sa isang panaginip. Si Papa, habang
magkahawak kami ng aming mga kamay habang naglalakad patungong altar. ‘Asan ako? Bulong ko sa
aking isipan. Nilibot ng aking mga mata ang paligid. Nasa simbahan kami. Puno ng tao. Puno ng mga
bulaklak. Bigla akong napangiti. Oo nga pala, kasal ko pala ngayon. Sa altar ay naghihintay ang lalaking
aking mapapangasawa, walang iba kundi si Kenneth na abot hanggang langit ang ngiti. Iba pala ang pag-
ibig, marunong maghintay.

*Karagdagang impormasyon: (Nakaangkla sa Filipno-10- Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang
isinulat na maikling kuwento (F10PS-IIe-75)-Maikling Kuwento: Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan F10PN-IIId-e-79

 Ang kuwentong ito ay isang uri ng DAGLI –kung saan ang dagli ay isang kuwento na maikli pa sa
maikling kuwento na kalimitan ay binubuo ng humigit kumulang sa tatlong daang salita at
hinahango sa totoong buhay na may kapupulutan ng aral.

Gabay na mga Katanungan:


1. Ilang taon ng magpakasal si Bela kay Kenneth?- Nakaangkla sa Math-7-represents real-life situations *Sabay-sabay na babasahin ang
and solves problems involving real numbers-Week 9 M7NS-Ii-1 gabay na mga katanungan

Karagdagang imporamasyon:
*Kung inyong babalikan noong kayo ay nasa baiting 7 pa lamang o kahit nasa elementarya pa lang,
palagi na itong itinuturo sa inyo ng inyong mga guro kung paano ang paggamit ng MDAS o di kaya ay
 Ang sagot ay nakadepende sa
(Multiplication, Addition ,Division at Substraction.
ideya ng mag-aaral.

2. Anong katangiang taglay mayroon ang pangunahing tauhan? Patunayan mo. (Unistructural)
3. Ano-ano ang mensahe o layunin na gustong iparating ng may-akda? (Multistructural)
4. Sa tingin mo bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang basbas ng mga magulang sa pagpili o
pagpapakasal sa taong mahal mo? Paano mo nasabi? (Relational)

*Naiintindihan niyo na ba ang daloy ng kuwento? Mayroon pa ba kayong tanong?


 Kung wala na, papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat.

g. Paglalapat ng aralin Pangkatang Gawain:


sa pang-araw-araw  Kanya-kanyang punta sa pangkat upang simulan ang ibinigay na gawain ng guro.  Lahat ay pupunta sa kani-
na buhay  Pagkatapos ng gawain, bawat pangkat ay makakatanggap ng parangal.(kendis) kanilang pangkat.

Unang Pangkat: Gamit ang Pie Graph, suriin ang mga sumusunod:
 Sabay-sabay na babasahin
ang pamantayan.

1. Sa 100% ilang porsiyento kaya mayroon ang mga kabataang nag-asawa ng maaga?
2. Ilang porsiyento ang walang syota?
3. Mga kabataang nagpakasal sa tamang edad

Ikalawang Pangkat: Picture Frame.. Ilarawan mo! –(Nakaangkla sa Fil-9)- Nailalahad ang sariling pananaw
sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan (F9PB-IVd-58)
Panuto: Suriing mabuti ang larawan at tukuyin ang mga damdaming lumitaw at ihambing ito sa totoong
buhay.

Ikatlong Pangkat: Maghambingan Tayo!

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang kabataan noon at ngayon.
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos

Kawastuhan/ 15-tumpak ang bawat sagot sa ibinigay na mga tanong.

Kaangkupan ng mga Sagot 10- may 1-3 mali ang sagot

5- walang naisulat na sagot

Deliberasyon 15- malinaw at maayos ang pagkalalahad ng pag-uulat

10-nabubulol minsan at di masyadong marinig ang boses ng nag-


uulat
5-di nakapagsalita sa harapan

Kooperasyon 10-kung lahat ay magtutulungan

8-kung may isa-tatlo ang nagpapabaya

5-kung ang lider lang ang gumawa

Pamamahala sa Oras 10- unang natapos

8-pangalawa

5 -sa nahuling natapos

KABUUAN 50 PUNTOS

h. Paglalahat ng Aralin Estratehiya: Tanong ko! Patunayan mo!


Nakaangkla sa ESP)- Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa
oras ng pangangailangan (Week 2 EsP1P- IIc-d – 3)

Tanong:
 Ang sagot ay nakadepende sa
1. Gaano kahalaga ang pag-ibig sa buhay ng tao? (Unistructural)
ideya ng mag-aaral.
2. Bilang isang kabataan, naniniwala ka ba sa kasabihang “ Makapaghihintay ang Pag-ibig sa Tamang
Panahon”? Bakit? (Relational)
* Ngayon, naiitindihan niyo na ang ating paksa?
*May tanong pa ba? Kung wala na, bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para sagutan ito.Dito ko
malalaman kung naintindihan ninyo ang daloy ng ating paksa.
i. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Titik lamang ang isulat sa papel.

1. Sino ang may-akda ng kuwento? (Unistructural)


a. Hernando B. Cruz c. Hernan B. Estaloza
b. Amado N. Reyes d. Tirso M. Bante  Inaasahang bunga:
2. Sino ang naghatid kay Beth sa altar? (Unistructural)
a. Kenneth b. Mona c. Tatay d. Nanay 1. C
3. Ano-ano ang mga simbolo/bagay na ginagamit sa kasal? (Multistructural) 2. C
a. May singsing at trahe de buda 3. A
4. A
b. May bulaklak at kabaong
5. C
c. May handaan
d. May mga bisita
4. Bakit mahalagang ikasal ang dalawang taong nagmamahalan? (Relational)
a. Para may basbas ng Poong Maykapal
b. Para malaman ng lahat ng tao
c. Para may handaan pagkatapos
d. Para hindi na maghiwalay
5. Sa iyong palagay, may karapatan ba ng mga magulang sa pagkilatis o pagpili ng taong mamahalin?
Bakit? (Relational)
a. Hindi, dahil ako ang mas nakakakilala sa taong mahal ko.
b. Hindi, sapagkat ako ang masusunod sa aking mga desisyon
c. Oo dahil sila ang mas nakakaalam at may saktong karanasan
d. Oo dahil gusto ko lamang

j. Karagdagang gawain Magsaliksik ng isang halimbawa ng dagling kuwento. Maraming Salamat po Teacher Lyca
para sa takdang- at Paalam sa inyong lahat!
aralin at remediation
IV-MGA
TALA/REMARKS
V- PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailang
an ng iba pang
gawain sa
Remediation
a. Nakakatulong
ba ang
Remediation?
Bilang ng mag-
aaral na
nakauunawa sa
aralin

Inihanda ni: Iniwasto nina: Pinatnubayan ni:

LYCA MIA AROZA-CUANAN ROSALIE R. TAGOBAR MINERVA M. BRIONES


Teacher I Master Guro-1 Pinuno ng Paaralan

LEGEND:

HOTS-SOLO (Unistructural, Multistructural, Relational)

Subject Integration: Within: Filipino 10 and Across: Science, E.S.P. and Math

MELCS-Code

Pabuod na Pamamaraan/Inductive Method

You might also like