Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

DR.

JOSE RIZAL
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Isa siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng
Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay sariling pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang
isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na paraan, sa halip na isang marahas na pag-aalsa na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong susuporta lamang sa karahasan bilang huling
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang paraan. Naniniwala si Rizal na ang tanging
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at
itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang
Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani. pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at
winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan
ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?" Ang
sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga
anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
kanya ang nagtulak upang magsimula
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo
ang Himagsikang Pilipino.
Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma
sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina
sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha
ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng
karapatan na magpraktis ng pagmemedisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng
Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay
mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at
pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista
na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang
nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod
nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na
nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na
samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés
Bonifacio, na isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa
Espanya na naging saligan ng Unang Republika
ng Pilipinas sa saligan ng Unang Republika ng
Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
ANDRES BONIFACIO
Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng
Katipunan at itinuturing na “Ama ng Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-
Himagsikang Filipino.‖ Tinatawag siyáng taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892.
dahil naging pangulo ng kapisanang Bunga ito ng kabiguan ng mapayapang
mapanghimagsik. kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at
ng naganap na pag- dakip at pagpapatapon kay
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Rizal sa Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay
Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga
nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang
de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.
Ciriaco, Procopio, at Troadio at mga kapatid na
babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng
lubos noong 14 taon si Andres kayâ binúhay niya Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa
ang mga kapa- tid sa pagtitinda ng bastong Cavite ay inanyaya- han siyá doon upang
kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng
bilang mensahero at bodegero. Una niyang isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik
malaking trabaho ang klerk- mensahero sa noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si
kompanyang Ingles na Fleming and Company. Heneral Emilio Aguinaldo at ministrong panloob
Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang
Company. pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang
Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng sa isang dokumento noong 24 Marso. Kasáma
poster ay mahilig din siyáng mag-artista at ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan
naging kasapi ng sama- hang pandulaan sa ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan
Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip.
kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si
Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at
Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at
Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo
tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa
sanaysay niyang ―Ang Dapat Mabatid ng mga Bundok Buntis at pinatay.
Tagalog‖ ay isang napakaikli ngunit matalim na
kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na
damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-
aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang
magbasá. Una niyang asawa si Monica na
namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa
Kalookan ay nakilála niya at niligawan si
Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at
muling ikinasal sa loob ng Katipunan.
ANTONIO LUNA
Si Antonio Luna ang Filipinong heneral na namunò Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa
sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng
pangalawang kalihim ng digma sa Republikang ipinatawag siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá ng
Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan Pedro
Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siyá rin Janolino na minsang sumuway sa utos niya at
ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang
Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna. kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng
Isinilang siyá noong 29 Oktubre 1866 sa sunod-sunod na pagkatalo ang hukbong Filipino.
Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes
anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana ang nagsabing ―Isa lámang ang heneral ng mga
Novicio-Ancheta. Nakamit niya ang batsilyer ng Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.
artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng
panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Nagaral siyá sa España ng parmasyutika.
Hinangaan siyá ng mga Europeo sa kada-
lubhasaan sa mga sakit sa tropiko gaya ng dilaw na
lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad ng
Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay
at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na
―Taga-ilog.
Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay
bilang parmasyutiko. Dinakip siyá noong 19 Agosto
1896 at ipinatapon sa España dahil napaghinalaang
tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása ibang
bayan, pinag-aralan niya ang sining ng
pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa
Filipinas nang Digmaang Filipino-Americano at
hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang
heneral Itinatag din niya ang diyaryong La
Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro
niya sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos
ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang
Philippine Military Academy. Pinarusahan niya
ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa
kaniyang kapusukan, kahigpitan, at tagumpay sa
mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya.
APOLINARIO MABINI
Madalas bansagan si Apolinario Mabini bilang
“Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang ay ipinagpatuloy ang pagsulat laban sa
Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging pananatili ng mga Americano sa Filipinas. Muli
mahalagang tungkulin noong panahon ng siyáng hinuli at ipinatapon sa Guam. Doon niya
Himagsikang Filipino. natapos ang La Revolucion Filipina, isang
pagsusuri sa simula at kasaysayan ng
Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Himagsikang Filipino. Pinayagan siyáng
Tanauan, Batangas. Ikalawa siyá sa walong anak makabalik sa bansa makaraan ang halos
nina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia dalawang taon. Pagdating niya sa Maynila noong
Maranan, isang tindera sa palengke. Namasukan 1903, tinanggihan niya ang alok na trabaho sa
siyá bago natanggap na iskolar sa Colegio de San itinatayông gobyernong sibil ng Americano.
Juan de Letran noong 1881 at nakapagtapos Namatay siya sa sakít na kolera noong 13 Mayo
ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas 1903 sa Maynila.
noong 1894. Sumapi siyá sa La Liga Filipina at
naging aktibo sa Kilusang Propaganda. Nang
itatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito.
Nagkasakit siyá at naging lumpo makaraan ang
dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang
1896, pinaghinalaan siyáng Katipunero ng mga
Español at dinakip. Dahil maysakit, hindi siyá
ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital ng San
Juan de Dios at nanatili roon hanggang mabigyan
ng amnestiya. Nakita niya pagkaraan ang
kabuluhan ng layunin ng Katipunan na ibagsak
ang pamahalaang Español.
Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
galíng niya sa batas kayâ’t hinirang siyáng
punòng ministro ng rebolusyonaryong
Kongresong Malolos. Siyá ang sumulat ng mga
dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para
kay Aguinaldo kayâ naituring na ―Utak ng
Himagsikang Filipino.‖ Noong Digmaang
Español-Americano, agad niyang naisip ang
epekto nito sa Filipinas at hinulaan niyang
sasakupin tayo ng mga Americano. Sa panahon
ng Digmaang Filipino-Americano, kahit isang
lumpo ay hindi siyá sumuko. Nahúli man noong
1899, hindi siyá napilit manumpa sa bandila ng
Estados Unidos at sa halip
EMILIO AGUINALDO
Si Emilio Famy ang una’t hulíng pangulo ng Unang Kumandidato siyáng pangulo ng pamahalaang
Republika ng Filipinas. Ipinanganak si Komonwelt ngunit tinálo ni Manuel L. Quezon.
Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Namatay siyá noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan
Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. May kabuhayan pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P.
ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa Macapagal ang Hunyo 12 bílang Araw ng Kalayaan
Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda ng Filipinas.
enseñanza at tumulong sa negosyo ng mga magulang.
Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na capitan
municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o
punò ng bayan sa ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din
siyá kay Hilaria del Rosario. Nang mabalitaan ang
Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at nanumpang
kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá
sa mga matagumpay na labanan sa Cavite. Nang
magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22 Marso
1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong
pamahalaang mapanghimagsik.
Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapang-
himagsik sa Biyak-na-bato, San Miguel de Mayumo,
Bulacan. Doon din siyá lumagda sa kasunduan, ang
Kasunduang Biyak-na-bato noong 14–15
Disyembre 1897, na pansamantalang nagtigil sa
himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero sa Hong
Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo.
Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa
Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan ng Filipinas
noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa
Kawit, at sinimulan ang ikalawang yugto ng
Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero 1899, pormal
na ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa
Malolos, Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab
din ng Digmaang Filipino-Americano noong Pebrero
1899 na nauwi sa pag- urong ng hukbong Filipino
paHilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan,
Isabela noong 23 Marso 1901 at tuluyang bumagsak
ang Republikang Malolos. Nabiyudo siyá noong 1921
at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930.
EMILIO JACINTO
Tinagurian si Emilio Jacinto na “Utak ng Katipunan” Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite,
dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang ipinag-patuloy ni Jacinto ang pakikibáka laban sa
na ang ―Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.‖ at mga Español ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni
higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May ganito Heneral Emilio Aguinaldo. Nasugatan siya sa isang
ring akda si Andres Bonifacio, ang ―Katungkulang labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang
Gagawin ng mga Z.LL.B., ‖ ngunit ipinasiya ng talino upang makaligtas. Nagkataóng hawak niya ang
Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni sedula ng isang espiya ng mga Español at
Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng nagpanggap na siya ang espiya. Nang makalaya,
panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan. bumalik siya sa Maynila at doon nagpagalíng. Ngunit
Gayunman, higit na popular at hinahangaan ang estilo hindi niya matanggihan ang anyaya ng mga
ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag Katipunero sa Laguna, kayâ muli siyang lumabas sa
at Dilim, isang koleksiyon ng mga sanaysay na larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay sa
tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra- Majayjay, Laguna noong 16 Abril 1899 sa gulang na
kolonyalista at nag tatanghal sa pilosopiko’t moral na 24—isang huwaran ng mandirigmang intelektuwal
sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan. para sa pambansang kalayaan.
Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng
Katipunan, at sa pamamagitan lámang ng unang labas
ay umakit ng libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas
sa kilusanang ―Pingkian.‖ Sa Kalayaan, ginamit din
niyang sagisag-panulat ang ―Dimasilaw.‖ Sa mga
sagisag lámang ay mahihiwatigan ang pambihirang
hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá, sa pagdudulot
ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa
huwad at mag-darayang ―liwanag.
Napakataas ng paggálang ni Bonifacio at ng ibang
punda- dor ng Katipunan kay Jacinto, kayâ kahit
napakabatà, 20 anyos lámang siya nang sumapi, ay
nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang sanggunian.
Hinirang din siyang tagapayo ni Bonifacio at itinuring
na bunsong kapatid.
Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tondo,
Maynila at anak nina Mariano Jacinto at Josefa
Dizon. Namatay ang kaniyang ama noong sanggol pa
siya kayâ ipinampon siya ng ina sa nakaririwasang
kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral siya sa Colegio
de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad de
Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya
natapos ang kurso dahil sa tawag ng pag-ibig sa
bayan.
LAPU-LAPU
Lapu-Lapu (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo
ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang
pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga
taga-Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng
manlalakbay na si Fernando Magallanes.[4] Itinuturing
siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin
siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu,
[8]
Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu
(ibinabaybay din bilang Cali Pulaco),[10] subalit
pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay
pinaniniwalaan na si Lapulapu ay isang Muslim na
nagmula sa mga Tausug.[11] Pinaniniwalaan din na si
Lapulapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag
ng Kasultanan ng Cebu.[12]
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang
may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay
mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok
ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng
magandang posisyon at natatanging pagkilala si
Lapulapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag
ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa
ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at
angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga
nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni
Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang
pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway
ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang
binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi
ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan,
kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang
libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon
kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa
kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa
namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni
Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-
dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay
nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan.
Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan
nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay
bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni
Lapulapu.
PADRE JACINTO ZAMORA
Si Jacinto Zamora ay isang Filipinong paring sekular
(paring hindi kabilang sa isang orden) na kilalá sa
kasaysayan bilang isa sa Gomburza, na daglat para sa
pangalan ng tatlong paring Filipino—sina Mariano
Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora—na binitay
pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal ng mga
Español at mga fraile sa nabigong Pag-aalsa sa Cavite
noong 1872. Ang pagkamartir nina Zamora ang higit na
nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at humangga
sa Himagsikan noong 1896.
Isinilang si Zamora noong 14 Agosto 1835 kina Venancio
Zamora at Hilaria del Rosario.
Nagsimula siyáng nag-aral sa Pandacan, Maynila bago
pumasok sa Colegio de San Juan de Letran. Nakamit
niya ang Batsilyer sa Batas Canon at Sibil noong 1858 sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Pinangasiwaan niya ang
ilang parokya sa Marikina, Pasig, at Batangas.
Noong 20 Enero 1872, humigitkumulang 200 sundalo at
obrero sa imbakan ng sandata sa Cavite ang nag-alsa.
Madaliang nasugpo ng mga Español ang pag-aalsa at
ginamit itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong
makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan.
Idinawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang
Gomburza. Tunay nilang pakay si Burgos, na matagal
nang pinag-iinitan ng mga Español dahil sa liberal na
pananaw, pagsusulong ng sekularisasyon ng kaparian, at
pagtatanggol ng karapatan ng mga Filipinong pari.
Malapit kay Burgos sina Gomez at Zamora, at
magkakasáma ang tatlo sa hangaring mapalaganap ang
sekularisasyon. Kahit mahinà ang ebidensiyang mag-
uugnay sa tatlo sa Pag-aalsa sa Cavite, hinatulan silá ng
kamatayan pagkatapos ng maikli at kahina-hinalang
paglilitis.
Noong 17 Pebrero 1872, binitay sa pamamagitan ng
garote ang tatlong pari sa harap ng publiko sa
Bagumbayan (ngayon ay Liwasang Rizal). Sa
kasalukuyan, matatagpuan ang isang palatandaan kung
saan binitay sina Zamora sa Liwasang Rizal (Luneta), at
isang palatandaan kung saan silá inilibing sa Liwasang
Paco, pawang sa Lungsod ng Maynila.
GABRIELLA SILANG
Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang ang unang
Filipinang namunò ng isang paghihimagsik noong
panahon ng pananakop ng mga Español. Siyá ang asawa
ni Diego Silang at nagpatuloy ng pagaalsa ng mga Ilokano
nang mamatay ang asawa.
Ipinanganak siyá noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos
Sur. Sinasabing inampon siyá ni Padre Tomas Millan,
vicar general ng lalawigan, na pinakasalan siyá noong siyá
ay 20 taóng gulang. Maaga siyáng nabiyuda sa unang
asawa at napangasawa niyá si Diego noong 1757. Walang
ulat kung nagkaroon sila ng anak.
Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban
sa mga Español mula 1762 hanggang 1764. Nang sakupin
ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niyá ang
pagkakataón upang makapag-alsa ang mga Ilokano laban
sa mga Español. Nahati ang puwersa ng mga Español sa
pakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni
Silang sa Ilocos. Naagaw nina Diego ang mga bayan sa
hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siyá ng
paglaya ng mga mamamayan sa pagsasamantala ng
pamahalaang Español. Gayunman, isang kaibigan ni
Diego, si Miguel Vicos, ang nahimok ng mga Español na
magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego
noong 1763.
Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na
pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa. Nagpakita siyá
ng gilas bilang pinunò at marami siyáng nakamit na
tagumpay sa mga labanan sa Santa at Vigan sa Ilocos Sur.
Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat
sa kalaunan. Nadakip siyá sa Abra at binitay sa Vigan
noong 29 Setyembre 1763.
Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang
nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan, ang
GABRIELA (General Assembly Binding Women for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action).
Matatagpuan din sa sentrong distritong pangkalakaran
ng Lungsod Makati ang isang monumento ni Gabriela
Silang.
FRANCISCO BALAGTAS
Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar na “Prinsipe
ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na
Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng
mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng
mga Español.
Hinangaan nina Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa
Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas),
Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz.
Noong batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa
isang malayong kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyáng
nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan sa bahay.
Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San
Juan de Letran. Ayon sa ulat, na- kalista siyáng
estudyante sa Colegio de San Jose ngunit sa pangalang
―Francisco Baltazar‖. Ito rin ang pangalan niya sa
dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo
1842. Walang tiyak na paliwanag sa pagbabago ng
kaniyang apelyido.
Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera,
anak ng mayamang angkan sa Pandacan.
Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang ―Kay
Celia,‖ ang pambungad na tula ng Florante at
Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa
Pandacan, nakulong siyá sa isang di-malinaw na dahilan.
Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang
inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa
Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si
Juana Tiambeng, anak ng isang mayamang pamilya.
Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng
nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang
katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-
malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni Balagtas
dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang
sentensiya sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa
Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857
hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya para
sa Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik siyá sa
Udyong at dito niya naisulat ang marami pang tula at
komedya hanggang sa mamatay siyá noong 20 Pebrero
1862.
MARCELO H. DEL PILAR
Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang Dumanas ng lubhang hirap ang kaniyang pamilya
makata’t manunulat, si Marcelo H. del dahil sa kaniyang gawain. Dumanas din siyá ng
Pilar ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at hirap sa paghawak ng La Solidaridad. Sinasabing
naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá may panahong namumulot lámang siyá ng upos sa
sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos bangketa bilang pampalipas ng gútom. Naipalabas
para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si niya ang hulíng isyu ng diyaryo noong 15
Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio. Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong
4 Hulyo 1896. Inilibing siyá sa sementeryo ng mga
Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan,
pulubi sa Barcelona.
Bulacan sa isang mariwasang pamilya nina Don Julian
Hilario at Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan
ang apelyidong ―del Pilar‖ ng kaniyang lola bilang
pagsunod sa Batas Claveria noong 1849. Kapatid niya si
Padre Toribio na pinarusahan at ipinatapon sa Marianas
dahil sa hinalang kasabwat sa motin sa arsenal ng Cavite
noong 1872. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at
nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
(UST) noong 1880. Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya
ang pinsang si Marciana del Pilar at nagkaanak silá ng
pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki.
Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping
pampolitika. Naging puspusan ang kaniyang pagkilos
bilang repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma ang
isang Español ang bilingguwal na Diariong Tagalog.
Ginamit niya ang husay sa pagtula at pagtatalumpati para
batikusin ang gobyernong kolonyal sa pamamagitan ng
duplo at pagsasalitâ sa sabungan at pista. Naglathala siyá
ng satirikong polyetong Dasalan at Toksohan na
ipinamumudmod sa simbahan kung Linggo. Noong 1888,
nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose
Ramos, at Juan Zulueta ng mga demostrasyong kontra-
fraile at nagrurok sa petisyon noong 1 Marso para sa
pagpapatalsik ng mga fraile sa Filipinas. Bago siyá ipahúli,
lihim siyáng umalis patungong España noong 28
Setyembre 1888.
Pagdating sa Barcelona, agad siyáng nagtrabaho para sa
pagtatatag ng samahang repormista, ang
La Solidaridad, na naglathala noong 15 Pebrero 1889 ng
diyary- ong La Solidaridad. Sa isyung 15 Nobyembre,
pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng
peryodiko at inilipat niya ang lathalaan sa Madrid.
MANUEL LUIS QUEZON
Si Manuel Luis Quezon ang unang pangulo ng Wikang Pambansa batay sa isang katutubong wika at
pamahalaang Komonwelt at itinuturing na ―Ama ng pinagtibay ang batas na nagtatatag sa National
Wikang Pambansa‖ dahil sa pagpapahayag niya sa Language Institute na nagsuri at nagpasiya sa
Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa. Siyá ang Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa, kayâ
unang pangulong Filipino na nagtira sa Malacañang at tinawag siyáng ―Ama ng Pambansang Wika.‖
nanungkulan hábang nása Estados Unidos dahil sa Kaugnay nitó, ang pagdiriwang ng Araw ng Wikang
Pananakop ng mga Japanese noong Ikalawang Pambansa ay itinapat sa kaniyang kaarawan tuwing
Digmaang Pandaigdig. Agosto 19.
Isinilang si Quezon noong 19 Agosto 1878 kina Lucio
Quezon at Maria Dolores Molina sa Baler, Tayabas
(Aurora ngayon). Pagsiklab ng Digmaang Filipino-
Americano, sumapi siyá at naging medyor sa hukbo ni
Heneral Tomas Mascardo. Bumalik siyá sa pag-aaral
pagkatapos ng digmaan at nagtapos ng abogasya.
Naglingkod muna siyáng piskal bago kumandidato’t
nagwaging gobernador ng lalawigan ng
Tayabas. Ikinasal siyá sa kaniyang pinsang si Aurora
Aragon Quezon. Nagbitiw siyáng gobernador nang
magkaroon ng eleksiyon para sa Asamblea ng Filipinas.
Nagwagi siyá at naging majority floor leader. Si Sergio
Osmeña ang naging ispiker ng kapulungan, at ito ang
simula ng pagsasáma’t pagtutunggali sa politika nina
Quezon at Osmeña.
Naging resident commissioner siyá sa Kongreso ng
Estados Unidos at itinuturing na tagumpay niya ang
pagpapatibay sa Batas Jones. Ipinanga-ngako ng batas
ang dagliang pagbibigay ng kasarinlan ng Filipinas.
Nagpatuloy siyá sa paglalakad ng kasarinlan hanggang
mapagtibay ang Batas TydingsMcDuffie na
nagtatadhana ng pansamantalang pamahalaang
Komonwelt. Nahalal siyáng pangulo ng Komonwelt
noong 1935. Inilíkas ang pamahalaan sa Estados
Unidos sa buong panahon ng Pananakop ng mga
Japanese at doon namatay si Quezon noong 1 Agosto
1944.
Dahil sa mga ginawa niya para sa mga mahirap sa
lipunan, tinawag si Quezon na ―Ama ng Katarungang
Panlipunan.‖ Itinaguyod naman niya sa 1935
Kumbensiyong Konstitusyonal ang isang
MELCHORA AQUINO
Binansagang ―Tandang Sora‖ si Melchora Aquino Ipinahayag ang taóng 2012 na ―Taon ni Tandang
bílang pagkilála sa kaniyang paglilingkod at Sora‖ bílang paggunita sa ikalawang sentenaryo ng
pagkakanlong sa mga kababayan noong Himagsikang kaniyang kapanganakan. Inilipat ang mga labí ni
1896 kahit na siyá ay nása katandaang gulang na. Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa
Itinuturing siyáng “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina Pambansang Dambana ni Tandang Sora sa Banlat
ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.” Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon.
Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa
bayan ng Kalookan (at ngayon ay matatagpuan sa
Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina Aquino,
pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang,
ikinasal siyá kay Fulgencio Ramos, isang cabeza del
barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak. Pumanaw si
Ramos noong pitóng taón pa lámang ang kanilang
bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging abalá si
Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bílang hermana
mayor.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Español
noong 1896 ay 84 taóng gulang na si Aquino. Ngunit
hindi naging sagabal ang kaniyang edad upang
makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging
kanlungan ng mga hapo at sugatang mandirigmang
Filipino ang kaniyang tahanan at munting tindahan, na
ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito.
Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot para sa
kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan
Ramos ang pagpunit ng mga sedula sa Unang Sigaw.
Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá at
ipinatápon ng mga Español sa Guam sa Islas Marianas.
Nang masakop ng mga Americano ang Filipinas noong
1898, kasáma si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa
bansa. Namatay siyá noong 1919 dahil sa katandaan at
inilibing sa sarili niyáng bakuran, na ngayon ay bahagi
na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan
sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang
pangunahing daan ng Lungsod Quezon. Siyá ang
kauna-unahang Filipina na mailagay sa salaping papel
ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula
1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong
barya mula 1967 hanggang 1992.
JUAN LUNA
Dakilang pintor sa huling bahagi ng siglo 19 si Juan Luna na balak niyang ilahok sa Chicago Universal
at isang sagisag ng pambihirang talinong Filipino sa Exposition sa taóng iyon. Ngunit hindi ito
panahon ng Kilusang Propaganda. Nagwagi ng nangyari dahil sa personal na trahedya. Binaril
medalyang ginto ang kaniyang obra maestrang niya ang sariling asawa at biyenan. Napawalang
Spoliarium sa Exposicion General de Bellas Artes sa sala siyá at nagbalik sa Maynila noong 1894.
Madrid noong 1884. Sa pagpupugay nit Rizal, sinabi Noong Agosto 1896, dinakip siyá at ang kaniyang
niyang patunay ang pintura ni Rizal na ang ―henyo ay mga kapatid sa hinalang kasapi ng Katipunan.
walang lupain‖ at nangangahulugang may kakayahan ang Napawalang sala siyá at nagtungo sa España
mga Filipino na kapantay o hihigit pa sa mga Europeo. para ayusin ang pagpapatawad sa kaniyang
Isinilang si Juan noong 24 Oktubre 1857 kapatid na si Antonio. Pumanaw siyá sa Hong
sa Badoc, Ilocos Norte, anak nina Joaquin Kong noong 7 Disyembre 1899 hábang pabalik
Luna de San Pedro at Laureana Novicio. Nakababatà na sana sa Filipinas.
niyang kapatid si Antonio Luna. Lumipat sa Maynila ang
pamilya Luna noong 1861 kayâ nakapagtapos siyá sa
Ateneo de Manila. Nag-aaral siyá sa Escuela Nautica at
natamo ang sertipikong piloto de altos mares tercer clase
(magdaragat, ikatlong antas). Hábang naghihintay ng
pagsakay sa barko, nag-aral muna si Luna sa Academia de
Dibujo y Pintura sa ilalim ni Lorenzo Guerrero. Napansin
ang kaniyang husay at hinikayat ng guro ang mga magulang
na pag-aralin pa ng sining ang binata. Ipinadala siyá sa
España. Nagtungo din siyá sa Italya at sa Pransiya.
Napangasawa niya si Paz Pardo de Tavera at nagkaroon silá
ng dalawang anak, sina Andres Luna at Maria de la Paz.

Sa Madrid Art Exposition noong 1881, nagwagi ng


medalyang pilak ang kaniyang obrang Cleopatra. Noong
1883, sinimulan niyang gawin ang Spoliarium. Nang
sumunod na taon, nilikha niya ang El pacto de sangre
(Sandugo) at Miguel Lopez de Legazpi, na dinalá sa
Maynila bilang proyekto para sa natamo niyang
scholarship.
Nagpahayag siyá ng pagkasawà sa estilong pang-akademya
(na mahilig sa mga historiko at klasikong paksa) sa sining
noong 1889. Sa yugtong ito ay nalikha niya ang Le Chifonier
(Tagapulot ng basahan) na nagpapakita ng matandang
lalaking gulanit ang suot at may daláng basket ng basahan.
Noong 1892, natapos niya ang Peuple et Rois (Taumbayan at
Mga Hari)
PIO VALENZUELA
Si Pio Valenzuela (Pí·yo Va·len·zwé·la) ay isang
manggagamot at naging mataas na pinunô ng
Katipunan. Bilang pagkilala sa kaniyang
kabayanihan, ipinangalan sa kanya ang isang
siyudad sa Metro Manila, ang Lungsod Valenzuela
(dating Polo, Bulacan).
Sumapi siyá sa Katipunan noong Hulyo 1892, at
halos sanlinggo pa lámang naitatayô noon ang lihim
na kapatirang mapanghimagsik. Mabilis siyáng
naging kaibigan ni Andres Bonifacio. Naging ninong
siyá ng anak nina Andres at Gregoria at sa kaniyang
bahay tumuloy ang mag-asawa nang masunog ang
kanilang tahanan. Noong 1896, isinugo din siyá sa
Dapitan upang kausapin si Jose Rizal at talakayin
ang suporta nitó para sa armadong himagsikan.
Nang natuklasan ng mga Español ang Katipunan,
tumakas si Valenzuela sa Balintawak ngunit sumuko
rin upang makamtan ang inaalok na amnestiya ng
pamahalaang kolonyal. Ipinatapón siyá sa España at
ipiniit sa Madrid, Malaga, Barcelona, at sa Africa.
Nakulong siyá nang mahigit-kumulang dalawang
taón.
Noong 1899, sa panahon ng pananakop ng
Americano, itinalaga siyáng presidente municipal ng
Polo. Naging pangulo siyá ng dibisyong militar ng
Polo mula 1902 hanggang1919, kasabay ng kaniyang
pagiging ehekutibong panlalawigan ng Bulacan.
Noong 1921, naging gobernador siyá ng Bulacan.
Isinilang siyá noong 11 Hulyo 1869 sa Polo, Bulacan
sa maykayang pamilya nina Francisco Valenzuela at
Lorenza Alejandrino. Nag-aral siyá sa Colegio de
San Juan de Letran, at nakamit ang lisensiya sa
medisina mula sa Unibersidad ng Santo Tomas
noong 1895. Nagkaroon siyá ng pitóng anak sa
asawang si Marciana Castro. Pumanaw siyá noong 6
Abril 1956 sa kaniyang bayang sinilangan.
RAMON MAGSAYSAY
Dahil anak-mahirap at may imaheng Napangasawa niya si Luz Banzon ng Balanga,
makamahirap, si Ramon F. Magsaysay ay Bataan at nagkaroon ng apat na anak. Isa, si
tinaguriang “Idolo ng Masa” bago pa magwaging Ramon Jr. ay naging senador. Ang totoo, namaná
pangulo ng Republika ng Filipinas noong 1953. ng kaniyang kapatid na si Genaro ang paghanga ng
Naging malaking bentahe niya kay Quirino ang bayan at naging senador din, bukod sa patuloy na
mga matagumpay na kampanya laban sa nagwawagi sa eleksiyong lokal sa Zambales ang
Pagaalsang Huk. Ipinagpatuloy niya ang apelyidong Magsaysay. May Ramon Magsaysay
simpleng búhay at katapatan sa bayan. Kayâ Foundation din ngayong nangangasiwa sa isang
isang pambansang pagluluksa ang bigla niyang pondo na iginagawad sa mga dakilang Asyano sa
pagpanaw nang bumagsak ang eroplanong iba’t ibang larang ng paglilingkod sa bayan.
sinasakyan sa Bundok Manunggal, Cebu noong
17 Marso1957.
Isinilang si Magsaysay sa Zambales noong 31
Agosto 1907 at anak ng panday na si Exequel
Magsaysay at Perfecta del Fierra. Hindi rin
katangi-tangi ang kaniyang rekord bilang mag-
aaral. Pumasok siyá sa inhinyeriyang mekanikal
sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit lumipat sa
Jose Rizal Colleges at doon nagtapos noong 1932
ng komersiyo. Ngunit nagbago ang takbo ng
búhay niya nang maging mekaniko sa Try Tran
Co (Teodoro R. Tanco Transportation Company).
Umasenso siyá agad na manedyer at napalakas
ang kompanya bago magkadigma.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
siyá sumikat bilang lider ng kilusang gerilya.
Tinawag tuloy na Magsaysay Gerilya ang
kaniyang yunit at nahirang siyáng gobernador
militar ng Zambales. Naging landas ito sa
politika. Kumandidato siyá at nagwaging
kinatawan ng Zambales noong 1946. Matatapos
na kaniyang ikalawang termino nang hirangin
siyang kalihim ng tanggulang bansa ni Pangulong
Quirino. Ang tagumpay niyá laban sa Pag-aalsang
Huk ang umakit sa Partido Nacionalista upang
ikandidato siyáng pangulo noong 1953.
Napakapopular na pangulo ni Magsaysay. Ngunit
pinutol ng aksidente ang kaniyang pamumunò.
GRACIANO LOPEZ JAENA
Kinikilala si Graciano Lopez Jaena bilang isang lider
ng kilusang repormista, manunulat, peryodista, at
orador. Maraming historyador ang kumikilala sa
kaniya bilang isa sa ―tungkong kalan‖ o triumvirate
ng Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at
Marcelo H. del Pilar.
Isinilang siyá sa Jaro, Iloilo noong 18 Disyembre 1856
kina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena. (Kayâ
dapat na ―Graciano Jaena Lopez‖ o ―Graciano
Lopez y Jaena‖ ang pagsulat sa buong pangalan
niya.) Pumasok siyá sa seminaryo ng Iloilo at nag-
ambisyong maging doktor. Sinubukan niyang
pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi
pinahintulan sapagkat walang handog
na Bachiller en Artes ang kaniyang seminaryo.
Nabigyan siyá ng pagkakataóng matuto sa ospital ng
San Juan de Dios, ngunit kinailangang bumalik sa
Iloilo dahil sa kagipitang pinansiyal.
Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa edad
18) at La Hija del Fraile ay isiniwalat niya ang mga
pagmamalabis ng fraileng Español. Nagalit ang mga
fraile at ipinadakip siyá. Tumakas siyá patungong
España noong 1879 at naging masigasig sa Kilusang
Propaganda. Dito siyá sumikat bilang isa mga
nangungunang orador,manunulat, at tagapagsalita ng
mga repormistang Filipino. Sinubukan niyang
ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad
ng Valencia ngunit hindi rin ito tinapos.
Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La Solidaridad
noong 1889 at naging unang editor nitó. Tinipon niya
noong 1891 ang kaniyang mga akda at nilimbag bilang
Discursos y Articulos Varios (Mga Talumpati at iba
pang Lathalain). Namatay siyá sa Barcelona, España
noong 20 Enero 1896 sa sakit na tisis. Hindi na
naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí.
MARIANO PONCE
Si Mariano Ponce ay isa sa mga lider pangyayari at personalidad sa Filipinas. Ang ilan
ng Kilusang Propaganda at kaibigang matalik sa mga akda niya ay: ―El Folklore Bulaqueño‖
si Rizal. (1887); ―Una excursion‖ (1889); ―Pandaypira‖;
Isinilang siyá noong 23 Marso 1863 sa Baliuag, Bulacan ―Villanueva y Gettru‖ (1890); ―Jose Maria
kina Mariano Ponce Sr at Maria Collantes. Panganiban‖ (1890), talambuhay ng
Nakapagtapos siyá ng bachiller en artes sa Colegio de propagandistang si Jomapa; ―Sandwit‖ (1893);
San Juan de Letran noong 1885 at kumuha ng ―Siam‖ (1893); ―America en el descubrimiento
medisina sa Universidad de Santo Tomas. Naging de Filipinas‖ (1892); ―Cronologia de los ministros
kalihim siyá ng Asociacion HispanoFilipino, ang de Ultramar Cuestion Filipina‖ (1900); at ―Sun
organisasyon ng mga liberal na Español at Filipino at Yat-Sen‖ (1912).
ng kanilang kilusang repormista. Isa siyá sa
tagapagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona, España
noong Pebrero 1889. Siyá ang humawak ng seksiyong
pampanitikan ng diyaryo nitó. Nakapaglathala siya ng
halos 40 artikulo sa La Solidaridad tungkol sa
kasaysaysan, politika, sosyolohiya at paglalakbay.
Gumamit siyá ng mga sagisagpanulat na Naning,
Kalipulako, at Tigbalang.
Nang sumiklab ang Himagsikang1896, ikinulong siyá
sa Barcelona. Lumipat siyá sa Pransiya nang
makalaya, pagkaraan ay nagtungo sa Hong Kong, at
doon ay naging kalihim ng junta revolucionaria ni
Emilio Aguinaldo. Noong 1898, hábang nása Japan
bilang kinatawan ng pamahalaan ni Aguinaldo, naging
kaibigan niya si Dr. Sun Yat-Sen. Nagpakasal din siya
kay Okiyo Udanwara, anak ng isang samurai. Nagawa
niyang humingi sa mga Japanese ng karagdagang
armas para sa rebolusyon, ngunit hindi ito nakarating
sa Filipinas dahil nasira ang barkong pinagkargahan
ng mga ito.
Bumalik siyá sa bansa noong 1908. Naging patnugot
siya ng El Renacimiento at tumulong sa pagtatatag ng
El Ideal, ang pahayagan ng Partido Nacionalista.
Nahalal siyá bilang kinatawan ng Bulacan sa Philippine
Assembly.
Tumulong siyáng mailabas ang Filipino celebres, isang
serye ng mga talambuhay ng mga kilalang Filipino
Nakipagtulungan din siyá kay Jaime C. de Veyra
noong1914 para sa Efemerides Filipinas, isang
kalipunan ng mga artikulo hinggil sa makasaysayang
GREGORIA DE JESUS
Tinaguriang “Lakambini ng Katipunan,” si Gregoria de Panahon ng pananakop ng mga Japanese nang mamatay
Jesus ang ikalawang asawa ni Andres Boni- facio at si Oriang noong 15 Marso 1943 sa atake sa puso sa
naging kasalo sa mapanganib na pagpa-palaganap ng bahay ni Ariston Bautista sa Quiapo.
Katipunan at mga hirap sa panahon ng Himagsikang
1896. Hinangaan siyáng uliran sa katapatan at tatag ng
paninindigan.
Isinilang siyá noong 9 Mayo 1875 sa Kalookan, at isa
sa apat na anak nina Nicolas de Jesus, isang maestro
karpintero at dating gobernadorsilyo ng Kaloo- kan, at
Baltazara Alvarez Francisco, isang tubong-Noveleta,
Cavite at pamangkin ni Heneral Mariano Alvarez.
Naghinto agad siyá ng pag-aaral at tumulong sa
pangan- gasiwa ng kanilang palayan. Si Oriang,
palayaw niya, ay lumaking maganda’t maraming
manliligaw. Isa sa kanila at pinakamasugid si Andres
Bonifacio. Nakasal silá noong Marso 1893 sa Binondo
at ninong si Restituto Javier. Labingwalong taón siyá at
29 si Andres. Ikinasal muli silá alinsunod sa ritwal ng
Katipunan makaraan ang isang linggo at nagpatawag
sa pangalang ―Lakambini.‖
Ang unang watawat ng Katipunan ay tinahi niya at ng
ninang ni-yang si Benita Rodriguez Javier. Makaraan
ang isang taón, nagkaanak siyá ng lalaki ngunit
namatay sa bulutong.
Malaki ang papel ni Oriang sa pag-iingat ng mga lihim
na papeles at dokumento ng Katipunan. Mabilis niya
itong nalikom at naitakas nang minsang magsiyasat
ang mga pulis Veterana sa kanilang pook. Nag-aral
siyáng bumaril at mangabayo upang maging isang
mahusay na mandirigma. Nang sumiklab ang
Himagsikang 1896, kasáma siyá ng asawa sa
Balintawak at kabundukan. Nagkahiwalay silá sa
Balara at muli lámang nagkita sa Naic, Cavite.
Pagkatapos paslangin ang Supremo, nasadlak siyá
kung saan-saan hanggang nanirahan sa Pasig. Dito
niya nakatagpo si Julio Nakpil, dáting kalihim ng
Supremo at pinunò ng mga manghihimagsik sa
Montalban at San Mateo, Rizal. Iki- nasal silá sa
Quiapo noong 10 Disyembre 1898. Nagka-roon silá ng
walong anak ngunit anim lámang ang lumaki.
JULIO NAKPIL
Si Julio Nakpil (Húl·yo Nak·píl) ay isang kompositor Yumao siyá noong 2 Nobyembre 1960. Noong 1963,
at rebolusyonaryo. Isinilang siyá noong 22 Mayo 1867 pinarangalan ng Bonifacio Centennial Commission
sa Quiapo, Maynila kina Juan Nakpil, isang musikero ang kaniyang patriyotismo.
at alahero, at Juana Garcia. Nakapagaral siyá sa
Escuela de Instruccion Primaria sa Quiapo nang
dalawang taón. Nag-aral naman siyá ng pagtugtog ng
biyolin sa ilalim ni Ramon Valdes at piyano sa ilalim
ni Manuel Mata. Noong 1888, nalikha niya ang una
niyang piyesa, isang polka. Naging guro siya ng
pagtugtog ng piyano at nagpatuloy sa paglikha ng
mga tugtugin.
Noong Himagsikang 1896, naging kumander siya ng
mga rebolusyonaryo sa hilaga sa ilalim ni Andres
Bonifacio. Karamihan sa kaniyang mga komposisyon
sa panahong iyon ay naimpluwensiyahan ng
rebolusyon. Isinulat niya ang sagradong awit ng
Katipunan, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan, sa
hiling ni Andres Bonifacio. Matapos ang sinasabing
iniutos na pagpatay kay Bonifacio, nakatanggap din
siyá ng mga banta sa kaniyang buhay.
Matapos ang rebolusyon, pinakasalan niya si
Gregoria de Jesus, ang biyuda ni Bonifacio.
Lumipat silá sa Maynila at nagkaroon ng anim na
anak. Isa sa mga ito ay si Juan Nakpil, ang naging
Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura.
Nagpatuloy siyá sa paglikha hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1960. Ang ilan pa sa mga naisulat
niyang awitin ay ang Amor Patrio (1893), Pahimakas
(1897), Pasig Pantayanin (1898), Sueño Eterno (1893).
Inilabas noong 1964 ang Julio Nakpil and the
Philippine Revolution, ang kalipunan ng kaniyang
mga talâ sa rebolusyon. Nakatanggap siyá ng mga
parangal at pagkilala: isang diploma mula sa
Exposicion Regional Filipina noong 1895 para sa
kaniyang Luz Poetica de la Aurora, Recuerdos de
Capiz, at Exposicion Regional Filipina; diploma at
medalya mula sa Exposition of Hanoi noong 1902;
diploma at medalya sa St. Louis International
Exposition sa Estados Unidos noong 1904; medalya
mula sa Civic Assembly of Women noong 1954.

You might also like