Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ROMBLON STATE UNIVERSITY

LABORATORY SCIENCE HIGH SCHOOL


ODIONGAN, ROMBLON

DETALYADONG PLANO NG ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 8


I. LAYUNIN
Bago matapos ang klase sa loob ng 60 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Natutukoy ang ibat-ibang mga bansang magkaka alyansa at kasama sa Unang Digmaang Pandaigdig.
b. Nasusuri ang mga naging sanhi o dahilan ng pagbunsod ng Unang Digmaang Pandaigdig.
c. Nakapagbibigay ng sariling mungkahing paraan ng kung ano ang maaring gawin upang maiwasan ang
pagbunsod ng Digmaan sa kasalukuyan.

II. PAKSA
a. Paksa: Ang Unang Digmaang Pandaigdig
b. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig (JOES-K12) pahina 357, https://www.youtube.com/watch?
v=G1p6rlDCxq0
c. Materyales: Laptop, TV, Papel, Krayola, Vissual Aid
d. Pagpapahalaga: Pakikiisa at kooperasyon
e. Paraan: Lectured-based Learning

III. PAMAMARAAN

Aktibidad ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain
1. Panalangin
Maari bang tumayo ang lahat para sa Panalangin? Tatayo ang mga mag-aaral
para sa panalangin.
2. Pagbati
-Magandang araw! Magandang araw din po!
Handa na ba ang lahat para sa ating aralin ngayun? Opo!

3. Attendance Ibibigay ng Class Monitor ang


Pero bago sino po ang wala sa klase? listahan ng absent.

4. Karaniwang Pamantayan -pulutin kung may kalat


Ano anon ga ang dapt gawin bago magsimula ang klase? -umupo ng maayos
-wag-maingay
-I silent mode ang mga
Cellphone
B. Pag-unlad na Aktibidad -itaas ang kanang kamay kung
1. Pagaganyak (Video Clip) merong nais sabihin.
Meron akong ipapakitang Video Clip, kaya manood at makinig ng
mabuti dahil pagkatapos nito ay meron akong katanungan.

2. Pagsusuri
Ok, ngayung tapos na, sa palagay ninyo patungkol saan ang ating Yes po maam.
napanood?
Tama! Ito ay patungkol sa Digmaan, Ang Unang Digmaang Patungkol sa Digmaan!
Pandaigdig o ‘’WW1’’ Magaling!

3. Paglalahad.
Pagmasdan ito ang Mapa ng Europa, ang unang Digmaang
Pandaigdig nagsimula rito at ng huli marami ng bansa sa mundo
ang kasali na sa Digmaan. Naganap ang isa sa pinakanakakatakot
at di malilimutang digmaan sa loob ng apat na taon, tatlong
buwan at 2 linggo. Ang WW1 ay nagsimula noong Hunyo 1914-
Nobyembre 1918.

Ang Masidhing Nasyonalismo at tensiyon sa Politika sa


magkakaratig na mga Estado o mga bansa ay nagdulot ng
pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Subalit ang dagliang
pangyayari na nag-udyok upang tuluyang magsimula ito ay ang
pagpatay sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si
Archduke Franz Ferdinand.

Narito ang mga Dahilan o sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Imperyalismo-Ang imperyalismo ay patakaran ng


pamamahala sa pamamagitan ng tuwirang pagsakop ng isang
mas malakas na bansa at pagkontrol sa kabuhayan at politika
ng bansang nasakop. Ang mga bansa sa Europa ang nanguna
sa pagagalugad,
Ang pag-aagawan ng mga imperyalistang bansa sa mga
kolonyang lupain ay isa sa mga dahilan ng mga sigalot sa
Europa. Ilan sa mga insidenteng ito ay muntik nang
humantong sa isang digmaan, tulad ng pag-aagawan ng Great
Britain at France sa Fashoda sa Sudan. Gayon din ang pag-
aagawan ng Germany at France sa Morocco ngunit ito ay
dagliang nasolusyunan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo
o paglagda ng kasunduan.
Sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman, mas higit na sumidhi
ang pagtatagisan ng malalakas na bansa na palawigin ang
kanilang mga nasasakupan. Hinangad ng Great Britain, Italy,
Russia, at Austria na maangkin ang mga lupain ng dating
Imperyong Ottoman.
2. Militarismo
Sumidhi ang kaisipan at paniniwala ng mga pinuno na ang
pagtingala sa makabago at malakas na armas ay mas
makatutulong sa kanilang bansa upang hindi ito masakop.
Ang kaisipang ito ay tinatawag na militarismo na kung saan
mas binibigyang-halaga ang pagpapalakas ng mga hukbong
militar. Ang kaganapang ito ay nauwi sa pagpaparamihan at
pagpapalakasan ng mga armas ng malalakas na bansa sa
Europa.
3. Nasyonalismo
Ang nasyonalismo ay damdaming makabansa na may
pagpapahalaga sa isang nasyon at pinagbubuklod ng
magkakatulad na kasaysayan, kultura, wika, at suliraning
kinahaharap. Ang damdaming ito ay mahalaga sa pagkakaisa
ng mga tao upang mapaunlad ang kanilang bansa ngunit ang
pagkakaroon ng masidhing nasyonalismo ay nagdulot ng
tensiyon sa pagitan ng mga estado sa Europa. Nagbunga ito
ng pagiging agresibo ng mga mamamayan upang manakop at
magpalawak ng kanilang sakop na lupain. Nabuo ang mga
nasyonalistang pangkat sa Europa matapos ang Rebolusyong
Pranses at Digmaang Napoleonic. Hinangad nilang makuha
ang mga lupain na sa palagay nila ay pagmamay-ari ng
kanilang bansa o maibalik ang mga lupaing dating bahagi ng
bansa. Hinangad din nilang pagsamahin ang mga may
magkakauring lahi.
Ang Serbia at ang iba pang estado sa peninsula ng Balkan ay
lumaya matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman kung
kaya't ang nasyonalistang Slavic ay sabik na pagsamahin ang
mga rehiyon sa isang pamumuno. Ang pangarap ng Serbia na
malayang estadong Slavic ay ikinatakot ng Austria. Samantala,
ang ambisyong ito ng Serbia ay sinuportahan ng Russia sa
pagnanasang mapalawak ang kanilang kapangyarihan.
4. Pagpapalakasan ng Armas
Kasabay ng tensiyon ng makakapangyarihang bansa sa
Europa, nagkaroon din ng tagisan sa pagpaparami at
pagpapalakasan ng mga kagamitang pandigma. Ang
nakakikilabot na paligsahang ito ng mga bansa ay lubhang
mapanganib sapagkat isang mitsa lamang ay maaari nang
magsimula ang isang mapangwasak na digmaan
5. Ang Sistema ng Pag-aalyansa
Ang militarismo ay nagbigay-daan sa pag-igting ng sistema ng
pag-aalyansa o ang pagkakampihan at pagsasanib ng
puwersa ng mga bansa upang lumakas ang kanilang depensa.
Noong 1872, naitatag ang alyansang Three Emperors'
Leagues sa pagitan ng mga monarkiya ng Russia, Austria-
Hungary, at Germany na pinangunahan ni Otto von Bismarck.
Gayon pa man hindi ito nagtagal dahil sa pag-aagawan ng
Russia at Austria-Hungary sa mga estado ng Balkan Muling
nagtatag si Bismarck ng panibagong alyansa sa Austria-
Hungary noong 1879. Hindi naglaon, noong 1882, sumama
ang Italy sa alyansang tinatawag na Triple Alliance. Nangako
ang mga bansang kasapi nito na susuportahan ang isa't. isa sa
panahong masasangkot sila sa mga labanan o kaya ay
lulusubin ng kaaway.
Ang tunay na dahilan ng pagsanib ng Italy ay upang
magkaroon ito ng mga kakampi laban sa France sapagkat
ikinagalit ng mga Italian ang pagkuha ng France sa Tunis,
ngayon ay Tunisia sa Hilagang Africa. Pinanatili ni Bismarck
ang magandang ugnayan sa Russia upang iwasan ang
dalawang magkabilang panig ng digmaan- France sa kanluran
at Russia sa silangan. Gayon pa man, hindi naipagpatuloy ni
Bismarck ang kaniyang mga hangarin para sa bansa sapagkat
nang maupo sa trono si William II bilang kaiser ng Germany,
napilitan siyang bumaba sa katungkulan. Nais ipatupad ni
William II ang kaniyang sariling patakarang panlabas tulad ng
hindi niya muling pagtanggap sa kasunduan sa pagitan ng
Germany at Russia noong 1890.

Masdan ang mga bansang magkaka alyansa sa panahon ng


unang Digmaang Pandaigdig. ( Slide of Map)

Triple Entente-France, Russia, Great Britain


Triple Alliance-Germany, Austria-Hungary, Italy

Sa Panahong ito ang Daigdig ay nahaharap sa panganib na


dulot ng pagbuo ng dalawang alyansa. IsanG Pagkakamali ay
talagang magdudulot ng isang malaking digmaan.
At upang bigyan pa kayo ng karagdagang background,
Ang BALKANS
Saglit nating Tingnan ang mga Lugar sa Balkans
Minsan itong tinaguriang Powder Keg sapagkat marami ng
digmaan ang naganap sa loob lamang ng lugar na ito.
Nang lumaya ang Serbia noong 1878 mula sa Imperyong
Ottoman, hinangad ng mga nasyonalistang Slavic na
makontrol at maging sentro ng isang Imperyong Slavic.
Kasama sa mga teritoryong nais makuha ng Serbia ay ang
Bosnia-Herzegovina sapagkat ang malaking populasyon nito
ay mula sa mga lahing Slavic. Ang pagnanasa ng mga Slav na
maganap ito
ay nag-ugat sa isang kaisipang tinatawag na Pan-Slavism-
isang ideya na ang mga Slav ay may makasaysayang misyon
na mapaunlad ang kanilang kultura at mapag-isa ito bilang
isang imperyo. Kabilang din sa mga teritoryong nais makuha
ng Serbia ay kontrolado pa rin ng mga Ottoman at ng Austria-
Hungary,

Ang pag-angkin ng Austria-Hungary sa Bosnia-Herzegovina ay


lubhang kinagalit ng mga taga-Serbia. Hinikayat ng mga
nasyonalistang Serbian na tutulan ang ginawa ng Austria-
Hungary. Sa kaganapang ito, higit na nagkaroon ng alitan sa
pagitan ng mga Serbian at Austro-Hungarian. Hiningi ng
Serbia ang tulong ng Russia ngunit hindi pa handa ang Russia
na muling sumuong sa laban dahil mahina pa ito matapos
ang Digmaang Russo-Japanesel

Pagpatay Kay Archduke Franz Ferdinand sa Sarajevo


Nagsimula ang digmaan nang patayin si Archduke Franz
Ferdinand, pamangkin at tagapagmana sa trono ng Austro-
Hungarian na emperador na si Francis Joseph. Habang
bumibisita si Ferdinand at ang kaniyang asawang si Sophie sa
Sarajevo, kabisera ng Bosnia-Herzegovina, pinatay sila ng
isang nasyonalistang Serbian na si Gravilo Princip. Bilang
papalit na emperador, isa sa mga layunin ng pagpunta ni
Archduke Ferdinand ay upang marinig ang mga tinig at
hinaing mga Slav sa pamahalaan na makapantay sa mga
Austro-Hungarian. Ang pagkilos ng Archduke ay maaaring
makapigil sa pagnanais ng ibang Slav na magkaroon ng
hiwalay na estadong Slavic. Dahil dito, hindi napigil ng mga
grupong nasyonalista na paslangin si Franz Ferdinand habang
naglilibot sa lugar sakay ng isang bukas na awto.

Deklarasyon ng Digmaan
(Video Clip)

4. Paglalapat (Application)
-Sa puntong ito mag kakaroon tayo ng pangkatang Gawain.
-Magkakaroon tayo ng tatlong grupo, ang bawat grupo ay pipili ng
leader at ng isang sekretarya.
-Bawat membro ng grupo ay magbibigay ng sarili nilang paraan
upang maiwasan ang digmaan gaya ng Ikalawang digmaang
pandaigdig sa pamamagitan ng pagbuo ng 3-5 na pangungusap.
-Itatala ng sekretarya ang bawat paraan na maiisip ng bawat
membro sa manila paper na paper na nasa akin ngayon.
-Ang leader ng bawat grupo ang siyang mag rereport ng inyong
ginawang diskusyon.
-Ang magiging batayan ay ang rubrik sa pagpupuntos sa bawat
gawa ng bawat grupo

Gawin ito sa Loob ng 10 minuto at gumawa ng pag-uulat.

5. Paglalahat(Generalization)
-Ano ano ang mga nagiging dahilan o sanhi ng Unang Digmaang
Pandaigdig
-Ano ang dalawang Alyansang naging magkatunggali sa Digmaan?
-Sino ang mga bansang kasama sa Triple Entente?
-Ano-anong mga Bansa naman ang kasali sa Triple Alliance?

6. Pagpapahalaga(Valuing)
-Nagustuhan niyo ba ang ating aktibidad ngayun?
-Ano ang natutunan niyong kahalagahan na maari niyong
maisabuhay?

IV. EVALUATION (Pagtataya):

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong taon nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?


a. 1990 c. 1885
b. 1984 d. 1400
2. Sino ang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na pinatay sa Sarajevo ng isang Slav?
a. Archduke Franz Ferdinand c. Adolf Hitler
b. Gavrilo Princip d. wala sa nabanggit
3. Anong mga bansa ang kabilang sa Triple Entente?
a. France, Great Britain, Russia
b. Germany, Italy, Austria-Hungary
c. Germany, Great Britain, Russia
d. Russia, France, Italy
4. Ano ang ilan sa mga sanhi ng unang digmaang Pandaigdig?
a. Militarismo, Sistema ng Pag-aalayansa, Imperyalismo
b. Pang-ekonomikong dahilan, Kahirapan
c. Politika, at pagpapalawak ng impluwensiya
d. Pagpaparami ng mamamayan at Negosyo
5. Ilang taon tumagal ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. 3
b. 4
c. 5
d. 6

V. TAKDANG ARALIN
Panoorin ang World War 1 at all Parts sa https://www.youtube.com/watch?v=G1p6rlDCxq0
Suriin ang kabuuang kwento at gumawa ng reaction paper patungkol sa mga napanood. Ipasa ito sa
susunod nating pagkikita.

Inihanda ni;

YEYETH F. FAJARITO, LPT


LECTURER/ APPLICANT

You might also like