Si Mariano Gómez de los Ángeles o kilala bilang padre Marino
Gómez ay ipinanganak noong Agosto 2, 1799, sa Santa Cruz, Maynila. Inilagay siya sa isang kunwaring paglilitis at biglaang pinatay sa pamamagitan ng pag garote sa Maynila kasama ng dalawa pang klerigo na pinagsama-samang kilala bilang Gomburza. Si Gómez ang pinuno ng tatlong pari at ginugol ang kanyang buhay sa pagsusulat tungkol sa mga pang-aabuso laban sa mga paring Pilipino.noong ipinapatay ang GomBurZa nag-galit at nag-alab ang mga damdamin ng mga Pilipino at umusbong ang kamalayang nasyonalismo.Paciano ang nakakatandang kapatid ni Jose P. Rizal ikiwenento ni Paciano ang paglilitis sa GomBurZa kay Jose P. Rizal na noo,y 11 taong gulang.Kaya naman bilang pagkilala sa kabayanihan ng tatlong paring martir o GomBurZa ang nobelang El Filibusterismo ay inialay nya bilang alaala sa Tatlong paring martir sa pagtuturo sa mga Pilipino na harapin ang kamatayan para makamit ang pinakaaasap na Kalayaan.