Professional Documents
Culture Documents
MELC - Aralin 22 Impormal Na Sektor
MELC - Aralin 22 Impormal Na Sektor
Impormal na Sektor
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Panimula:
• May bahaging ginagampanan
ang sektor ng agrikultura,
industriya at paglilingkod upang
makamit ang pambansang
kaunlaran.
• Subalit, hindi masasabing
kumpleto ang pag-aaral ng
ekonomiya kung hindi kabilang
ang impormal na sektor
sapagkat maraming mga
mamamayan ang kabilang dito.
Konsepto ng Impormal na Sektor
• Sa inilahad na economic
development model ni W.
Arthur Lewis sinasabing
nagmula ang paggamit ng
konsepto ng impormal na
sektor.
• Inilarawan niya ito bilang uri ng
hanapbuhay na kabilang sa
mga bansang papaunlad pa
lamang (developing countries).
Partikular sa mga ito ang uri
ng trabahong hindi bahagi ng Pinagmulan:
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/8/
84/Arthur_Lewis_%28Nobel_photo%29.jpg
makabagong sektor ng
industriya.
Impormal na Sektor
• Ito ang sektor ng ekonomiya
na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa
pagsasagawa ng mga gawaing
pang-ekonomiya.
• Ang kita ng impormal na sektor
ay HINDI naisasama sa
kabuuang Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa.
• Kilala din ito sa tawag na
Underground Economy
Katangian ng Impormal na Sektor
• Hindi nakarehistro sa
pamahalaan;
• Hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita;
• Hindi nakapaloob sa
legal at pormal na
balangkas na inilatag
ng pamahalaan para
sa pagnenegosyo.
Impormal na sektor
• Ang impormal na sektor ay paraan ng mga
mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan o
dagdag na kita sa tuwing panahon ng
pangangailangan at kagipitan.
• Ang kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang
kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok
sa ganitong uri ng sitwasyon.
• Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang
global phenomenon. Gayumpaman, hindi
maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng
hanapbuhay sa mga mamamayan.
Iba’t ibang Anyo ng Impormal na Sektor
Gawaing maaring
isakatuparan sa loob
lamang ng tahanan