Digmaan Sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

Subukin Panuto: Unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit tinawag na “Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?


 A. Dahil maraming tanyag na bansa ang sangkot sa digmaan.
 B. Dahil ang mga natalong bansa ay kinikilala sa buong mundo.
 C. Dahil sa masalimuot na digmaang nakita ng buong mundo.
 D. Dahil lahat ng nasangkot na bansa sa digmaan ay nagtagumpay.
2. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit napasailalim ng Japan ang
Shantung (Shandong ngayon) na dating nasa pamumuno ng China?
 A. Mas malaking bansa ang Japan kaysa China.
 B. Hindi na naniniwala ang mamamayan ng Shantung sa China.
 C. Hindi na kayang pasunurin ng China ang mamamayan ng
Shantung.
 D. Dahil sa partisipasyon ng Japan sa pandaigdigang digmaan kung
kaya’t binigyan ng pahintulot ng Kanluranin na pumasailalim ito sa
kapangyarihan ng Japan.
3. Naging komplikado ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
noong Agosto 1914. Alin sa sumusunod ang naging dahilan?
1. Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
2. Pag-uunahan sa teritoryo
3. Pagkakaroon ng kilos-protesta
4. Pagkakaroon ng interes sa mga bansa sa Asya
 A. 1 at 2
 B. 1 at 3
 C. 1, 2, at 3
 D. 1, 2, at 4
4. Anong kilos protesta ang isinakatuparan ng China laban sa mga dayuhang
Kanluranin?
 A. Chinese Movement
 B. Mao Zedong Revolution
 C. May Fourth Movement
 D. May Revolutionist
5. Anong organisasyon ang naitatag na resulta ng Paris Peace Conference na
nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
 A. ASEAN
 B. League of Nations
 C. SEATO
 D. United Nations
6. Anong mga lugar sa Pilipinas ang bumagsak kaya tuluyang nakapasok ang
Japan sa Timog-Silangang Asya?
 A. Bataan at Corregidor
 B. Corregidor at Manila Bay
 C. Manila at Corregidor
 D. Manila Bay at Bataan
7. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
 A. Displaced Refugees
 B. Paglaganap ng Komunismo
 C. Pagkamatay at Pagkasira
 D. Pagtatagumpay ng Japan
8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng digmaan?
 A. Pagkasira ng kapaligiran
 B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
 C. Pagiging masaya ng mamamayan sa Kanluranin
 D. Pagkagutom ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng Asya
9. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng layunin ng pagtatatag ng United
Nations?
 A. Pagtangkilik ng sariling produkto.
 B. Pagbabayad sa mga bansa ng reparations.
 C. Pagpapasulong sa usaping pagkakaisa at pangkapayapaan.
 D. Pagbibigay ng ayuda sa mga bansang lubhang naperwisyo ng
digmaan.
10. Lahat ng kahilingan ng Japan ay naisakatuparan ng Germany MALIBAN sa
isa.
 Equal justice
 B. Moral inequality
 C. Racial equality
 D. Racial identity
11. Ano ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang
digmaan?
 A. Umiigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop.
 B. Naging mailap ang mamamayan sa mga Kanluranin.
 C. Nagkaroon ng sigalot ang bawat bansang kaalyado ng malalaking bansa.
 D. Bumaba ang tingin ng mga nasakop na bansa sa kanilang sarili.
12. Bakit nabuwag ang kinikilala noo’y “war-time alliance” sa pagitan ng Soviet
Union at United States na dahilan upang magkaroon ng “Cold War”?
 A. Dahil sa pagpapalaganap ng Soviet Union ng Komunismo sa Europa.
 B. Dahil ayaw ng United States na maungusan sa kapangyarihan ng Soviet
Union.
 C. Dahil hindi patas ang pagtingin ng Soviet Union sa mga naging kolonya
nito.
 D. Dahil hindi tinulungan ng Soviet Union ang dating kakampi sa pagsakop sa
mga bansa sa Asya.
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa layunin ng United Nations
Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA)?
 A. Binuo ito upang maiwasan ang krimen.
 B. Binuo ito upang pag-igtingin ang kapangyarihan ng kolonyalista.
 C. Binuo ito upang bigyan ng insentibo ang mga kolonyang bansa.
 D. Binuo ito upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons.
14. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ng Kasunduang
Pangkapayapaan ay pinuwersang pagbayarin ang Germany ng “reparations”.
Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
 A. Pagbabayad ng utang mula sa kolonyalista.
 B. Pagbibigay ng tulong sa mga kolonyang bansa.
 C. Paglaya ng kolonyang bansa sa mga kolonyalista.
 D. Pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito
pagkatapos ng digmaan.
15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng manifestasyon ng nasyonalismo?
 A. Pagbubuwis ng buhay ng mamamayan sa pakikipaglaban.
 B. Pagtatago ng mamamayan sa mga kalaban.
 C. Pagsunod-sunuran ng mamamayan sa Kanluranin.
 D. Pagtangis para sa kalayaang hinahangad.

Unang Digmaang Pandaigdig

Maraming dahilan kung bakit marami ang nanakop sa kasaysayan ng daigdig. Ilan
lamang sa mga dahilan ay upang magpalawak ng teritoryo o magpalawig ng
kanilang kapangyarihan gayondin upang mapakinabangan ang likas na yaman, at
maging tanyag o kilalanin ang kanilang bansa at iba't ibang ideolohiya. Nagkaroon
ng aliyansa ang iba't ibang bansa sa pananakop na gagawin at dahil dito nagkaroon
ng digmaan. (There are many reasons why many have invaded throughout world
history. Some of these reasons include expanding territory or extending their power,
as well as benefiting from natural resources, and making their country and various
ideologies known or renowned. Various countries formed alliances in the act of
invasion, leading to wars.)

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I ay sumiklab noong Agosto 1914.
Ito ay tinawag na "Great War" dahil sa masalimuot na digmaang nakita ng buong
mundo. Komplikado ang naging dahilan nito: nagkaroon ng pag-aalayansa ng mga
bansa sa Europa at pag-uunahan sa teritoryo at iba pang interes. Ang digmaang ito
ay kinapapalooban ng iba't ibang anyo ng tunggalian. Ang alitan ay sa pagitan ng
"Allies" na binubuo ng Great Britain at France laban sa "Central Powers" na binubuo
naman ng Austria at Germany. (The First World War, or World War I, broke out in
August 1914. It was called the "Great War" because of the widespread conflict
witnessed by the entire world. Its causes were complicated: alliances formed among
European countries, competing for territory and other interests. This war involved
various forms of conflict. The contention was between the "Allies," composed of
Great Britain and France, against the "Central Powers," consisting of Austria and
Germany.)

Sa isang digmaan, may matatawag na talo at panalo. Ang natalo ay papatawan ng


karampatang kaparusahan, samantalang ang nanalong bansa ay mamamayagpag.
Sa kaso ng Unang Digmaang Pandaigdig, natalo ang Central Powers kung kaya't
agad isinagawa ang pagpupulong sa Versailles upang pormal na tapusin ang
digmaan at pag-usapan ang kaparusahan na ipapataw sa talunang bansa. Sa ilalim
ng "Kasunduang Pangkapayapaan" sa Unang Digmaang Pandaigdig ang Germany
ay pinuwersang pagbayarin ng napakalaking halaga para sa idinulot nitong pinsala.
Ito ang sumira at nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng Germany.
(In a war, there are winners and losers. The defeated will face appropriate
punishment, while the victorious nation will prevail. In the case of the First World
War, the Central Powers were defeated, so the Versailles Conference was
immediately convened to formally end the war and discuss the punishment to be
imposed on the defeated country. Under the "Treaty of Versailles" in the First World
War, Germany was forced to pay a huge amount for the damages it caused. This led
to the destruction and collapse of the German economy.)

Iba't ibang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig (Different Effects of the First
World War)

1. Pagkawala/Casualties - Ang Unang Digmaan ay nagsanhi nang hindi


matatawarang pagkasira hindi lamang ng ari-arian, kalikasan, kabuhayan
kundi pati maraming buhay ng mga biktima ng digmaan. Halos sampung
milyong sundalo ang namatay sa digmaan- mas marami kaysa sa mga
namatay sa nakalipas na isang daang taon. (Loss/Casualties - The First
World War caused unprecedented destruction not only of property, nature,
livelihoods but also claimed many lives of war victims. Almost ten million
soldiers died in the war - more than those who died in the past hundred
years.)

2. Pagbagsak ng Ekonomiya - Humigit kumulang 337 billion US dollar ang


gastos ng magkakalabang bansa. Kung susumahin, ay umabot ng sampung
bilyon ang nada-drag na gastos sa labanan. Nagsanla ang mga ito ng buwis
at iba pang buwis. Ngunit mas malaki ang hiram na salapi na naging dahilan
ng pagkalubog sa utang. Ang Allies ay sinubukang pilitin ang kanilang utang
sa pamamagitan ng paghingi ng reparations (bayad sa mga napinsala) sa
Central Powers lalong lalo na sa Germany.
(Economic Collapse - The warring nations spent approximately 337 billion US
dollars. If summed up, the total cost of the war amounted to ten billion. They
levied taxes and other levies to finance this. However, the borrowed money
that led to the sinking of debt was much larger. The Allies attempted to force
their debt repayment by demanding reparations (payments for damages) from
the Central Powers, especially Germany.)
Some significant points, events, and dates during World War I:

1. Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914) - Nagsimula ang digmaan


noong Hulyo 28, 1914, matapos ang pag-assassinate kay Archduke Franz Ferdinand
ng Austria-Hungary sa Sarajevo. Ito ang nagtulak sa mga pangunahing
kapangyarihan ng Europa sa isang kadena ng mga alyansa at digmaan.
Outbreak of World War I (1914) - The war began on July 28, 1914, following the
assassination of Archduke Franz Ferdinand of Austria-Hungary in Sarajevo. This led
the major European powers down a chain of alliances and warfare.

2. Labanan sa Marne (Setyembre 1914) - Ang unang Labanan sa Marne ay kritikal sa


paghadlang sa mga Aleman na sakupin ang Paris. Nagresulta ito sa paghinto ng
mabilis na pagsulong ng Alemanya at nagpasimula ng trench warfare sa Western
Front.
Battle of the Marne (September 1914) - The First Battle of the Marne was critical in
stopping the Germans from capturing Paris. It resulted in halting the rapid advance of
Germany and initiated trench warfare on the Western Front.

3. Labanan ng Gallipoli (1915) - Isang misyong militar na pinangunahan ng Allied


Forces upang kubkubin ang Constantinople (ngayon ay Istanbul) at buksan ang
daanang pandagat patungong Russia. Nabigo ang misyon at nagresulta sa
maraming casualties.
Gallipoli Campaign (1915) - A military mission led by the Allied Forces to seize
Constantinople (now Istanbul) and open a sea route to Russia. The mission failed
and resulted in heavy casualties.

4. Labanan ng Verdun at Somme (1916) - Dalawa sa pinakaduguang labanan sa


kasaysayan ng digmaan, kung saan libu-libong sundalo mula sa magkabilang panig
ang namatay sa loob ng ilang buwan ng walang tigil na labanan.
Battles of Verdun and the Somme (1916) - Two of the bloodiest battles in the
history of warfare, where thousands of soldiers from both sides died over months of
relentless fighting.

5. Pagpasok ng Estados Unidos (Abril 1917) - Pumasok ang Estados Unidos sa


digmaan noong Abril 6, 1917, matapos ang mga insidente ng unrestricted submarine
warfare ng Alemanya at ang pagkatuklas sa Zimmerman Telegram.
United States Enters the War (April 1917) - The United States entered the war on
April 6, 1917, after incidents of Germany's unrestricted submarine warfare and the
discovery of the Zimmerman Telegram.

6. Armistice Day (Nobyembre 11, 1918) - Ang armistice na nagwakas sa labanan sa


Western Front ay nilagdaan noong Nobyembre 11, 1918, at epektibong nagtapos sa
Unang Digmaang Pandaigdig.
Armistice Day (November 11, 1918) - The armistice that ended fighting on the
Western Front was signed on November 11, 1918, effectively ending World War I.

You might also like