Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG MGA ENGINEER SA PAARALAN NG

COLEGIO DE CUMAPIT
Ika-5 ng Pebrero, 2019 Ika 4 hanggang 5:30 ng hapon sa loob ng Colegio de Cumapit
Bulacan
Mga Dumalo:
Engineer Charles Benedict S. Diego- Board of Director
Engineer Randellin Ave S. Rojo
Engineer Catherine Mae S. Ledesma
Engineer Julius Daryl V. Ofalsa
Engineer Reymart M. Mangino
Engineer Marc Adril B. Barizo
Mga Hindi Dumalo:

Panukalang Adyenda
1. Proyekto ng Pagpapatayo ng Computer Room sa St. John Paul de Lopez
I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Engr. Charles Benedict S. Diego sa ganap na
ika- 4:00 ng hapon at pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin pagkatapos
naman at pag-awit ng Lupang Hinirang na pinamunoan ni Engr. Randellin Ave S. Rojo.
Sinimulan ni Engr. Catherine Mae S. Ledesma ang Pambungad na Pananalita na
nailahad kung saan makakalikom ng pondo sa pagpapagawa ng computer lab.
II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong
Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Engr. Reymart M. Mangino sa nakaraang
pagpupulong. Iniulat niya ang proyekto sa pagpapatayo ng computer room sa St. John
Paul de Lopez, bilang ng mag-aaral na nagkukulang ng gamit tulad ng computer,
espasyo sa pagtatayuan ng computer room at karagdagang aircon sa computer lab.
III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
 Binuksan ang pagpupulong sa Budget Report ni Engr. Randellin Ave S. Rojo tungkol
sa proyektong pagpapagawa ng computer room. Naiulat niya ang iba’t ibang resulta
o budget ng pangkalahatan sa nabanggit na proyekto.

Narito ang resulta:


Pagpapagawa ng computer lab= Php 500,000
Dalawang aircon para sa silid= Php 20,000/aircon
20 computer sets para sa silid= Php 300,000
Computer accessories para sa maintenance ng Computer
3 Printers= Php15,000/printer
Kabuuan ng proyekto= Php 910,000
 Hiningan ni Engr. Randellin Ave S. Rojo ng opinion at suhestiyon para makalikom ng
pondo ang mga kasama at kung sang-ayon ba sila sa naturing suhestiyon.

 Nagpahayag si Engr. Charles Benedict S. Diego na magsponsor ng 20 na computer


sets ibalik sa kanya ang Php 300,000 sa 5% ng tuition fee ng mga estudyante. Lahat
ay sumang-ayon sa kanyang desisyon.

 Nagpahayang si Engr. Catherine Mae S. Ledesma na ang mga computer


accessories at printer ay kukunin mula sa pondo ng fund raising. Lahat naman ay
sumang-ayon sa kanyang suhestiyon.

 Nagbigay ng suhestiyon si Engr. Randellin Ave S. Rojo na magpasponsor sa


kilalang co-company o partnership sa pagpapagawa ng computer room at maggawa
ng programa na maaring kumita ng pondo para sa proyekto.

 Naiulat din ni Engr. Randellin Ave S. Rojo na magsagawa ng raffle promo para sa
mga estudyante na naglalahad ng iba’t-ibang prices. Php 5,000 para sa 1 st price,
Php 2,000 para sa 2nd price, at Php 1,000 para sa 3rd price. Ang matitira sa pondo ay
gagamitin pambili ng aircon. Lahat ay sumang-ayon sa suhestiyon.

 Iniulat ni Engr. Marc Adril B. Barizo ang Pangwakas na Pananalita na isinaad na


kailangan ng Php 910,000 na badyet para magawa ang buong proyekto.
Inaasahang magsponsor si Engr. Charles Diego, board of director, ng 20 sets ng
computer na naghahalaga ng Php 300,000 at kinakailangang makamit ang Php
610,000 na pondo sa fund raising at tulong ng partnership o co-company.

IV. Iskedyul ng Susunod na Pulong


 Magaganap ang susunod na pagpupulong sa loob ng St. John Paul de Lopez sa ika-
7 ng gabi.

V. Pagtapos ng Pulong
 Natapos ang pagpupulong sa ganap na 5:30 ng hapon.
Pinapatunayang wasto ang isinasaad ng katitikang ito.

Prince Samuel V. Santos


Tagasulat ng Katitikan ng Pulong

Pinapatunayang totoo:
Engr. Julius Daryl V. Ofalsa
Tagapanguna sa Pagpupulong

You might also like