Professional Documents
Culture Documents
Jsnsbsbbsjs Plannana
Jsnsbsbbsjs Plannana
Jsnsbsbbsjs Plannana
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. naibibigay ang kahulugan ng Renaissance
b. nakikilala ang mga taong nagpaunlad ng Renaissance
c. nakagagawa ng presentasyon patungkol sa Renaissance
d. nabibigyang halaga ang mga ambag ng Renaissance sa iba't ibang larangan.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Ang Pag-usbong ng Renaissance
b. Sanggunian: Gabay ng guro (pahina 82), Kasaysayan ng Daigdig (pahina 220-225)
c. Kagamitan: Papel, manila paper, marker at iba pang pantulong na biswal
d. Pagpapahalaga: Pinapahalagahan ang mga ambag ng Renaissance sa
kasalukuyan.
III. PAMAMARAAN
2. Pagbati
Magandang araw sa inyong lahat. Magandang araw rin po!
Mabuti naman.
3. Pagsiyasat sa kapaligiran
Bago kayo umupo pakiayos ang
inyong mga upuan at pulutin ang
mga kalat sa ilalim nito.
4. Pagtala ng liban
May liban ba sa araw na ito? Wala po.
6. Pagbabalik-aral
B. PAGGANYAK
“4 pics 1 word”
Renaissance
Knowledge
Rebirth
Italy
D. PAGTALAKAY
HUMANISMO
Ang humanismo ay isang kilusang
intelektuwal noong Renaissance na
naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome sa pag-aaral dahil
naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat
matutuhan upang magkaroon ng isang
moral at epektibong buhay.
E. PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain
1. Organisasyon ng ideya 5
2. Kooperasyon ng bawat isa 5
3. Malinis at maayos na 5
gawa
4. Natapos sa takdang oras 5
Kabuuan 20
Opo.
Naiindihan po ba?
Unang Pangkat
Slogan- Kahalagahan ng Renaissance
Ikalawang Pangkat
Poster- Nagpapakita ng kahulugan ng
Renaissance
Ikatlong Pangkat
Tula/Spoken Poetry- Tungkol sa
kahalagahan ng naiambag ng
Renaissance sa Kasalukuyan
F. PAGLALAHAT
Bakit kaya naging mahalaga ang mga Naging mahalaga ang ambag nito sa
ambag ng Renaissance sa kasalukuyan? kasalukuyan para maipakita at para
maipresinta ito sa mga tao na mula
noon ang renaissance ay may
mahalagang parte ng kasalukuyan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi.
1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth.
2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa Larangan ng
kalakalan at matatag na lipunan.
3. Ang mga humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng
karunungang klasikal ng Greece at Rome.
4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng
kalakalan.
5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang katoliko dahil sa
renaissance.
Batayang Pagwawasto
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Basahin ang Aralin 2 sa pahina 227-235 sa inyong aklat, Kasaysayan ng
Daigdig at sagutan ang mga sumusunod.
1. Ano ang repormasyon?
2. Ano ang kontra-repormasyon?
3. Ano ang mahalagang aral na iniwan ng repormasyon sa mga tao?
Inihanda ni:
MYLA B. GUAB
Mag-aaral sa Kolehiyo