Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX- Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga del Sur
Tambulig District

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Paaralan Antas Grade 11


Guro BONARD P. ALBOLERAS Asignatura Komunikasyon at
Detailed Lesson Pananaliksik sa Wika at
Plan Kulturang Pilipino
Petsa/Oras Markahan 1st Semester-Unang
Markahan

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Nauunawaaan nang may masusing pagsaalang-alang ang mga linguwistiko at
Pangnilalaman kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
paggamit ng wika
B.Pamantayan sa Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika
Pagganap Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga barayti ng wika (F11PT-Ia_85)
Pagkatuto
a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng iba’t-ibang barayti ng wika sa
bansa
b. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamamaraan ng
pagagamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
d. Napapahalagahan ang barayti ng wika sa pag-aaral

II. NILALAMAN Barayti ng wika

III. KAGAMITANG laptop, PowerPoint presentation, pictures, speaker.


PANTURO
A. Sanggunian  Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
 Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Resurrection Doctor Dinglasan
 MELC
1. Mga Pahina sa Gabay Komunikasyon sa Akademikong Filipino Pahina 13-14
ng Guro
2. Mga Pahina sa Pahina 13-14
Kagamitan Pang -
Mag-aaral
3.Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Envelope, manila paper/cartolina, pentelpen
Panturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL PUNA
A. Panimulang Gawain Magsitayo ang lahat at
1. Panalangin manalangin.
Magsitayo ang lahat para sa ating
panalangin..

Nagsipagtayo ang mga mag-aaral

Panguluhan ang panalangin! Jane!


2. Pagbati
Magandang umaga Class…!
Magandang umaga po, Ginoong
Alboleras.
Kumusta kayo sa umagang ito?
Mabuti naman po.

Class… bago kayo mag-siupo ay


pakipulot muna sa mga papel na nasa Gawin ng mga bata ang sinabi.
ilalim ng inyong mga upuan at
pakiayos narin ng inyong mga upuan.

3. Pagtala ng mga Liban


Meron bang lumiban sa araw na
ito?

Magaling! Wala po, Sir.

4. Mga pamantayan sa klase


Bago tayo magpapatuloy, narito
ang mga pamantayan na dapat
nating sundin sa ating klase:
1. Maupo ng maayos
2. Makinig nang Mabuti sa
guro
3. Maging alerto sa klase
4. Lumahok sa mga Gawain at
talakayan sa klase

A. Pagbabalik aral sa Bilang balik-tanaw sa ating


nakaraan aralin nakaraang leksyon,

Class! Noong nakaraang tagpo ay


tinalakay natin ang tungkol sa mga
kahulugan ng Wika. tama?
Opo sir.
Ngayon class! Titingnan ko kong
lubos ba talaga ninyong naunawaan
ang ating nakaraang leksyon.

(Magtatanong ang guro hinggil sa


nakaraang talakayan)

Ano ang kahulugan ng wika?

(Tatawag ang guro ng mga mag-


aaral)
(Magkakaiba ang sagot ng mga
Anna.. mag-aaral)

Ang wika ay masistemang


balangkas ng mga tunog na pinili
at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura
Tama! Ok ano pa?
Yes! Metchel.. Isang sistema ng komunikasyong
nagtataglay ng mga tunog, salita
at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa
iba’t ibang gawain.
Tumpak! Sino pa? James..
Ang wika ay isang sining….
Hindi ito likas sapagkat ang bawat
wika ay kailangan munang pag-
aralan bago matutuhan.
Magaling!

(nagbibigay ang guro ng kanyang


sariling opinyon hinggil sa
nakaraang talakayan)

Behikulong ginagamit sa pakikipag-


usap at pagpaparating ng mensahe sa
isa’t isa Mula sa salitang Latin na
“lingua” na ngangahulugang “dila” at
“wika”
Mga pananagisag sa anumang bagay
na binibigyang kahulugan, kabuluhan
at interpretasyon sa pamamagitan ng
mga salita, binabasa man ng mga
mata o naririnig ng tainga, nakasulat
man o binibigkas.

Wala na ba kayong katanungan


hinggil sa nakaraan nating talakayan?

Magaling! Wala na po sir.

B. Paghahabi ng Class, narito ang mga layunin na


Layunin dapat nating matamo pagkatapos ng
ating talakayan.

Layunin:
a. Natutukoy ang mga kahulugan at
kabuluhan ng iba’t-ibang barayti
ng wika sa bansa.
b. Naipapaliwanag nang pasalita
ang iba’t ibang dahilan, anyo, at
pamamaraan ng pagagamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon
c. Napapahalagahan ang barayti ng
wika sa pag-aaral.

Ngayon class! Ay mayroon akong


mga ipaparinig sa inyo na mga
recorded voice, ang gagawin Ninyo
ay huhulaan Ninyo kung sino ang
mga tao sa likod ng mga boses na
inyong maririnig.

Gawain: Sino ang Sino!


Pagpaparinig sa mga recorded voice
at magkakaroon ng paghuhula kung
sino ang mga tao sa likod ng mga
boses na iyon.
(Kuya Kim Atienza)
1. Mag-aral ng maigi upang ang
buhay ay bumuti dahil ang
buhay ay weather weather
lang…!

(Tatawag ang guro ng mga mag-


aaral)

Yes! Kevin..

Tama!
(Mike Enriquez)
2. Hinding-hindi naming kayo
tatantanan… Ehem, excuse
me po!

Oh! Ikaw naman, Angel..

Magaling!

Class! Itong pangatlo sino naman


kaya ito? Aldrin..
(Rufa Mea Quinto)
3. Todoooooooo Na To!!!

Tama din!

Sa pang-apat kaya! Sino sa inyo ang


makahula? Yes! Lovely..
(Kris Aquino)
4. Hahaha, Nakakaloka. Darla..

Tumpak!

Sa panglima na tayong boses class,


sino kaya itong panghuli? Melvin..
(Mel Tiangco)
5. Walang Kinikilingan, Walang
Prinoprotektahan, Walang
Kasinungalingan, Serbisyong
Totoo Lang.

(nagpalakpakan ang mga mag-


Tama! Ang gagaling ninyong lahat aaral)
class! Ang tatalino Ninyo, palakpakan
natin ang ating sarili.

Gabay na Tanong: (Nagbibigay ang mga mag-aaral


a. Bakit nagkakaiba ang paraan ng iba’t ibang kasagutan)
ng pagsasalita ng mga
personalidad?
Sir, para sa akin magkakaiba ang
kanilang pagsasalita dahil
magkakaiba din kasi ang kanilang
personalidad.
Pwedi! Kasi magkakaiba nga naman
talaga ang nagsasalita.
Siguro sir, dahil taga iba’t ibang
Ano pa? oh Yes! Marjun.. lugar sila nakatira kaya hindi
magkatulad ang kanilang
pananalita.

Pwedi rin!
Sa pamamagitan ng mga boses na
b. Ano ang pinatutunayan nito sa naririnig natin sa mga recorded
paggamit ng wika? Bryan.. voice, nagkakaroon tayo ng
pagkakataon na makilala ang mga
tao sa likod ng mga ito. Ito ay
maaaring mga professional voice
actors, scriptwriters, o producers.
Sa aking palagay na pamamaraan
ng paghuhula, naunawaan at
maappreciate ko ang kahusayan at
kahusayang gumamit ng wika
upang maibahagi ang mga
mensahe.

Tama!

(Nagbibigay ang guro ng sariling


opinion)
ang pagsasagot sa paghuhula ng mga
taong nasa likod ng mga boses na
iyon ay nagpapakita ng kakayahan
natin na mag-rekognisyon,
interpretasyon, at pag-unawa sa iba't
ibang estilo, intonasyon, at tono ng
pagsasalita. Ito ay nagpapamalas ng
kakayahan ng wika na magamit
bilang isang malawak at dinamikong
kasangkapan ng ekspresyon at
komunikasyon.

C. Pag-uugnay ng mga Class! ang mga boses na aking


halimbawa sa ipinarinig sa inyo ay may kaugnayan
bagong aralin sa ating talakayan ngayon araw.

Handa na ba kayo sa ating bagong


talakayan? Opo sir.

Kaya sa umagang ito ay tatalakayin


natin ang tungkol sa “Barayti ng
Wika”.

Mayroon akong ipapakita sa inyo na


video clip na may kaugnayan sa ating
leksyon.
https://www.youtube.com/watch?
v=t23O2wrxso0
Gabay na Tanong:
a. Ano ang napansin ninyo sa Sir, para sa akin ay ginagaya ni
paraan ng pagsasalita ng host Angelica Panganiban ang boses ni
sa programang pantelebisyon Kris Aquino, at ginagaya din ni
na napanood ninyo? Jason si Boy Abunda.
Yes! Christine..

b. Ano ba ang tinatawag nating


barayti ng wika?

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Barayti ng Wika- Ito ay sa
paglalahad ng pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng
bagong kasanayan wika.
#1 Class! Pakibasa ng sabay-sabay.. Barayti ng Wika -Isang
pagkakaroon ng pagkakaiba
depende sa istelo, punto at iba
pang salik pang wika na
ginagamit ng isang Lipunan.
Uri ng Barayti
1.) Dayalek
– Ito ay varayti ng wika na nalililkha
ng dimensiyong heograpiko. Ito
ang salitang gamit ng mga tao ayon
sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon na
kung tawagin ay wikain.
Mga halimbawa:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Ano sa Bisaya ang salitang bakit?
Tagalog= Bakit?
Marvin..
Bisaya= Unsa?
Ilonggo=Ano gid/ unsa gid?
Subanen=Ngay?
Magaling!

Tagalog = Nalilito ako


Bisaya = Nalibog ko.

Ang panglawang barayti ng wika ay


2.) Idyolek
idyolek, pakibasa ng sabay-sabay.
– bawat indibidwal ay may
sariling istilo ng pamamahayag
at pananalita na naiiba sa bawat
isa. Gaya ng pagkakaroon ng
personal na paggamit ng wika
na nagsisilbing simbolismo o
tatak ng kanilang pagkatao. Ito
ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
Mga halimbawa:
“Ang buhay ay weather weather lang”
ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
Ngayon class! Sino naman sa inyo
ang makapagbigay ng halimbawal sa
idyulik? Anton.. “Hindi ka namin tatantanan” ni
Mike Enriquez
Magaling!

3. Etnolek
– Isang uri ng barayti ng wika na
nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat
etniko sumibol ang ibat ibang uri
ng Etnolek. Taglay nito ang mga
wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.
Class! Ano ba ang ibig sabihin nito? Isang halimbawa ng etnolek ay
Sheryl… ang Chavacano, isang barayti ng
wika na nabuo sa Pilipinas. Ang
Chavacano ay isang kombinasyon
ng Espanyol at mga lokal na wika
tulad ng Tagalog, Cebuano,
Ilonggo, at iba pa. Ang mga taong
nagsasalita ng Chavacano ay
karaniwang matatagpuan sa mga
lugar tulad ng Cavite at
Zamboanga. Ito ay isang patunay
ng kasaysayan, kultura, at pag-
usbong ng mga tao na nagkaroon
ng interaksyon sa pagitan ng mga
Espanyol at lokal na mga
katutubo.
Tumpak! Napakagaling…

Ilang halimbawa ng pangkat etniko sa


Pilipinas ay ang mga sumusunod:
1. Tagalog - Luzon, partikular sa
Kalakhang Maynila.
2. Bisaya - Visayas, partikular sa
Cebu, Bohol, at Iloilo.
3. Ilokano -Hilagang Luzon,
partikular sa Ilocos Region.
4. Moro – Muslim=Mindanao-
Maranao, Maguindanaoan, Tausug
5. Igorot - Cordillera sa Hilagang
Luzon, kabilang ang mga Ifugao,
Kalinga, Bontoc.
6. Lumad - Ang mga Lumad ay mga
katutubo sa Mindanao= Manobo,
T'boli, Subanen.

Ang panglima ay ang ekolek pakibasa 4. Ekolek


ng sabay-sabay. – barayti ng wika na kadalasang
ginagamit sa loob ng ating
tahanan. Ito ang mga salitang
madalas na namumutawi sa
bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw
na pakikipagtalastasan.

Sino sa inyo ang makapagpaliwag at


makapabigay ng mga halimbawa sa Sir, para sa akin ay yong mga
barayti ng wika na ekolek? Margie.. wika na ginagamit natin sa atin
bahay,
Mga Halimbawa ng Ekolek:
 Palikuran – banyo o
kubeta
 Silid tulogan o
pahingahan – kuwarto
 Mumsy – nanay/ina
Tupak din Margie class!

5.) Pidgin
– Ito ay barayti ng wika na
walang pormal na estraktura. Ito
ay binansagang “nobody’s native
language” ng mga dayuhan. Ito
ay ginagamit ng dalawang
indibidwal na nag uusap na may
dalawa ring magkaibang wika.
Sila ay walang komong wikang
ginagamit. Umaasa lamang sila sa
mga “make-shift” na salita o mga
pansamantalang wika lamang.

Mga Halimbawa ng Pidgin:


 Ako tinda damit maganda.
(Ang panindang damit ay
maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay
diskawnt. (Suki, bumili ka na
ng paninda ko. Bibigyan kita
ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw
kuha taas grado. (Mag-aral
ka ng mabuti upang mataas
ang iyong grado.)
Class! Pakibasa ng sabay-sabay sa 6.) Creole
pang anim na barayti ng wika. – mga barayti ng wika na
nadebelop dahil sa mga
pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang
sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar.
Halimbawa dito ay
pinaghalong salita ng Tagalog
at Espanyol (ang Chavacano).

(Ibinigay ng guro ang halimbawa


ng barayti ng wika Creol)
Mga Halimbawa ng Creole:
 Buenas dias – Magandang
umaga
 Buenas tardes – magandang
hapon
 Buenas noches – Magandang
gabi
7.) Register
– minsan sinusulat na “rejister”, ito
ay barayti ng wikang
espisyalisadong ginagamit ng
isang partikular na domeyn. Ito
ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at
paksa nito ay naayon sa larangan ng
mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung
paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon
ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa
teks
 Mga salitang ginagamit ng
mga iba’t-ibang
propesyon gaya ng mga
doktor
Sino sa inyo ang may opinion tungkol
dito? Yes! Erick.. Sir, para sa mga salitang
binaliktad ay tulad ng
bata=atabs
Magaling! Ano pa? Erica… Baboy=yobabs
Tao=oats
Sir, para sa akin naman ay tungkol
sa mga salitang ginagamit sa teks
tulad ng
Please=pls
Wer na u her na me
Tama! din si Erica.. Txt u later

8.) Sosyolek – na minsan ay


tinatawag na “Sosyalek” Ito ay
pansamantalang barayti lamang. Ito
ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo. Ang mga salitang
ito ay may kinalaman sa katayuang
sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga
naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
 Repapips, ala na ako
datung eh (Pare, wala na
akong pera)
 May amats na ako ‘tol
(may tama na ako
kaibigan/kapatid o kaya
ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
E. Pagtalakay ng Iba’t-ibang Uri ng Sosyolek
bagong konsepto at Gay lingo = Wa facelak girlash mo
paglalahad ng (walang mukha o itsura ang gelpren
bagong kasanayan mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
#2
Coño = Oh my God! It’s so mainit
naman dito. (Naku, ang init naman
dito!)

Jejemon o jejespeak = Sige ka,


jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin
kita!)

Jargon =
1. Medical Jargon:
- "Hypertension" - mataas na presyon
ng dugo
2. Legal Jargon:
- "Objection" - pagtutol
3. IT Jargon:
- "Firewall" - pader-kalayo
4. Financial Jargon:
- "ROI" - return on investment (balik
ng pamumuhunan)
5. Sports Jargon:
- "Slam Dunk" - diretsahang tira sa
basketball

F. Paglinang sa Panuto: Piliin at ilapat ang mga


kabihasaan (Tungo salita/pangungusap ayon sa barayti
sa Formative ng wika.
Assessment) Dayalek Gihigugma ko
Dayalek ikaw. -Bisaya
Idyolek “Magandang
Idyolek Gabi Bayan”-
Sosyolek Noli de Castro
Etnolek Sosyolek “Oh my God!
Ekolek It’s so mainit
naman dito.”
Etnolek Palangga –
sinisinta,
minamahal
Ekolek “Gisingin mo
na si bunso”
Mama-ina/
nanay
G. Paglalapat ng aralin Pangkatang-Gawain
sa pang-araw-araw (Papangkatin ang klase sa apat na
na buhay grupo para sa pangkatang Gawain.
Bibigyan ang mga mag-aaral ng
tatlong minutong paghahanda at
pagkatapos ay ipamamalas ng mga
mag-aaral ang kanilang ginawa sa
loob ng dalawang minuto.)

Pangkat 1
Gawain: Wikang Gamit Mo
Depende Sa Kausap Ko!
Panuto: Pagpapakita ng isang senaryo
ng pakikipag-usap ng mga Pilipino sa
mga dayuhan.

Pangkat 2
Gawain: Isang Sitwasyon,
Magkakaibang Wika!
Panuto: Pagsasadula ng isang senaryo
gamit ang wikang Bisaya at Ilonggo

Pangkat 3
Panuto: Pagbibigay ng mga Salitang
Gay Lingo
Panuto:Magbigay ng tatlong Gay
Lingo o salitang beki at tatlong
salitang sosyal. Gamitin ang mga
salita sa pangungusap.

Gay Pangungusap Maaring magkakaiba-iba ang mga


Lingo/Salitang sagot ng mag-aaral
Beki
1.
2.
3
Sosyal Pangungusap
1.
2.
3.

Pangkat 4
Gawain: Isang Awit,
Magkakaibang Wika
Panuto: Pumili ng isang awiting may
dalawang ginagamit na wika at awitin
ito.

Pamantayan sa Pagmamarka

Class! Nasiyahan ba kayo sa ating


mga Gawain?

Magaling!
Opo sir.

H. Paglalahat ng aralin Ngayon titingnan ko kung lubos ba


talaga ninyong naintindihan ang ating
talakayan.
(magtatanong ang guro hinngil sa
pangkalahatang talakayan)

Barayti ng Wika -Isang


Ano ang barayti ng wika? pagkakaroon ng pagkakaiba
depende sa istelo, punto at iba
pang salik pang wika na
ginagamit ng isang Lipunan.
Uri ng Barayti
Anu-ano naman ang mga uri ng 1.) Dayalek
barayti ng wika? 2.) Idyolek
3.) Etnolek
4.) Ekolek
5.) Pidgin
6.) Creole
7.) Register
8.) Sosyolek

Ang pagkakaroon ng kaalaman at


Paano nakatutulong sa iyo bilang pag-unawa sa iba't ibang barayti
mag-aaral na malaman, maunawaan, ng wika ay magbibigay ng mas
at magkaroon ng pagkakaunawaan sa malawak na kakayahan sa
iba’t ibang sitwasyon sa komunidad komunikasyon at pakikipag-
sa tulong ng barayti ng wika? ugnayan sa mga taong may iba't
ibang antas ng pagsasalita.

Ito'y nakatutulong bilang mag-


aaralSa pamamagitan ng pag-
unawa at paggamit ng iba't ibang
barayti ng wika, madarama ang
pagkakaisa at pagkakakilanlan sa
mga iba't ibang sektor ng lipunan.
Makakapagbigay ito ng respeto,
pag-unawa, at pagkakaisa sa
komunidad.

I. Pagtataya ng Aralin Ebalwasyon

Panuto: Isulat kung anong barayti ng


wika ang mga sumusunod na pahayag.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____1. Naulan na naman. Hindi na Dayalek
tumitigi ey.
_____2. Ang mahal pero. Bibilhin ko Sosyolek
sana ay.
_____3. Guys, may pagsusulit tayo sa Sosyolek
Filipino
ngayong araw.
_____4. Ipapasa ninyo ang inyong Register
proyekto sa
susunod na linggo. Ang hindi
makakapagbibigay sa takdang araw ay
hindi na tatanggapin.
_____5. What’s up yo? Break it down. Sosyolek
_____6. Pagkaganda palá ng anák ng Dayalek
mag-asawang
aré, ah!
_____7. Hindi pa siya kumain ng Ekolek
hapunan. Nagsasakit na ang tiyan niya.
_____8. You’re so… Whatever Sosyolek
_____9. Pagkatagal mo ga. Dayalek
_____10. Ryan Bang: I lilly lilly like Idyolek
it!

J. Karagdagang Takdang-aralin
Gawain para sa Panuto: Sumulat ng isang reaksiyon
takdang aralin at na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
remediation wikang dayalektal bilang bahagi ng
wikang Filipino.

Ihinanda ni: Tagamasid:

BONARD P. ALBOLERAS ________________________


Aplikante Principal

You might also like