Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Filipino 1

Mga Bantas
Grade 1 Einstein and Newton
Bantas
Ang Bantas ay mga simbolong
nagpapakita ng intonasyon ng isang
salita o pangungusap. Ito rin ang gabay
sa pagbasa kung kailan hihinto.
Bantas
Ang Bantas ay ginagamit depende sa
kung ano ang ipinapahayag ng
pangungusap. Kung saan gumagamit
ng angkop na bantas ayon sa uri ng
pahayag o pangungusap.
Iba’t-ibang uri Bantas

1 Tuldok 6 Panipi

2 Tandang pananong 7 Gitling

3 Tandang padamdam 8 Panaklong

4 Kuwit 9 Tutuldok

5 Kudlit 10 Tuldok-kuwit

11 Tutuldok-tuldok
Panipi “ ”
Tuldok .
Gitling -
?
T a n d a n g
pananong
Panaklong ( )
T a n d a n g
padamdam ! Tutuldok :
Kuwit , Tuldok-kuwit ;
Kudlit ‘ Tutuldok-
tuldok ...
Tuldok .
Ginagamit ang tuldok kapag ang
pangungusap ay nagsasalaysay o nag-uutos.

Halimbawa:
Maaaring iresiklo ang mga basurang
hindi nabubulok.

Pakiabot naman ang aking papel.


Tandang Pananong ?
Ginagamit ang tandang pananong sa
katapusan ng pangungusap na nagtatanong.

Halimbawa:
Kailan ang iyong kaarawan?

Alam mo ba ang wastong paggamit ng


libro ?
Tandang padamdam !
Ginagamit ang tandang padamdam sa
katapusan ng salita o pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Aba! Ang linis naman ng kwarto mo !

Ang galling !
Kuwit ,
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng mga
salita,mga parilala at mga sugnay na sunod-sunod
at sa salitang ginamit sa pantawag.
Halimbawa:
Leah, nais ko sanang isama ang bunso mong
kapatid sa pasyalan.

Bumili si Nanay ng isda,gulay,at prutas sa


palengke.
Kudlit ‘
Ginagamit ang kudlit na pang-ugnay ng
dalawang salita.

Halimbawa:
kami’y – kami ay
trabaho’t negosyo- trabaho at negosyo
sayo’t akin –sayo at akin
ikaw’t ako- ikaw at ako
Panipi ‘’‘’
Ginagamit ito upang ipakita ang buong sinabi ng
isang nagsalita o ang tuwirang sipi o sinabi ng
isang nagsalita.

Ginamit ito upang mabigyan ng diin ang pamagat


ng isang pahayagan at iba pang may akda.
Halimbawa:
Ang sabi ng pambansang bayani, “Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa malansang isda”.
Gitling -
Ginagamit ito kung saan ang panlapi ay
nagtatapos sa salita at ang nilalaping salita sa
patinig.

Kapag inuulit ang buong salita at ginagamit din ito


kapag ang unlaping ika- ay inilalapi sa numero o
pamilang.
Halimbawa: Halimbawa:

nag-aral araw-araw
mag-aaral gabi-gabi
mag-asawa pantay-pantay
sabi-sabi
Halimbawa:

Ika-4 ng Enero,ika-9 ng gabi


Kaarawan ni Vicenzo noong ika-5 ng Hunyo.
Panaklong ( )
Ginagamit ito upang kulungin ang bahaging
nagpapaliwanag ngunit maaaring kaltasin.

At ginagamit sa pamilang o halaga na inuulit


upang matiyak ang kawastuhan.
Halimbawa:

Si Rodrigo Roa Duterte ( Kasalukuyang


Pangulo ng Republika ng Pilipinas ) ay
mabait at matulungin.

Humigit Kumulang sa labinlimang libong


(15,000) katao ang dumalo sa Sinulog.
Tutuldok :
Ginagamit ito kung may lipon ng mga salitang
kasunod.

Ginagamit din ito pagkatapos ng bating panimula


sa pormal na liham o liham-pangangalakal.

Paghihiwalay sa mga minuto at oras sa yugto ng


tagpo , sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya.
Halimbawa:

Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin


katulad ng: Rosas, Sampaguita, Orchids at iba pa.

Gng. Gloria :
Dr. Jose Rizal :

10:00 a.m
Lucas 1:37
Tuldok-kuwit ;
Ginagamit ito sa pagitan ng mga sugnay ng
tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay
ng pangatnig.

Halimbawa:
Kumain ka ng sariwang prutas at gulay; ito’y
nakakapagpalakas ng katawan.
Tutuldok-tuldok …
Ginagamit ito upang ipakilala ng may
nawawalang salita o mga salita sa siniping
pahayag at sa mga sipi kung may iniwan ng di-
kailangan sipiin.

Halimbawa:

Ipinagbibigay ni ….

Kung ika’y maliligo kailangang…

You might also like