Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Virtual Drama Script

“Ang Busilak na Puso ni Lily ng Isabela”


Pamagat ng Kwento: “Ang Busilak na Puso ni Lily ng Isabela”
Tagapagganap sa Drama:

 Van Bryan A. Nunez – ang “Tagapagsalaysay” at “Tagasulat ng Iskrip”

Mga tauhan na gaganap sa drama:

 Van Bryan A. Nunez – bilang “Noel”


 Alexia Claire P. Oguimas – bilang “Lily”
 Kevin Xylle C. Maape – bilang “Leonard” Mga Estudyante sa Paaralang
 Ralph Laurence C. Delima – bilang “Mag-aaral 1” Akademyang Southville
 Kent Louie M. Omundang – bilang “Mag-aaral 2”
 Joe Erwin S. Pallo – bilang “Mag-aaral 3”
 Mitch Ellaine C. Munsayac – bilang “Punong-guro ng Paaralang Akademyang Southville”
 Mga Magulang – bilang mga “Sumusuporta sa Tauhan” sa istorya
Mga Tagpuan:

 Bahay nila Lily


 Paaralang Akademyang Southville
 Sa ground ng Akademyang Southville
 Sa opisina ng Prinsipal

Mga Eksena:

 Unang Eksena – ( Sa bahay nila Lily at ang kanyang mga magulang )


 Ikalawang Eksena – ( Paaralang Akademyang Southville, si Lily, si Leonard, at
ang mga mang-aaping mag-aaral )
 Ikatlong Eksena – ( Sa ground ng Paaralang Akdemyang Southville, Si Noel, si
Lily, si Leonard, at ang mga mang-aaping mag-aaral )
 Ikaapat na Eksena – ( Sa opisina ng prinsipal, ang prinsipal, at ang lahat ng
mga mag-aaral na sangkot )

Tema:

 Real Beauty ( Tunay na kagandahan ng isang tao )

Isyu:

 Pambubully at Pagmamaliit ng kahalagahan ng sariling kapwa.


Banghay ng Kwento/Drama:

 Makikita niyo sa Drama ang simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas


ng istorya. At ang mga diyalogo ng mga tauhan. Kaya’t abangan!
“Ang Busilak na Puso ni Lily ng Isabela”

Unang Eksena ( Sa bahay nila Lily at ang kanyang mga magulang )

Tagapagsalaysay:

Paunang nagsimula ang kwento sa bayan ng Liliw sa Isabela na kung saan isang
lugar na nakagisnan at nakatira ang isang anak na babaeng nagngangalang Lily. Lumaki
siyang may lahing Aeta bilang ang kanyang ina ay may pinagmulan na ito at
napangasawahan ng kanyang ama na taga Isabela kaya’t doon na sila nagtanan at
tumira. Natura na niyang siya’y kulot at kayumangging balat ang itsura kaya’t ito ang
naging dahilan kung bakit siya binubully ng kanyang mga kapwa mag-aaral. At kahit na
pagkatao na niya’y siya’y ganon, hindi ito naging dahilan para magpalunod siya sa pang-
aapi at pambabato ng iba sa kanya. At nananatili parin siyang matapang na harapin
ang lahat ng bagay sa kabila man na alam niya ang lahat ng mga posible niyang
haharapin. Dahil tinuruan siya ng kanyang mga magulang na kung alam niyang siya ay
nasa tama, dapat ipagtanggol niya ang sarili niya laban sa mga mang-aapi at ang
pagiging may puso sa kapwa. Dahil para sa kanya, hindi magiging basehan ang panlabas
na anyo sa iyong tunay na kagandahan, kung hindi kung ano ang nagmumula sa iyong
puso at panloob na totoong ito ang tunay na kagandahan ng isang tao.

Tagapagsalaysay:

[ Kaya’t matutunghayan sa huling bahagi ng istoryang ito kung paano siya hinangaan ng
maraming tao ( partikyular na sa kanyang mga kapwa mag-aaral )].

Ikalawang Eksena ( Paaralang Akademyang Southville, si Lily, si Leonard, at ang mga


mang-aaping mag-aaral )

Tagapagsalaysay: ( Papasok na sa eskwelahan si Lily. Pagpasok niya, biglang may


sumalubong sa kanyang mga grupo na bully )

Mag-aaral 1 kay Lily: “Oy ayan na ang babaeng kakulay ng balat ang buhok!”
“Hahahahahaha!”

Mag-aaral 2 kay Lily: “Oo nga no!” “Kulot na nga ang buhok, kulay pa niya’y kulubot”!

Mag-aaral 3 kay Lily: “Maitim!” “Hindi siya nababagay dito!”


Tagapagsalaysay: ( Pinagtatawanan siya ng mga mag-aaral at nag-iba ang kanyang
paningin sa kanila )

Tagapagsalaysay: ( Biglang may dumating na lalaki sa paaralan para ipagtanggol siya


nang hindi niya namalayan at siya ay si Leonard )

Leonard kay Lily: “Teka, ano ba ang meron dito?” “Okay ka lang ba Miss?”

Leonard sa mga mag-aaral: “Oy kayo ha? Ba’t ninyo siya nilalait? Hindi na ba kayo
nahiya na isang pribadong eskwelahan ang mismong pinanggagalingan niyo? Pribadong
eskwelahan ito tsaka ganyan ang pag-uuugali niyo? Ganyan kayo?”

Tagapagsalaysay: ( Sumambat din si Lily upang ipagtanggol ang kanyang sarili sabay
ang kanyang bumubuhos na emosyon )

Lily sa mga mag-aaral: “Ano ba ang problema niyo sa akin? Ba’t ganyan na kayo? Ang
laki na ng galit at pag-iirita niyo sa akin! Oo, tanggap ko na ganito na ako, tanggap ko
na, na ganyan ang pantanaw niyo sa akin. Hindi ako katulad ng mga ginugusto ninyong
makikinis at mapuputi ang balat, mga kumikinang at straight ang buhok, tas diba mga
magaganda pa tignan. Wala ako kahit isa lang sa mga iyan! Wala ako riyan! Pero sana
huwag niyo naman ipamukha sa akin sa publiko.”

Lily sa mga mag-aaral: “Alam niyo ba? Na kahit ganyan man ang paningin ninyo sa akin
pero hindi ko ikakahiyang sabihin sa inyo na hindi tumitingin ang Diyos sa pisikal na
kaanyuan ng tao pagkat kung ano ang meron sa iyo sa loob, iyan ang maghahalaga.”

Leonard sa mga mag-aaral: “Oo nga! Tumigil na nga kayo! Alis!”

Tagapagsalaysay: ( Umalis na kaagad ang mga bully )

Tagapagsalaysay: ( Pinahinahon ni Leonard si Lily at pinapaalala niya na may iba-ibang


kagandahan ang tao, hindi man nila nakikita at iba-iba man tayo ng pananaw. Sabi
niya na “Maganda ka”. Huwag mo na silang isipin )

Tagapagsalaysay: ( Sinamahan ni Leonard si Lily at magkasabay narin silang pumasok


papunta sa kanilang mga classroom )

Ikatlong Eksena ( Sa ground ng Paaralang Akdemyang Southville, Si Noel, si Lily, si


Leonard, at ang mga mang-aaping mag-aaral )

Tagapagsalaysay: ( Pagkaraan ng pag-uwi nila, merong isang kapwa mag-aaral nila na


si Noel, kilala si Noel bilang mataba sa paaralan kaya’t minsan napapadalas ang pang-
aapi sa kanya dahil sa kanyang itsura. Naglalakad na siya pauwi habang meron namang
mga nakaatang sa kanyang grupo ng mga mag-aaral ulit at ito ang nangyari )

Mag-aaral 1: “Oy!” “Ikawng bata ka ah!” “Tignan mo pre oh! Parang baboy!”

Mag-aaral 2: “Hala siya!” “Ang baboy dapat tinataboy!”

Mag-aaral 3: “Oink!” “Oink!” “Oink!”

Tagapagsalaysay: ( Tinulak siya ng isang mag-aaral sa kanila at sabay-sabay siyang


pinagtatawanan )

Tagapagsalaysay: ( Umiyak siya sa sakit ng loob at inseguridad sa sarili dahil sa mga


pinagtatapong mga salita sa kanya na masakit tanggapin )

Tagapagsalaysay: ( Napadaan na din sina Lily at Leonard sa isang ground kung saan
pinagsasamantalahan ang batang si Noel )

Lily kay Noel: “Okay ka lang ba? Halika tayo ka.”

Tagapagsalaysay: ( Inalalayan ni Lily si Noel pagtayo at ipinagtanggol narin niya si


Noel harap-harapan sa mga walang-awang mga mag-aaral na umanib at umatake sa
kanya )

Lily sa mga mag-aaral: “Kayo na naman? Bakit ba ninyo siya ginaganon eh wala na ba
kayong mga tamang pag-uugali? Kulang ba ang tamang pagpapalaki ng mga magulang sa
inyo?”

Lily sa mga mag-aaral: “Isipin niyo naman kung paano maaapektuhan ang mga tao sa
mga pinaggagawa niyo!”

Lily sa mga mag-aaral: “Matapos ng pambibiktima niyo sa akin. Ayoko nang maulit muli
gaya ng naranasan ko dahil sa inyo. Ayoko ng maulit pa ang mga nararanasan namin
dahil sa inyo. Tandaan ninyo, kung uulit-uulitin niyo pa, ako ang makakaharap ninyo!”

Tagapagsalaysay: ( Tumawag na agad ng prinsipal si Leonard at ibinalita ang nangyari


sa batang si Noel. Pinatawag silang lahat maging sa mga mag-aaral na gumawa nun
tapat ng hapon kahit uwian na )

Ikaapat na Eksena ( Sa opisina ng prinsipal, ang prinsipal, at ang lahat ng mga mag-
aaral na sangkot )

Tagapagsalaysay: ( Nandoon na silang lahat pagkatapos ng nangyari )


Prinsipal sa mga mag-aaral: “Pinatawag ko kayong mga mag-aaral dahil sa nalaman
kong balita na inaapi niyo ang batang ito si Noel. Aba’y unang-una sa lahat, malaki
talaga ang inyong kasalanan kasi wala naman siyang ginawa sa inyo na ikakagalit ninyo
syempre. At kung umiwas nalang sa gulo. Alam ninyo na hindi namin kayo tinuturuan ng
ganyan sa paaralang ito na ikasisira ng imahe ng eskwelahan. Maaari kayong
masampahan ng kaso laban sa ganyan at makakatikim kayo sa akin kung ipapadrop out
ko kayo. Pantay-pantay tayong lahat dito sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao.
Sa edad ninyo na iyan ay sana maging mabuting ehemplo kayo sa mga katulad ninyong
kabataan at sa bansa. Maging aral ito sa inyo na sino bang gustong maaapi? Sana
malaman ninyo ang mararamdaman ng iba.”

Tagapagsalaysay: ( Humingi na agad ng tawad ang mga mag-aaral sa kanilang ginawa


kay Lily at kay Noel at pinangako nila na hinding-hindi na nila uulitin )

Mag-aaral 1, 2 at 3 kay Lily at Noel: “Patawad po Lily at Noel. Sa lahat ng mga


pang-aapi namin sa inyo. Handa po kaming magbago at hinding-hindi namin hahayaan
na maging ganito kami habambuhay.”

Mag-aaral 1, 2 at 3 kay Leonard: Pasensya na po Leonard sa pagiging masama namin


sa inyo.

Lily sa mga mag-aaral: “Naiintindihan namin iyon. Basta’t matuto kayo at alamin niyo
na pantay-pantay tayo sa isa’t-isa anuman ang iyong katayuan at pinagdadaanan sa
buhay.”

Tagapagsalaysay: ( Nagpasalamat narin si Noel sa pagtatanggol ni ate Lily sa kanya )

Noel: “Salamat po Ate Lily sa pagtatanggol niyo po sa akin. Biyaya po kayo sa aking
buhay. Hindi ko matutumbasan at masusuklian kung gaano kalaki ang ginawa mo sa akin
para hindi na ako ulit matatapakan ng iba.”

Lily: “Walang anuman Noel. Nandito lang ang Ate at Kuya mo. Kasi alam ko ang mga
pinagdadaanan mo. Naranasan ko din iyon” Walang mangyayari at matatapos kung hindi
natin paninindigan ang ating sarili. Kung tatahimik lang tayo. May boses tayo para
lumaban. At sana maging aral narin ito sa lahat.”

Tagpasalaysay: ( Nagkaayos at nagkabati narin silang lahat at nagbago narin ang mga
mag-aaral )
Ending at Mapupulot sa Drama (Takeaway):

At dito na nagtatapos ang aming kwento. Naniniwala kami na hindi nasusukat ang
kagandahan ng isang tao sa kung ano man ang meron sa kanya sa pisikal at panlabas na
anyo bagkus kung ano ang nagmumula sa kanyang puso, kung paano siya makipagkapwa
tao, kung paano siya makitungo sa iba, kung paano niya ipagtanggol ang kanyang sarili
at ang karapatan ng iba sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang siya’y tama. At may
pagmamalasakit sa kanyang kapwa at sa nararamdaman nila. Dahil mula nga sa Bibliya,
hindi sumusukat ang Diyos sa iyong katayuan kung hindi ay tumitingin siya kung ano ang
meron sa iyong puso. At magsisilbing kinapupulutang aral na din ito sa mga mag-aaral
diyan tulad namin na anong silbi niyo sa pang-aapi, paninira at pananakit ng iba, para
magpasikat? Kung isa man kayo doon sa mga. Kailanma’y hindi sumisikat ang mga taong
ang intensiyon lamang ay idadaan sa mga masasamang bagay. Dahil wala kayong
makukuha doon. Kung ano man ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay siyang babalik rin sa
iyo. Kung sasaktan mo ang iba, para naring sinisira mo ang dignidad ng iyong pagkatao.
Ang taong may mga mabubuting intensiyon ay mananaig parin sa huli. Iyon lamang po
at Maraming Salamat!!!

GRADE 11 EBONY
GROUP 4

“Real Beauty”

Members:

Nunez, Van Bryan A.


Oguimas, Alexia Claire P.
Omundang, Kent Louie M.
Munsayac, Mitch Ellaine C.
Maape, Kevin Xylle C.
Pallo, Joe Erwin S.
Delima, Ralph Laurence C.

You might also like