Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

KABANATA 10

UNANG PAG – UWI NI RIZAL SA


PILIPINAS (1887 -88)

JENNIFER R. NAVARRO
BSCHM IV - A
Agosto 8, 1887
Bumalik si rizal sa Pilipinas pagkaraan ng
limang taong di malilimutang
paglalakbay sa Europa.
Hunyo 29, 1887
Habang nasa Roma, sinulatan ni Rizal
ang kanyang ama para ipaalam ang
kanyang pag uwi
Dahil sa pagkalathala ng kanyang Noli
Me Tangere at idinulot nitong
kaguluhan sa mga prayle, binalaan si
Rizal na huwag munang umuwi nina:

a. Paciano
b. Silvestre Ubaldo
c. Chengoy
DESISYONG UMUWI SA PILIPINAS
1.Ooperahan ang mata ng ina
2.Mapagsilbihan ang mga kababayang malaon
nang inaapi ng mga tiranong Espanyol.
3.Alamin kung gaano at paano naaapektuhan ng
Noli at iba pa niyang sulat ang mga Pilipino at
Espanyol sa Pilipinas.
4.Magtanong tanong kung bakit wala siyang
nababalitaan tungkol kay Leonor Rivera.
PAGLALAKBAY PATUNGONG MAYNILA
Hulyo 3, 1887
– sumakay siya sa Djemnah, ang barkong siya ring
nagdala sa kanya sa Europa limang taon nang
nakaraan

• May limpung pasahero nito kabilang ang:


a. Apat na Ingles
b. Dalawang alemnan
c. Tatlong tsino
d. Dalawang hapon
e. Maraming mga pranses
Nakarating si Rizal sa
Saigon. Lumipat siya sa
Hulyo 30 -
barkong Haiphong na
patungong Maynila

Agosto 2 - Nilisan ng barko ang Saigon


patungong Maynila
PAGDATING SA MAYNILA
Agosto 5
• Dumaong ang barkong Haiphong sa
Maynila.

• Natuklasan niyang wala pa ring


ipinagbago ang Maynila sapul nang
umalis siya rito limang taon ang nakaraan.
MALIGAYANG PAG UWI
Agosto 8, 1887

• Nagbalik si Rizal sa Calamba


• Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal
sa mga unang araw ng pagbabalik nito
sa Calamba dahilan sa kanyang pag-
aalala sa kaligtasan ng kanyang
nakababatang kapatid.
• Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa
Calamba.

• Naging una niya pasyente ang kanyang


ina.
• Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga
taga -Calamba at naging bantog sa Calamba
at mga karatig bayan

• Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng


kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero
1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
• Nagtayo si Rizal ng isang himnasyo sa
Calamba

• Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera


dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang
na dalawin ang dalaga.
KAGULUHANG GAWA NG NOLI
• isang araw, nakatanggap si Rizal ng liham mula kay
Gobernador Heneral Emilio Terrero (1885- 1888).
Iniimbitahan sya nito sa palasyo ng Malacanang. May
nagbulong kasi sa gobernador na ang NOLI ay
nagtataglay ng mga subersibong ideya.

• Nagtungo si Rizal sa maynila at nagpakita sa


Malacanang. Nang ipaalam sa kanya ng Gobernador
Heneral Terrro ang paratang sa kanya kaagad niyang
pinabulaan nito. Ipinaliwanag ni Rizal na inihayag
lamang niya ang katotohanan ngunit di siya
nagtatagubilin ng mga subersibong ideya.
• Emilio Terrero - ang gobernador heneral na
nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli
Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang
kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay
si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.

• Binisita ni Rizal ang mga heswita sa Ateneo, ang


kanyang mga dating guro na sina Padre Federico
Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang
humingi ng isang kopya ng Noli Me Tangere na
kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga
pareng Jesuita ang kanilang mga kopya
• Para sa kaligtasan ni Rizal, inatasan ni gobernador
Heneral Terrero si Tenyente Don Jose Taviel de
Adrade na maging tagabantay ni Rizal.

• Pedro Payo – isang Dominiko at Arsobispo ng


Maynila na nagpadala ng sipi ng Noli Me Tangere sa
Padre Rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang
maeksamen ang isang komite ng mga guro .

• Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong


ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng
pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.
•Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng
UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay
erehetikal, subersib sa kalagayang pampubliko, at
nakakasirang puri sa ordeng panrelihiyon.

• Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng


mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni
Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng
Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at mga tao ng simbahan.
Padre Salvador Font
- ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-
ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at
kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang
iminungkahi ang pagbabawal ng
importasyon, reproduksyon at sirkulasyon ng
mapaminsalang aklat ay ipinagbabawal.
MGA UMATAKE SA NOLI ME TANGERE

• Padre Jose Rodriguez - Superyor ng


Guadalupe na naglabas ng walong polyeto
na pinamagatang Cuestiones de Sumo
Interes para tuligsahin ang Noli Me
Tangere at iba pang sulat kontra Espanyol.
Ang mga polyetong isinulat niya ay
ipinagbibili sa mga nagsisimba.
MGA UMATAKE SA NOLI ME TANGERE

• Mga Senador ng Espanya na tumuligsa sa


Noli Me Tangere sa Bulwagan ng Senado
sa Cortes ng Espanya;

a.) Jose de Salamanca


b.) Luis M. de Pando
c.) Fernando Vida
d.) Vicente Barrantes
TAGAPAGTANGGOL NG NOLI
a. Marcelo H. Del Pilar
b. Dr. Antonio Ma. Regidor
c. Graciano Lopez Jaena
d. Mariano Ponce
e. Padre Francisco de Paula Sanchez
f. Don Segismundo Moret
g. Dr. Miguel Morayta
h. Propesor Blumentrit
i. Rev. Vicente Garcia
RIZAL AT TAVIEL DE ANDRADE
Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong
Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero
upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga
lihim niyang kaaway.

• Kapwa bata at edukado madalas silang maglakad sa


tabing lawa at pinag uusapan ang mga bagay na
kapwa nila interes.
• Naing taga hanga siya ng lalaking Inatasan siyang
protektaha at bantayan.
• Ang puminsala ng masasayang araw ni Rizal
sa Calamba kasama si Te. Adrade ay:

a.) Ang pagkamatay ng kanyang ate Olimpia


b.) Walang basehan kuwentong ikinalat ng
kanyang mga kaaway na isang raw siyang
“espiya ng Alemanya” alagad ni Bismarck,
isang protestante, mason, mangkukulam at iba
pa.
PROBLEMANG AGRARYO NG CALAMBA
• Gobernador Heneral Terrero
- ipinag utos na imbestigahan ang mga lupang
prayle para maisaayos ang anumang di
pagkakapantay – pantay na pangyayari na may
kaugnayan sa buwis ng lupa.

• Asyenda ng Calamba
- isa sa mga lupang prayleng naapektuhan na
pag aari ng Ordeng Dominiko mula 1883.
PROBLEMANG AGRARYO NG CALAMBA
• Disyembre 30, 1887
- bilang pagsunod sa utos ng Gobernador
Heneral, ipinag utos ng Gobernador Sibil ng
lalawigan ng Laguna sa bayan ng Calamba na
imbestigahan ang kalagayang agraryo ng lokalidad.

• Enero 8, 1888
- gumawa si Rizal ng kasulatan na sinang – ayunan
at pinirmahan ng mga kasama ang ilang opisyal ng
asyenda nang sa gayo’y ang pamahalaang sentral ay
makapagsunod ng mga pagbabagong pang – agraryo.
PAMAMAALAM SA CALAMBA
• Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa
suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay
labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.

• Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral


Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng
pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral
ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.

• Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal


ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng
kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose
Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
• Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at
pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa
kabutihan ng ina..

•Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng


dalawang pangunahing kadahilanan:
a.) Ang pananatili niya sa Calamba ay naglalagay sa
kanyang pamilya at kaibigan sa panganib.
b.) Mas makalalaban siya sa mga kaaway at mas
mapagsisilbihan ang sariling bansa kung
makakapagsulat siya sa ibang bansa.
ISANG TULA PARA SA LIPA
Bago lisanin ni Rizal ang Calamba noong 1888,
isang kaibigang taga lipa ang humiling
sakanya ng isang tula para sa pag gunita sa
pagiging Villa (Lungsod) ng bayan ng
Lipa.naging Lungsod ito sa bias ng Batas
Becera noong 1888. Malugod na pinagbigyan
ni Rizal ang kahilingan at isinulat ang tulang
“Himno Al Trabajo”(himno sa pag-gawa)
bilang parangal sa masisipag na mamamayan
ng Lipa.

You might also like