Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Parabula ng Nawawalang Tupa

Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang
makinig sa kanyang mga turo.

Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan.
Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.

Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea.

Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong.

Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”

Ang Taong Di-Marunong Magpatawad

Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. Nagsisimula
pa lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil sa milyung-
milyong dolyar na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa napakalaking pagkakautang
nito, kaya ipinag-utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Gayundin, ang lahat ng kanyang ari-arian ay iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad sa hari.

Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.

"Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari. Naawa naman
sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.

Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na may utang
sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin.
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam at
hinanap ang nawalang isa.

Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi.

Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay at sinabing,
“Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!”

Makaraang ilahad ni Jesus ang talinghaga ay kanyang sinabi, “Magkakaroon ng higit na kagalakan sa
langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid
na di nangangailangang magsisi.”

Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik
at sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.

Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang iba pa niyang kasama.

“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?”

Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa
iyong pananalig.”

"Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito.

Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya.

"Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito.

Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang alagad ng hari
nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng lalaki sa kanyang kapwa
alagad na may utang sa kanya.

Ang lalaki ay ipinatawag ng hari.

"Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang dahil
nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng pagkaawa ko sa iyo,"
wika ng hari.

Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang kanyang
pagkakautang.

You might also like