Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo
Paglutas ng Simpleng Isyu sa Pamilya at Pamayanan: May Magagawa Ako!

I. Panimula
Karaniwan ng pangyayari sa buhay ng ating pamilya at pamayanan ang
makaranas ng napakarami at iba’t ibang suliranin o isyu araw-araw.
Magagaan o mabibigat man ang mga ito, nagagawa nating mga miyembro
na sama-samang kumilos at magtulungan upang makahanap at makagawa
ng angkop na solusyong tutugon sa suliranin o isyu na kinahaharap.
Dahil ang bawat isa sa atin ay nag-aambag ng kani-kaniyang naiisip na
mga hakbang o pamamaraan sa epektibong pagresolba ng mga suliranin o
isyung pinagdaraanan, nalalagpasan at napagtatagumpayan nating
pamilya at pamayanan ang lahat ng mga hamon at pagsubok. Bilang mag-
aaral sa Ikalimang Baitang, may kaalaman at kakayahan ka na ring
maibabahagi o maiaambag sa iyong pamilya at pamayanang
kinabibilangan upang solusyonan ang anomang simpleng suliranin o isyung
pinagdaraanan.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naibabahagi ang kaalaman at kakayahan sa paglutas ng simpleng isyu
o suliranin sa pamilya at pamayanan.
Koda: HGIPS-IVa-3

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maibabahagi ang mga simpleng isyu o suliranin sa pamilya at pamayanan
na kinaharap maging ang solusyon na ginawa, at
2. maisasabuhay ang mga natutuhang kaalaman at kakayahan sa paglutas
ng simpleng isyu o suliranin sa pamilya at pamayanan.

IV. Pagtatalakay
Ang bawat pamilya at pamayanan ay nakararanas ng mga iba’t iba
at hindi mabilang na mga suliranin o isyu araw-araw. Ang mga ito ay sama-
samang tinutugunan o hinahanapan ng solusyon ng mga miyembro upang
maging magaan, organisado, at payapa ang pamumuhay ng isa’t isa. Dahil
kapag piniling hindi kumilos o makisangkot sa kinahaharap na suliranin o isyu
ng mga miyembro ng pamilya at pamayanan, at ipinagsawalang-bahala
lamang ang agarang paglutas sa mga ito, tiyak na pagsisimulan pa ang mga
ito nang mas malala o mas malaki pang suliranin o isyu.
Walang sinoman ang nagnanais na maging komplikado pa ang mga
suliranin o isyung pampamilya at pampamayanan. Lahat ay gusto na
malampasan at mapagtagumpayan ang mga ito gaano man kahirap at
katagal ang magiging proseso ng paglutas sa mga ito. Bilang mag-aaral sa
Ikalimang Baitang, may magagawa ka upang malutas lalo na ang mga
simpleng suliranin o isyung pinagdaraanan ng iyong pamilya at pamayanan.
Munti ka mang maituturing ay malaki na ang iyong maiaambag. Sa
katunayan, ikaw ay mayroon ng mga natutuhang kaalaman at kakayahang
iyong magagamit at maibabahagi sa iyong pamilya at pamayanan na siyang
makatutulong upang bigyang kalutasan ang mga simpleng suliranin o isyung
kinahaharap lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Halimbawa:
1. Suliranin sa Pananalapi ng Pamilya. Lalong tumindi ang suliranin ng
pamilya patungkol sa usaping pananalapi dahil sa kawalan ng hanapbuhay
o paghina ng negosyong pinagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya.
Bagaman may mga panustos pang nagagamit para sa mga
pangangailangan araw-araw, naroon ang pag-aalalang hindi ito
makasasapat.
Kaya naman, ang kakayahan mong makibahagi sa ginagawang
pagtitipid ng pamilya lalo na ang pang-unawa mo ukol sa kaalamang
“kailangan na unahin ang pangangailangan kaysa sa mga kagustuhan” ay
makatutulong nang malaki kina Nanay at Tatay.
Ang hindi mo pagrereklamo kapag payak na ulam lamang ang
naihanda ni Nanay sa hapag-kainan, ang pag-intindi na may mga bagay
kang hinihiling sa iyong mga magulang subalit hindi nila mabibili at maibibigay
sa iyo sa ngayon dahil sa hirap ng buhay, at ang pagtitiyaga o pagtitiis mo sa
mga lumang gamit – isa na nga ang cellphone o laptop – sa iyong pag-aaral
sa bagong normal ay mga pamamaraang maiaambag mo upang sumapat
ang salaping mayroon ang iyong pamilya at mapagtuunan nina Nanay at

2
Tatay na gastusan nang higit ang mga pinakamahahalagang
pangangailangan ng mag-anak araw-araw.
2. Isyu sa Pagganap sa Nakatakdang Gawaing-Bahay ng
Magkakapatid. Dahil lahat ng miyembro ng pamilya ay nananatili sa tahanan
ngayong panahon ng pandemya, inaasahang tutulong sila sa gawaing-
bahay lalo na ang mga anak. Subalit, madalas, nagtuturuan o
nagpapasahan ng gawain ang magkakapatid kung sino ang maghuhugas
ng pinggan, magwawalis sa loob at labas ng bahay, magtutupi ng mga
nilabhang damit ni Nanay, magdidilig sa mga halaman, magpapakain ng
mga alagang hayop, at marami pang iba na siyang pinagsisimulan ng
awayang magkakapatid.
Kaya naman, ang natutuhan mong kaalaman na “ang gawaing-bahay
ay pagsasanay na tumulong sa iba at paraan para magkaisa ang pamilya”
maging ang kakayahan mong maipakita ang pagiging responsable at
masipag sa pamamagitan ng pagganap sa gawaing-bahay nang walang
reklamo ay mayroong malaking kapakinabangan hindi lamang para maging
malinis ang loob at labas ng tahanan kundi para na rin maging maayos ang
relasyon ninyong magkakapatid.
Maaari kayong mag-usap-usap na magkakapatid kung paano hahatiin
ang mga gawaing-bahay o kung paano kayo sama-samang magtutulungan
upang masaya ninyong magampanan ang mga nakatakdang gawaing
bahay na iniatang sa inyo ng inyong mga magulang.
3. Suliranin sa Kalusugan at Kaligtasan ng Bawat Miyembro sa
Pamayanan. Patuloy pa rin ang pagdaragdag ng bilang ng kaso ng
tinatamaan ng Covid-19. Bagaman nagkakaroon na ng malawakang
pagluluwag at unti-unti nang bumabalik sa normal o karaniwan,
kinakailangan pa rin ng lahat ang ibayong pag-iingat sa kalusugan at
kaligtasan dahil naririyan pa rin ang mapaminsalang Covid-19.
Kaya naman, ang natutuhan mong kaalaman na “ang kalinisan ay
mabisang panangga sa marami at anomang sakit” ay lubhang
napakahalaga. Bilang pamayanan, kinakailangan nating magtulungan
upang mapanatiling malinis ang tubig, ligtas ang pagkain, maayos ang
kapaligiran, at maitaguyod sa atin ang kalinangan at pagpapahalaga sa
mga ito para masiguro ang kaligtasan at magandang kalusugan ng bawat
isa sa pamayanan.

Karagdagan pa, ang pagsunod natin sa batas pangkalusugan at


palagiang paghuhugas ng kamay ay mga simple at epektibong
pamamaraan din natin upang maiwasan ang pagkalat ng mga
nakahahawang sakit
4. Isyung Pangkapaligiran. Nananatiling problema ng pamayanan ang
polusyon, pagkalbo ng mga puno at halaman, labis na pag-init ng panahon,
at kawalan ng organisasyon sa pagtatapon ng basura.

3
Kaya naman, ang kakayahan mong makibahagi sa pagtatanim ng mga
halaman, pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan, paghihiwalay
ng mga nabubulok sa hindi-nabubulok at pagsasapuso ng 5R's ay lubhang
mahalaga at kinakailangan upang makaiwas tayo sa sakit, maging kahali-
halinang tingnan ang paligid, at upang sariwang hangin ang malalanghap
natin.
Kailangan na lahat tayo ay dapat na magtulungan at magkaisang
mangalaga at magpanatili ng kaayusan, kagandahan, at kalinisan ng ating
kapaligiran dahil dito rin nakasalalay ang ating mga buhay.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Isaayos ang mga letra upang matukoy ang bawat salita na
bubuo sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. l i s u n i r a n

Magagamit ang mga kaalaman at kakayahan upang madaling makahanap


ng iba’t ibang solusyon sa mga isyu o ____________________.
2. s u n o l s o y

Makakatulong ang pagkakaroon ng tamang impormasyon para makabuo ng


tamang ____________________ para sa kinahaharap na suliranin.
3. y a k a h a n a k

Nakukuha sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay ang


____________________ sa mahusay na paghawak ng mga isyu o suliranin.
4. k a n a l a a m

Tinatawag na ____________________ ang hanay ng mga kakayahan,


kasanayan, proseso ng pag-iisip, at impormasyon na nakatutulong upang
bigyang kahulugan ang mga bagay-bagay o lutasin ang mga simpleng isyu
o suliranin.
5. p u l a t g a s

Ang proseso kung saan tinutukoy ng indibiduwal ang isang isyu o suliranin,
kinikilala ang mga posibleng solusyon, at sinusuri ang mga ito upang mahanap
ang pinaka-epektibong solusyon ay tinatawag na ____________________ ng
isyu o suliranin.

4
A. 2. Panuto: Isulat ang W sa patlang kung ang bawat pahayag ay wasto at
DW naman kung ito ay di-wasto.

__________1. May kakayahan at kaalaman ang batang tulad mo sa paglutas


ng mga simpleng isyu o suliraning nararanasan sa tahanan at pamayanan.

__________2. Dapat na balewalain mo ang pagbabahagi ng mga natutuhang


kaalaman hinggil sa paglutas ng mga simpleng isyu o suiranin at sarilinin na
lamang ang mga ito.

__________3. Sa proseso ng paglutas sa mga isyu o suliraning kinahaharap ng


pamilya, nararapat na tumahimik ang batang gaya mo dahil wala ka
namang maibabahaging solusyon.

__________4. Ang mga simpleng isyu o suliraning pampamayanan ay


nagagawang masolusyonan dahil sa sama-samang pagkilos o
pagtutulungan ng bawat miyembro.
__________5. Maituturing na malaking tulong para sa iyong pamilya at
pamayanan ang gagawin mong pagbabahagi ng iyong natutuhang
kaalaman at tinataglay na kakayahan sa paglutas ng mga simpleng isyu o
suliraning pinagdaraanan.

Gawain 2. Gawaing Pagganap


B. 1. Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga hinihinging detalye ukol sa
pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan sa paglutas ng simpleng isyu o
suliranin sa pamilya at pamayanan.
Halimbawa:
Naibahaging Kaalaman at
Simpleng Isyu o Suliranin sa Tahanan Kakayahan upang ang Suliranin
ay Malutas

Ang natutuhang kaalaman na


Ang iyong bunsong kapatid na “sharing is caring” maging ang
kakayahang kumbinsihin ang
nasa Ikaapat na Baitang ay
bunsong kapatid na hindi naman
walang gagamiting cellphone
magiging hadlang sa kaniyang
o laptop para sa online
pag-aaral ang kawalan ng
discussions ng kanilang klase
cellphone o laptop dahil sasapat
at pagpapasa ng performance
naman ang gagawin ninyong
tasks sa online platform ng paghihiraman sa lumang gadget
guro. ay nakatulong na nang lubos
upang malutas ang suliranin.

5
Naibahaging Kaalaman at
Simpleng Isyu o Suliranin sa Tahanan Kakayahan upang ang Suliranin
ay Malutas

Naibahaging Kaalaman at
Simpleng Isyu o Suliranin sa Pamayanan Kakayahan upang ang Suliranin
ay Malutas

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
KAWASTUHAN AT Wasto, naaayon, at makatotohanan ang 5
PAGKAMAKATOTOHANAN mga sagot sa graphic organizer.

KAPUPULUTAN NG ARAL Ang mga sagot sa graphic organizer ay 5


kapupulutan ng aral.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.

6
B. 2. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang kumpletong
pangungusap.
1. Bakit mahalaga na naibabahagi mo ang iyong kaalaman at kakayahan
sa paglutas ng simpleng isyu o suliranin sa pamilya at pamayanan?_________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng pagbabahagi ng kaalaman at


kakayahan sa paglutas ng simpleng isyu o suliranin sa pamilya at
pamayanan? Magbigay ng tatlo.__________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang sagot sa mga tanong.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.
KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2
sagot sa bawat katanungan.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan sa paglutas ng simpleng isyu o
suliranin sa pamilya at pamayanan at MALI naman kung hindi.
__________1. Ibinabahagi ni Heyz sa mga nakababatang kapatid ang
impormasyon ukol sa regular na pag-disinfect ng pagligid at mga gamit sa
bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa tahanan, kapitbahay,
at pamayanan.
__________2. Tinuturuan ni Cheen ang mga residente na pumupunta at
pumipila sa community pantry sa kahalagahan ng pagbibigayan, pagkuha
lamang ayon sa kailangan, at pagbabahagi ng kung anoman kung
nakaluluwag sa buhay.
__________3. Binabalewala na ni Liyoh ang mga pinakabagong payo at
paghihigpit sa kanilang barangay ukol sa nakahahawang variant ng COVID-
19. Patuloy lamang siya sa mga nakasanayang gawi at nagpapabaya na sa
pag-iingat sa kaligtasan ng nakararami.

7
__________4. Pinaliliwanag ni Sheyn sa kaniyang mga kapatid ang importansiya
ng pagpapabakuna kontra COVID-19. Kaniyang binibigyang diin na
makatutulong ito upang mapalakas ang immune system at makapagbibigay
din ng dagdag na proteksyon laban sa malalalang sakit na dulot ng virus.
__________5. Nakikiisa si Mheg sa sama-samang pagliligtas ng buhay sa
kanilang munting pamayanan ngayong panahon ng pandemya sa
pamamagitan ng pananatili sa tahanan, palagiang paghuhugas ng kamay,
pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansiyang pagkain at pananalangin.

VII. Pangwakas
Panuto: Magbigay ng dalawang (2) mahahalagang aral na natutuhan mo sa
paksang “Paglutas ng Simpleng Isyu sa Pamilya at Pamayanan: May
Magagawa at Maiaambag Ako!”
Halimbawa:
1. Lahat tayo ay may magagawa, may maiaambag, may maitutulong, o may
maibabahaging solusyon patungkol sa mga suliraning hinaharap at
kahaharapin ng ating pamilya at pamayanan. Maging bukas lamang ang
ating puso at isipan sa kabutihan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto, kumpleto, at 4
akmang sagot.

BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4


kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2


sagot.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

8
VIII. Sanggunian
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 5 Self-learning
Module 11: Kayang-Kaya, Kung Sama-sama. Manila: Department of
Education Central Office, 2020.

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG


Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX. Susi sa Pagwawasto


Mga Gawain Pagsusulit

ang sagot. Tsek ang rubrik. 5. W 5. pagtugon


5. TAMA
Maaaring magkaiba 4. W 4. kaalaman

B. 2 3. DW 3. kakayahan 4. TAMA

ang sagot. Tsek ang rubrik. 2. DW 2. solusyon 3. MALI

Maaaring magkaiba 1. W 1. suliranin 2. TAMA

B.1 A. 2 A.1 1. TAMA

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M. Santos


Patnugot: Jessa G. Porlucas
Tagaguhit: Eric R. Tangonan
Tagapagsuri ng Nilalaman: Evelyn A. Ramos
Jaymie Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang: Nancy P. Yadao, PhD

You might also like