Anica

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anica : Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat, lalong lalo na po sa mga bida sa araw na

ito, ang ating guro sa Meysulao Elementary School. Sa umaga pong ito tayong lahat ay narito
upang ipagdiwang at bigyang karangalan ang ating mga dakilang guro.
Raffa: Ang mga guro ang isa sa itinuturing na mga maka-bagong bayani ng ating sambayanan.
Nagsisilbi sila bilang pangalawang magulang na humuhubog sa kaisipan ngmga kabataan upang
sila ay magkaroon ng isang maliwanag at mas mahusay nahinaharap at ng dahil sa mga bayaning
guro ang lipunan ay di nagiging mangmang.
Anica: Ang pagiging guro ay hindi madali. Ito ay isang nakakapagod na propesyon
atnangangailangan ng mahabang pasensya at pagmamahal sa kanilang bokasyon na
napili.Ibinubuhos nila ang kanilang pisikal na lakas, kaalaman, at kung minsan maging
angkanilang sariling salapi, at nagtitiis para tayo ay maturuan at matuto.
Raffa: Tayong lahat po ay magsitayo upang humingi ng patnubay at magpasalamat sa Ating
Diyos para sa araw na ito, pangungunahan po ni Janine Masangcay, mag-aaral mula sa Baitang
5.
*prayer*
Anica: Aming mga guro ay sadyang masipag,Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,Sa
mga estudyanteng kanilang tagapakinig;Silang mga guro’y sadyang nakakabilib
Raffa: Atin na po ngayong tawagin ang Ama ng Paaralan, upang magbigay ng mensahe para sa
ating lahat, SIR ROBERT LOVENDINO.
Raffa: Salamat po Sir.
Anica: Ngayon naman po para magbigay ng kanilang mensahe at pagbati, tawagin po natin ang
kinatawan naming mga mag-aaral, CHARLES DARREN NABONG, president ng SELG.
*Charles salita*
Raffa: Salamat Charles, ngayon naman po ang kinatawan ng mga magulang, ang masipag nating
GPTA President, Gng. Daisy Dondoy.
*salita*
Annica: Salamat po. Ngayon naman po sa ngalan ng barangay, atin pong tawagin si
_______________________________________________.
*salita*
Anica: Maraming Salamat po. At sa oras na ito, akin pong tinatawagan ang aking mga kasama sa
SELG upang ipakita ang munting bilang na aming inihanda para sa mga minamahal nating guro.
*dance and sing*
Raffa: Para po sa pagbibigay karangalan sa ating mga guro, tinatawagn ko pong muli ang
pangulo ng GPTA para ibigay ang Certificate of Appreciation sa ating mga dakilang guro.
*giving certificate at sayaw*
Anica: Mahal nila tayo, dapat mahal din natin sila….Magandang kinabukasan kasi ay dulot
nila….Dahil halos lahat ng oras nila ay kanilang ginugugol sa pagtuturo,Kahapon, ngayon at
bukas sila ang ating mga guro …Sapagkat lumisan man sila sa paaralang pinaglingkuran…
Mananatiling buhay ang kabutihang inyong nagawa sa pinagsilbihang paaralan.
Raffa: Ngayn naman po, narito na tayo sa oras na ating bibigyang pagpapahalaga ang ating mga
guro sa pamamagitan po ng mga munting regalo na ating inihanda para sa kanila.
Kinder: Maam Vanessa
Grade 1 – Maam Wendy at Maam Shiella
Grade 2 – Maam Reneth at Maam Ann
Grade 3 – Maam Winnie at Maam Cecil
Grade 4 – Maam Tina at Maam Lady
Grade 5 – Maam Olive at Maam Lalaine
Grade 6 – Maam Grace, Maam Crenz at Maam Rowena
SIR ROB
Raffa: Maraming Salamat po sa lahat.
Anica: Muli, HAPPY TEACHERS’ DAY MGA MAHAL NAMING GURO. Atin po ngayong
tawagin ang pangulo ng mga guro, MAAM SHIELLA SIGA para magbigay ng pasasalamat at
mensahe.
Raffa: Salamat po Maam Shiella.
Mga Huwarang guro. Di Nagsasawang magturo. Puyat at pagod kanilang puhunan. Upang kami
ay turuan upang kami ay may matutunan. Kaya marapat na sila Ay ating pasalamatan ng walang
hanggan.
Anica: Masaya…Karamay…Sandigan…Gurong Maasahan MARAMING SALAMAT PO.
Muli, ako po si ANICA BRIANNA CARPIO
Raffa: Ako naman po si RAFFA JIMUEL SZE, MARAMING SALAMAT PO.

You might also like