Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

YUNIT VI

BATAYANG KAALAMAN
SA METODOLOHIYA SA
PANANALIKSIK
PANLIPUNAN
LAYUNIN:
1.Malikhain at mapanuring mailalapat sa pananaliksik
ang piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at
dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa;
2. Makagawa ng malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto; at
3. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong
panlipunan.
PANIMULA:
Napakahalaga ng pagkakaroon ng angkop na
metodolohiya sa anumang pananaliksik. Sa layuning higit
pang mapataas ang kalidad ng pananaliksik, mas
makabubuting gumamit ng kombinasyon ng mga
pamamaraan.
Isa pa sa makapagpapataas sa antas ng kalidad ng
pananaliksik ang kolaborasyon at pakikipagtulungan o
kooperasyon sa pananaliksik.
Metodolohiya
Isang sistema ng mga paraan, tuntunin, at
simulain sa pagsasaayos ng isang larang, gaya sa
agham o sining.
Tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga
suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga
paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri
ng datos/impormasyon.
Metodolohiya
Ang mga metodo sa pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyak na
teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng
mga konklusyong mapaninindigan (reliable).
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na kailangang
itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.
Inilalarawan ng metodong pag-aaral ang akto ng mananaliksik sa
pagsusuri ng mga suliranin ng pag-aaral at ang mga dahilan sa
paggamit ng tiyak na pamamaraan upang matukoy,
piliin,iproseso, at analisahin ang impormasyon para sa pag-
unawa sa suliranin.
Metodolohiya
(2011, sa San Juan et al., 2019)
Tumutugon sa dalawang pangunahing
katanungan ang metodong ito ng pag-aaral
katulad ng paraan ng pagkolekta ng datos at
paraan ng pag-analisa.
Kailangang laging direkta, tiyak, at ginagamitan
ng pandiwa na nasa pangnagdaang
kapanahunan ang pagsulat ng metodo.
8 Proseso na Maaaring Isagawa sa Pananaliksik
(na maaaring pagsama-samahin sa alinmang
pananaliksik batay sa suliranin/tanong/layunin ng
pananaliksik) ni Walliman (binaggit
nina San Juan):
Pagkakategorya o Kategorisasyon - Tumutukoy ito sa
pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o
pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari,
konsepto, at iba pa.
Paglalarawan o Deskripsyon - Tumutukoy ito sa
pagtitipon ng mga datos na nakabatay sa mga
obserbasyon.
Pagpapaliwanag - Tumutukoy sa prosesong higit pa sa
simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang
bigyang-linaw ang kabuluhan nito sa konteksto ng iba’t ibang
aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa.
Pagtataya o Ebalwasyon ng pangyayari, at iba pa -
tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari
at bp.
Paghahambing o Pagkukumpara - Tumutukoy ito sa
pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o
higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pag-
unawa sa isang penomenon.
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon -
Tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita kung nakaiimpluwensya
ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung nakaiimpluwensya nga
ay sa anong araan o paano?
Paglalahad/Pagbibigay ng Prediksyon - Tumutukoy sa paglalarawan
sa posibleng mangyari sa isang bagay, penomenon at iba pa batay
sa matibay na korelasyon ng mga penomenong
sinuri/pinaghambing.
Pagtatakda ng kontrol - Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan
upang ang isa o higit pang bagay (gaya ng teknolohiya) ay
maisailalim sa kontrol ng mga tao/mananaliksik tungo sa mas
epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
10 Disenyo ng Pananaliksik (Walliman 2011)
Dalawang Pangkat ng Metodo ng
Pananaliksik (Maranan, 2018)
1.) Ang pangkat ng empirical-analytical na
nag-aaral sa agham panlipunan na katulad ng
pag-aaral sa mga agham na likas.
2.) Ang interpretatibong pangkat ng metodo
ay nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit
ang komprehensibo at holistikong
pamamaraan.
Ang ilan pang karagdagang paliwanag tungkol sa mga bahagi ng
metodo ay ang mga sumusunod:
1) mga salik sa pagkuha ng mga datos na sinuri para sa kwantitatibo
at mga paksa atlokasyon ng paksa, kung kwalitatibo;
2)mga kagamitan at metodo na ginamit sa pagtukoy at
pangungulekta ng impormasyon, at mga pamamaraan kung paano
tinukoy ang mahahalagang baryabol;
3) mga pamamaraan kung paano ginamit ang datos at paano ito
inanalisa; at
4) tiyak nakasangkapan o estratehiya ng pananaliksik na iyong
ginamit sa pagsagot sa mga hinuha o palagay at mga inilahad na
katanungan kaugnay ng mga suliranin ng pag-aaral.
5) magpaliwanag sa pangkalahatang metodo sa pagsukat sa mga
suliranin ng pananaliksik.;
6) magpaliwanag kungpaano ang dulog ay umangkop sa pangkalahatang
disenyo ng pag-aaral.;
7) magpaliwanag sa tiyak na metodo sa pangangalap ng datos.
Mahalaga rin na ipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng datos upang
bigyan ng solusyon ang kasalukuyang suliranin;
8) magpaliwanag sa paraang nais gamitin upang suriin ang kalalabasan
ng pag-aaral. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng alinman sa mga
sumusunod: estadistikang pagpapahalaga, teoretikal na perspektiba, at
iba pa;
9)magpaliwanag sa sanligan ng metodo na hindi maliwanag sa mga
magbabasa;
10) isaalang-alang ang proseso sa pagpili ng sampol;
11) matapat na mailahad ang potensyal na limitasyon ng
pag-aaral na maaaring makaapekto sa mga datos na makakalap;
12) kailangang magsagawa ng serye ng rebisyon upang
umangkop ang papel sa aktwal na ginamit na metodo sa pag-
aaral;
13)detalyadong mailahad ang deskripsyon ng metodo kung
kwalitatibo ang pag-aaral sapagkat angmananaliksik ang
pangunahing pinagkukunan ng datos. Ang proseso ng
pangangalap ng datos ay may malaking epekto sa maaaring
kalabasan ng pag-aaral;
14) magbigay ng kumpletong detalye subalit may pagsasaalang-
alang sa pagiging direkta nito.
15) ipagpalagay na ang magbabasa ng pananaliksik ay may
kaalaman sa pangunahing metodo ng pag-aaral kung kaya hindi
namankailangan na isulat ang buong detalye ng espisipikong
metodo ng pag-aaral;
16) maging tapat sa paglalahad ng mga usaping kinaharap sa
pangangalap ng datos upang maipakita sa mga
magbabasa ang katatagan ng metodo na pinili sa pag-aaral; at
17) maipakita sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura at
pag-aaral na sumusuporta sa metodong ginamit.
Etnograpiya
Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang Griyegong ethnos na
nangangahulugang “mga tao"at grapiya na nangangahulugang
“pagsusulat.” Isa itong uri ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa
larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang
sangay ng pag-aaral sa sosyolohiya, at nakatuon sa isang malalimang
pag-aaral sa isang kultura.
Ang etnograpiya ay pinakakaraniwang ginagamit ng mga sosyolohista
na tumutukoy sa lipunan pati na rin ang iminungkahing pananaliksik
para sa mga pag-aaral na kinasasangkutan ng paglahok ng kalahok. Sa
loob ng lipunan maaari itong magamit para sa mga samahan,
pamayanan, kulto, atbp.
Ang etnograpiya ay tinukoy bilang isang maliwanag na
account ng buhay panlipunan at kultura sa isang partikular
na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadong
obserbasyon ng kung ano ang tunay na ginagawa ng mga tao
sa setting ng lipunan.
Ang etnograpiya ay maaaring inilarawan bilang pareho, mga
pamamaraan ng pananaliksik sa husay at dami na ginagamit
ng mga sosyolohista kapag nag-aaral ng mga tiyak na grupo,
komunidad o institusyon na natagpuan na isang bahagi ng
isang mas malaking kumplikadong lipunan.
Sa aklat ni Maranan (2018), nabanggit ang ilang
pamamaraan sa pagsasagawa ng etnograpiyang pag-aaral.
1. Pagsama-samahin ang simbolikong kahulugan na nakalap
buhat sa pakikipag-ugnayan sa tao sa lipunan;
2. Magsagawa ng pagsusuri sa mga datos na may iisang
pananaw at pagsumikapan ding mapanatili ang pagkakaiba
ng katotohanan o realidad sa siyentipikong pananaw;
3. Hanapin ang ugnayan ng simbolo at kanilang kahulugan
sa isinagawang pakikisalamuha sa mga tao sa lipunan o
komunidad;
4. Magsagawa ng pagtatala sa lahat ng
obserbasyon partikular sa pag-uugali ng mga
tao;
5. Pagtuunan ng pansin ang prosesong
ginamit sa pangangalap ng datos, mga
kalakasan at kahinaan;
6. Ang bawat gawain ay nararapat na maging
uri ng simbolikong pakikisalamuha.
Pag-oobseba, Pakikipamuhay, Participant Observation o
Nakikiugaling Pagmamasid
Pag-oobserba - ang pagmamasid ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa
mga pinapaksa ng pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng
kaniyang buhay o trabaho.
Pakikipamuhay - isinasagawa nang mas matagalkumpara sa
pagoobserba, ang mananaliksik ay aktwal na “nakikiranas” sa
pangaraw- araw na buhay ng mga taong kaniyangpinapaksa. Sa
pamamagitan nito higit na makikita atmararamdaman ng
mananaliksik ang sitwasyon ng kaniyang paksa.
Participant observation – ay isang uri ng etnograpiya na
karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng
mananaliksik na makapasok at maging tanggapsa isang
komunidadupang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-
unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad.
Nakikiugaling pagmamasid – ay isang bersyon ng participant
observation. Mahalaga sa nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap
sa pag- uugali at paraan ng pamumuhay ng
pinagaaralangkomunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip
na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.
Klasipikasyon ng Pag-oobserba:
1. Naturalistikong obserbasyon. Kung nais malaman ng
mananaliksik kung paanong kumikilos angpaksa(subject) ng
kaniyang pag-aaral sa isang sitwasyon, nararapat lamang
na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon,
na kilala sa tawag na naturalistikong obserbasyon
(Zechmeister, Shaughnessy, at Zechmeister, 2009).
2.Obserbasyon na may interbensyon. Ang karamihan sa
mga
pananaliksik sa sikolohiya ay kinasasangkutan ng
obserbsyon na may kasamang interbensyon.
3.Obserbasyon na pagkukunwari. Sa ganitong uri ng
obserbasyon, ang indibidwal na paksa ng pag-aaral
ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng
pag-aaral.
4.Obserbasyon na may halong pagkukunwari. Sa
ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang
paksa(subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay
inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang
datos ng pag-aaral.
Participant Observation
Ang participant observation naman ay isang uri ng
etnograpiya na karaniwang ginagamit sa larangan
ng antropolohiya at sosyolohiya. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng pakikisikhay o pagsisikap ng
mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa
isang komunidad upang makapagtamasa ng mas
komprehensibong pagunawa sa lipunan/paraan ng
pamumuhay ng nasabing komunidad.
University of California,Davis (c. 2003)
ang participant observation ay isinasagawa
sa pamamagitan ng partisipasyon ng
mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad
na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang
mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng
tagamasid o observer, kundi isang aktibong
kalahok o participant.
Kwentong-Buhay (life story)
- ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o
bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat
ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang
binibigyang-diin sa kuwentongbuhay ang
pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang
kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang
kaniyang pang-araw-araw na buhay na
makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.
Pag-interbyu, Focus Group Discussion, at
Pagtatanong-tanong
Ang panayam o interbyu ay isang pormal na
pagpupulong kung saan ang isa o higit pang mga tao ay
nagtanong, kumonsulta, o suriin ang ibang tao; isang
pagpupulong o pag-uusap kung saan nagtatanong ang
isang manunulat o reporter ng mga katanungan ng isa o
higit pang mga tao kung kanino hahanapin ang materyal
para sa isang kwentong pahayagan, broadcast sa
telebisyon, atbp; ito rin ang ulat ng nasabing pag-uusap o
pagpupulong.
Pag-iinterbyu (San Juan et al. 2019)
– ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong
paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito.
Ito ay maaaring structured o non-structured.
Structured – kung ibinigay na kaagad ang mga
tanong bago pa ang interview at halos walang
follow-up na tanong sa mismong interview.
Non-structured – kung higit na impormal at
karaniwang maraming follow-up na tanong.
Hubog ng pagtatanong (Inquiry Form). Ang form
na ito ay tumutukoy sa planado at nakasulat na
katanungan para sa isang tiyak na paksa, na may
espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais
kapanayamin. Maaari itong ipadala sa e-mail at
maaari din namang ipamahagi nang personal sa
paksa (subject katanungan upang makuha ang
inaasahang tugon sa mga kakapanayamin
(Maranan, 2018). ) ng pag-aaral.
Focus Group Discussion ay isang metodo sa
pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay
bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan
ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-
aaralan sa market research at political analysis sa
pamamagitan ng ginabayan at bukas na talakayan.
Inaasahan sa ganitong metodo na ang mananaliksik ay
makapangangalap ng sapat na impormasyon sa
partikular na pangkat na ang tugon ay siya ring
inaasahan sa higit na malaking pangkat.
May iba’t ibang anyo ng focus group discussion :
(1) two-way focus group. Nahahati sa dalawa o higit pang pangkat
ang ganitong pamamaraan ng focus group kung saan ang isang
pangkat ay kailangang magsagawa ng obserbasyon o pagmamasid
sa talakayan at kongklusyon ng ibang pangkat at vice versa;
(2) dual moderator focus goup. Ito ay kinasasangkutan ng
dalawang tagapamagitan o moderator na kung saan ang tungkulin
ng isa ay siguraduhin na anglahat ng paksa ay makakasama sa
pagtalakay;
(3) dueling moderator focus group (fencing-modeartor ) . Sa
ganitong uri ng pagtalakay, dalawang tagapamagitan ang maingat
na mangunguna sa pagtalakay sa dalawang panig sa usapin ng
pagtalakay;
(4) respondent moderator focus group. Sa
ganitong uri ng pagtalakay, ang isa sa mga
respondente ng pag-aaral ang siyang itatalaga
upang mangasiwa sa daloy ng talakayan; at
(5) mini focus groups. Ang pangkat o grupo sa
ganitong uri ng pagtalakay ay binubuo ng anim
hanggang limang kasapi sa halip na anim
hanggang labindalawang kasapi.
Video Documentation ang dokumentasyon sa
pamamagitan ng video ay isinasagawa sa
pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang
video recorder. Karaniwang ginagamit ito sa
pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan. Maaari itong lapatan ng
pagsasalaysay o narration at ng musika.
Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong
dokumentaryo o dokyu.
White Paper o Panukala ay tumutukoy sa isang saliksik o
ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyalng
gobyerno, think tank (policyinstitute), akademikong
departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang
impormasyon at/o mga panukalakaugnay ng isang
napapanahong isyu na nakakaapekto sa maraming
mamamayan o sa isang partikular na komunidad. (TRAIN
Law) .Layunin ng isang white paper na maitaguyod ang
isang tiyak na produkto, serbisyo, teknolohiya o
pamamaraan, at maimpluwensyahan ang kasalukuyang at
mga desisyon ng mga mamimili.
Deskriptibong Pananaliksik
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang
paglalahad ng mga katangian ng isang tao,
grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa
na sinusuri/pinag-aaralan (San Juan, et al.,
2019). Kongkreto at abstrakt o ang deskripsyon
sa pamamagitan ng pagtugon sa mgakatanungan
kung sino, ano, kailan, saan, at paano.
Komparatibong Pananaliksik
Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang
paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay,
penomenon, at iba pa, ang komparatibong pananaliksik
ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto,
kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas itong
gamitin sa mga cross-national na pag-aaral
upangmailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa
pagitan ng mga lipunan, kultura, at institusyon.
Case Study o Pag-aaral ng Kaso
Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa
sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari,
penomenon, at iba pa bilang potensyal na lunsaran
ng mga susunod pang pag-aaral sa mga kahawig na
kaso (San Juan, et al., 2019).
Gamit ang pamamaraang ito, ang isang
mananaliksik ay nagkakaroon ng higit na malalim na
pag-aaral sa isang penomena na sakop ng kaniyang
imbestigasyon (Maranan,2018).
Pagsusuring Tematiko at Pagsusuri ng Nilalaman
Ang pagsusuring tematiko (San Juan, et al., 2019) ay pamamaraan
ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng
naratibo sa loob ng isang teksto.
Pagsusuri ng Nilalaman o Content Analysis - tumutukoy naman sa
paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto at
maaaring gamitin sa pag-alam ng dalas ng paggamit (frequency) ng
isang partikular na salita, parirala, konsepto,o ideya sa isang teksto
na paksa ng pag-aaral gayudin sa pag-alam ng pagpupuwesto ng
elemento ng komunikasyon sa isang partikular na teksto.
Secondary Data Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga
umiiral na datos at estadistika tungo sa layuning sagutin ang
mga panibagong tanong at/o makabuo ng mga bagong
kongklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon (San Juan,
et al., 2019).
Ang pangalawang pagsusuri ay nagbibigay sa mga
mananaliksik ng pagkakataon na mag-imbestiga sa mga
katanungan sa pananaliksik gamit ang mga malakihang hanay
ng datos na madalas na kabilang sa mga pangkat na walang
kumakatawan, habang nagtitipid ng oras at mapagkukunan.
Pagbuo ng Glosaryo o Pananaliksik na
Leksikograpiya
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa
proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga
termino alinsunod sa kontemporaryong
gamit ng mga salita sa isang partikular na
larangan (San Juan, et al., 2019).
Pagbuo ng Glosaryo o Pananaliksik na
Leksikograpiya
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso
ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino
alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga
salita sa isang partikular na larangan (San Juan,
et al., 2019).
Pagbuo at Balidasyon ng Materyales
na Panturo
Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso
ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at
ibapangmateryales na panturo na kaiba sa
karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla sa
panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo
(San Juan, et al., 2019).
Pagsusuri sa Diskurso
ay isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa
pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa
mundo.Tumutukoy ito sa pagsusuri sa paraan ng
pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto,
awit, video, pelikula, at iba pang materyales (San Juan, et
al., 2019).
Pinaniniwalaan ni Foucult (1970, 1972, sa Maranan,
2018)) na ang diskursong pampubliko o panlipunan ay
maaaring hinulma ng makapangyarihang indibidwal o
pangkat.
SWOT Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kalakasan (strengths) at
kahinaan (weakness) ng isang programa/plano, at mga
oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa
implementasyon at mga banta(threat) o bagay na maaaring
makahadlang sa implementasyon ng programa/plano (San
Juan, et al., 2019). unang ginamit ni Albert Humphrey noong
1960s at sa ngayon ay itinuturing na isa sa
pinakamakapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa
isang matatag na kalakalan (business).
Kritikal na Pagsusuring
Pangkurikulum/Pamprograma
Tumutukoy sa pagsusuri sa mga negationg
aspekto ng isang kurilulum/programa tungo
sa layuning baguhin/linangin pa ito (San Juan, et
al., 2019).
Pagsusuring Etimolohikal
Ang pagsusuring etimolohikal (San Juan, et al.,
2019) ay pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng
kahuluganng mga salita, orihinal na konteksto
at iba pang kaugnay na detalye na mahalaga sa
pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto
nito. Isang partikular na halimbawa nito ang
pananaliksik na toponimiko/ toponomiya.
Action Research
Pananaliksik ito na nakatuon sa paglutas ng
ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya’y
kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular
na sitwasyon (San Juan, et al., 2019).
Ginagamitangganitong uri ng pananaliksik upang
sikapin na mapaunlad ang kalidad ng isang
organisasyon o samahan. Kinasasangkutan ito ng
isang siklo o isang paikot na proseso ng pagpaplano,
aksyon, kritikal na repleksyon, at ebalwasyon.
Proseso sa Pagbuo ng Aksyon na Pananaliksik (Action Research)
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na dapat isagawa upang makabuo
ng isang mahusay o higit na kapaki-pakinabang na aksyon na pananaliksik
(action research):

1.Pagtukoy sa mga suliranin - ang unang hakbang na dapat gawin sa pagbuo


ng ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagtukoy sa mga suliraning nakapaloob
sa organisasyong kinabibilangan katulad ng subalit hindi limitado sa mga
sumusunod: pamamalakad o sistema, ugnayan ng tao, polisiya. Hindi
kailangan na tumingin sa malayo o hanapin ang suliranin ng iba sapagkat
pinaniniwalaan ng ganitong uri ng pananaliksik na higit na makatutulong ang
isang pag-aaral kung kaya nitong mapaunlad ang mga tao sa loob ng isang
institusyon o organisasyon na kung saan ang mananaliksik ay may kontrol.
2.Pagbuo ng plano - ang hakbang na ito ay tumutukoy
kung paano matutugunan ang pangangailangan ng
usapin ay maaaring gamitin ang sumunod na hakbang
ng pananaliksik. Dapat na maging tiyak o kongkreto ang
plano na kayang mabigyan ng implementasyon sa loob
ng maikling panahon.
3.Pangangalap ng datos - ang mananaliksik ay
kailangang magsagawa ng pangangalap ng datos hinggil
sa paksa ng kaniyang pag-aaral na kung saan ay may
ganap na kontrol.
4.Pagsusuri ng datos - ang mga datos na makakalap ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsusuri gamit ang estadistika, literatura, at
mga obserbasyon. Mahalaga ang bahaging ito ng pag-aaral sapagkat isa
ito sa mga pamantayan upang maipakita ang kredibilidad ng
isinagawang pag-aaral.
5.Pagbuo ng plano upang maging batayan ng aksyon o pagkilos sa
hinaharap -Matapos ang pagtuklas, mahalaga na ang mananaliksik ay
makabuo ng plano kung paano niya mapauunlad ang kaniyang mga
naunang plano. Ang ibig kongkretong sabihin nito, nararapat na makita
ng mananaliksik kung ano ang kaniyang mga natutunan buhat sa
kaniyang mga naunang pagkakamali at kung paano niya higit pang
mapauunlad ang naging kalakasan ng kaniyang mga naunang plano.
Pagsasagawa ng Sarbey
isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot
ng talatanungan o questionnaire sa mga taong
makapagbibigay ng saloobin, opinyon o
impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik.
Epektibo ito sa isang malaking pangkat na hindi
magagawang kapanayamin sa pamamagitan ng
FGD.
Pagsasagawa ng Sarbey
Bilang paglilinaw, ang mananaliksik ay maaaring gumamit ng
sumusunod na mga uri ng talatanungan:

Istandardisado (standardized questionnaire): Ito ang


talatanungan na ginamit na sa mahahalagang pag-aaral na
maaaring gamitin sa
kasalukuyang pag-aaral dahil na rin sa kanilang pagkakatulad sa
maraming bagay.
Sariling likha (self made questionnaire): Dahil sa pagiging
sensitibo ng maaaring maging epektong pag-aaral sa mga
mambabasa o sasangguni dito, mahalaga na dumaan sa
balidasyon ang sariling likhang talatanungan
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Tumutukoy ito sa pagkalap ng at pagsusuri
sa impormasyon hinggil sa paksa ng
pananaliksik, mula sa mga umiiral na
sanggunian at pananaliksik (San Juan, et al.,
2019).
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
layunin ng rebyu;
pahapyaw na pagtasa sa paksa ng pag-aaral;
maliwanag na kategorisasyon ng mga sanggunian na
kasama sa pag-aaral;
tiyak na posisyon, mga oposisyon, at ibang
literatura na nagbibigay ng taliwas na mga
argumento; at
pagtalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
literatura sa iba pang mga literatura.
Mga Hakbang sa Rebyu ng Literatura
Nahahati sa mga sumusunod na hakbang ang rebyu ng
literatura:
1. Pagbibigay ng kahulugan sa paksa at sakop ng rebyu;
2. Tingnan ang katalogo sa silid-aklatan, tiyak na mga database
at kagamitan upang matukoy ang mga sanggunian na may
kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral;
3. Basahin at bigyan ng ebalwasyon ang mga sanggunian upang
matukoy ang kanilang kakayahan na tumugon sa
pangangailangan na maunawaan ang paksa;
4. Analisahin, bigyan ng interpretasyon, at talakayin ang mga
natuklasan at kongklusyon ang mga sanggunian na iyong pinili.
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Pagbubuod - ito ay ang paglalahad ng mga pangunahing
ideya sa mga binasang literatura gamit ang sariling salita.
Ito ang pinaiksing bersyon ng orihinal na teksto.
Pagpaparirala ng orihinal na teksto (paraphrasing) - Ito ay
mabisang metodo upang maiwasan ang pangongopya o
pagyarismo habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-
aaral. Ang sariling salita o lenggwaheng nagsasagawa ng
pag-aaral ay iniuugnay o inilalagay sa orihinal na bersyon.
Direktang sipi - Ito ang pinakamadaling kumbensyon sa pagsulat
ng rebyu sapagkat eksaktong kinokopya ng nagsasagawa ng
rebyu ang mahahalagang detalye na nasa orihinal na teksto.
Personal na komento - Ito ay mahalaga ring kumbensyon sa
pagsulat ng rebyu sapagkat dito nabibigyan ng pagkakataon ang
nagsasagawa ng rebyu na pagtatahiin ang kaugnayan ng bawat
literatura na kasamasapag-aaral.
Kombinasyon ng dalawa o higit pa sa apat na binanggit - ang
pinakamagandang kumbensyon sa pagsulat ng rebyu ay ang
kakayahan ng nagsasagawa ng rebyu na gamitin ang
kombinasyon ng alinmang sa mga naunang kumbensyon na
tinalakay.
Documentary o Text Analysis
Tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa nilalaman,
konteksto, at kabuluhan ng tekstong sinusuri.
Halimbawa, maaaring lapatan ng textual analysis
ang mga tulang naisulat noong panahon ng Batas
Militar sa Pilipinas, o kaya ang mga awiting
pampag-ibig na namamayagpag noong dekada 90
hanggang sa kasalukuyan(San Juan, et al., 2019).
Eksperimental
- pananaliksik na nakatuon sa pageeksperimento
o proseso ng paghahambing sa resulta ng
pagmanipula sa isang variable na kasangkot ang
dalawang grupo o mga subjectng pananaliksik.
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
- ito ay pananaliksik na nakatuon sa mga sanhi at
bunga ng isang pangyayari, penomenon,
programa/proyekto, patakaran, at iba pa (San Juan,
et al., 2019).
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
- ito ay pananaliksik na nakatuon sa mga sanhi at
bunga ng isang pangyayari, penomenon,
programa/proyekto, patakaran, at iba pa (San Juan,
et al., 2019).
Translation Process Study
Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa
mga obserbasyon, natutuhan, praktikal na aral, at iba
pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang
nagsasalin ng isang akda (San Juan, et al., 2019).
Historikal na Pananaliksik
Ayon kina San Juan (2019), nakatuon ang ganitong pag-aaral
sa pagtukoy sa pinagmulan/kasaysayan/mga makabuluhang
pangyayari kaugnay ng isang penomenon,
programa/proyekto,patakaran, at iba pa. Isang uri din nito ang
kasaysayang pasalita o oral history na nakapokus naman sa
makasaysayang pangyayari at iba pa.Kinasasangkutan ito ng
pakikipagsapalaran at pagsusuri ng kasaysayan ng ilang mga
penomena. Madalas na ginagamit sa ganitong uri ng pag-aaral
ang mga pangunahing datos bagama’t tinatanggap din sa ilang
pagkakataon ang sekondaryang datos.
Cultural Mapping
Ayon sa mga mananaliksik sa araling pangkultura na sina
Moore at Borrup (2008), ang cultural mapping ay “proseso
ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang
pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong
heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo.”
Sa konteksto ng mga pananaliksik sa Pilipinas, ang
pagmamapa ay sumasaklaw na rin sa pagtalakay sa
koneksyon ng aspektong kultural, politikal,historikal, at
ekonomiko sa isang partikular na espasyo, lugar o rehiyon
(San Juan, et al.,2019).
Trend Studies o Imbertaryo ng mga Pananaliksik
Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o
nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik sa isang larangan,
bilang gabay sa mga susunod pang mananaliksik (San
Juan, et al., 2019). Ang pokus ng trend studies ay
maunawaan ang mga trend sa pamamagitan ng kahulugan
ng synchronicat diachronic na kontekstong sosyolohikal.
Itinataguyod nito ang pagbuo ng isang makasaysayang
kontekstwalisasyon ng realidad, tulad ng paghahayag nito
ng mga potensyal na landas at mga kaganapan sa
hinaharap.
Pananaliksik na Arkibo/Archival Research
Ayon kina San Juan (2019), isa itong porma ng
pananaliksik na historikal na nakatuon sa pagsusuri ng
mga dokumento sa arkibo (archives) gaya ng mga
lumang manuskrito, dyaryo, at iba pa. isa rin itong uri
ngpananaliksik na kung saan ang mga nasaliksik ay
itinatago at maaring gamitin pa ng mga susunod na
mananaliksik. Ang pananaliksik arkibo ay isang
pagsisiyasat ng hard data mula sa mga file na mayroon
ang mga organisasyon o kumpanya.
IBA PANG METODO NG PANANALIKSIK
Pananaliksik na Penomenolohiya
Isa ay isang pag-aaral na karaniwang ginagamit sa agham
panlipunan at naglalayong suriin ang buhay na mga
karanasan (Maranan, 2018). Sinabi ni Waters (2017) na ang
pangunahing layunin ng pag-aaral naito ay ilarawan ang
buhay na karanasan ng isang penomena. Sapagkat ito ay
kwalitatibong pagsusuri ng naratibong datos, ang metodo
sa pag-aanalisa ng datos nito ay kailangang maging kakaiba
sa tradisyonal na metodo o kwantitatibong pag-aaral.
Naratibong Pagsusuri
Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri
sa mga datos na hinalawsa kuwento ng mga personal
na karanasan (Maranan, 2018). Karaniwan itong
ginagamit sa marketing. Ang paksa oobject ng pag-
aaral ay tatanungin ng mga personal na karanasan
hinggil sa paggamit ng isang produkto. Isinasagawa
ang pag-aaral na ito upang higit na maunawaan o
makilala ang gawi o behavior ng market o mga taong
potensyal na tumangkilik sa isang produkto.
Instrumentasyon
Matapos malaman kung sino-sino ang dapat
maging respondente ng pag-aaral, dapat ding
matutunan ng mga magaaral kung ano ang
instrumento na gagamitin upang makapangalap ng
datos. Tinalakay na rin ito sa mga naunang bahagi
ng aklat na ito subalit mas minabuti ng may-akda
na muli itong balikan dahil sa kahalagahan na
matutunan ito ng mga magaaral (Maranan, 2018).
Grounded Theory
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbuo ng teorya
batay sa mga makakalap na datos (Maranan,2018).
Makatutulong ang pananaliksik na ito sa pagtuklas ng isang
penomena na kakaunti pa lamang ang nakaaalam. Kadalasang
limitado ang mga literature at pag-aaral na maaaring
gamiting lunsaran ng pag-aaral para dito. Ang mananaliksik
sa pag-aaral na ito ay nangangalap lamang ng datos upang
patunayan ang isang teorya samantalang sa ibang pagaaral,
ang mananaliksik ay nagsasagawa ng pag-aaral batay sa
umiiral na teorya o mga pag-aaral.

You might also like