Position Paper

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Zian BJ T.

Baid

Usapin:
Dapat bang ibalik sa dati ang pagsisimula ng klase – mula Agosto patungong Hunyo?
Mga Katwiran sa Panig 1: Mga Katwiran sa Panig 2:
Dapat ibalik sa dati ang pagsisimula ng Dapat hindi ibalik sa dati ang pagsisimula
klase. ng klase.
Posisyon Mo sa Usapin:
Hindi natin inaasahan na dumating ang dagok ng sanlibutan at yon ay ang panahon ng
pandemya, dahil dito ang pasukan ay nalipat na sa buwan ng Agosto. Ang posisyon ko dito ay
panatilihing sa Agosto ang magiging pasukan ng klase dahil nasanay na tayo sa ganitong sistema
at kung maibalik man sa buwan ng Hunyo ay marami na namang mga dapat isa alang alang kaya
dapat panatilihin na lang sa buwan ng Agosto
Batayan ng Iyong Posistion:
Nilagdaan ni Pangulong Rodrido Roa Duterte nong July 17, 2020 ang Republic Act No. 11480
na nag amenda sa Republic Act 7797 na naglalayon na ang pasukan ay magsisimula sa unang
Lunes ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto sa kondisyong mayrong nagaganap na
deklarasyon ng State of Calamity ang pangulo ng bansa ay maaaring magtakda ng petsa sa
pagbukas ng klase sa rekomendasyon ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kaya inanunsyo ng DepEd ang oagsisimula ng klase sa pampublikong paaralan sa Agosto
bunsod sa patuloy na krisis sa COVID-19.

Official Gazette of the Republic of the Philippines


https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/

Usapin:
Dapat ba na ipagbawal ang paggamit ng plastic sa lahat ng tindahan sa buong bansa?
Mga Katwiran sa Panig 1: Mga Katwiran sa Panig 2:
Dapat ipagbawal ang paggamit ng plastic sa Hindi dapat ipagbawal ang paggamit ng plastic
lahat ng tindahan sa buong bansa. sa lahat ng tindahan sa buong bansa.
Posisyon Mo sa Usapin:
Malaking perwisyo na ang idinudulot ng mga itinapong plastic bag sa kalikasan. Ang mga
plastic bag ang numero unong nagpo-pollute at dahilan din ng pagbabaha. Dahil hindi
natutunaw ang plastic bags, inaanud-anod ang mga ito at bumabara sa mga daanan ng tubig.
Kapag itinapon ang plastic bags sa mga kanal at estero, kaya dapat pagbawalan ang paggamit ng
mga plastic ang mga tindahan.
Batayan ng Iyong Posistion:
Napapanahon ang panukalang tuluyang ipagbawal ang paggamit ng “single-use plastic”
containers. Ito ‘yung mga disposable plastic, kabilang ang cellophane products na ginagamit
bilang grocery bags, food packaging, water bottles, straws, stirrers, styros, cups, sachets, plastic
cutlery at marami pang iba.
Bukod sa nagdudulot ng polusyon, ito rin ang mga bumabara sa mga daluyan ng tubig
na ang resulta ay matinding pagbaha.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 40 o Single-Use Plastic Regulation and Management Act of
2019, ang mga food establishment, convenience store, supermarket at retailer ay obligadong
sumunod sa pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic.
Kaugnay nito, hindi pa man tuluyang nagiging batas, aprub sa atin ang mga kumpanyang
nagbabawas na ng plastic. At kung lahat ay makikiisa, masosolb din ang problema sa basura at
baha.

Bulgar Online
https://www.bulgaronline.com/post/2019/08/28/batas-sa-tuluyang-pagbawal-sa-paggamit-ng-
plastik-ipasa-na

Usapin:
Dapat bang ipagpatuloy ang night market sa Dumingag?
Mga Katwiran sa Panig 1: Mga Katwiran sa Panig 2:
Dapat ipagpatuloy ang night marker sa Hindi dapat ipagpatuloy ang night market sa
Dumingag. Dumingag.
Posisyon Mo sa Usapin:
Sang ayon ako na dapat ipagpatuloy ang night market sa Dumingag dahil ito ay nagging isa
sa mga atraksyon o naging isang local tourist destination na ito kung bakit ang mga taga ibayong
lungsod ay gusto pumunta sa Dumingag upang makita at matikman ang mga pagkaing tinda ng
mga nasa night market. Nagbibigay din ito ng binipisyo hindi lamang sa lungsod kundi pati na rin
sa mga tao sa lungsod dahil sa pamamagitan nito maaari silang magtinda at makapaghatid ng
kanilang serbisyo.
Patok din kasi ito hindi lamang sa mga kabataan kundi sa buong pamilya upang
magsamasama.
Batayan ng Iyong Posistion:
Ang pagpasok ng turismo ay isa sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang ating
ekonomiya. Kapag nangyari ito, maraming tao o ang nabibigyan ng trabaho at nagkakaroon ng
kultural na pakikihalubili sa mga dayuhan o mga karatig puok.
Bukod sa pagbibigay ng oportunidad sa mga dayuhan na makilala ng lubusan ang ating
bansa, ang mga lokal na residente ay nakikinabang din ng malaki. Ang mga bagong negosyante o
mga young entrepreneurs ay nagkakaroon ng oportunidad na maka gawa ng bagong produkto o
serbisyo.
Dahil rin sa paglaganap ng turismo at pag taas ng ekonomiya, nagkakaroon ng maraming
magandang pagbabago para sa ilang lugar sa bansa.

Philnews.ph
https://philnews.ph/2020/12/10/kahalagahan-ng-turismo-halimbawa-at-kahulugan/
Usapin:
Dapat ba na ibalik ang parusang kamatayan?
Mga Katwiran sa Panig 1: Mga Katwiran sa Panig 2:
Dapat na ibalik ang parusang kamatayan. Hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan.
Posisyon Mo sa Usapin:
Para sa akin, ang parusang kamatayan ay maganda lamang kung ang bansang
magpapatupad nito ay may pantay na hustisya, kung halimbawa man na maibalik ang parusang
kamatayan sa bansa natin na kurap, Kapag may pera ka mananalo ka sa kahit anong ikaso sayo,
Pero kung mahirap ka wala kang laban, Kapag mahirap wala ng kung ano-ano, dahil hindi nila
kayang depensahan ang sarili nila, Wala silang kakayahan na kumuha ng abogado, Kaya hindi
kaaya-aya ang parusang kamatayan dahil ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman, At isa
pang dahilan na hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan, dahil sa mga taong napag-
bibintangan sa kasong hindi naman nila ginawa at mapapatangan ng parusang kamatayan kung
sakaling maibalik ito
Hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas sapagkat ito ay isang malaking
banta sa kalayaang mabuhay lalo na ng mga mahihirap.

Batayan ng Iyong Posistion:


Sa sistema natin dito sa Pilipinas, kung walang pera ang isang tao, kahit sabihin mo pang
inosente siya, malabong maipanalo niya angisang kaso. Wala namang nakulong sa mga
nagnakaw ng milyon o bilyon sa bulsa ng pamayanan samantalang yung mga nanghahablot ng
bag sa mga mall at mga mandurukot ng cellphone ay nadun na sa kulungan. Ang parusang ito ay
masasabi ko na anti-poor sa kadahilanang kayang"kayang bilhin ang hustisya dito sa ating bansa.
At dahil mas mabigat ang parusa, ang mga may pera ay mas lalong maaakit bilhin ang hustisya
para makatakas sa kamatayan. Pwede rin itong magamit ng mga mayayamang may galit sa isang
taong ordinaryo o mahirap. Ipapalabas lang ng taong ito na ang may mabigat na kasalanang
ginawa ang kanyang kahidwaan, gagamit ng pera, at maparurusahan ang kanyang kaaway ng
kamatayan ng hindi nababahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Kung ang magkalaban sa
kaso ay mahirap at mayaman, walang duda na ang mapapatawan ng parusa ng kamatayan ay
ang mahirap. Sa mga pamumuno ng mga nakaraang pangulo na nagpatupad ng death penalty,
wala pang kahit isang sikat na personalidad ang napatawan ng parusang ito. Lahat ng nailagay
sa death row ay may iisang kalagayan sabuhay. Sadlak sila sa kahirapan, may gutom na mga
pamilyang umaasa sakanila, at hirap at pagod na sa buhay nilang hindi umuunlad.
“Death Penalty dapat di ipatupad”
Ang dapat gawin ng pamahalaan upang maiwasan ang krimmen sa bansa athindi mauwi
sa pagbabalik ng death penalty ay pairalin dapat ng mahigpit at pagtibayin ang batas.
Death penalty di solusyon sa kriminalidad.

Academia.edu
https://www.academia.edu/31536689/DEATH_PENALTY

You might also like