Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANGKATANG GAWAIN

Si Mang Ramon ay nag-alaga ng 100 broiler.


Sa kanyang pag-aalaga gumastos siya ng P
1,000.00 sa sisiw, P2,000.00 sa patuka,
P2,500.00 sa gamot at bitamina at P2,500.00 sa
paggawa ng kulungan. Ibinenta nya sa halagang
P150.00 ang isang manok.
Tanong:
1. Magkano ang Kabuoang pinagbentahan ni
Mang Ramon?
2. Magkano ang kanyang nagastos sa pag-
aalaga ng manok?
3. Magkano ang kanyang kita o tubo?
PANGKATANG GAWAIN

Ang mag-asawang sina Carmen at Manuel


ay nakatira malapit sa ilog kaya naisipan nilang
mag-alaga ng tilapia upang pagkakitaan. Dahil
sa kanilang kasipagan ay nakapag-ani sila ng 6
banyera ng isda na naibenta nila sa halagang
P2,500.00 isang banyera. Ngunit sa kanilang
pag-aalaga sila ay gumastos ng P3,000.00 sa
pagkain, P2,500.00 sa paggawa ng palaisdaan at
P1,500.00 sa semilya ng tilapia.
Tanong:
1. Magkano ang Kabuoang pinagbentahan ni
Mag-asawa?
2. Magkano ang kanyang nagastos sa pag-
aalaga ng tilapia?
3. Magkano ang kanyang kita o tubo?
PANGKATANG GAWAIN
Upang madagdagan ang kita ng kanilang
pamilya naisipan ni Tonyo na mag-alaga ng
itik upang maipagbili ang karne nito. Sa
kanyang pag-aalaga ay gumastos siya ng
P4,000.00 sa patuka, P2,000 para sa sisiw,
P2,500.00 para sa kulungan at P1,500.00
para sa bitamina at gamot. Ang kanyang
100 itik ay naipagbili niya sa halagang 200
bawat isa.
Tanong:
1. Magkano ang Kabuoang pinagbentahan
ni Mang Ramon?
2. Magkano ang kanyang nagastos sa pag-
aalaga ng manok?
3. Magkano ang kanyang kita o tubo?
PANGKATANG GAWAIN
Si Maria ay nag-alaga ng layer upang
makapag negosyo ng pagbebenta ng itlog sa
mga sari-sari store. Sa kanyang pag-aalaga
ay gumastos siya ng P1,000.00 sa sisiw,
P4,000.00 sa pagkain, P2,000.00 sa
kulungan at P1,000.00 sa gamot at
bitamina. Makalipas ang halos anim na
buwan siya ay nakapag-ani ng 50 trey na
naipagbenta niya sa halagang 200 bawat
trey.
Tanong:
1. Magkano ang Kabuoang pinagbentahan
ni Maria?
2. Magkano ang kanyang nagastos sa pag-
aalaga ng manok?
3. Magkano ang kanyang kita o tubo?

You might also like