Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksyon ng Demand at Supply
Araling Panlipunan – Ika-siyam na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Interaksyon ng Demand at
Supply
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Carl Marie Mae L. Bandoy, Ricardo Nover Maralit
Editor: Noli V. Angon
Tagasuri: Sarah Kristine D. Tobias, Ivy Shey Krelin C. Torrejas, Josephine M. Senate
Tagaguhit: Ricardo Nover Maralit,
Tagalapat: Ricardo Nover Maralit, Noli V. Angon
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio – Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Leila L. Ibita – Education Program Supervisor – Araling Panlipunan
Lorna C. Ragos – Education Program Supervisor
- Learning Resource Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City


Telefax: (084) 261 – 3504
E-mail Address: Tagum.city@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksyon ng Demand at
Supply
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito dinisenyo ng mga edukador mula sa pampublikong
paaralan upang gabayan ang mga mag-aaral na makamit ang mga
itinakdang pamantayan ng Kto12 Kurikulum. Sa tulong ng modyul na ito,
inaasahang mapagtatagumpayan ng mga mag-aaral ang mga hamon sa pag-
aaral at matugunan ang mga pangangailangan sa paglinang sa kakayahan
at pagkatuto.

Naglalayon ito na tulungang linangin ang Ika-21 siglo na kakayahan ng mga


mag-aaral na tutugon sa pagkamit sa mga inaasahang pamantayang
pangkakayahan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-9 Mula Modyul 1 hanggang 5


sa Ikalawang Markahan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan sa pag-


aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Layunin nitong matulungan
ka na makamit ang mga competency at kasanayang pagkatuto. Ang iyong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong pagsusumikap na maisakatuparan ang
ating mga layunin sa modyul na ito.

ii
Alamin Natin

Isa sa konseptong nakapagpabago sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng tao ay ang kahalagahan ng demand at supply. Ano ang
magiging epekto kapag pagsasamahin ang dalawang konseptong ito? Paano
makakaapekto sa pamilihan ang interaksyon ng demand at supply?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng interaksyon ng demand at


supply bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan
tungo sa pagtamo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
sa ugnayan ng puwersa ng demand at supply, at sistema ng pamilihan
bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at bahay-
kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at
suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at supply sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan.

Mga Tiyak na Layunin:


1. Makapagpapaliwanag sa interaksyon ng demand at supply.
2. Nalalaman ang equilibrium price at quantity
3. Makapagsusuri ng shortage at surplus

1
Subukin Natin

Paunang Pagtataya
Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang


bilhing produkto ng mga konsyumer at ang handa at kayang
ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa
presyong kanilang pinagkasunduan.
a. Ekwilibriyo c. Shortage
b. Disekwilibriyo d. Surplus

2. Ano ang ipinahihiwatig ng graph.

3
Presyo
ng 2
Produkto
1
10 20 30
Dami ng Suplay

a. Ang demand curve ay nagpapakita ng quantity demanded sa


magkaibang presyo.
b. Ang supply curve ay nagpapakita ng quantity supplied sa
magkaibang presyo.
c. Ito ang punto ng ekwilibriyo kung saan ang quantity
demanded at quantity supplied ay pantay.
d. Ito ang punto kung saan ang quantity demanded at
quantity supplied ay hindi pantay

3. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami na demanded kaysa
sa dami ng produkto na nais i-suplay.
a. Ekwilibriyo c. Shortage
b. Disekwilibriyo d. Surplus

2
4. Anong ipinahihiwatig na pagbabago na nasa graph

80
70
S1
60
50
40
S2
30
20
D
10
0
10 20 30 40 50
S1 S2 D

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang pagbabago


sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.
5. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na
isinusuplay kaysa sa dami ng demand.
a. Ekwilibriyo c. Shortage
b. Disekwilibriyo d. Surplus
6. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago na nasa graph

90
80 D1
70 S
60
50
40
30
20 D2
10
0
10 20 30 40 50
D1 D2 S

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve

3
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.
7. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang Quantity
Demanded at Quantity Supplied sa isang takdang presyo ay tinatawag
na________________.
a. Ekwilibriyo c. Shortage
b. Disekwilibriyo d. Surplus
8. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago na nasa graph

80
70
S1
60
50
40
S2
30
20 D
10
0
10 20 30 40 50

S1 S2 D

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve.
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve.
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.

9. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo


pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa
kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo
sa pamilihan?
a. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masisiyahan ang
konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin
ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng
prodyuser.
b. Sa presyong ito, may labis ang quantity supplied sapagkat
maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang
tumaas ang kita.
c. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at
prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na
lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
d. Sa presyong ito, masaya ang konsyumer dahil ang labis na
quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity
supplied.

4
10. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago ayon sa graph?

90
80 D1
70 S
60
50
40 D2
30
20
10
0
10 20 30 40 50
D1 D2 S

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa demand curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.

Aralin Natin

Gawain 1: Larawan Suriin Mo!

Suriin ang nasa larawan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang ipinakikita sa larawan?

2. Ilarawan ang bawat tungkulin ng


bawat isa.

5
Paunlarin

ANG EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN

Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na


Essentials of Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay
nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Ang
konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at ang prodyuser naman ay
nakapagbebenta ng kanilang produkto.

Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami


ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at
ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang napagkasunduan.
Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng
konsyumer at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa
napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.

Halimbawa: Si Ryan ay nagtitinda ng cookies. Sa unang araw,


gumawa siya ng 50 cookies at ibinenta sa halagang limang piso kada
piraso. Nalungkot siya dahil maraming natira sa kaniyang paninda. Si
Miko, ang kaniyang suki, ay bumili lamang ng 10 piraso. Nagkaroon
ng labis na 40 piraso. Dahil sa kalabisan, binabaan niya ang presyo
sa halagang dalawang piso. Sa pagbaba ng presyo, naging maganda
ang tugon ni Miko. Sa mababang halaga, 40 piraso ang nais at
handing bilhin ni Miko ngunit 20 pirasong cookies lamang ang handa
at kayang ipagbili ni Ryan. Dahil sa labis na demand, nahikayat
siyang dagdagan ang ipinagbibiling cookies ngunit sa mas mataas na
presyo. Mula sa dating Php2, tumaas ang presyo sa Php3. Nabawasan
ang quantity demanded mula 40 piraso papuntang 30. Sa kabilang
banda, ang quantity supplied mula 20 piraso ay naging 30.
Mapapansin na pantay o balance and quantity demanded at quantity
supplied sa presyong Php3. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng
ekwilibriyo.

Ang ekwilibriyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ang


quantity demanded. Nagkakaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan
kung balance ang parehong dami ng supply at dami ng demand at
nagaganap ito sa isang takdang presyo. Kapag alinman sa dalawang
panig ang naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito
magiging balanse.

6
Quantity Presyo Quantity
Demanded (Qd) (P) Supplied (Qs)
10 5 50
20 4 40
30 3 30
40 2 20
50 1 10
60 0 0
• Sa presyong tatlong piso, ang quantity supplied at quantity
demanded ay pantay (Qd = Qs)
• Sa presyong mas mataas sa tatlong piso, mas maliit ang quantity
demanded kaysa sa quantity supplied. (Qd < Qs)
• Sa presyong mas mababa sa tatlong piso, mas malaki ang quantity
demanded kaysa sa quantity supplied. (Qd > Qs)

Ipinapakita lamang sa karanasan ni Ryan at ni Miko kung


paanong ang batas ng demand at batas ng supply ay nagkakaroon ng
interaksyon sa pamilihan. Gusto niyang mag-alok ng mas maraming
cookies kapag tumataas ang presyo. Sa kabilang banda, mas
maraming cookies ang nais at handang bilhin ni Miko sa mababang
presyo ngunit hindi naman siya nakahandang bumili ng mga ito sa
mataas na presyong nais ni Ryan.

Maaari ding makuha ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng


paggamit ng demand at supply function. Ipinaliwanag sa nakaraang
aralin na may inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at
quantity demand o quantity demanded (Qd). Ang bawat pagbaba ng
presyo nito ay nangangahulugan naman ng pagtaas ng quantity
demanded. Gamit ang konseptong ito, masasabing ang Qd ay isang
dependent variable samantalang ang P naman ay independent
variable. Ipagpalagay natin ang equation na Qd = 60 – 10P.

Sa kabilang banda, magugunitang may positibong ugnayan ang


presyo at supply. Sa pagbabago sa presyo (P) ay nakakaapekto sa
dami ng supply o quantity supplied (Qs). Samakatuwid, ang anumang
pagtaas ng presyo ay nangangahulugan din ng pagbaba ng dami ng
supply nito. Ipagpalagay natin ang mathematical equation na Qs = 0 +
10P.

Sa pamamagitan ng mathematical equation na ito ay maaari na


nating makuha ang ekwilibriyo. Una mong alamin ang halaga o
presyo gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili
ang value ng P sa demand at supply function. Ang makukuhang sagot
ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.

7
Ang kompyutasyon na nasa talahanayan sa ibaba ay
nagpapakita kung papaano makukuha ang ekwilibriyong presyo at
quantity.
Qd = 60 – 10P Qs = 0 + 10P
Qs = Qd Qd = 60 – 10P Qs = 0 + 10P
0 + 10P = 60 – 10P = 60 – 10(3) = 0 + 10(3)
10P + 10P = 60 – 0 = 60 – 30 = 0 + 30
20P = 60 = 30 = 30
20 20
P=3
Ekwilibriyong Presyo (P*) = 3 Ekwilibriyong Dami (Q*) = 30

Shortage at Surplus

Malinaw na inilahad sa mga panindang cookies ni Ryan na ang


pamilihan ay hindi kaagad nakapagtatakda ng ekwilibriyong presyo.
Kadalasan, dumadaan muna ito sa proseso ng paulit-ulit na
transaksiyon ng mamimili at nagbibili bago tuluyang matukoy ang
ekwilibriyong presyo at dami. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na
hindi pareho ang quantity demand at quantity supplied sa isang
takdang presyo ay tinatawag na disekwilibriyo. Ang pamilihan ay
maaaring makaranas ng surplus kung mas marami ang quantity
supplied kaysa quantity demanded. Sa kabilang banda, ang shortage
naman ay nararanasan naman kung ang dami ng demand ay mas
malaki kaysa dami ng supply.

Makikita sa graph kung paano naranasan ni Ryan at Miko ang


mga konsepto ng surplus at shortage.

Market Schedule para sa Cookies

Quantity Demanded (Qd) Presyo Quantity Supplied


(Qs)
10 5 50
20 4 40
30 3 30
40 2 20
50 1 10
60 0 0

8
5
4
Presyo ng
Cookies
3

bawat
2
1

20 40 60
Dami ng Cookies
Natuklasan ni Ryan na kapag ibinenta niya ang kanyang
cookies sa presyong mas mataas kaysa Php3.00, marami ang hindi nabibili.
Ang dami ng surplus ay nasusukat sa distansiya sa pagitan ng dalawang
kurba sa bawat presyo. Halimbawa, sa presyong Php4.00, 20 piraso ang
gustong bilhin ni Miko at 40 piraso naman ang gustong ibenta ni Ryan.
Naipapakita rito ang surplus na 20 cookies.

Nang magdesisyon naman siyang ipagbili sa halagang mas mababa sa


tatlong piso, kakaunti lamang ang cookies na handa at kaya niyang ipagbili
samantalang marami pang cookies ang handang bilhin ni Miko. Ang dami
ng shortage ay nasusukat sa distansiya sa pagitan ng dalawang kurba sa
bawat presyo. Halimbawa, sa presyong Php2.00, 40 piraso ang gustong
bilhin ni Miko at 20 piraso lamang ang gustong ibanta ni Ryan. Naipapakita
rito ang shortage na 20 cookies.

Mga Kaganapan at Pagbabago sa Pamilihan


Naitatakda ang presyo at dami ng produkto at serbisyo sa isang
pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ngunit ano kaya ang posibleng mangyari
kung magkakaroon ng paglaki ng supply samantalang hindi nagbabago ang
demand o kaya naman ay magkaroon ng mga pagbabago ng demand ngunit
walang pagbabago sa supply? Ano ang mangyayari sa ugnayan sa pagitan
ng mga prodyuser at konsyumer sa ganitong kalagayan?
1. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang pagbabago sa
demand curve

PRESYO S1

S2
40
E1

30
E2

40 50 70 DAMI

9
Ipinapakita sa graph sa itaas na ang ekwilibriyong presyo ay P40 at
ang ekwilibriyong dami ay 40 rin. Subalit kung magkakaroon ng paglipat
ng supply curve mula sa 1 S patungong 2S at pareho pa rin ang
demand,magkakaroon ng labis na suplay o surplus sa pamilihan.Kapag may
surplus sa pamilihan, bababa ang presyo ng produkto o serbisyo. Sa
pagbaba ng presyo, tumataas ang quantity demanded ngunit bumababa
naman ang quantity supplied.Dahil dito,mapapansin na nagkaroon ng
panibagong ekwilibriyong presyo na P30 at panibagong ekwilibriyong dami
na 50.
2. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa
demand curve.
PRESYO S2

S1

40 E2

30
E1

D
40 50 70 DAMI
Ipinapakita sa graph sa itaas na ang ekwilibriyong presyo ay P30 at
ang ekwilibriyong dami ay 50. Subalit kung magkakaroon ng pagbaba ng
supply mula sa S1 patungong S2 at pareho pa rin ang
demand,magkakaroon ng kakulangan o shortage sa suplay sa
pamilihan.Kapag may shortage sa pamilihan,tataas ang presyo ng produkto
o serbisyo.Sa pagtaas ng presyo, bumababa ang quantity demanded ngunit
tumataas naman ang quantity supplied. Dahil dito, mapapansin na
nagkakaroon ng panibagong ekwilibriyong presyo na P40 at panibagong
ekwilibriyong dami na 40 rin.

3. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang


pagbabago sa supply curve.

S
PRESYO E2
20
E1
D2
10
D1

40 50 60 DAMI

10
Ipinakikita sa graph sa itaas na ang ekwilibriyong presyo ay P10 at
ang ekwilibriyong dami ay 40.Subalit kung magkakaroon ng paglipat ng
demand curve mula D1 patungong D2 at pareho pa rin ang
suplay,magkakaroon ng labis na demand o shortage sa pamilihan. Kapag
may shortage sa pamilihan, tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo.Sa
pagtaas ng presyo nito, bababa ang quantity demanded subalit tataas
naman ang quantity supplied. Dahil dito, mapapansin na nagkaroon ng
panibagong ekwilibriyong presyo na P20 at panibagong ekwilibriyong dami
na 50.

4. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa


supply curve.
PRESYO
S

20 E1

10 E2
D1

D2

40 60 DAMI

Ipinakikita sa graph sa itaas na ang ekwiliibriyong presyo ay P20 at


ang ekwilibriyong dami ay 60. Subalit kung magkakaroon ng paglipat ng
demand curve mula D1 patungong D2 at pareho pa rin ang
suplay,magkakaroon ng labis na suplay o surplus sa pamilihan. Kapag may
surplus sa pamilihan, bababa ang presyo ng produkto o serbisyo.Sa
pagbaba ng presyo, taas ang quantity demanded ngunit bababa naman ang
quantity supplied. Dahil dito,mapapansin na nagkakaroon ng panibagong
ekwilibriyong presyo na P10 at panibagong ekwilibriyong dami na 50.

Gawin Natin

Gawain 2: Demand at Supply Functions


Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply
functions.

Qd = 400 – 6P Qs = - 400 + 10P


P Qd Qs
40 160
50 100
40 200

11
Gawain 3: Mind Map
Iayos ang tamang pigura ng mind map.Isulat sa loob ng kahon
ang mga konsepto at kahulugan nito.

Mga Konsepto:

Interaksyon ng Demand at Suplay

Ekwilibriyo

Disekwilibriyo
MIND MAP

Sanayin Natin

Gawain 4. TAMA O MALI.


Isulat sa patlang ang letrang T kung Tama at M kung Mali ang
sumusunod na mga pahayag.

____1. Tinatawag na surplus ang labis na suplay.

____2. Ang labis na demand ay nagpapababa ng presyo.

____3. Masasabing may disekwilibriyo kapag nagkasundo ang prodyuser at


konsyumer sa presyo at dami ng bibilhing produkto.

____4. Ang labis na suplay ay nagpapataas ng presyo.

____5. Kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng satisfaction ang


parehong konsyumer at prodyuser.

12
Gawain 5: EKWILIBRIYO, SURPLUS O SHORTAGE?

Isulat sa patlang ang salitang Ekwilibriyo,Surplus o Shortage kung


ang pangungusap ay tumutukoy ukol dito.Suriin nang mabuti ang
mga pahayag.

_________1. Mataas na demand sa laptop,kakaunti ang nagbebenta sa


merkado.

_________2. Ang mga tindang ice candy ni Marie ay biniling lahat ni Carl.

_________3. Kailangan ng mga guro ng 500 reams coupon bond. Ngunit 200
reams coupon bond lamang ang ibenebenta sa pamilihan.

_________4. Maraming nagtitinda ng mga halamang cactus dahil ito ay


nauuso ngayon.

_________5. May panic buying sa merkado dahil sa pandemyang Covid19.

Tandaan Natin

Gawain 6. SAGUTAN MO NA YAN!


Punan ang patlang ng tamang sagot.Sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Masasabing may Ekwilibriyo kapag


________________________________________________________
________________________________________________________

Masasabing may Disekwilibriyo kapag


________________________________________________________
________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Ano ang dalawang uri ng Disekwilibriyo?

2. Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan ng produkto sa


pamilihan? Ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa.

13
Suriin Natin

Panghuling Pagtataya
Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang


bilhing produkto ng mga konsyumer at ang handa at kayang
ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa
presyong kanilang pinagkasunduan.

a. Ekwilibriyo c. Shortage
b. Disekwilibriyo d. Surplus

2. Ano ang ipinahihiwatig ng graph.

Presyo 3
ng
2
produkto
1
10 20 30
Dami ng Suplay

a. Ang demand curve ay nagpapakita ng quantity demanded sa


magkaibang presyo.
b. Ang supply curve ay nagpapakita ng quantity supplied sa
magkaibang presyo.
c. Ito ang punto ng ekwilibriyo kung saan ang quantity
demanded at quantity supplied ay pantay.
d. Ito ang punto kung saan ang quantity demanded at
quantity supplied ay hindi pantay

3. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami na demanded kaysa
sa dami ng produkto na nais i-suplay.
a. Ekwilibriyo b. Disekwilibriyo c. Shortage d. Surplus

14
4. Anong ipinahihiwatig na pagbabago ayon graph ?

80
S1
60

40
S2
20

0
D
10 20 30 40 50

S1 S2 D

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.

5. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na


isinusuplay kaysa dami ng demand.
a. Ekwilibriyo b. Disekwilibriyo c. Shortage d. Surplus

6. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago ayon graph?

100

80
D1
S
60

40

20
D2
0
10 20 30 40 50

D1 D2 S

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.

15
7. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang Quantity
Demanded at Quantity Supplied sa isang takdang presyo ay tinatawag
na________________.
a. Ekwilibriyo b. Disekwilibriyo c. Shortage d. Surplus

8. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago ayon sa graph ?


80
70 S1
60
50
40
30
S2
20
10 D
0
10 20 30 40 50

S1 S2 D

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa supply curve.

9. Nagaganap angekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay


ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang
ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
a. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masisiyahan ang konsyumer
at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga
konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng prodyuser.
b. Sa presyong ito, labis ang quantity supplied sapagkat maaaring
magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
c. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser
sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang
bibilhin ng mga konsyumer.
d. Sa presyong ito, masaya ang konsyumer dahil ang labis na
quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity
supplied.

16
10. Ano ang ipinahihiwatig na pagbabago ayon graph?

90
80
D1
70
60 S
50
40 D2
30
20
10
0
10 20 30 40 50
D1 D2 S

a. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang


pagbabago sa demand curve.
b. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang
pagbabago sa demand curve
c. Paglipat ng demand curve pakanan subalit walang
pagbabago sa supply curve
d. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa
supply curve.

Payabungin Natin
Gawain 7. I -Venn Diagram Mo!
Ihambing ang Kakulangan at Kalabisan.Isulat sa loob ng
bilog ang tamang sagot at sa gitnang bilog ang pagkakatulad.
Gumamit ng kapirasong papel.

KAKULANGAN KALABISAN

Pagnilayan Natin
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa interaksyon
ng demand at suplay. Bilang mag-aaral,Paano nababago ng
interaksyon ng demand at supply ang pagtugon mo sa iyong mga
pangangailangan at kagustuhan?

___________________________________________________________________________

17
18
Gawain5.
EKWILIBRIYO, Gawain 4.
SURPLUS O TAMA O MALI.
SHORTAGE? 1.T
1.SHORTAGE 2.M
2.EKWILIBRIYO 3.M
3.SHORTAGE 4.M
4.SURPLUS 5.T
5.SHORTAGE
Gawain 2: Demand
at Supply Functions
Qd = 400 – 6P Qs = - 400 +
10P
P Qd Qs
40 160 240
50 100 100
60 40 200
Panghuling Paunang
Pagtataya Pagtataya
1. a 1. a
2. a 2. a
3. c 3. c
4. c 4. c
5. a 5. a
6.d 6.d
7.b 7.b
8.b 8.b
9.a 9.a
10.c 10.c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education, K to 12 Most Essential Learning Competencies: with CG


codes, 2020, 55.
Balitao, Bernard R., Martiano D. Buising, Edward D. J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex, P. Mateo, at Irene J. Mondejar. Ekonomiks :
Araling Panlipunan modyul para sa mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City

Telefax: (084) 216-3504

Email Address: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like