Modyul 5 Senate and Garcia

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

9

Araling Panlipunan
IKalawang Markahan Modyul 5
UGNAYAN NG PAMILIHAN AT
PAMAHALAAN
Araling Panlipunan – Ika-siyam na Baitang
Ikalawang Markahan –Modyul 5:Ugnayan ng Pamilihan atPamahalaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Unang Edisyon, 2020 Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: JOSEPHINE
Isinasaad M. SENATE,
sa Batas Republika LORENA
8293, BESIN-
Seksiyon GARCIA
176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang
Editor: Noli V. Angon akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ayTagasuri: SarahKabilang
pagkakakitaan. KristinesaD.mga
Tobias, Ivy Shey
maaaring gawin Krelin C. Torrejas,
ng nasabing ahensiyaJosephine
o tanggapan ay
M.pagtakda
ang Senate ng kaukulang bayad.
Tagalapat:Ricardo Nover G. Maralit, Noli V. Angon
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
Tagapamahala:
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari
Josephine L. Fadulng mga iyon.
-Schools Pinagsumikapang
Division matunton ang mga ito upang
Superintendent
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
Melanie
mga may-akda angP.karapatang-aring
Estacio -Assistant
iyon. Schools Division
Ang anomang Superintendent
gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
Christine C. Bagacay -Chief-Curriculum Implementationng mga ito.
Division
Leila L. Ibita
Walang anomang -Education
parte ng materyalesProgram Supervisor
na ito ang maaaring-Araling Panlipunan
kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Lorna C. Ragos -Education Program Supervisor
Inilathala ng Kagawaran ng-Learning Resources Management
Edukasyon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City


Telefax: (084) 216-3504
E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph
9
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Alamin Natin

Matapos mong matutuhan ang mga konsepto ng


pamilihan at iba’t ibang estruktura nito, sa bahaging ito naman
ay iyong tutuklasin ang tungkol sa ugnayan ng pamilihan at
pamahalaan. Upang higit na maging makabuluhan at mapukaw
ang iyong interes, halina’t simulan mo munang gawin at sagutin
ang susunod na mga Gawain.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

Mga Nilalaman
Ang Pamahalaan at Pamilihan

Pamantayan sa Pagkatuto

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay


makapagpapaliwanag ng kahulugan ng Pamilihan at Pamahalaan.
Makasusuri ng iba’t ibang sistema o estruktura ng Pamilihan na tumutugon
sa maraming pangangailangan ng tao.

Mga Tiyak na Layunin

1. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Pamahalaan sa


regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan
2. Nasusuri ang mga ahensya ng Pamahalaan na tumutugon sa mga
pangangailangan ng iba’t ibang sector sa lipunan

1
Subukin Natin

Panimulang Gawain : Pagtataya


Panuto : Basahing mabuti ang pangungusap at piliin ang
tamang sagot. Ang napiling sagot ay isulat sa
hiwalay na papel.

1. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan at maiwasan ang implasyon,


anong patakaran ang ipinapatupad ng pamahalaan?

A. Price Stabilization program


B. Price ceiling
C. Price tag
D. Price floor

2. Ano ang tawag sa sitwasyong hindi pareho ang quantity demanded at


quantity supplied sa isang takdang presyo?

A. Ekwilibriyo B.shortage C.surplus D.disekwilibriyo

3. Ano ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang mapanatili ang


katatagan ng presyo sa pamilihan?

A. Panghuhuli sa mga illlegal na vendors na nagkalat sa paligid


B. Pagtatakda ng price ceiling at price floor
C. Pagtataguyod ng mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga
konsyumer
D. Patuloy na panghikayat sa mga maliit na negosyante na palawakin
pa ang negosyo

4. Ito ay tinatawag na pinagkasunduang presyo ng konsyumer at


prodyuser.
A.Ekwilibriyong presyo B.pantay ang Qs at Qd C.shortage
D.surplus

5. Ito ay isang lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot
sa maraming pangangailangan.

A. Mall B.parke C.pamilihan D.pabrika

6. Anong ahensiya ng pamahalaan ang siyang nangangasiwa sa


kapakanan ng mga manggagawa
A. DENR B. DTI C. DAR D. DOLE
2
7. Alin sa mga sumusunod ang ipinapatupad ng pamahalaan sa
panahong nakaranas o katatapos pa lamang ng kalamidad sa bansa.

A. Equilibrium price B. Minimum price Policy C. Price Freeze


D. Anti-Profiteering law

8. Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaang nagsisiguro sa galaw


ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan na naaayon sa
batas.
A. DENR B. BFAR C. ERB D. DTI

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamababang sweldo sa


sektor ng paggawa.

A.Maximum wage B.Price ceiling C.Minimum wage D.Price floor

10. Alin sa mga sumusunod na republika ang tumutukoy sa


Minimum wage of the Philipines na nag uutos sa mga employer na
bigyang ng hindi bababa sa minimum wage ang isang manggagawa.

A. Republic Act 9003 B. Republic Act 602


C. Republic Act 7796 D. Republic act 11

Aralin Natin

Gawain 1 : WORD HUNT

Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita na nasa loob ng kahon sa


ibaba. Ang salita ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad. Gumamit ng
hiwalay na sagutang papel para sa gawaing ito.
1. Minimum wage 6. Pamahalaan
2. Price Ceiling 7. DTI
3. Pamilihan 8. Presyo
4. Price Floor 9. DOLE
5. Kakulangan 10. Kalabisan

3
M P B D O L E W P A I P
O I A H L E N A A N S R
R N N A D G T R M T L I
N A K I E A I A A A A C
I P P A M I L I H A N E
N A R R A U D N A A D F
G H O R D N M N L N D L
H A M A N D A W A P T O
T T P R P O S S A S I O
K A L A B I S A N T L R
P R E S Y O B A R G E D
S K A K U L A N G A N O
P R I C E C E I L I N G

Pamprosesong Tanong :
1. Anu-ano ang salita/konsepto na tila bago sa iyo?

Gawain 2: ONCE UPON A TIME


Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang maaaring
kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong
kasagutan sa papel.

Matagal nang magsasasaka si Mang Jose. Isang araw ay


nabalitaan niyang ang presyo ng kanyang produktong mais
ay binili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi
kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at fertilizer.
Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Jose?

Sagot:

4
Paunlarin

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa


paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging
sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging
ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahalagang ideya o konsepto
tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Mula sa mga inihandang
gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka sa pagsagot ng katanungan
na kung ano ang ugnayan sa pamamagitan ng pamilihan at pamahalaan.
Umpisahan mo ito sa pamamagitan ng unang teksto na nasa ibaba.

ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN


Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa.
Alinsunod sa itinatadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at
pangalagaan ang sambayanan. Sa aklat ni Nicolas Gegory Mankiw na
Principles of Economics, ipinaliwanag niya ang principle 7 na “Government
can sometimes improve market outcomes”. Ayon sa kanya, bagama’t ang
pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga
pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure.
Ang halimbawa ng mga ito ay ang paglaganap ng externalities gayang
polusyon at pagkaroon monopoly na nagdudulot ng pagkawala ng
kompetisyon.
Sa ganitong pagkakataon kinakailangan ang pakikialam o
panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan.Kaugnay nito hindi
nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na mapasailalim ang pamilihan
sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa pagtatakda ng buwis at
pagbibigay ng subsidy nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga
produkto at serbisyo. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan
ipinapatupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na
inflation. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay
nahahati sa dalawang uri: ang price ceiling at price floor.

5
Price Ceiling- ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price
policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
prodyuser ang kanyang produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga
produktong nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng
bigas, asukal,kape, harina,tinapay,itlog at maging ang instant noodles
na minamarkahan ng pamahalaan na tinawag na suggested retail
price (SRP). Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang
mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng
nasabing produkto lalo na sa panahon ng crisis. Samantala, sa
panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa
ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ang price freeze o
pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng
pamahalaan upang mapigilan ang mananamantala na mga negosyante
sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga
produkto. Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay masyadong
mataas sa pananaw ng mga konsyumer. Ang price ceiling ay itinatakda
na mas mababa sa equilibrium price. Labag sa anti -profiteering law
ang labis na pag papataw ng mataas ng presyo. Ito ay ipinatutupad ng
pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and Industry
(DTI), bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong
ng mga lokal na pamahalaan (Brgy., Bayan o Lungsod) upang
masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan ay naaayon sa batas
Ang graph sa dakong ibaba ay nagpapakita ng halimbawa.

Ayon sa graph Php 20 ang equilibriyong presyo. Subalit, ang presyong


ito ay maaring mataas sa tingin ng mga konsyumer. Dahil dito, ang
pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng Php 15 bilang
price ceiling ng mga Prodyuser. Dahil ang presyong Php 15 ay higit na mas
mababa kay sa equilibriyong presyo Php 20 inaasahang magdudulot ito ng

6
pagtaas ng quantity demandedna umaabot sa 90 na dami. Sa pagkat
mas mahihikayat ang mamimili na bumuli ng mga produkto at serbisyo kung
mababa ang umiiral sa presyo sa pamilihan kumpara sa equilibrium presyo
na Php 20 sa 60 lamang na kabuuang dami.
Sa kabilang dako, ang sitwasyong ito naman ay magpapababa ng
supply sa pamilihan sapagkat ang mga prodyuser ay hindi mahihikayat na
magprodyus. Kung minsan, maari nilang isipin na malulugi sila dahil mababa
ang presyo ng kanilang produkto dulot ng pinapairal na price ceiling ng
pamahalaan. Magkaroon sila ng ganitong pag iisip sapagkat ang kanilang
gastos sa produksyon, gaya ng presyo ng mga materyales at pasahod sa mga
manggagawa, ay fixed ang presyo.Ang kaganapang ito ay makapagdudulot ng
kakulangan(shortage sa pamilihan).

• Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price
policy na tumutukoy sa pinakababang presyo na itinakda ng batas sa
mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa
equilibrium price katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng
pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa
sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor
ng agrikultura at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng
minimum wage. Halimbawa kung masyadong mababa ang
equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang mga
magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na magtanim dahil maliit
naman ang kanilang kikitain mula rito. Kung magaganap ang
sitwasyong ito, magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi
makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang
pamahalaan ay magtatakda ng price support/price floor o ang
pinakababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani.
Maliban pa rito, maaaring ang pamahaalaan ang magsisilbing
tagabili ng mga aning palay ng mga magsasaka upang masiguro na
mataas pa rin ang kanilang kikitain at upang maiwasan ang
kakulangan ng supply sa pamilihan. Maliwanag na inako ng
pamahalaan ang malaking gastusin upang masiguro ang
kapakanan ng mga magsasaka at ng mga mamamayan

7
Batay sa graph, ang equilibriyong presyo na Php 25 ay mas mababa sa
itinalagang price floor na Php 50. Magdudulot ito ng pagtaas ng
quantitysupplied at magbubunga ng kalabisan (surplus) sa pamilihan.Higit
na mas marami ang supply, na isandaan (100) kung ihahambing sa dami na
dalawampu (20) na quantity demanded. Kapag may kalabisan maaaring
bumaba ang presyo at dami ng supply patungo sa equilibriyong presyo.
Subalit dahil may pinaiiral na price floor, hindi maaaring ibaba ang presyo
dahil ito ang itinakda ng batas. Dahil dito, malinawna ang price floor ay
nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan.

Sa kabilang dako, ipinatupad ng pamahalaan ang minimum wage


law o batas sa pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa upang
makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang
suweldo. Ang patakarang ito ay naaayon sa Republic Act 602 o
minimum wage law of the Philippines na nag-uutos sa mga employer
na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang manggagawa
batay sa Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rate as
of April 2014, ang mga manggagawa sa National Capital Region ay
nakatatanggap ng minimum wage na Php 466.00. Samantala ang
minimum wage sa mga probinsiya ay magkakaiba halimbawa ang
Region 4-A CALABARZON ay mayroong Php 362.50 at ang Region VIII-
--Eastern Visayas ay mayroong Php 260.00.Sa pangkalahatan, hindi

8
maitatangging mahalagang institusyon ang pamahalaan sa
pagsasaayos ng pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon kay John
Maynard Keynes, Ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi maiiwasang
patakbuhin sa ilalim ng mixed economy. May partisipasyon ang
pribadong sektor o ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
Subalit sa panahon na may krisis pang-ekonomiya, gaya na lamang ng
pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing
pangangailangan, maaaring makialam o manghimasok ang
pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at kabuuang ekonomiya.

Gawin Natin

Gawain: 3 TEKS – TO - INFORM


Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng pamahalaan sa
pagsaayos ng ating ekonomiya?

Gawain 4: Chain of Facts


Isulat ang sagot sa sagutang papel bago ang bilang.
Pumili ng tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.

__________ 1. Isang Organisadong sistemang pang-ekonomiya

kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser


o nagbibili upang magkaroon ng palitan.
__________ 2. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.

__________ 3. Ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan


upang mapatatag ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sa pamilihan.

__________ 4. Ito’y tumutukoy sa pinakamataas na presyo sa


maaaring ipagbili ng isang negosyante
ang kanyang produkto

9
__________ 5. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng
pamahalaan na nagbabawal sa pagtaas ng
presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon
ng emergency gaya na lamang ng kalamidad
(bagyo, lindol at iba pa.)

__________ 6. Isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang


tungkulin ay palawigin ang sistema ng kalakalan
ng bansa.

__________7. Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan


kung saan, ang supply ng produkto ay hindi sapat
sa planong ekonsumo ng tao.

__________ 8. Ang tawag sa pinakamababang presyo na itinakda


ng batas sa mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

__________ 9. Isang pangyayari sa pamilihan na kung saan may


sobra o higit ang supply ng mga produkto sa dami
ng planong ikonsumo o bilhin ng tao

__________ 10. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa


konstitusyon.

Price ceiling John Maynard


Keynes
Price Stabilization Pamahalaan

Price Floor DTI Shortage Gregory Mankiw

Subsidy Minimum wage Surplus Price Freeze


e
Floor

DOLE BFAD Pamilihan Paglingkuran at pangalagaan


ang mamamayan

10
Sanayin Natin

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at


pagtitibayin mo bilang mag- aaral ang mga nabuo mong
kaalaman ukol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa
kahalagahan ng pamilihan upang maihanda ang iyong
sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Price Freeze, Ipinatupad sa Calamity Areas


Iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60-
day price freeze sa mga lugar na idineklarang nasa state of
calamity.
Sa isang pahayag na ipinaskil sa official website nito, sinabi
ng DTI na dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong “Glenda” ay hindi
maaaring magtaas ang retailers ng presyo ng agricultural at non-
agricultural necessities.

Kabilang sa agricultural necessities ang bigas, mais, cooking


oil, isda, itlog, baboy, manok, karne, sariwang gatas, gulay,
prutas, rootcrops at asukal. Itinuturing namang non-agricultural
necessities ang canned marine products,
evaporated/condensed/powdered milk, kape, sabong
panlaba,noodles, tinapay, asin, kandila, at bottled water.
Samantala, naka-freeze din ang presyo ng Liquified
Petroleum Gas (LPG) at kerosene sa loob ng 15 araw.

11
Ang mga lalabag ay pamulmultahin ng Php5,000 hanggang
Php1,000,000 at/o pagkakakulong ng isa hanggang sampung
taon.____Mary Rose A. Hogaza
Pinagkunan:http://asia.widmi.com/index.php/philippines/balita-online/news211065-price-freeze-ipinatupad-sa-
calamity-areasRetrieved on: November 24, 2014

Gawain 5 : ULAT -PATROL

Batay sa balita na iyong nabasa, punan ng mahalagang


konsepto ang tri-radial cycle chart na nasa ibaba at sagutin ang
mga pamprosesong tanong.

Kahulugan/Layunin
pagpapatupad

Price Freeze

Mga kaukulang Mga uri ng mga


parusa sa paglabag produktong kabilang

12
Pamprosesong Tanong:
1.Patungkol saan ang balita?

2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price


freeze?

3. Makatuwiran ba ang laman ng balita? Bakit?

4. Magbigay ng mga pahayag mula sa balita na nagpapakita ng


kapangyarihan ng pamahalaan.

6.Bilang isang konsyumer, paano nakatulong sa iyo ang balita?

Tandaan Natin

• Ang Pamahalaan ay mahalagang institusyon sa ating bansa.


• Ang pagpapanatili ng katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at
hindi aktibistang pamahalaan. Isagawa ito sa pagtataguyod ng ganap
na kompetisyon.

• Ang Price Ceiling ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price


policy o pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
prodyuser.

• Ang Price Floor ay kilala rin bilang Price support at minimum policy
na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda na batas sa mga
produkto at serbisyo.

13
Suriin Natin

Panuto : Basahing mabuti ang pangungusap at piliin ang


tamang sagot.Ang napiling sagot ay isulat sa hiwalay
na papel.

1. Ito ay tinatawag na pinagkasunduang presyo ng konsyumer at


prodyuser.
A.Ekwilibriyopresyo B.pantay ang Qs atQd C.shortage D.surplus

2. Ito ay isang lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang


sagot sa marami ng pangangailangan.
A. Mall B. Parke C. Pamilihan D.Pabrika

3. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan at maiwasan ang


implasyon, anong patakaran ang ipinapatupad ng pamahalaan?
A.Price Stabilization program
B.Price ceiling
C.Price tag
D.Price floor

4. Ano ang tawag sa sitwasyong hindi pareho ang quantity demanded


at quantity supplied sa isang takdang presyo?
A. Ekwilibriyo B. Shortage C. Surplus
D. Disekwilibriyo

5. Ano ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang mapanatili


ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
A.Panghuhuli sa mga illegal na vendors na nagkalat sa
paligid
B. Pagtatakda ng price ceiling at price floor
C.Pagtataguyod ng mga batas na nangangalaga sa
karapatan ng mga konsyumer
D.Patuloy na panghikayat sa mga maliit na negosyante na
palawakin pa ang negosyo

14
Payabungin Natin

Gawain 6 : PAGBIBIGAY- KAHULUGAN


Ibigay ang kahulugan sa mga sumusunod na salita sa ibaba
at magbigay ng halimbawa nito, isulat sa isang buong papel
a. PRICE FLOOR

b. PRICE CEILING

c. MINIMUM WAGE

d. PAMILIHAN

e. PRICE FREEZE

Pagnilayan Natin

SAGUTIN ANG TANONG

Sikaping humanap ng sitwasyon kung saan may nagaganap na


palitan (exchange) sa loob ng paaralan. Halimbawa ay palitan ng salapi,
diskusyon, at iba pa. Ano ang maitutulong mo upang magkaroon ng
ekwilibriyo sa nasabing sitwasyon.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

15
16
PRICE FLOOR – Pinakamababang presyo na itinakda ng batas
PRICE CEILING – Pinakamataas na maaaring ipagbili ng prodyuser
MINIMUM WAGE – Pinakamababang sahud na itinakda ayon sa
batas
PAMILIHAN – Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung
saan nagtatagpo ang kunsyumer at nagbibili o prodyuser upang
magkaroon ng palitan
PRICE FREEZE – ang tawag sa patakarang ipinasunod ng
pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga
produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang
ng kalamidad(bagyo, lindol at iba pa)
1.pamilihan
2.pamahalaan
3.price
stabilization 1. A
4.price ceiling 2. D
5.price freeze 3. B
6.DTI 4. A
1. A 7.Shortage 5. C
2. C 8.price floor 6. D
3. A 9.surplus 7. C
4. D 10.paglingkur 8. D
5. B an at
9. C
pangalagaan
10. B
ang
mamamayan
Suriin natin Gawain 4 Pagtataya
Susi sa Pagwawasto
25 pts Kabuuan
sitwasyon
5 pts naipahayag ang
Malinaw na Pagpapahayag
10 pts ang mensahe
Maliwanag at angkop Mensahe
ekilibriyo
pagkakaroon ng
10 pts isang katibayan nang
Nakapagpapakita ng Nilalaman
Puntos Deskripsiyon Pamantayan
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay
Sanggunian

Department of Education K to 12 Most Essential Learning


Competencies: with CG codes, 2020, 55.
Balitao, Bernard R., Martiano D. Eduard D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito Jr. Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar,
Ekonomiks: Araling Panlipunan modyul para sa mag-aaral Pasigh
City: Vibal Group.,Inc., 20

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216 - 3504

Email Address: tagum. city@deped.gov.ph


18

You might also like