Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MGA SALIK NG PRODUKSYON

PRODUKSYON ay proseso ng pagpapalit anyo ng mga input upang makabuo ng output


INPUT Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ngprodukto.
OUTPUT naman ay tumutukoy sa mgatapos na produkto.
Halimbawa, kinakailangan ng input na kahoy, kagamitano kasangkapan, at manggagawa
upang makabuo ng output na mesa o silya
Nagagawa ang isang produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng salik ng
produksyon
(lupa, lakas paggawa, kapital atentrepreneur).
Mahalaga ang mga salik na ito upang makabuo ng produktona magagamit sa araw-araw na
pagkokonsumo ng mga tao
Mga Salik Ng Produksyon
Lupa Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim
pati yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat
bilang mahalagang salik sa paglikha ng produkto.
isang pangkalahatang kataga para sa materyal na nasa ibabaw at
hindi lamang ito tumtukoy sa pinagtamnan ng magsasaka sa
kanilang pananim o di kaya’y pinagtatayuan ng bahay
* Bait Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang
magpapatunay sa kahalagahan nito?
Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang
tubig at yamang gubat na makukuha.

Lakas Paggawa ay tumutukoy sa kakayahanng tao sa produksyon ngkalakal


o serbisyo
*Paano mo mapapatunayan na ang Ang lakas paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng
produksyon.
Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng produkto.

Entrepreneur Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa


nabuong produkto serbisyo.
Ang entrepreneur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng
produksyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang mahalagang gampanin sa
produksyon?
a. Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.

Kapital Tinaguriang mga kalakal o mga kagamitan tulad ng makinarya o kasangkapan


na nakalilikha ng iba pang produkto. Ang kapital ay tinaguriang mga kalakal o kagamitan
tulad ng makinarya o kasangkapan na nakalilikha ng iba pang produkto
*Bakit mahalaga Ang mga salik ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay
Ang kita sa bawat salik ng produksyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.
*Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang mga salik
ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
a. Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang
mga makinarya at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsama ang mga salik para sa
produksyon.
*
*Kung ang makukuhang kita sa
lupa ay upa or rent ,
sa entrepreneur ay tubo at
sa lakas paggawa ay sahod,
sa kapital ay Interes

iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Traditional Economy Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional
Economy. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap
sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha
ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa
sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t
walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging tradisyunal na ekonomiya?
Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang nagtatanim.
Market Economy Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang
pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema,
ang bawat kalahok-konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling
interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring
makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa
pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo,
pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang
bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng
mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may
katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang
nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa
kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa
karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga pribadong indibidwal.

Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa sumusunod ang iyong gampanin
bilang kasapi ng sistemang ito?
Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
*Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano napapanatili ang
kaayusan sa loob nito?
Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala nila sa pamilihan.

Command Economy Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng


komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan
ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng
pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng
kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng
pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa lupang
sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong
nagmumula rito. Ang patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union.
Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at North Korea.
*Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa produksyon. Paano
natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang produksyon sa command economy?
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak na plano.

Mixed Economy Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng


market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed
economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng
malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay
nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o
kumbinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping
nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura at mga
organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay 9 nagpapahintulot din na makagawa ng mga
pribadog pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi
nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga
desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

*Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung anong produkto at serbisyo
ang lilikhain? Pamahalaan
 Sistemang Pang-ekonomiya ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng ibat-ibang yunit
pangekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan?
a. Alokasyon b. c. Distribusyon d. Produksiyon
*Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod. Bakit mahalagang
magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang isang lipunan?

Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa prduksyon, distribusyon at alokasyon


ng mga produkto at serbisyo.

Presyo - Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrument sa pagtatakda kung gaano karami ang
bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang malilikhang mga produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing instrument ng konsyumer at prodyuser?
a. b. Produkto c. Pamilihan d. Pagpapalitan
a. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang panteknolohiya sa pagbuo ng mga
produkto at serbisyo.

a. Tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.


b. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon o plano.
c. Pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mga produkto at serbisyo.
*Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi ng mga
pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
Ekonomiks - Sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang
katapusang pangangailangan.
a.
Pamamahala ng tahanan - Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay:
*Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang
materyal na pangangailangan

*Tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa
pangkat?
1.Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
2.Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
3.Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?

* Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang
likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:
Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao

*Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon
ay: Opportunity cost ng desisyon
*Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng
ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
*Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o
angkop na kongklusyon.

Ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?


Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.

Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay
mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
nagsasaad ng diwang ito?
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na
tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga
mamamayan sa isang bansa.
Ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
.Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit
nararanasan natin ang kakapusan?
Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado
ang pinagkukunang-yaman

Opportunity cost
Ang halaga ng pagkakataon ( opportunity cost sa Ingles) ay ang halaga na ipinapataw saisang
bagay kapalit ng isa pang bagay para sa may pinagpipilian na hindi magkakaugnay namga
bagay. Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomika. Ang ideya ng halaga ngpagkakataon
ay may malaking importansiya para siguraduhin na ang mga mahirap namakuhang yaman ay
magagamit ng mas epektibo. Hindi ang halaga ng pera ang itinutumbas sahalaga ng
pagkakataon kung hindi ay ang tunay na halaga; ang halaga na hindi mo nakuha,ang oras na
hindi na maibabalik, ang tuwa o kahit ano pang magandang bagay na maidudulotnito sayo; ay
pwedeng gamitin na basehan para sa halaga ng pagkakatao

Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama
ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
Opportunity Cost

Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil
nanghihinayang siya sa maaari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang
halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
Opportunity Cost

Trade off
Ang trade-off ay ang papili, o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang
isangkaukulang bagay. Napakahalaga nito dahil makatutulong ito sa paggawa ng mga
matatalinongdesisyon.Sa madaling salita, ang trade-off ay nagtuturo sa iyo na hindi mo
maaring makuha lahat atkailangan may isakripisyo ka upang magawa ang isang bagay.

Marginal thinking
Sa ekonomiks, ang "marginal thinking" ay ginagamit ng mga tao sa paggawa ng mgadesisyon
sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang benepisyo ng isa pang yunit ng isang bagayay mas
malaki kaysa sa gastos nito. Ito ay maaaring maging lubos na mahirap, ngunit ang pag-unawa
kung paano pag-aralan ang mga pagpapasya sa margin ay mahalaga upang magingisang
mahusay na ekonomista. Ang "marginal thinking" ay ang pag-iisap sa kung magkano
angdagdag na gasto upang makakuha ng karagdagan pang mga bagay

*Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay
kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng
anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
Marginal Thinking

. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-
friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
Marginal Thinking

Incentives
Ang incentives o insentibo sa tagalog ay nangangahulugan ng salapi na naibibigay sa iyo
natinatawag ding bonus. Ito ang kadalasang inilalaan sa isa na nagtatrabaho kapag
nakagawasiya ng mabuto o naging produktibo ang isa. Ang incentives ay nakakapagbago sa
isang desisyon. Halimbawa, naka-isip ka na ng bibilhinmong pagkain sa tindahan. Nang
makapunta ka sa tindahan ay may nakita kang pagkain namukhang mas masarap at mas mura.
Dahil dito, yun na lang ang pagkain na binili mo dahil itoay mas masarap at mas mura kaysa sa
naisip mong bibilhin bago ka pa nakapunta satindahan

*Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng
kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa
sitwasyon?
Incentives

*Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng
suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan
pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa
aling katanungang pang-ekonomiko?
1.Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
2.Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3.Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4.Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
*Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na
magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
*Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya.
10

You might also like