Mga Ahensya at Programa para Sa Mga OFW

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

AHENSYA NG PAMAHALAAN NA NAMAMAHALA SA

MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS


A. Commission on Filipino Overseas (CFO) – ahensya ng
pamahalaan na nangangasiwa sa mga permanenteng
OFW sa iba’t ibang bansa.
B. Department of Foreign Affairs (DFA)- ahensya ng
pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga OFW sa
pamamagitan ng maayos na ugnayan sa pamahalan
ng mga bansang pandarayuhan.
C. Department of Labor and Employment (DOLE) -
nagsusulong ng mga kapakanan ng mga manggagawa at
nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan
sa industriya at paggawa ng bansa.
D. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) –
nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.
E. Philippine Overseas Employment Agency (POEA) –
itinatag sa bisa ng Executive Order 797 na may layuning
isulong at paunlarin ang mga program at pangalagaan
ang kapakanan ng mga OFW. Ang ahensya na
namamahala saPDOS
F. Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) –
namamahala sa mga operasyon ng DOLE sa 34 na opisina
nito sa bahaging Kanlurang Asya at Asya.
G. Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA) – itinatag sa bisa ng R.A.7796 at
nagsusulong na hikayatin ang partisipasyon ng industriya,
paggawa at lokal na pamahalaan at mga instistuyong
teknikal at bokasyunal upang sanayin at paunlarin ang
kasanayan ng manggagawa sa bansa.

MGA PROGRAMA UKOL SA MGA OVERSEAS FILIPINO


WORKERS (OFW)
A. Medium Term Development Plan 2004- 2010.
B. Magna Carta for Filipino Migrant Workers (RA8042) -
layuning protektahan ang kapakanan ng mga Overseas
Filipino Workers upang hindi maulit ang pagpaslang sa
dalawang OFW na sina Flor Contemplacion at Maricar
Sison na parehong napagbintangang pumatay sa kanilang
mga amo.
C. The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003
D. Presidential Decree 442 or the Labor Code of 1974.
E. Overseas Absentee Voting Act of 2003
F. On-site assistance (Section 28 of the Migrant Workers
and Overseas Filipino Act of 1995 – upang masiguro na
maayos ang kapakanan ng mga OFW.
G. Kabayanihan or the Kabayan-Bayani-Bayanihan
Program - magkaugnay na programa na naglalayong na
masiguro ang kapakanan at karapatang-sosyal ng mga
OFW sa mga dayuhang bansa.
H. Lingkod sa Kapwa Pilipino/ Link for Philippine
Development(LINKAPIL) – gabayan ang mga Pilipino sa
kanilang pagpasok sa negosyo at ibang proyekto
na nais nilang simulan gamit ang mga remittances.
I. TULAY – programa mula sa DOLE, Microsoft at OWWA
na turuan ang pamilya
ng OFW ng mga pangunahing gabay sa paggamit ng
internet sources at computer upang maging maginhawa
ang ugnayan ng OFW at ang kanyang pamilya.
J. Balik Scientist Program ng Department of Science and
Technology – hikayatin ang mga Filipino scientist na
bumalik sa bansa at ibahagi ang kanilang galling sa ating
mga kababayan.

You might also like