Murcia National High School

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Region VI- Western Visayas


DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Murcia National High School
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SUMMATIVE TEST #2
I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na BatasMoral?
A.Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
B.Kailangan ito ng lahat ng tao
C.Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
D.Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
2. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sakasalukuyang panahon.
A.Likas na Batas Moral
B.Konsensiya na nahubog sa batas-moral
C.Kalayaan
D.Isip,puso at kamay
3. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na BatasMoral ay ginagamit na
________________________.
A.Pagbabago sa mga bagay na nagawa.
B.Batayan ng kabutihan ng mga gawain.
C.Personal na pamantayang moral ng tao.
D.Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
4. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?
A.Mahalaga ito upang maging ganap na tao
B.Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan
C.Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama
D.Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.
5. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa paghubog ng konsesniya?
A.Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
B.Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
C.Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
D.Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
6. Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti.
A.Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
B.Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C.Talikuran ang mga pagkakamali
D.Unawain at pagnilayan ang mga karanasan a hamon ng buhay
7. Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
A.Batas
B.Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C.Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D.Mga batas ng mga may awtoridad
8. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A.Kung ang kilos ay tama o mali
B.Pamumuhay ng isang tao
C.Ang mga maling nagawa ng tao
D.Kung nakagawa ka ng kabutihan
9. Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo samabuting pagkilos ay nagmula sa
__________________.
A.Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
B.Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad.
C.Nagmula sa ipinamana ng magulang
D.Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay
10. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang paghubog ng konsensiya?
A.Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
B.Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti omasama sa hinaharap.
C.Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap aypawang kabutihan
D.Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
11. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan atdahilan na kakailanganin sa paglapat ng
obhektibongpamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taongnasaktan dahil sa desisyong ginawa.
C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangangpag-isipan ng maayos ang mga pasiyang
kailangang gawin.
D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming taoang nakinabang sa kinalabasan ng kilos.
12. Nalaman ni Pedro na ang hinihiling na marka para matanggap sa SeniorHigh STEM track ay 85% pataas kaya
bumuo siya ng pasya napagbubutihin niya ang pag-aaral sa buong taon. Aling salik ng pagpapasyaang nakatulong
sa kanyang pagpapasyang mag-aral ng maigi?
A. Mga payo o Gabay C. Sitwasyon
B. Impormasyon D. Pagkakataon
13.Ang pakikinig sa mga isinasagawang “Information Education Campaign”ay isang paraan para makabuo ng pasya
kung aling Senior High Track angpaghahandaan.
A. Tama dahil sa mga impormasyon naksalalay ang ating pasya.
B. Tama dahil makakatulong ito para maliwanagan ang bawat
mag-aaral kung ano ang kanilang dapat paghandaan.
C. Walang kinalaman ang EIC sa pagpapasya ng kursong nais kunin.
D. Hindi ito kailangan dahil hindi naman makakatulong para
mabawasan ang gastusin.
14. Bago pumasok si Pilar sa paaralan bilang grade 10, matiyaga niyangsinusuri ang pagkakasunud-sunod ng kanyang
mga asignatura. Ito rinang ginamit niyang batayan sa paggawa ng kanyang takdang aralin parawala siyang
makaligtaan. Aling salik ang lalong nakatulong sa kanyangpagpapasya?
A. Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.
B. Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.
C. Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.
D. Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.
15. May nabasang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay hinggil sapangangalaga ng kalikasan si Pilar. Pinag-isipan
niyang mabuti kungsasali siya dahil ang mananalo ay magkakaroon ng gantimpalangmaglakbay sa mga bansang
kasapi sa ASEAN. Kung sakaling siya aysasali, aling salik ng pagpapasya ang nagbigay ng lakas-loob para sumalisa
patimpalak?
A. Ang taglay na talino ni Pilar
B. Ang impormasyon na nabasa
C. Ang sitwasyon sa mga bansang kasapi sa ASEAN
D. Ang pagkakataong malibot ang mga bansang kasapi sa ASEAN.
16. Bago sumali sa paligsahan sa pag-akyat ng bundok, inalam muna niPedro ang katangian ng kanyang aakyating
bundok. Nalaman niya na itoay isang “rain forest” kung saan may mga linta sa daraanan niya.Nagpasya siyang
magbaon ng “anti leech sock” para hindi siya makagatng mga linta. Alin ang nakatulong sa kanyang pagpapasya?
A. Ang sitwasyon ng bundok na kanyang aakyatin.
B. Ang impormasyong nabasa niya tungkol sa mga linta.
C. Ang mga payo ng mga bihasang umaakyat sa mga rainforest.
D. Ang una at pangalawang salik
17. Pagkapili ni Pedro ng mga kinakailangan sa paglalakbay, napahinto siyang saglit. Maingat niyang sinusuri ang
bawat bagay na dadalhin niya sapaglalakbay. Tinimbang niya kung mabubuhat niya lahat ang kanyangnapiling
dadalhin. Natanong din niya kung sapat ang kanyang dalanggamit hanggang sa kanyang pagbaba mula sa bundok.
Aling kilos angisinasagawa ni Pedro?
A.Pagninilay-nilay C.Pagsusuri ng bigat ng dadalhin
B.Pagtimbang gamit ang timbangan D.Lahat ng nabanggit
18. Nagpasya si Maria na sapat na ang makakuha ng pasadong marka. Ayonsa kanyang pagtatantiya hindi naman
kailangang laging mataas angmarka. Subalit nabanggit ng kanilang guro minsan na mahalagangmakakuha ng mataas
na marka kung nais ng isang mag-aaral na kumuhang kursong pagiging nars sa kolehiyo. Aling salik ang nakaligtaan ni
Mariasa pagbuo ng kanyang pasya na sapat na ang pasadong marka?
A.Kaalaman sa sitwasyon C.Gabay ng magulang
B.Sapat na impormasyon D.Lahat ng nabanggit
19. Matiyagang nakikinig at binabalangkas ni Pedro sa kanyang kuwadernoang mga paliwanag ng kanyang mga guro
sa bawat aralin araw-araw.Batid niya na hindi kaya ng kanyang mga magulang na bumili ngsmartphone kaya siya’y
nagpasyang gumawa ng sariling outline. Alingsalik ng pagpapasya ang lalong nakatulong sa pagbuo ng ganoong
pasya?
A. Impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.
B. Sitwasyong kinakaharap ng kanyang pamilya.
C. Mga Gabay o pangaral ng mga magulang.
D. Lahat ng nabanggit
20. Araw-araw na nadaraanan ni Maria at Pedro ang mga kalat sa daanpapunta sa kanilang paaralan. Nagpasya
silang bumubo ng Youth forEnvironment organization sa paaralan para magsagawa ng paglilinis.Aling salik ang nag-
udyok sa kanila para makabuo ng ganoong pasya?
A. Gabay ng mga guro C. Sitwasyong nakikita
B. Impormasyon nakakalap D. Pagkakataong tumulong

You might also like